You are on page 1of 33

MGA BAHAGI NG

SULATING
PANANALIKSIK

MGA PAHINANG PRELIMINARYO


O FRONT MATTERS
Fly Leaf
Ito ang pinakaunang pahina ng sulating
pananaliksik. Walang nakasulat na kahit ano
sa pahinang ito.
Pamagating Pahina
Ito ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa
pamagat ng sulating pananaliksik. Nakasaad din
dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel,
kung saang asignatura o pangangailangan, kung
sino ang gumawa at panahon ng kumplesyon.
Dahon ng
Pagpapatibay/Pagtanggap
Itoang tawag sa pahinang kumukumpirma sa
pagkakapasa ng mananaliksik at
pagkakatanggap ng guro o tagapayo ng papel
pampananaliksik.
Dahon ng Pasasalamat o Pagkilala.

Ito ang tawag sa pagtukoy ng mananaliksik sa


mga indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat o
pagsagawa ng pananaliksik.
Talaan ng Nilalaman
Ito ang tawag sa pagbabalangkas ng
mga bahagi at nilalaman ng sulating
pananaliksik at nakatala ang
kaukulang bilang ng pahina kung
saan matatagpuan ang bawat isa.
Talaan ng mga Talahanayan
at Grap
Dito nakatala ang pamagat ng bawat
talahanayan at/o grap na nasa loob ng sulating
pananaliksik at ang bilang ng pahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.
Fly Leaf 2
Itoang tawag sa isa na namang blangkong pahina
bago ang katawan ng sulating pananaliksik.
Samantala, ang ABSTRAK ay isinasama rin bilang isa
sa mahalagang bahagi ng pahinang preliminaryo. Ang
abstrak ay tumutukoy sa pinakabuod ng isinagawang
pananaliksik kalakip ang natuklasan at ang naging
kongklusyon at rekomendasyon. Inilalagay ito bago
ang pahina ng dahon ng pagpapatibay/pagtanggap.
MGA BAHAGI NG
SULATING
PANANALIKSIK
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Panimula o Introduksiyon
Panimula o Introduksiyon - Ito ang bahaging nagsasaad ng
rasyunal o kadahilanan ng pag-aaral o pananaliksik. Inilalagay
rito ng mananaliksik ang kanyang intensiyon kung bakit binuo
ang papel, at ang pangkasaysayang sanligan ng suliranin gaya
ng kalagayan ng suliranin sa MUNDO, NASYONAL at
LOKAL.
Ipinakikilala rito kung ano ang tatalakayin sa pananaliksik at
nagbibigay ng konteksto ng paksa na karaniwang bumabanggit
sa mga pananaliksik na isinagawa na ng iba.
Halimbawa ng Panimula o Introduksiyon

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang binubuo ng maraming pangkat ng tao na may kanya-kanyang

ipinagmamalaking kultura. Kabilang sa pangkat na ito ang Maguindanaon. Ang nasabing pangkat ay tinaguriang “mga

tao sa lawa” na karaniwang naninirahan sa mga lugar na sakop ng Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat at

Sarangani. Isa sa natatanging kultura ng mga Maguindanaon ang pangangalaga at paniniwala sa kapangyarihan ng

pusaka.

Ang pusaka ay wikang Maguindanaon na tumutukoy sa mga lumang kagamitan o kasangkapan gaya ng kris,

espada, gulok, banga at iba pa na umiral noong sinaunang panahon. Napapabilang ito sa materyal na kultura. Sa likod

ng materyal na kasangkapang ito ay narooon ang mga nakatagong paniniwala. Isa sa karaniwang paniniwala sa likod

ng pusaka ay ang kapangyarihan nitong magpagaling ng iba’t ibang uri ng sakit. Kung kaya’t ang pusaka bilang bahagi
Karaniwang mababasa sa mga katutubong panitikan tulad ng mga epiko, alamat at kuwentong bayan ang

tungkol sa pusaka at ang pagtataglay nito ng kapangyarihan. Ilan sa mga pag-aaral na kababasahan nito ay

ginawa nina Panday (2008), Dalandangan (2009), Dimaudtang (2013), Mantikayan (2016), Alfonso (2016),

Dalandangan (2017) at Mangindra (2019). Sa mga pag-aaral na binanggit, tinukoy lamang ang mga pusaka

mula sa mga katutubong panitikan at tinalakay ang naging papel nito sa buhay ng mga tauhan at pinabalideyt

sa mga importante upang mapatunayan kung ito’y tunay na bahagi ng kulturang Maguindanaon.

