You are on page 1of 8

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

NAME OF THE General Education


PROGRAM
COURSE TITLE Retorika COURSE CODE Fili 102
PREREQUISITE/ CO- None COURSE UNIT 3 units
REQUISITE
COURSE OUTCOME CO4: Makapagpapahayag nang may mataas na antas sa komprehensyon sa
(pagbasa at pagsulat) at produksyon (pagsulat at pagsasalita) ang iba’t ibang
uri ng diskurso.

MODULE 10 Ang Pangangatwiran at Diskursong Personal


LESSON LEARNING Pagkatapos, ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:
OUTCOME/S 1. Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pangangatwiran at
diskursong personal.
2. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng mga uri ng pangangatwiran.
3. Makasulat ng sariling halimbawa ng mga uri ng diskursong personal.

TOPICS 1. Ang pangangatwiran.


2. Mga uri ng pangangatwiran.
3. Mga Katangian ng Isang Mabuting Mangatwiran
4. Ang diskursong personal
5. Mga uri ng diskursong personal
WEEK / INCLUSIVE 12- 13
DATE
MODALITY Asynchronous (MS Teams) and on-ground meetings

▪ LESSON PROPER

ANG PANGANGATUWIRAN

Pangangatuwiran - ay paraan ng pagpapahayag na may layuning manghikayat at


magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita. Ang isang tao’y
nangangatuwiran upang ang kanyang paniwala ay tanggapin o sang-ayunan ng sa
kanya’y nakikinig.

Mga Katangian ng Isang Mabuting Mangatwiran


1. May lubos na kaalaman sa paksa.
2. May malawak na talasalitaan o bukabolaryo.
3. May malinaw na pananalita.
4. Maayos maghanay ng kaisipan.
5. May tiwala sa sarili.
6. Mahinahon.
7. Mabilis mag-isip.
8. Nakauunawa sa katwiran ng iba.
9. Marunong kumilala sa katotohanan.
10. Tumatanggap ng kamalian at itinutuwid ito.

DALAWANG URI NG PANGANGATUWIRAN

1. Pabuod - nagsisimula sa maliit na katotohanan at tungo sa isang panlahat na


simulain o paglalahat. Sa ibang pangungusap, ito’y nagsisimula sa payak patungo sa
masaklaw.

Mga Uri ng Pangangatuwirang Pabuod

1. Dahilan ng pagkaganap ng pangyayari. Nababatay ang uring ito sa simulaing may


sanhi o dahilan ang anumang pangyayaring naganap.
Halimbawa:
Hindi siya nakapasa sa eksamen sapagkat hindi siya nakapagbalik-aral.

2. Pinaghahambing ang mga katangiang magkatulad. Makukuha ang katotohanan sa


pamamagitan ng pagsusuri ng mga sangkap na magkakatulad.
Halimbawa:
Kukuha si Rey ng kursong komersiyo sapagkat ang kanyang kaibigan ay kukuha
ng Komersiyo.
Ang pangangatuwirang ito ay mahina sapagkat hindi isinalang-alang ni Rey ang
kanyang kakayahan at interes sa kakayahan at interes ng kanyang kaibigan.

3. Pagbibigay ng mga ebidensiya o katibayan. Ang katotohanan ay mapalilitaw sa


pamamagitan ng mga katunayan o ebidensiya.
Halimbawa:
Nawala ang ilang piraso ng mamahaling alahas sa isang “jewelry store” sa Ermita.
Isang “saleslady” ang hindi pumasok sa trabaho nang araw na matuklasan ang
pagkawala ng mga alahas. Pinaghinalaan siya ng may-ari.Tumawag ng mga pulis.
Natagpuan sa kanyang aparador sa loob ng kanyang silid ang nawawalang mga alahas.
Isinakdal siya sa salang pagnanakaw.

2. Pasaklaw - ito’y kasalungat ng pabuod. Nagsisimula ito sa masaklaw patungo sa


payak. Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang
simulaing panlahat.
Tinatawag na silohismo ang pangangatwirang pasaklaw. Ito’y syllogism sa Ingles.
Ang silohismo ay binubuo ng tatlong batayan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pangunahing batayan - Ito’y nagsasaad ng isang katotohanang panlahat. Tinatawag


itong major premise sa Ingles.
2. Pangalawang batayan - Ito’y nagsasaad ng isang katotohanang tiyak. Tinatawag itong
minor premise sa Ingles.

3. Kongklusyon - Ito’y nagtataglay ng isang hinuha mula sa pangunahing batayan at sa


pangalawang batayan.
Halimbawa:
Ang lahat ng kahoy ay nasusunog.
Ang molave ay kahoy.
Samakatwid, ang molave ay nasusunog.

