You are on page 1of 20

FILIPINO-7 MATERYALES SA PAGBASA PARA SA PROGRAMANG 30-MINUTONG PAGBASA

UNANG LINGGO

UNANG ARAW: GAWAIN SA PAGBABAYBAY


1. Wika 6. Pangkaunlaran
2. Konsepto 7. Sangay
3. Ekonomiks 8. Layunin
4. Problema 9. Paglutas
5. Pangkabuhayan 10. Sanaysay

IKALAWANG ARAW: TALASALITAAN

1. Wika -ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng


mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan.
2. Konsepto – ay isang sariling kaalaman ng tao na nilikha sa pamamagitan ng pag-iisip.
3. Ekonomiks – ay ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga
mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang
kanilang walang katapusang kagustuhan.
4. Problema – tanong, katanungan, ang itinatanong, suliranin.
5. Pangkabuhayan– mga gawain para sa ikabubuhay.
6. Pangkaunlaran – mga gawaing nagpapaunlad.
7. Sangay – ahensiya.
8. Layunin – ay tinawag na wakas na nais nitong maabot o ang hangaring makamit.
9. Paglutas – ay pagresolba o pagbigay solusyon sa isang suliranin o sitwasyon.
10. Sanaysay - ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-
kuro ng may-akda.

IKATLONG ARAW: KATATASAN

Panuto: Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba.


(Tala: Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng grupo, pares, o indibidwal)

Ekonomiks sa Diwang Pilipino:


Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari
Tereso S. Tullao, Jr.

Intensyon ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang


Filipino upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito. Marapat lamang
sundin, hamak man, ang mga katangi-tanging sulatin na pinasimulan ng mga
Pilipinong propesor tulad nina Nicanor Tiongson, Virgilio Enriquez, Emerita
Quito,
Wilfrido Villacorta at Isagani Cruz na gumamit ng wikang Filipino bilang
instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng mga konseptong
naglalarawan ng ating katauhan, buhay at lipunan.
Sa sanaysay na ito, tinalakay at sinuri ang limang pangunahing konsepto sa
ekonomiks sa diwang Pilipino. Ang layunin ay hindi lamang upang makapagbigay
ng panimulang introduksyon sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan
kung hindi gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng pangunahing problemang
pangkabuhayan at pangkaunlaran.

Bilang ng mga salita 127

IKAAPAT NA ARAW: PAG-UNAWA SA PAGBASA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng iyong
sagot at isulat sa iyong kuwardeno sa pagbasa.

1. Ano ang intensiyon ng tagapagsulat ? (Paaghihinuha)

a. mas mapalalim ang pagkakaintindi sa salitang ekonomiks

b. makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang

Filipino upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito.

c. makapagbigay

ng panimulang introduksyon sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan

kung hindi gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng pangunahing problemang

pangkabuhayan at pangkaunlaran.

d. mas mapalago ang wikang Filipino sa ating bansa.

2. Sino ang may aksa ng Sulatin ? (Literal)

a. Nicanor Tiongson

b. Emerita Quito,
c. Tereso S. Tullao, Jr.

d. Wilfrido Villacorta

3. Ito ay ginamit bilang instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng mga


konseptong

naglalarawan ng ating katauhan, buhay at lipunan. ? (Literal)

a. Ekonomiks

b. Sanaysay

c. agham

d. Wikang Filipino

4. Ano ang layunin ng mga konsepto ng Ekonomiks sa diwang Filipino? (Literal)


a. gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng pangunahing problemang
pangkabuhayan at pangkaunlaran.
b makapagbigay

ng panimulang introduksyon sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan

c. mas mapalago ang wikang Filipino sa ating bansa.

d. masmapalalim pa ng pagkakaintindi sa salitang Ekonomiks.

5. Ano ang tinatalakay at sinusuri sa sanaysay na iyong binasa? (Literal)

a. Mga benipisyo ng Ekonomiks sa wikang Filipino

b. mga naitulong ng Ekonomiks sa pagpapalawak pa ng kalaaman sa wikang Filipino.

c. ang limang pangunahing konsepto sa

ekonomiks sa diwang Pilipino.

d. ang layunin ng Ekonomiks sa Diwang Filipino.

IKALIMANG ARAW: KASANAYAN SA PAGSULAT

Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita. Isulat ang iyong sagot
sa kuwaderno ng pagbasa.

