You are on page 1of 13

IMPORMATIBONG TEKSTO (INFORMATIVE TEXT)

Ang textong informative ay nagpapaliwanag ng mahalagang impormasyon o

Kaalaman nang malinaw at walang pagkiling. Isinasaad ang mga kabatiran


nang naaayon sa mga tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na
kaalaman ng tao.

Napag-aralan mo na ang tekstong informative. Basahin mo ang ilang


mahahalagang konseptong

dapat mong tandaan sa aralin.

1. Ang tekstong informative ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na


impormasyon, at

mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay.

2. Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng


kaugnay na paksa,

dapat na makita ito sa kasunod na talata.

3. Sa pagbasa ng tekstong informative, magkaroon ng fokus sa mga


impormasyong

ipinahahayag. Isulat ito kung kinakailangan.

4. Sa pagsulat ng tekstong informative, tandaang ihanay nang maayos ang


mga salita, piliing

mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.


DISKRIPTIBONG TEKSTO (DISCRIPTIVE TEXT)
Sa Textong Descriptive at ang Kahulugan nito

Ang pagsulat ng textong descriptiv ay maihahalintulad sa pagpipinta. Ang


mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa
pamamagitan ng masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat.

Deskriptib ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga

impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar


at

maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao,


kalimitang

tumutugon ito sa tanong na Ano.

Ang tekstong deskriptib ay nagtataglay ng mga impormasyong may


kinalaman sa pisikal na katangiang taglay ng isang tao, bagay, lugar, at
pangyayari.

Halimbawa:

1. Paglalarawan ng tao

a. Masisipag at matitiyaga sa gawain ang mga Asyano.

b. Marami sa mga Asyano, tulad ng Hapones at Koreano ay eksperto


teknolohiya.

c. Di pahuhuli sa kahusayan ang mga Pilipino pagdating sa teknolohiya.

2. Paglalarawan ng Lugar

a. Dahil sa pinakamaunlad na bansa ang Hapon, itinuturing itong higante


sa Asya.
b. May mga bansa sa Asya na kahit na mayaman sa mga likas na yaman ay
di gaanongmaunlad kung ihahambing sa mga karatig bansa na may
kakaunting likas na yaman.

c. papaunlad ang mga bansa sa Asya na ang ikinabubuhay ay agrikultura at


industriya.

3. Paglalarawan ng Bagay

a. Matataba ang mga produktong maaani sa maraming lupain sa mga


bansang Asyano.

b. Mataas ang kalidad ng mga panindang iniluluwas ng mga bansang Asyano


sa ilang

karatig-bansa sa Asya.

c. Pawang produktong teknolohikal ang produksyon ng bansang Korea at


Hapon.

4. Paglalarawan ng Pangyayari

a. Umunlad ang industriya sa Asya dahil sa pagtuklas at pagpapaunlad ng


Agham at

teknolohiya.

b. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, sadyang gumaan ang mga


gawain at higit na

dumami ang produksyon.

c. Ang tagumpay naman sa ekonomiya ng Taiwan, Singapore at timog Korea


ay

nagbigay - sigla sa iba pang bansang Asyano upang magsikap na matamo


ang ganitong

tagumpay sa harap ng papalakas na paligsahan ng buong daigdig.


PERSUWEYSIB NA TEKSTO (PERSUASIVE TEXT)
Layunin ng textong persweysib na maglahad ng isang opinyong kailangang
mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong
datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat.

Mga pahayag na makaakit sa damdamin at isipan ng mambabasa

Mga pangangatwirang hahantong sa isang lojikal na konklusyon

Mga dokumentong buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik upang higit na


maging kapani-paniwala at may kredibilidad ang paglalahad

NARATIBONG TEKSTO (NARRATIVE TEXT)


Ang textong naratibo ay nagsasaad ng isang pagsasalaysay. Maaaring ilahad
sa ganitong uri ng texto ang mga personal na karanasan ng manunulat
gayundin ang isang natatanging tao o pangyayari sa nakalipas.

Narito ang katangian ng textong naratibo:

1. Ang textong naratibo ay isang inpormal na pagsasalaysay. Para ka lang


nagkuwento ng isang bagay o isang pangyayari sa isang kaibigan

2. Magaan itong basahin. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan


ng mga tauhan, eksena, at mga detalye ng mga pangyayari

3. Nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung anong uri ito ng textong


naratibo at ng isang matibay na kongklusyon.

ARGUMENTATIBONG TEKSTO (ARGUMENTATIVE TEXT)


Sa argumentatib o pangangatwirang uri ng teksto, naglalahad ng isang
proposisyon ang may akda nankikitaan ng isang matibay na ideya at
makabuluhang detalye upang mahikayat ang mambabasa na tanggapin at
suportahan ang inihain na proposisyon. Marapat na lohikal ang pag lalahad
mg mga impormasyon upang maging maktotohanan na inihahing ideya sa
mam babasa.