Batay sa pagbabasa ng mananaliksik sa nabanggit na mga pag-aaral sa itaas, nabatid niyang may

kakulangan pa ang mga ito – ang pag-aaral sa mga umiiral na pusaka sa lipunang Maguindanaon, hindi yaong

nababasa lamang sa mga katutubong panitikan. Kung kaya’t ninanais ng mananaliksik na tuklasin ang mga

umiiral na pusaka sa lipunang Maguindanaon sa kasalukuyan at alamin ang mga paniniwalang nasa likod nito.

Kasamang aalamin ng mananaliksik ang kaugnayan ng pangangalaga at paniniwala sa pusaka sa konsepto ng

“halal” at “haram” na kultura.


Paglalahad ng Suliranin
Ito ang bahaging nagsisiwalat ng mga suliraning target na
matagpuan ang solusyon sa pamamagitan ng pananaliksik.
Dapat na magkaroon ng panlahat na pagpapahayag ng suliranin
kasunod ang mga tiyak na tanong o subproblem na siyang
hahati sa panlahat na suliranin. Isa sa pinakamahirap at kritikal
na hakbangin sa paggawa ng pananaliksik ay ang paghahanap
ng mahusay na suliranin.
HALIMBAWA NG PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mga umiiral na pusaka sa

kasalukuyang lipunang Maguindanaon partikular sa mga lugar na sakop ng Cotabato,

Maguindanao, Sultan Kudarat at Sarangani. Upang makamit ang pangunahing layunin,

sisikaping tugunan ng mananaliksik ang sumusunod na katanungan.

1. Ano-anong mga pusaka ang matatagpuan sa mga piling pamayanang Maguindanaon na

sakop ng Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat, at Sarangani?

2. Ano-anong mga paniniwala ang nasa likod ng natukoy na mga pusaka?

3. Paano inaalagaan at pinipreserba ng mga tagapangalaga ang natukoy na mga pusaka?

4. Ano ang implikasyon ng pangangalaga at paniniwala sa pusaka sa konsepto ng “halal”


Teoritikal na Balangkas
Bahaging ito ng pananaliksik tinatalakay ang mga nagawa ng iba’t ibang
manunulat at siyentipiko at iba pang eksperto sa isang partikular na
larangan. Binibigyang-pagpapahalaga sa bahaging ito ang ilang mga
batas, prinsipyo, paglalahat, mga konsepto, pagpapakahulugan at mga
teorya na maaaring maiangkop sa ginagawang pag-aaral. Ang paglalapat
nito sa pag-aaral ay magiging malaking tulong upang mapatunayan o
mapanubalian ang natuklasan ng mga naisagawa nang pag-aaral
(Mendoza, Jr. et. al, 2012:230).
Batayang Konseptwal/Konseptwal na Balangkas

