You are on page 1of 11

Ang banghay aralin na ito ay binubuo ng mga aralin tungkol sa mga uri ng

Teksto. Malalaman kung anu-ano ang mga uri ng Teksto at ang bawat
paksa ay malayang nakapaglalahad ng kani-kanilang opinyon o mga
halimbawa tungkol sa paksang pinag-uusapan.

Ang bawat miyembro ng grupong ito ay naghanda ng iba’t-ibang


presentasyon ukol sa iba’t-ibang URI NG TEXTO.

Tekstong Deskriptiv
BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 2

GRAMATIKA AT PAGBASA

IKALAWANG MARKAHAN – UNANG LINGGO

I. ANG PAKSA / MGA KASANAYAN / MGA KAGAMITAN

Paksa Kapaligiran at Kaunlaran

Pamagat May Ginto Sa Kapaliguran

Uri ng Texto Dekriptiv

Kagamitan Texto , Visual Aids o Larawang Guhit

Gamit ng Wika Paglalarawan

Istruktura ng Wika Pangungusap na nagpapakilala ng pahiwatig

Kasanayang Pampag-iisip Pagtukoy sa kalalabasan ng mga inilarawang pahiwatig

Halagang Pangkatauhan Pagtataglay ng positibong ugnayan sa kapaligiran at kabuhayan

II. MGA INAASAHANG IBUBUNGA (SA BAWAT ARAW)

1. Nahihinuha ang kahulugan ng pamagat at naiuugany ang implikasyon nito sa sariling karanasan.

2. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pahiwatig at kaisipang nakapaloob sa teksto.


3. Natutukoy ang tono ng teksto at saklaw ng paglalarawan nito.

4. Naipapaliwanag ang katangian ng isang tekstong deskriptiv.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

 Panimulang Gawain: Pagdedesisyon


Magbibigay ng isang katanungan ang guro na hahamon sa isipan ng mga magaaral.

 Paglalahad
Pagpapabasa sa pamagat ng tekstong ipababasa at pagbibigay hinuha sa kahulugang nais ipahiwatig nito.

Pangkatang Gawain ( bawat pangkat ay may gawain)

Pangkat 1 – “Ako, Bilang Araw ng Kapaligiran”

Pangkat 2 – Pag-uugnay sa karanasan

Pangkat 3 – Pag-uulat (PRS)

 Pagpapabasa sa tekstong lunsaran – “May Ginto Sa Kapaligiran”


May Ginto sa Kapaligiran
Tumingin sa paligid. Tumingala sa kalawakan. Damhin ang hanging dumadampi sa balat. Tingnan ang lupang tinatapakan….
Pansinin ang lawak at masasabing “Kayganda ng kapaligirang ipinagkaloob ng Maykapal sa kanyang nilikha!’ Malalawak ang
kabukiran, kagubatan at karagatang nagtataglay ng makukulay na kaanyuan. Paraisong kaysarap tirahan!
Hindi mapipigilan ang mabilis na pag-inog ng mundo. Mabilis din ang pagdami ng kanyang nilalang na may taglay na talinong
paunlarin ang buhay. Hindi tumigil sa paghanap ng mga paraan upang mailagay ang buhay sa magandang kalagayan.

Lingid sa kaalaman, nabulabog ang kalikasan. Sa mga interaksyong nagaganap, napipinsala ang pisikal na kapaligiran. Oo ang
tahimik na biktima. Hindi ito kataka-taka… Nilikha ang kapaligiran upang magsilbi at mapakinabangan ng tao.

Masdan ang kapaligiran. Ang mga bukiring malalawak ay lumiliit na dahil sa mga gusaling itinayo. Maging ang halaman at
hayop ay naaapektuhan ng mga pagbabagong ginagawa ng tao sa kanyang paligid.

Maliwanag sa atin ang katotohanang ang kapaligiran ay para sa tao at ang tao ay para sa kapaligiran. May tungkulin ang taong
pangalagaan ang mga ito para rin sa patuloy niyang kapakinabangan.

Dahil sa mga pang-aabuso at kapabayaan sa kapaligiran, nagiging sanhi ito ng pagkamatay ng iba’t ibang bahagi ng kalikasan. Ito
ang dahilan kung bakit may polusyon ng hangin, tubig at lupa sa maraming lugar sa daigdig.

Ang polusyon ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit. Palasak na senaryo ngayon ang maraming taong naoospital. Hindi tuloy
nagiging epektibong mamamayan. Nakapipinsala rin ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda kayat nakaaapekto sa
ekonomiya ng bansa.

Maraming senaryo na tayong nasaksihan kung paano nilapastangan ang paraisong kaloob ng maykapal. Napaluha na rin tayo sa
mga nasabing senaryo.