-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng proposisyon upang makahikayat


at magpaliwanag ang teksto kung ito'y nagpapakita ng mga proposisyon sa
umiiral na kaugnayan sa pagitan ng konsepto o iba pang proposisyonang
ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong

May pagkakahawig ang tekstong argumentatibo at tekstong pang hihikayat


dahil pareho nilang layunin na makuha ng suporta ng mambabasa, ngunit
ang dalawang teksto ay nag kakaiba sa anyo

PROSIDYURAL NA TEKSTO (PROCEDURAL TEXT)

Sa prosedyural na uri ng teksto, ipinapakita ang proseso o wastong mga


hakbang sa paggawa ng isang bagay tulad pagluluto ng pagkain o pag buo
ng isang bagay tulad ng laruang robot.

Matututunan ng mambabasa kung paano wastong magagawa ng isang


bagay sa tulong ng malinaw na pag papaliwanag.

ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong


pagkakasunod-sunod ng hakbang ng malinaw na hakbang sa
pagsasakatuparan ng anumang gawain. Naglalahad ng wastong
pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isang bagay.
GERALDINE C. GONZALES
GNG. THESS ANIMAS
TROPANG MAGALANG #2

MGA IBAT IBANG URI NG TEKSTO

1. Informative- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman,
bagong pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga
kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan

Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita

2. Argumentative- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral
na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o
pagpapaliwanagan.Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.

Halimbawa: mga editoryal

3. Persuasive- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.

Halimbawa: mga nakasulat na propaganda sa eleksyon, mga advertisment

4. Narative- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng


nagsasalayasay

Halimbawa: mga akdang pampanitikan

5. Descriptive- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may


kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala
sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.

Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pangpanitikan

6. Procedural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong


pagkakasunod-sunod ng hakbang ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng
anumang gawain. Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa
paggawa ng isang bagay.

7. Nareysyon-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon


tumutugon sa mga tanong na paano at kailan.

8. Exposisyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tungkol
sa pag-aanalays ng mga tiyak na konsepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.

9. Referensyal- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga tiyak na


pinaghanguan ng mga inilalahad na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula
sa iba ay malinaw na tinitiyak at inilalaad

May Ginto sa Kapaligiran


Tumingin sa paligid. Tumingala sa kalawakan. Damhin ang hanging
dumadampi sa balat. Tingnan ang lupang tinatapakan. Pansinin ang lawak
at masasabing Kayganda ng kapaligirang ipinagkaloob ng Maykapal sa
kanyang nilikha! Malalawak ang kabukiran, kagubatan at karagatang
nagtataglay ng makukulay na kaanyuan. Paraisong kaysarap tirahan!

Hindi mapipigilan ang mabilis na pag-inog ng mundo. Mabilis din ang


pagdami ng kanyang nilalang na may taglay na talinong paunlarin ang
buhay. Hindi tumigil sa paghanap ng mga paraan upang mailagay ang buhay
sa magandang kalagayan.

Lingid sa kaalaman, nabulabog ang kalikasan. Sa mga interaksyong


nagaganap, napipinsala ang pisikal na kapaligiran. Oo ang tahimik na
biktima. Hindi ito kataka-taka Nilikha ang kapaligiran upang magsilbi at
mapakinabangan ng tao.

Masdan ang kapaligiran. Ang mga bukiring malalawak ay lumiliit na dahil sa


mga gusaling itinayo. Maging ang halaman at hayop ay naaapektuhan ng
mga pagbabagong ginagawa ng tao sa kanyang paligid.

Maliwanag sa atin ang katotohanang ang kapaligiran ay para sa tao at ang


tao ay para sa kapaligiran. May tungkulin ang taong pangalagaan ang mga
ito para rin sa patuloy niyang kapakinabangan.

Dahil sa mga pang-aabuso at kapabayaan sa kapaligiran, nagiging sanhi ito


ng pagkamatay ng ibat ibang bahagi ng kalikasan. Ito ang dahilan kung
bakit may polusyon ng hangin, tubig at lupa sa maraming lugar sa daigdig.
Ang polusyon ay nagdudulot ng ibat ibang uri ng sakit. Palasak na senaryo
ngayon ang maraming taong naoospital. Hindi tuloy nagiging epektibong
mamamayan. Nakapipinsala rin ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at
mangingisda kayat nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Maraming senaryo na tayong nasaksihan kung paano nilapastangan ang


paraisong kaloob ng maykapal. Napaluha na rin tayo sa mga nasabing
senaryo.

Magkatuwang ang tao at kapaligiran sa pagkamit ng kaunlaran. May


kakayahan ang taong harapin ang suliranin at kakayahang lumutas sa mga
suliranin sa kapaligiran. Pagyamanin at di patayin ang likas na yamang
kaloob ng Diyos sa atin. Laging isaisip may ginto sa paligid na dapat
pahalagaan.