1. WIKA

2. KONSEPTO

3. EKONOMIKS

4. PROBLEMA

5. PANGKABUHAYAN

6. PANGKAUNLARAN

7. SANGAY

8. LAYUNIN

9. PAGLUTAS

10. SANAYSAY

“Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak sapagkat ang anumang binasa o kaalamang inilagak sa utak ang pinakapagkain nito.”
-G. James Lee Valentine

FILIPINO-7 KAGAMITAN SA PAGBASA PARA SA PROGRAMANG 30-MINUTONG PAGBASA


IKALAWANG LINGGO
UNANG ARAW: GAWAIN SA PAGBABAYBAY

1. MANUNULAT
2. PANANAW
3. DYURNAL
4. PANGYAYARI
5. PAGSUSURI
6. REPLEKTIBONG SANAYSAY
7. NATUTUHAN
8. ASPEKTO
9. PANANALIKSIK
10. PAGKAGUMON

IKALAWANG ARAW: BOKABULARYO

1. MANUNULAT- awtor, taong bihasa sa pagsusulat ng mga akda.


2. PANANAW – mga adhikain, paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa isang bagay
suliranin o pangyayari.
3. DYURNAL- pahayagan o magasin na tumatalakay sa isang particular na paksa o
propesyunal an aktibidad.
4. PANGYAYARI – isang bagay na nangyayari, o ang dalas kung saan nangyayri ang mga isang
bagay
5. PAGSUSURI – isang masusing pamamaraan ng pagaanalisa, pag-aaral upang mabigyan ng
impormasyon at sulosyon ang suliranin o paksa.
6. REPLEKTIBONG SANAYSAY – ay isang uri ng sulating pampanitikan na isang uri ng
tuluyan o prosa, nangangailangan din ito ng sariling opinyon o perspektibo ukol sa isang
paksa.
7. NATUTUHAN – ito ang pagkakaroon ng kaalaman sa isang bagay o kasanayan sa isang
sining hanapbuhay, at iba pa sa pamamagitan ng pag-aaral, pagbabasa at katulad na
karanasan.
8. ASPEKTO – sangay or isang particular na bahagi o katangian ng isang bagay.
9. PANANALIKSIK – isang sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa,
pangyayari at iba pa.
10. PAGKAGUMON – paggamit ng substance.

IKATLONG ARAW: KATATASAN


Panuto: Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba.

(Tala: Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng grupo, pares, o indibi

Replektibong Sanaysay

Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Stratford, isang guro at


manunulat, ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa
pagsasanay na may kinalaman sa pagsuri o pag-arok sa isip o damdamin
(introspection). Pagbabahagi ng mga bagay na nasa-isip, nararamdaman,
pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa. Maihahalintulad ito sa pagsulat
ng dyurnal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at
nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari. Maihahalintulad
din ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon ng
malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay
ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat.
Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at
University of Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na
paglago ng isang tao mula sa isang karanasan o pangyayari. Ibinabahagi ng
sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gamitin sa buhay sa
hinaharap o kaya naman ay kung paano pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa
isang tiyak na aspekto ng buhay. Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal
na karanasan, malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa
pagsulat ang manunulat. Narito ang halimbawa ng mga paksa na maaaring gawan
ng replektibong sanaysay.
Librong katatapos lamang basahin, katatapos na proyekto hinggil sa
pananaliksik, pagsali sa isang pansibikong gawain, praktikum tungkol sa isang
kurso, paglalakbay sa isang tiyak na lugar, isyu sa pagkagumon sa ipinagbabawal
na gamot, isyung pambansa at politika, paglutas sa isang mabigat na suliranin,
isang natatanging karanasan bilang mag-aaral, at marami pang iba.

Bilang ng Salita: 256


IKAAPAT NA ARAW: PAG-UNAWA SA PAGBASA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng
iyong sagot at isulat ito sa kuwaderno ng pagbasa.