Mula sa kaugnay na pag-aaral at literatura, maaaring makabuo ang


mananaliksik ng planong teoritikal para sa kanyang pag-aaral. Binubuo
ang konseptwal na balangkas ng sariling pananaw ng mananaliksik
tungkol sa isang problema, pagkatapos niyang matunghayan ang ilang
teorya na may kaugnayan sa kanyang suliranin. Sa teoryang ito rin
iaangkla ng mananaliksik ang sariling pagtingin sa paksang pinag-
aaralan gayundin ang mga ideyang dapat palitawin sa ginawang
pananaliksik. Ipinapakita sa bahaging ito ang relasyon ng Malaya at di-
malayang baryabol.
INPUT PROCES OUTPUT
S
Kahalagahan ng Pag-aaral
Isinasaad ng bahaging ito ang mahalagang kontribusyon ng
pananaliksik sa mga target na mambabasa na maaaring
makinabang sa resulta o kinalabasan ng pag-aaral. Mauuri sa
dalawa ang kahalagahan ng pag-aaral. Una, ang kahalagahan ng
mga inaasahang mapatutunayan sa pag-aaral para sa isang tiyak
na disiplina kung saan nararapat ang pag-aaral. Ikalawa, ang
kabutihang maidudulot at maitutulong nito sa lipunan at mag-
aaral na kasangkot, sa pangkalahatan at/o sangkatauhan.
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:
Para sa mga Koronadaleno, pinatitibay ng pananaliksik na ito ang mithiing magkaroon ng pagmamahal ang
bawat Koronadaleno sa katutubong panitikan at ang adhikaing magkaroon ng diwang nagkakaisa sa ikauunlad ng
Koronadal.
Para sa Panitikang Filipino, ang pag-aaral na ito ay magiging orihinal na kontribusyon sa kabang-yaman ng
panitikan ng bansa at magiging tulay din ito sa pagkakaroon ng pambansang pagkakilanlan na ipagkakapugay nating mga
Pilipino.
Para sa edukasyon, ang sanayang aklat na binuo ay tugon sa kakulangan ng mga materyal sa Department of
Education, Dibisyon ng Lungsod ng Koronadal sa pagpapaalab ng programang Mother Tongue Based Instruction kung
saan iba’t ibang kaparaanan ang nais ipakita ng mananaliksik upang mailahad sa mga bata ang pagbabasa ng mga
kuwentong bayang tatak lokal na malapit sa kanilang puso’t karanasan.
Para sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay magiging mabisang kagamitang pampagtuturo sa lalong ikadadali ng
pag-unawa ng mga mag-aaral sa binasang kuwento.
Para sa mga guro, magiging mabisang instrument ito sa pagtuturo ng lokal o katutubong panitikan ng Koronadal
upang matugunan ang pangangailangan ng Department of Education, Mother Tongue Based Instruction. Ang binuong
sanayang aklat ay tutugon sa suliranin ng paghahanap ng mga panitikang katutubo na gagamitin nila sa kanilang
talakayan. Higit pa, mas mapayayabong ng guro ang talakayan sapagkat ang tekstong gagamitin ay hindi malayo sa
karanasan at lipunang ginagalawan ng mga mag-aaral.
Para sa lipunan, pinatitibay ng pag-aaral na ito ang paniniwalang ang Koronadal ay hindi lamang isang lungsod ng
negosyo kung hindi mayaman din sa sining at literatura. Bilang umuunlad na lipunan, kaakibat nito ang mga nakatagong
yaman sa baul ng panitikan kagaya ng mga kuwentong bayan, na dapat pahalagahan at gamitin ng mga taga-Koronadal.
(Mula sa pangmasteradong tesis ni G. Richard P. Moral, na pinamagatang “Sanayang Aklat sa Pagtuturo ng mga Kuwentong Bayan ng Lungsod ng Koronadal: Batayan
sa Pagtukoy ng Antas ng Pagpapahalaga sa Panitikang Katutubo”, Sultan Kudarat State University – ACCESS Campus, Lungsod ng Tacurong, 2013)
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw o lawak ng pag-aaral ang nagtatakda kung saan at


kailan isasagawa ang pag-aaral, at kung sino ang mga kalahok na
pag-aaralan. Tumutukoy rin ito sa lawak na nasasakupan ng pag-
aaral kaugnay ng kanyang paksa, layunin, panahon ng pagsasagawa,
respondente o mga kalahok at lokasyon. Ang delimitasyon o
limitasyon naman ay isang bahagi o aspekto ng imbestigasyon na
maaaring makaapekto nang masama sa resulta subalit walang
kontrol ng mananaliksik. Tinutukoy nito ang mga kahinaan o mga
bagay na hindi na sinasaklawan ng pag-aaral sapagkat wala ito sa
kontrol ng mananaliksik.
Depinisyon ng Mga Terminolohiya

Inilalagay ito upang matulungang maintindihan at maipaalam sa


mambabasa ang pinaghanguan ng nasabing kahulugan ng salitang ginamit
ng mananaliksik. Bibigyang-linaw ang mga ito sa paraan kung paano
ginamit sa loob ng pangungusap. Dalawang paraan ang maaaring gamitin
sa pagbibigay ng depinisyon sa mga katawagan o terminolohiya. Una,
Operasyunal na Depinisyon, tumutukoy ito sa tiyak na paraan o
kahulugang ginamit sa pag-aaral. Naaayon ito sa kung saan inilalahad ang
kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit nito sa pag-aaral. Ikalawa,
Konseptwal o Leksikal na Depinisyon, tumutukoy naman ito sa mga
depinisyon na matatagpuan sa diksyunaryo o talatinigan. Ito’y akademiko
o unibersal na kahulugan na ibinigay sa salita o grupo ng mga salita.

You might also like