MGA DISKURSONG PERSONAL

Apat na diskursong personal ang tatalakayin sa bahaging ito: talaarawan,


journal, awtobiograpiya, repleksiyon.

Pagkakatulad ng apat na ito ay: pansariling karanasan, saloobin at pananaw


ang ibinabahagi ng awtor ngunit may ikinaiba ang bawat isa sa iba pa.

1. Talaarawan - Isang pang araw-araw na tala, lalo na ng mga personal na karanasan,


saloobin, obserbasyon at pananaw. Ito ay sinusulat na parang nakikipag usap sa
isang tao, na maaaring tawaging “Mahal kong Diary o Talaarawan” o maaari ring
bigyan ng pangalan na parang isang tunay na tao ang sinusulatan. Ito rin ay
maaaring pansariling karanasan at pananaw lamang ang karaniwang laman ng
talaarawan , ngunit ito ay depende sa sumusulat at sa kapaligiran ng pagsusulat 
Maaaring kapulutan ang talaarawan ng mahalagang impormasyon tungkol sa isang
pangyayari sa kasaysayan.

2. Ang dyornal - isang pang-araw-araw na tala ng balita at mga kaganapan ng isang


personal na kalikasan. Ang isang journal ay isang detalyadong account na nagtatala
ng lahat ng mga transaksyong pampinansyal ng isang negosyo, na magagamit para
sa pagsasaayos sa hinaharap ng mga account at paglipat ng impormasyon sa iba
pang mga opisyal na tala ng accounting, tulad ng pangkalahatang ledger.

Ang dyornal ay isang talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksyon, mga naiisip
atnadarama at kung ano-ano pa.Ang dayari ay dyornal din, ngunit mas malawakang
saklaw ng dyornal. Noong ika-16 na siglo, ang pagtatago ng dyornal ay napakakaraniwan
kaya’t ang tawag din sa dyornal ay pangkaraniwang aklat.
3. Ang autobiograpiya (mula sa Griyego, αὐτός-autos o sarili + βίος-bios o buhay +
γράφειν-graphein o magsulat) o sariling talambuhay ay ang talambuhay ng isang tao
na siya rin ang mismong paksa at sumulat; o ang pagsulat ng sariling kabuhayan o
naging kabuhayan.

Ano ang autobiograpiya?


Ang Autobiograpiya o kasaysayan ng sarili ay ang pangalang ibinigay sa uri ng
panitikan kung saan sinasabi ng isang tao ang kanyang sariling buhay. Tinatawag itong
autobiography upang sabihin sa sariling kwento ng buhay habang sinusunod ang ilang mga
patakaran. Tulad ng self-portrait na may-akda ay tinatawag na isang auto portrait. Mula sa
sandali na ipinanganak ang may-akda hanggang sa oras na siya ay nasa simula, ang
kanyang pamilya, mga kaibigan, iyon ay upang sabihin ang tungkol sa kanyang buhay sa
maikli. Sa madaling salita, masasabi nating ang taong nagsusulat ng talambuhay, na
siyang uri na nagsasabi sa buhay ng ibang tao, isinusulat ang kanyang sarili. Kung nais
niyang sabihin sa kanyang sarili sa mga tao, ang kanyang autobiography ay tutulong sa
kanya na maabot ang kanyang nais. Kasabay nito, ang mga autobiograpiya ay
napakahalaga sa mga tuntunin ng paglilipat sa mga taong naiwan ang kanilang marka sa
ilang mahahalagang kaganapan at naglalagay ng mga mahusay na gawa o gumagana sa
mga susunod na siglo. Dahil nabuo ng indibidwal ang kanyang sariling mga saloobin at
sinusuri ang mga karanasan mula sa kanyang pananaw, mas mahalaga ito kaysa sa mga
dokumento.

4. Ang repleksyon

Ano ang kahulugan ng repleksyon ?

• Kung sa pag-aaral ang repleksyon ay nangangahulugang paninilay-nilay o pagmumuni-


muni sa mga natutunan sa mga aralin na pinag-aralan sa klase.

• Nilalagom ng isang mag-aaral ang kanyang pinag-aralan sa pamamagitan ng pag-iisip ng


malalim at malagom. Dito iniisip ng husto ang mga pangyayari o napag-aralan na mga
bagay-bagay.

• Seryosong pinagninilayan ng isang mag-aaral ang kanyang mga natutunan o nakuhang


aral sa kanilang paksa.

• Ito ay isang sulatin na nagpapahayag ng pinagtantuan ng isang mag-aaral ukol sa paksa.