____
1.Ito ay isa mga uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay,

ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat.

a.Lakbay-sanaysay b.Replektibong Sanaysay c.Bionote d.Abstrak

____2. Ayon kay _____ guro mula sa West Virginia University, ang replektibong sanaysay ay

nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o

pangyayari.

a. Michael Stratford b.stratford Morgan c.Morgan Freeman d.Kori Morgan

____3. Alin sa sumusunod ang hindi maaring gawan ng paksa para sa replektibong sanaysay?

a.Personal na sanaysay c. praktikum tungkol sa isang kurso,

b. Librong katatapos lamang basahin d. isyung pambansa at politika

____4. Saan nagmumula ang paglago sa personal na aspeto ng manunulat ng replektibong

sanaysay?

a.libro b.kalaman c. karanasan d. pananaw

____5. Ano ang tawag sa bagay na maihahalintulad sa pagsusulat ng Replektibong

sanaysay?

a. libro b. pahina ng aklat c.dyurnal d. tesis

IKALIMANG ARAW: KASANAYAN SA PAGSULAT

Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita. Isulat ang iyong sagot
sa isang hiwalay na papel.
1. MANUNULAT

2. PANANAW

3. DYURNAL

4. PANGYAYARI

5. PAGSUSURI

6. RELEKTIBONG SANAYSAY

7. NATUTUHAN

8. ASPEKTO

9. PANANALIKSIK

10. PAGKAGUMON

“Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak sapagkat ang anumang binasa o kaalamang
inilagak sa utak ang pinakapagkain nito.”
-G. James Lee Valentine

FILIPINO-7 MATERYALES SA PAGBASA PARA SA PROGRAMANG 30-MINUTONG PAGBASA


IKATLONG LINGGO
UNANG ARAW: GAWAIN SA PAGBABAYBAY

1. PAMAYANAN 6. LIGTAS
2. PABRIKA 7. PAGGUHO
3. SULIRANIN 8. LUPA
4. SANHI 9. KAPAKANAN
5. PADER 10. PROYEKTO

IKALAWANG ARAW: BOKABULARYO

1. PAMAYANAN – kumunidad, o lugar an tinitirhan ng mga tao.


2. PABRIKA – pagawaan.
3. SULIRANIN – problema
4. SANHI – tumutukoy sa dahilan o pinagmulan ng isang pangyayari
5. PADER – mga istrukturang initayong pangharang
6. LIGTAS – malayo o iwas sa kapahamakan
7. PAGGUHO – pagbagsak o pagwasak.
8. LUPA – ay isang pangkalahatang kataga para sa materyal na nasa ibabaw ng daigdig.
9. KAPAKANAN – interes, Gawain, o anumang nangangailangan ng kilos o pagpupunyagi.
10. PROYEKTO – ay isang stratehikong plano na naglalayong pagbutihin ang mga kondisyon
ng isang pamayanan o isang tukoy na pangkat panlipunan.

IKATLONG ARAW: KATATASAN

Panuto: Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba.

(Tala: Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng grupo, pares, o indibidwal)

Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng


bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang
agrikultural bagamat unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa
lugar na ito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa
kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan
Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad
ng pagkasira ng kanilang mga bahay ,kagamitan,at maging ng mga
pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng
tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader
na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog . Kung ito ay
maipatatayo , tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga
mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat ,maiiwasan din ang
patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa
na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at
kaligtasan ng mga mamamayan

Bilang ng Salita: 160

IKAAPAT NA ARAW: PAG-UNAWA SA PAGBASA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng iyong
sagot at isulat ito sa kuwaderno ng pagbasa.

1. Saan matatagpuan ang barangay Bacao? (Literal)

a. Caloocan

b. Bulacan

c. Cavite

d. Maynila

2. Ano ang malaking problemang kinakaharap ng mga tag barangay Bacao ? (Literal)

a. Pagdami ng pabrika

b. Mga nasisirang pananim

c. Mga nagkalat na basura

d. Kadalasang pagbaha pag tag-ulan.

3. Ano ang nagiging epekto ng problemang kinkaharap nila? (Pagsusuri)

a. pagakgutom

b. Paghihirap ng mga tao.

c. pagkasira ng kanilang mga bahay ,kagamitan,at maging ng mga pananim

d. wala sa nabanggit

4. Ano ang solusyong nakikita para mapigilan ang kinakaharap na problema? (Pagsusuri)

a. Paggawa ng dam na pipigil sa baha.


b. Pagtatayo ng breakwater o pader.

c. Paglilikas ng tao tuwing may baha.

d. Pagpapatigil sa mga pabrika sa lugar.

5. Ano ang dahilan ng problema sa binasang akda? (Pagsusuri)

a. Ang pagguho ng lupa.

b. Mga basurang nagkalat.

c. Malakas nap pag-ulan .

d. Pag-apaw ng ilog sa kabundukan.