Magkatuwang ang tao at kapaligiran sa pagkamit ng kaunlaran. May kakayahan ang taong harapin ang suliranin at kakayahang
lumutas sa mga suliranin sa kapaligiran. Pagyamanin at di patayin ang likas na yamang kaloob ng Diyos sa atin. Laging isaisip
may ginto sa paligid na dapat pahalagaan.
 Gawain matapos na mabasa ang lunsaran
Pagpapakahulugan sa mga salita , parirala o pangungusap na hindi maunawaan.

Ibigay ang nais ipahiwatig : “Kalikasan…Tahimik na biktima”

Ibigay ang pamatnubay na tanong: Anu-ano ang mga “ginto” ng kapaligiran? Bakit mahalagang pahalagahan ang mga ito?

 Pagsusuri sa tekstong lunsaran.


Anong uri ng teksto ang binasa? Ipaliwanag.

Ibigay ang katangian ng teksto.

Dapat isaalang-alang sa tekstong deskriptiv.

IV. EBALWASYON

 Pangkatang Gawain: ( Gamit ang Power Point )


P-1 : Gumawa ng brosyur na patalastas na hihikayat sa mga tao na magkaisang pangalagaan ang kalikasan.

P-2 : Ibigay ang nais ipahiwatig sa pahayag na… “ Polusyon sa Kalusugan at Kapaligiran”

P-3 : Piliin ang mga kaisipan sa teksto at ipaliwanag ito.

V. TAKDANG-GAWAIN

Magsaliksik at humanap sa internet ng mga magagandang tanawin na dulot ng kalikasan at lagyan ito ng mga pahayag o
pangungusap na may pahiwatig ng pagpapahalaga at pangangalaga sa likas na yaman.

Tekstong Persweysiv
Di- Masusing Banghay Aralin

Sa Filipino II

I. Layunin

Pagkatapos ng leksyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Makilala ang tekstong persweysiv.

2. Matutukoy ang kinakausap at naglalahad sa teksto.

3. Makagagawa ng halimbawa ng tekstong persweysiv.


II. Paksang Aralin

A. Paksa: Tekstong Persweysiv

B. Sanggunian:

C. Kagamitan:

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Balik-aral

Ano ang tekstong Informativ? Ito ay isang uri ng teksto na naglalahad ng mga
makatotohanang impormasyon. Halimbawa nito ay ang mga balita at kasaysayan.

B. Paglinang na Gawain

1. Pagganyak

Ang guro ay magbibigay ng isang teksto na babasahin ng mga mag-aaral sa loob


ng ilang minuto.

MAHALAGA ANG VAT SA EKONOMIYA NG BANSA


Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon.
Dahilan kung bakit buo ang loob na makasumpong ng mga alternativong
mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa mga
proyeektong pangkaunlaran. Kaya’t hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating
Pangulong Fidel V. Ramos ay itinulak na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa
pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa iba’t ibang bansa
na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapag-
uwi ng mga foreign investments na esensyal na modernisasyon ng lokal
na industriya.

Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang “privatization” na nagpasok ng


malaking salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang
Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron.
At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng
pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX
LAW.

Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging


maayos ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga
luxury services o tertiary commodities na karamihan ang mga mayayaman lamang
ang mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car,
advertisement, real estate at iba pa.

Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng


mga mamamayan tulad ng bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at
jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang “taxation” at masugpo
ang “tax evasion” na naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan.

Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman


nagnais ng masama sa bawat batas na kanilang ipinatutupad.
Hindi pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at
maayos na pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating mga
Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa problema. Kung nais nating
mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana
nating magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.

Tangkilikin natin ang VAT!

2. Pagpapakahulugan sa mga salita o parirala na hindi naunawaan batay na rin sa


paggamit nito sa texto.

Mga Salita Kahulugan

1. Administrasyon

2. Modernisasyon

3. Korporasyon

4. Industriya

5. Prinsipyong pinanghahawakan
3. Magkakaroon ng talakayan tungkol sa binasang teksto. Ang guro ay
magtatanong ng ilang katanungan mula sa tekstong binasa ng mga mag-aaral,
katulad ng sumusunod:

– Sino ang nagsasalita sa texto?

– Sino ang maaaring kinakausap ng sumulat sa texto?

– Sino ang tiyak na kinakausap sa texto?

4. Pagbibigay ng faynal na input ng guro ukol sa kinakausap at nagsasalita sa


teksto.

Argumentativ

– ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng proposisyon upang makahikayat


at magpaliwanag ang teksto kung ito’y nagpapakita ng mga proposisyon sa umiiral
na kaugnayan sa pagitan ng konsepto o iba pang proposisyonang ganitong uri ng
teksto ay tumutugon sa tanong.

