You are on page 1of 6

Kabanata 1.

Ang mga Uri ng Teksto

Tekstong Impormatibo

Ang tekstong Impormatibo ay naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa maraming bagay na


may pinagbabantayan. Ang pagkilala sa tiyak na kakayahan ng isang teksto ay nakabatay sa nilalaman
nito, sa layon ng sumulat, at sa paraan ng pagkakasulat. Ang tekstong impormatibo ay may pangunahing
layunin na magbigay ng mahalagangv impormasyon. Ito ay obhektibo dahil batay sa katotohanan lamang
ang inilalahad nito at hindi hinahaluan ng emosyon o sariling pananaw ng may-akda. Ang tono nito ay
neutral dahil hindi nito nais makaimpluwensya sa mambabasa.

Ang isang epektibong tekstong impormatibo ay may pangunahing pangkaisipan. Nililinang ito ng
pantulong na detalye sa bawat talata na nililinang naman ng tiyak na katotohanan at iba pang detalye.\

>> Ito ay nagbibigay ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman na nagbibigay


liwanag sa mga paksang inilalahad upang mapawi nang lubos ang pag-aalinlangan.

>> Nagbibigay ito ng kaalaman o nagbabahagi ng mahalagang impormasyon tungkol sa paksang


tinalakay.

>> Naglalahad ng mga impormasyon o datos na nakatutulong sa paglilinaw ng mga konsepto


upang mapawi ang pag-aagam-agam tungkol sa isang bagay.

>> Nagbibigay-impormasyon at tiyak na impormasyon tungkol sa mga tao, bagay, lugar at


pangyayari. Kalimitan itong tumutugon sa mga tanong na Ano, Sino at Paano.

Katangian ng Teksto

Ang tekstong Impormatibo sa paraan ng pagkakasulat (eskultura o pagkakabou) ay:

1. Nasa anyong paglalahad mula sa simula hanggang sa wakas.


2. Pormal ang kadalasang presentasyon.]
3. Nakatuon sa iisang paksa, pili ang mga salitang ginagamit upang madaling maunawaan ng
babasa.
4. Ang pagbibigay ng kahulugan sa salita o parirala ay inuulit sa loob ng pangungusap lalo pa’t
mahirap ang terminolohiyang ginamit (teknikal o naririnig). Layunin din sa paraang ito ang
impormasyong nais iparating.

Bilang paglalagom:

1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na impormasyon at


mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay.
2. Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kaugnay na paksa,
dapat na makita ito sa kasunod na talata.
3. Sa pagbasa ng tekstong impormatibo, magkaroon ng pokus sa mga ipormasyong ipinahayag.
Isulat ito kung kinakailangan.
4. Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, tandaang ihanay nang maayos ang mga salita, piliing
mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.
Kabanata 2.

Pagbasa, Pagsuri, at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto


Isinulat ni Jose B. Bilasanao

(Walang anumang bahagi ng kabanatang ito ang maaaring ipalimbag sa anumang anyo nang walang
nakasulat na pahintulot ng may-akda)

Sa Kabanatang ito, babasahin natin at susuriin ang iba’t ibang uri ng teksto.
Sa pagbabasa at pagsusuri, bibigyang-pansin natin ang mga sumusunod:
 Layon ng teksto
 Tono ng teksto
 Eskratura ng teksto
 Mahalagang kaisipan
Ang mga uri ng teksto ay nagkakaiba sa mga aspetong ito.

