You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

“GURO TURO SA HIMPAPAWID” Grade level & Subject:


(Script) _______________________________________
Radio Station: ________________________ Radio Teachers: _______________________
Date: ________________________________________ Radio Host/Anchor: ___________________
==========================================================================

III. RBI Proper (Teacher-Broadcaster outline)—Direct Teaching Filipino (25 mins)

(Greetings, Quarter and Module/Week no.)


Magandang hapon mga giniiliw naming mga mag-aaral na nakatutok. Isang panibagong
leksyon na naman ang ating tatalakayin sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang
teksto tungo sa pananaliksik. Nasa unang kwarter tayo, modyul 3 ng ikatlong linggo.
Ang paksa natin ngayon ay TEKSTONG IMPORMATIBO: PARA SA IYONG KAALAMAN. Muling
paalala, gamitin ang modyul 3 ninyo sa paksang ito. Huwag na nating patagalin pa. Tara!
Simulan na natin!

(Objectives)
Ang layunin natin sa araw na ito, kayo ay inaasahang
a. Naipaliliwanag ang mga katangian ng tesktong impormatibo at ang ikinaiba
nito sa ibang uri;
b. Natutukoy ang mga uri ng teskstong impormatibo;
c. Naiisa-isa ang mga katangian ng tekstong impormatibo
(Discuss the content/lesson here. You may also provide examples to elaborate the
discussion)

“Epekto ng Labis na Pangingisda sa Karagatan”

Ang hindi mapanatag na pangingisda ay nakilala bilang ang pinakamalayo


sa lahat ng mga lokal na pagbabanta sa mga coral reef. Higit sa 55% ng mga reef
sa mundo ang nanganganib sa pamamagitan ng sobrang pangangaso at / o
mapanirang pangingisda. Ang ilang mga rehiyon, tulad ng Timog-silangang Asya,
ay lalo nang nanganganib, kung saan ang halos 95% ng mga reef ay apektado. Sa
katunayan, marami sa mga pinaka-remote na coral reef ng mundo ay mabigat na
nagmamay-ari. Reef fisheries ay isang mahalagang pinagkukunan ng pagkain at
kabuhayan para sa maraming komunidad sa baybayin sa buong mundo. Sa ilang
mga kaso, ang mga fisheries na ito ay mahusay na pinamamahalaang at maaaring
maging isang sustainable mapagkukunan.

Gayunpaman, ang mga stock ng isda ay lalong nanganganib dahil sa


maraming mga kadahilanan kabilang ang mas mataas na demand para sa mga
produkto ng isda at seafood; mas mahusay na paraan ng pangingisda; hindi sapat
na pamamahala at pagpapatupad; at kakulangan ng alternatibong pagpipilian sa
kabuhayan.

Ang overfishing (ibig sabihin, nakakakuha ng mas maraming isda


kaysa sa suporta ng sistema) ay humantong sa pagtanggi sa populasyon ng
isda, epekto sa malawak na ecosystem, at mga epekto sa umaasang mga
komunidad ng tao. Kabilang sa mga mapangahas na paraan ng pangingisda ang
paggamit ng mga eksplosibo upang pumatay o makawala ng isda, na sumisira sa
mga korales.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

Ngayon naman ay sisispiin natin ang katotohanan batay sa binasa kong teksto.
Ilan sa mga katotohanang nabanggit ko ay ang sumusunod:

1. Higit sa 55% ng mga reef sa mundo ang nanganganib sa pamamagitan ng sobrang


pangangaso at / o mapanirang pangingisda.
2. Ang ilang mga rehiyon, tulad ng Timog-silangang Asya, ay lalo nang nanganganib, kung
saan ang halos 95% ng mga reef ay apektado.

Sige nga, kayo rin, ipagpatuloy ninyo ang pagsagot.

Nilalaman

Palalalimin ng araling ito ang kalikasan, katangian at anyo ng iba’t ibang


uri ng teksto. Matutunghayan sa iba’t ibang gawain ang paglilinang sa iyong
kaisipan sa isang malawak na pang-unawa tungkol sa iba’t ibang uri ng teksto.

Ang lahat ng kasanayan sa kritikal na pagbasa at pagsulat sa bahaging ito ay


magiging pundasyon tungko sa pagbuo ng isang mahusay na pananaliksik.

Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori,


ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan,
saan, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang
magpaliwanag ng mambabasa ng anomang paksa na matatgpuan sa tunay na
daigdig. Kaiba sa pikisyon, nag lalahad ito ng mga kwento ng mga tunay na tao
o nagpapaliwang ng mga konseptong naka batay sa mga tunay na pangyayari.

Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya,


mga impormasyon na matatagpuan sa diskyunaryo, encyclopedia, o almanac,
papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa dyaryo.