Tekstong Prosijural
`BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO II

GRAMATIKA AT BAGBASA

IKATLONG MARKAHAN

I. PAKSA/ MGA KASANAYAN/ KAGAMITAN

Paksa: Pagnenegosyo

Pamagat: Mga Hakbangin Sa Pagpaplano ng Negosyo

Uri ng Teksto: Prosijural


Kagamitan: Mga larawan

Gamit ng Wika: Pagbibigay at pagsunod sa direksyon

Instruktura na Wika: mga ginagamit na paksa sa pagbubuo ng pangungusap

Pangkatauhan: malinaw at maayos na pagsasagawa ng isang bagay sa pamamagitan ng direksyon.

II. MGA INAASAHAN NG BUNGA (SA BAWAT ARAW)

a. Nakabubuo ng mga hinuha sa paksa batay sa pamagat

b. Nailalapat ang mga tiyak na karanasan at kaalaman kaugnay sa paksa

c. Nakapamamalas ng pag-unawa sa mga direksyon sa isang gawain

d. Natutukoy ang relasyon ng teksto sa sumulat sa tulong ng mga tiyak na bahagi.

e. Naipaliliwanag ang katangian ng isang tekstong prosijural

f. Nakikilala ang mga salitang ginagamit na paksa sa pagbubuo ng pangungusap.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Unang Araw

a. Paninmulang Gawain – FAW ( Form a Word)

Isaayos ang mgaunang letra ng salita upang makabuo ng isang makabuluhang salita.

Gugol suweldo yaman

Negosyante operesayon

Overtatum ekonomiya
1. Paggany
ak

Itanong: sino-sino ang kilala ninyong matatagumpay na negosyante?

b. Paglalahad

1. Pagbabasa sa pamagat ng tekstong ipababasa at pagbibigay-hinuha sa kahulugang maaaring ipahiwatig nito

Mga Hakbangin sa Pagpaplano ng Negosyo

2. Pang
katang
Gawain

Pangkat 1 – Discussion Web

Pangkat 2 – order of Importance

Pangkat 3 – Mind Mapping

Pangkat 4 – Konotasyon at Denotasyon

– Pagbabahagi sa klase ng kinalabaasang pangkatang talakayan

– Pagdaragdag kung kinakailangan

c. Pagbabasa sa textong lunsaran

IV. PAGBUBUOD SA BINASA – saynikal na tsart

(Daloy ng proseso mula sa simula hanggang katapusan)

Ikalawang Araw
1. Pagtatalakay sa aralin

a. Panimulang Gawain: Pie Graph

Panuto: Buuin ang pie graph ayon sa mga gastusing mapaglalaanan sa negosyong karinderya sa loob ng isang buwan. Lagyan ng
kaukulang bahagdan (100%)

b. Pagganyak

Itanong: anong negosyo ang malakas pagkakitaan ngayon?

c. Pagpapabasa ng teksto (lunsaran)

Pamatnibay na tanong: Anong mga bagay ang nararapat isaalang-alang sa pagtatayo ng negosyo?

a. Pagpapakahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi maunawaan batay sa pagkakagamit nito sa teksto.

b. Pagpapailalim ng kaalaman (pangkatang Gawain)

Ikatlong Araw

A. Pagganyak

Itanong: Anong oagkain ang alam ninyo iluto?

Papano ninyo ito natutuhan?

B. Pagpapabasa sa ikalawang lnsaran: “Paano Ba Magluto Ng Bibingka?”

(Ang detalye ng lunsuran ay mababasa sa “Gawain ng Magaaral.”

C. Pagsusuri ng tekstng batay sa tiyak na katanginan at uri nnito.

– Ibigay ang mga pamatnubay sa tanong.


D. Pgbibigay-input ( Inpiut ng guro)

E. Pangkatang Gawain

– Pagbabahagi sa klase ng kinalabasan ng pangakatang Gawain

– Pagdaragdag ng guro kung kinakailangan

Ikaapat na Araw

A. Pagganyak

Itanong: Inu-sinong matatagumpay na mangangalakal ang kilala ninyo?

B. Balikan ang nakaraang lunsuran

C. Pagsusuri sa binasang teksto

1. Pagbabasa sa mga pangungusap na may iba’t ibang paksa

2. Pagtukoy sa iba’t ibang uri ng paksa

D. Pagbibigay ng Input

Mga ginagamit na paksa sa pagbubuo ng pangungusap

Ang pangungusap ay maaaring

1. Pangngalan
2. Panghalip
3. Pang-uri
4. Pandiwa
5. Pawatas

-pagbibigay ng mga halimbawang pangungusap ang mga magaaral gamit ang mga pamaksang pangungusap na nasa itaas.
Ikalimang Araw – Ebalwasyon

Magbigay ng maikling pagsubok sa mga magaaral.

` Panuto: isaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ang proseso sa paggawang Chicken Tosinobaty sa uring teksyong
prosijural.
( Nasa Gawain ng Mag-aaral ang detalye)

https://www.scribd.com/document/426755485/Halimbawa-ng-Tekstong-Prosidyural

You might also like