Tekstong Impormatibo

Pagbasa ng Unang Teksto


Ang Pamilyang Awstronesyano

Ang wikang Filipino ay kabilang sa isa sa pinakamalalaking pamilya ng wika


sa boung mundo. Ito ang Awstronesyano na nakakalat ito sa napakalaking lawak
heograpikal, mula sa Madagascar hanggang Easter Island at mula Taiwan at Hawaii
hanggang New Zealand. Ito ang dahilan kung bakit tinatawag ding Malayo-
Polinesyano ang pamilyang ito.
Sinasalita ang mga wikang Awstronesyano ng may 300 milyong tao sa
Madagascar, Malay Peninsula, Indonesia, New Guinea, Pilipinas, Taiwan; mga isla ng
Melanesia, Micronesia at Poly nesia; at New Zealand. Ngayon, apat na wikang
Malayo-Polinesyano ang may estadong opisyal sa apat na bansa Malagasy sa
Madagascar, Malay sa Malaysia, Indonesia (o Bahasa Indonesia) sa Indonesia, at
Filipino sa Pilipinas. Ang mga wikang ito ay malaganap na sinasalita at naiintindihan
bilang katutubo o pangalawang wika sa mga bansang ito.
Sa kabila ng malawak na pagsasaliksik sa mga wikang Awstronesyano sa
mga nakaraang dekada, ang kanilang pinagmulan at kasaysayan ay hindi pa halos
nalalaman. Kontrobersyal hanggang ngayon ang ialng magkakalabang teorya ng
klasipikasyon ng mga wikang awstronesyano. Dahil may mga pagkakaibang
estruktural sa pagitan ng mga wikang Awstronesyano, tinataya ng mga linggwista
na maaaring humiwalay sila sa iisang ninuno mga 4,000 taon na ang nakararaan.
May mga nasasabing ang mga unang nagsasalita ng mga wikang
Awstronesyano ay galing sa bahagi ng Asya na malapit sa Malay peninsula at nand
ayuhan pagdaan ng mga taon hanggangb sa Madagascar at sa silangan sa Pasipiko.
Nagsimula ang pandarayuhang ito mahigit 2,000 taon na ang nakararaan. Dahil
nanirahan ang mga nagsasalita ng mga wikang Awstronesyano sa libo-libong isla na
madalas malayong-malayo sa isa’t isa, nalinang ang maraming diyalekta at, sa
katagalan, ang mga wika mula saminumong wikang Awstronesyano.
Pangkaraniwang nahahati ang pamilyang wikang Awstronesyano sa
dalawang sangay: Malayo-Polinesyano at Formosan. Sa ngayon, mas Malaki ang
Kabilang sa Western sub-branch ang may mahigit 500 wikang sinasalita sa Madagascar,
Malaysia, Indonesia, Pilipinas, mga bahagi ng Taiwan, Thailand, Vietnam at Cambodia. Kabilang din ditto
ang dalawang wika sa Micronesia ang Chamorro at Palauan. Kinakatawan ng sub-branch na ito ang may
300 milyong tao at kabilang ditto ang mga wikang malawakang ginagamit, tulad ng Javanese, Malay, at
Tagalog (Filipino).

Sa Cental-Eastern sub-branch na tinatawag ding Oceanic kabilang ang mahigit 500 wikang
sinasalita sa halos boung New Giunea at sa may 10,000 isla ng Melanesia, Micronesia at Polynesia. Kahit
napakarami at kalat-kalat, kinakatawan lamang ng sub-branch na ito ang hindi hihigit sa 2 milyong tao.

Mapupuna rin na maraming wikang kabilang sa pamilyang Awstronesyano ang may iilan lamang
nagsasalitang tao, lalo na sa Melanesia kung saan ang average ay halos isang wika sa bawat 1,500 tao.
Nanganganib mawala ang marami sa mga wika ang ilan sa kanila ay malapit nang mawala o nawala na
talaga.

May mawala mang wika sa pamilyang Awstronesyano, Mananatili itong isa sa pinakamalalaking
pamilya ng wika sa boung mundo.
Tekstong Deskriptibo

Ang pagsulat ng tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa pagpipinta. Ang


mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng
masining na paglalarawang ginagamit sa manunulat.
Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang
taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao. Kalimitang ito sa tanong na Ano.

