You are on page 1of 13

Sanay / Salaysay

Sanay=
Maalam o eksperto
Salaysay=
Nagkukuwento
Sanay + Salaysay

= Sanaysay
Sanaysay= Naglalahad ng
saloobin, kuro-kuro,
kaalaman, opinyon sa
paksang pinag-uusapan
1.) Pormal na sanaysay.-

- Nabibilang sa mga pormal na sanaysay ang


mga tekstong kapansin-pansin ang pagtutok
sa teknikalidad. Ito ang mga sanaysay na
gumagamit ng pormal na tono at
karaniwang inililimbag ng akademya.
Kakikitaan din ito ng pormal na gamit ng
wika at gramatikang Filipino. Karaniwan
ding nakasalig sa magpakakatiwalaang mga
sanggunian ang nilalaman ng pormal na
sanaysay.
 
2.) Impormal na sanaysay.

- Tinatawag namang impormal na sanaysay


ang mga tekstong may malayang paggamit
ng estilo ang manunulat. Kakikitaan ito ng
mga pahayag na hindi nalilimitahan ng
pormalidad ng wikang Filipino. Dahil dito,
tinatawag ding personal na sanaysay ang mga
impormal na sanaysay.
a.) Panimula – Inilalahad ang pangunahing
kaisipan o pananaw ng may akda at kung bakit
mahalaga ang paksang tinalakay.
b.) Gitna o Katawan – Inilalahad sa bahaging
ito ang iba pang karagdagang kaisipan o
pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang
patunayan o suportahan ang inilahad na
pangunahing kaisipan.
c.) Wakas – ang kabuuan ng sanaysay ang
pangkalahatang palagay o pasya tungo sa
paksang batay sa katibayan at katwirang inisa-isa
sa katawan ng akda.
1. Ano ang pinagkaiba ng Pormal na
sanaysay at Impormal na sanaysay?

2. Paano naging mahalaga ang


panimula, gitna at wakas sa isang
sanaysay?
“Kahalagahan Ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo sa
Pag-unlad ng Bansa”
Sanaysay ni Yolanda Panimbaan

Edukasyon…susi ng tagumpay. Ang tanging yaman na kahit kailan


ay hindi makukuhalalong-lalo ng hindi mananakaw ng kahit na sino man
dito sa mundo. Ito ay pinakaimportante o pinakamahalagang bagay para
magtagumpay sa ating mga buhay.
Anu-ano ang kahalagan ngedukasyon para makatulong sa ating
bayan! Paano makakamit ang tamang edukasyon! Paanomakakatulong
ang edukasyon sa ating buhay!
Ang kahalagahan ng edukasyon para makatulong sa ating bayan ”
halimbawa sa isangkomunidad iilan lamang ang may alam tapos ang
karamihan ay walang pinag-aralan” mahalagatalaga ang edukasyon para
umunlad ang ating bayan. #akakamit ang tamang edukasyon sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.

You might also like