May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo. May iba’t ibang uri ng
tekstong impormatibo depende sa estraktura ng paglalahad nito. Ang mga
estrakturang ito ay; sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay- depenisyo,
paglilista ng klasipikasyon.

Sanhi at Bunga. Ito ay estraktura ng paglalahad na nagpapakita ng


pagkakaugnay-ugnay ng mga panyayati at kung paanong ang kinalalabasan ay
naging resulta ng mga naunang pangyayari. Sa uring nito, ipinaliliwanag ng
manunulat ang mailinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus
sa kung bakit nang yari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga).

Paghahambing. Ang mga tekstong nasa ganitong estraktura ay kadalasang


nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay,
konsepto, o pangyayari.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

Pagbibigay-depenisyon. Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan


ng isang salita, termino, o konsepto. Maaring ang paksa ay tungkol sa isang
konkretong bagay gaya ng katarungan, pagkakapantay-pantay, o pag-ibig, sa
ganitong uri ng tekstong impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang mga
kahulugang denotatibo o konotatibo.

Paglilista at klasipikasyon. Ang estrukturang ito naman ay kadalsang


naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo
upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa
pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos bibgyang depinisyon at
halimbawa ang iba’t ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito.

Ang pagpapagana ng imbak na kaalaman ay may kinalaman sa pag-alala


ng mga salita at konseptong dati ng alam na ginagamit sa teksto upang ipaunawa
ang mga bagong impormasyon sa mambabasa. Halimabwa, kung nag babasa ang
isang mag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri ng pamumuno, maari niyang balikan
ang nauna na niyang nalalaman tungkol sa presedente, minister, o iba pang uri
ng pinuno upang iugnay sa mga bagong matutuklasang impormasyon.

Ang pagbuo ng hinuha ay may kinalaman sa pagbasa ng mga bahagin ng


teksto na hinfi gaanong malinaw. Ito ay matalinong paghula ng maaaring
kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto.
Mahalagang sanayin ng isang mambabasa ang kritikal na pag-iisip sa ganitong
mga kaso upang hindi maantala ang pagbabasa sa kabuoan ng teksto.

Mahalaga rin ang pagkakaroon ng mayamang karanasan sa pagbasa ng


iba’t ibang teksto at pagdanas sa mga ito. Halimbawa, kung ang isang mambabasa
ay may malawak na karanasan at pag-unawa sa iba’t ibang uri ng hayop, mas
magiging madali na sa kaniya ang pagbuo ng mga kategorya at pagunawa sa iba’t
ibang grupo nito sa batay sa mga katangiang kaniya nang nasaksihan.

Tandaan!
Pangunahing Ideya

Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding


ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at
magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang
tanong na ano, kailan, saan, sino at paano.

Sa pananaliksik mahalagang malaman ng may-akda kung


paano niya ihahayag ang isang sulatin upang makuha ang
interes ng mga mananaliksik. Tulad ng pormal na pagsulat
mahalagang mabatid ang layunin at paraan ng
pagpapahayag ng isang manunulat.

(Explain the procedure/s on how TO DO the activities included in the modules. You may
give a sample answer IF NEEDED for students to be guided)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

Ngayon makikita sa inyong pahina 7 ng module ang GAWAING PANTAHANAN. Basahin


ang inilaang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Ang mga katanungan ay mga
pagpapalalim lamang ng inyong pagkakaunawa ayon sa binasang teksto at pagsuri kung
nauunawaan niyo nga ang naging talakayan natin.

Sa susunod na linggo ay abangan ninyo ang pagpapalawak pa ng talakayan tungkol sa


iba pang mga uri ng teksto at marami pang mga halimbawa nito, dito lamang sa DepEd Guro-
Turo sa Radyo.

Ako ang inyong guro sa kahanginan, Teacher Doren na nagsasabing makinig, matuto at
lumikha. TANDAAN NA ANG KARUNUNGAN AY KAPANGYARIHAN! KAY SIKAPING MATUTO, KAHIT SA
RADYO. Hanggang sa muli, paalam!

IV. OUTRO

At dito nagtatapos ang ating talakayang pang edukasyon, sa muli kami po ay lubos na
nagpapasalamat sa inyong pagtutok at pakikinig sa ating segment. Patuloy parin kayong
mag-abang sa mga susunod na araw para sa mga diskusyong pang-edukasyon! Mula dito
sa _____________(radio station), ako po si _______________(radio host) na nagsasabing “Sa
Koronadal, bawat gradweyt angat sa kaalaman, kakayahan at kabuhayan.” Dahil sa
DepEd, “Una sa lahat, ay bata!” Hanggang sa muli!

You might also like