Ang mga Produkto ng Pilipinas


Mapalad ang bansang Pilipinas sapagkat pinagkalooban ito ng Manlilikha ng
mayamat masaganang lupain.

Isang bansang agrikultural ang Pilipinas. Nangangahulugang walumpung


bahagdan ng mga Pilipino ay nabubuhay at umaasa sa pagsasaka. Bigas ang
pangunahing pagkain ng mga tao subalit mayroon ding mais na ipinanghalili
bilang kanilang pangunahing pagkain. Gitnang Bisaya,Mindanao at Lambak
ng Cagayan ang pangunahing tagaprodyus ng mais. Itinuturing namang
Kaban ng Bigas ng Pilipinas ang Gitnang Kapatagan sapagkat dito
nagmumula ang pinakamaramit pinakamalaking ani ng bigas sa buong
bansa.

Maliban sa bigas at mais,marami ring tanim na puno ng niyog sa bansa. Ito


ang dahilan kung bakit nangunguna ang Pilipinas sa pagluluwas ng kopra at
langis.Kabilang din sa mga iniluluwas ang produktong abaka,tabajo,asukal at
ibat ibang prutas gaya ng pinya,mangga,saging,at marami pang iba.

Hindi bat dapat ipagpasalamat ang mga biyayang ito na handog ng Diyos?

Gagawa ang mga mag-aaral ng isang tal;a ng impormasyon ukol sa


pinabasang texto. Pagkatapo, tutukuyin nila ang mga bahagi ng texto batay
sa nabasa.
Mga Sangkap:

1 kilo Chicken fillet

1 small can Pineapple Tidbits

1 clove garlic

1 medium onion

salt, pepper and sugar

2 tbsp sugar

1 tbsp. cornstarch

1 slice ng cheddar cheese

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at syrup ng pineapple tidbits. Itabi
ang laman.

2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-printo ng kaunti ang mga piraso ng


manok. Hayaang pumula ng kaunti. Ilagay sa isang lalagyan

3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika

4. Ilagay ang piniritong manok. Ilagay ang pinagbabadan ng manok at


kaunting tubig. Takpan.

5. Ilagay ang pineapple tidbits. Hayaang kumulo

6. Timpalahan ng asin at asukal ayon sa inyong panlasa

7. Lagyan ng isang slice na cheddar cheese.

8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce

9. Ihain habang mainit

Sa Kabataan
Onofre Pagsanghan

Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang


"nabansot". Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoy
tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng
pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng
isipan, ng puso, at ng diwa.

Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki


ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang
ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison
man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman natiy ga-kulisap
lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-
kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo namay
tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung
magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang
sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban namay itim na
duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.

II

Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang
maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa
kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay
ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong
palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating
mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan.
Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at
sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad
sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga
pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng
bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa.
Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at
kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang
mga magulang.

Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay


wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-
ibig ay nasa pawis ng gawa.

MAHALAGA ANG VAT SA EKONOMIYA NG BANSA


Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating
administrasyon. Dahilan kung bakit buo ang loob na makasumpong ng
mga alternativong mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking
gastusin ng pamahalaan, para sa mga proyeektong pangkaunlaran.
Kayat hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating Pangulong Fidel V.
Ramos ay itinulak na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa
pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa ibat ibang bansa na
ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang
makapag-uwi ng mga foreign investments na esensyal na
modernisasyon ng lokal na industriya.

Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang privatization na


nagpasok ng malaking salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta nila sa mga
lokal na negosyante ang Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila
Hotel at Petron.

At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na


sistema o batas ng pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT, o
EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW.

Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na


magiging maayos ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ang tanging
sakop nito ay ang mga luxury services o tertiary commodities na
karamihan ang mga mayayaman lamang ang mayroon tulad ng lodge-
inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car, advertisement, real
estate at iba pa.

Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang


binibili ng mga mamamayan tulad ng bigas, baboy, petrolyo, gulay at
pasahe sa bus at jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay
ang taxation at masugpo ang tax evasion na naglalabas ng P3 B
taun-taon sa kaban ng bayan.

Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi


kailanman nagnais ng masama sa bawat batas na kanilang
ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan.
Tagumpay sa ekonomiya at maayos na pamumuhay ang hangad nito
sa tao. Kung minsan, sa ating mga Pilipino mas nauuna ang reklamo
kaysa pagdinig sa problema. Kung nais nating mapadali ang
industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana nating
magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.

Tangkilikin natin ang VAT!

IBAT-IBANG
URI NG
TEKSTO
GERALDINE C. GONZALES

Gng. Thess Animas

Tropang Magalang #2

You might also like