Halimbawa:
1. Paglalarawan ng tao
a. Masisipag at matitiyaga sa gawain ang mga Asyano
b. Marami sa mga Asyano, tulad ng Hapones at koreano, ay eksperto sa
teknolohiya.
c. Di papahuli sa kahusayan ang mga Pilipino pagdating sa teknolohiya.
2. Paglalarawan ng lugar
a. Dahil sa pinakamaunlad na bansa ang hapon, itinuturing itong “higante” sa Asya.
b. May mga bansa sa Asya na kahit na mayaman sa mga likas na yaman ay di-
gaanong maunlad kung ihahambing sa mga karatig-bansa na may kakaunting
likas na yaman.
c. Papaunlad ang mga bansa sa Asya na ang ikinabubuhay ay agrikultura at
indutriya.
3. Paglalarawan ng Bagay
a. Matataba ang mga produktong maani sa maraming lupain sa mga bansang
Asyano.
b. Mataas ang kalidad ng mga panindang iniluluwas ng mga bansang asyano sa
ilang karatig-bansa sa Asya.
c. Pawang produktong teknolohikal ang produksyon ng bansang Korea at Hapon.
4. Paglalarawan sa Pangyayari
a. Umunlad ang industriya sa Asya dahil sa pagtuklas at pagpapaunlad ng agham at
teknolohiya.
b. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, sadyang gumaan ang mga Gawain at
higit na dumami ang produksyon.
c. Ang tagumpay naman sa ekonomiya ng Taiwan, Singapore at Timog Korea ay
nagbigay-sigla sa iba pang bansang Asyano upang magsikap na matamo ang
ganitong tagumpay sa harap ng papalakas na palighasan ng boung daigdig.

Dalawang Uri ng Paglalarawan


1. Ang karaniwang Paglalarawan
Ito ay purong pangkaalaman ang detalyeng sinasabi. Mga tiyak na
impormasyon at pawing katotohanan lamang ang ginagamit na mga
katangian. Ang damdamin at opinion ng tagapaglarawan ay hindi isinasama.
Pangkabatiran ang isinasakatuparan ditong layunin.
2. Masining na Paglalarawan
Kung pangkaisipan ang karaniwang paglalarawan, ito naming masining
ay pandamdamin. Nadarama, nakikita, naririnig, naaamoy, nahihipo,
nalalasahan, ang mga pananalitang ginagamit dito, bukod sa iba pang
mahahalagang kasangkapang pampalalarawan, gaya ng pagtatambis at
tayutay. Ang mga detalyeng inihahayag dito ay katotohanan din, kaya
lamang nakukulayan na ito ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansarili
ng tagapagsalaysay. Layunin ng tagapagsalaysay na makaantig ng
damdamin ng tagapakinig at mambabasa para mahikayat silang makiisa sa
naiisip o sadyang maranasan ng damdaming inilalarawan.

Tekstong Persuweysib

Ang tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga konsepto, pangyayari,


bagay o mga ideya na nagsasaad ng panghihikayat sa mga mambabasa. Ito rin ay
naglalahad ng mga sapat na katibayan o patunay upang ang isang paksa o kaisipan
ay maging kapani-paniwala. Upang maging makatotohanan ang panghihikayat
kinakailangang magkaroon ng mga ebidensya o patotoo.
Layunin ng tekstong persuweysib na maglahad ng isang opinyong kailangan
mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos
upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat.
Ang persuweysib na teksto ay naglalaman ng mga sumusunod:
1. Mga pahayag na makaakit sa damdamin at isipan ng mambabasa
2. Mga pangangatwirang hahantong sa isang lohikal na kongklusyon
3. Mga dokumentong buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik upang higit na
maging kapani-paniwala at may kredibilidad ang paglalahad.
Ayon kay Jose A. Arrongante et. Al. sa kanyang aklat na pinaunlad na pagbasa at
pagsulat, kinakailangan ang paggamit ng mga teknik panliterarya gaya ng
mapapandamang paglalarawang-diwa, maingat na pamimili ng mga paggawa ng
islogan sa patalastas na madaling maintindihan, mamemorya at maibukambibig.
Sa pagsulat ng tekstong persuweysib kinakailangan ang matalinong pag-iisip.
Ang mga nasaliksik na datos ay susuriing mabuti kung ito’y makatutulong sa
pinakalayunin ng teksto. Ang mga impormasyon ay lohikal na naihanay upang
mabou sa isipan ng mambabasa ang puntong nais palutangin ng may-akda, nang sa
gayon ang mambabasa ay nahihikayat.

You might also like