Halimbawa:

1. Ang isang mag-aaral ay nagnilay-nilay sa araling kanilang tinatalakay sa klase


nakaraang araw.
2. Ang mag-aaral ay nagbubulay-bulay sa salita ng Diyos na kanilang tinalakay sa kanilang
devotion bago magsimula ang klase.

3. Si Ana ay nag-isip ng masidhi dahil nais niyang maunawaan ang kanilang paksa sa
paaralan.

Kung sa bagay naman katulad ng salamin

• Makikita ng isang tao kung ano ang kanyang mukha.

• Nakikita ng isang tao ang kanyang imahe sa pamamagitan ng pagtingin sa salamin o sa


mga makikintab na mga bagay.

• Maari ding maging repleksyon ang isang imahe o galaw ng isang tao.
Halimbawa:

1. Ang sulat kamay ni Ana ay isang repleksyon ng kanyang pagkatao.

2. Ang kalinisan sa tahanan ay repleksyon ng isang tao kung ano ang kanyang pag-uugali.
▪ ACTIVITY/ EXERCISE/ASSIGNMENT

Pangalan:_____________________ Asignatura____________

Petsa:_________________________ Marka_________________

INTERAKTIBONG PAGSASANAY

I. Panuto. Isulat sa patlang ang nawawalang proposisyon o batayan upang mabuo ang silohismo sa
pangangatwirang pasaklaw.

1. Ang lahat ng guro ay nagtuturo. 6. _______________________________________?


Si. Gng. Elizabeth de Chavez ay guro. Ang talakitok ay isda.
Samakatwid,____________________________? Samakatwid, ang talakitok ay lumalangoy.

2. Ang lahat ng puno ay namumunga. 7. Ang lahat ng doktor ay nanggagamot.


______________________________________?
________________________________________?
Samakatwid, ang mangga ay namumunga. Samakatwid, si Efren ay nanggagamot.

3. ____________________________________? 8. Ang lahat ng estudyante ay nag-aaral.


Si Jose ay may buhay. Si Marissa ay isang estudyante.
Samakatwid, si Jose ay nilikha ng Diyos. Samakatwid,__________________________?

4. Ang mga Madrigal ay mayayaman at marurunong. 9.___________________________________?


_________________________________________? Ang maya ay isang ibon.
Samakatwid, si Oliver ay mayaman at marunong. Samakatwid, ang maya ay lumilipad.

5. Magsasaka ang bayani ng kabuhayan sa bansa. 10. Ang lahat ng prutas ay masarap.
Si Mang Nardo ay isang magsasaka. __________________________________?
Samakatwid, ____________________________? Ang mangga ay masarap.

Bahagi II. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Sumulat ng maikling repleksyon tungkol sa iyong natutunan sa ating tinatalay sa
modyul na ito. (10 puntos)

2. Isulat ang iyong sariling talambuhay.Pakilagyan ng pamagat. (10 puntos)

▪ EQUIPMENT OR MATERIALS TO BE USED (for face-to-face)

Overhead projector

▪ PRACTICAL EXERCISES (for face-to-face)

None

▪ SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS

Pakitang turo (demo teaching)


▪ REFERENCES

Abal, M.A. (2009). Retorika (Filipino III). Mandaluyong City: National Bookstore.

Aguilar, et. al. (2013).Masining na pagpapahayag (Retorika).Pateros, Metro Manila:


Grandbooks Publishing Inc.

Arrogante, Jose A. (2000). RETORIKA sa MabisangPagpapahayag. Navotas, Metro


Manila: National Book Store.

Bendalan,N. M. (2013).RETORIKA: Mabisa at masining na pagpapahayag. Manila:


Wiseman’s Books Trading ,Inc.

Belvez, P.M. et.al. (2001). Retorika: mabisang pagsasalita at pagsulat. Manila:Rex


Bookstore.

De Dios, L.A.et.al., (2008). Modyul sa retorika, masining na pagpapahayag. Metro


Manila, Grand Books Publishing

Mag-Atas, Rosarioet. al. (2002).Mabisang pagpapahayag retorika. (Filipino


3).IkalawangEdisyon. MakatiCity: Grandwater Publications and Research
Corporation.

San, Juan G. P. et al. (2007). Masining na pagpapahayag. Makati City:

Tanawan, Dolores et. al.(2003). Retorika, mabisang pagpapahayag. Quezon, City :

Elektronikong Sanggunian:

https://tl.wikipedia.org/wiki/Autobiograpiya#:~:text=Ang%20autobiograpiya%20(mula%20sa
%20Griyego,sariling%20kabuhayan%20o%20naging%20kabuhayan.

https://tl.almancax.com/otobiyografi-nedir-nasil-yazilir-otobiyografi-ornekleri.html

You might also like