IKALIMANG ARAW: KASANAYAN SA PAGSULAT

Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita. Isulat ang iyong sagot
sa kuwaderno ng pagbasa.

1. PAMAYANAN

2. PABRIKA

3. SULIRANIN

4. SANHI

5. PADER

6. LIGTAS

7. PAGGUHO

8. LUPA

9. KAPAKANAN

10. PROYEKTO

“Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak sapagkat ang anumang binasa o kaalamang inilagak sa utak ang pinakapagkain nito.”

-G. James Lee Valentine

FILIPINO-7 MATERYALES SA PAGBASA PARA SA PROGRAMANG 30-MINUTONG PAGBASA


IKAAPAT NA LINGGO

UNANG ARAW: GAWAIN SA PAGBABAYBAY


1. TALINO 6. KOLEHIYO
2. PELIGROSO 7. HAKBANG
3. KOMISYON 8. HANGARIN
4. ASIGNATURA 9. KARUNUNGAN
5. KURIKULUM 10. MAKATUWIRAN

IKALAWANG ARAW: BOKABULARYO

1. TALINO – ito ay ang mga kaalaman na ginagamit sa mga situwasyon na kailangang


malutasan.
2. PELIGROSO – kapahamakan, delikado.
3. KOMISYON – paggawa, kalupunan.
4. ASIGNATURA – isang sangay ng kaalaman na pinag-aaralan o tinuturo sa paaralan.
5. KURIKULUM – ay isang daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may
responsibilidad.
6. KOLEHIYO – institusyon o gusali na nag-aalok ng edukasyon.
7. HAKBANG – salita kung paano mo gagawin ang isang bagay.
8. HANGARIN – ay nauugnay sa ating mga layunin at kagustuhan.
9. KARUNUNGAN – pagka-unawang galling sa diyos, tumutukoy sa angking talino, husay, at
kakayahan.
10. MAKATUWIRAN – ay ang pag-alam sa kung ano ang tunay na nangyari.

IKATLONG ARAW: KATATASAN

Panuto: Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. (Tala: Maaaring gawin ito sa pamamagitan
ng grupo, pares, o indibidwal)

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga
Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng
Talino at Kagalingan

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na


Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas
nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang hunyo 28 serye
2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro
sa Ingles o Filipino ang mga asignaturang binalangakas nila, bilang
halimbawa ay ang Purposive Communication na nakapaloob sa nilikha
nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan pa
ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles
sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi
pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang
ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong
mabuway ang Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive
Communication sa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw
ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga
kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro
sa Filipino, partikular na sa PUP ang mawawalan ng trabaho at
mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya
ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na
isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang
Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti ang
CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng
Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino
dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito:

"General education enables the Filipino to find and locate her/himself


in the community and the world, take pride in and hopefully assert
her/his identity and sense of community and nationhood amid the
forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity
of appreciating the gifts of nature and addressing social problems in
the general education program increasingly become more pressing."
Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon
sa hangarin at kontekstong isinasaad? sapagkat ang mga asignaturang
Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa
kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang
identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang
makabansa na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at
makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-
Bilang ng Salita: 123
aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng
maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa
dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking puwang na kung
tutuusi'y hindi naman makatuwiran.

BILANG NG MGA SALITA 423


IKAAPAT NA ARAW: PAG-UNAWA SA PAGBASA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng iyong
sagot at isulat ito sa kuwaderno sa pagbasa.

1. Ano ang memorandum na pinalabas ng CHED sa babasahin ? (Literal)


a. Memorandum Order Blg. 19 na may petsang hunyo 28 serye 2013.
b. Memorandum Order Blg. 22 na may petsang hunyo 28 serye 2013.
c. Memorandum Order Blg. 20 na may petsang hunyo 28 serye 2013.
d. Memorandum Order Blg. 30 na may petsang hunyo 28 serye 2013.
2. Anong artikulo sa 1987 na Konstitusyon ng Pilipinas itinakda ang Filipino bilang
pambansang wika? (Literal)
a. Artikulo XVI
b. Artikulo XVII.
c. Artikulo XI.
d. Artikulo XIV.
3. Ano ang tawag sa ating pambansang Wika? (Paghinuha)
a. Filipino
b. Pilipino
c. Tagalog
d. Lingua Franca
4. Ano ang katumbas na kahulugan ng CHED sa wikang Filipino? (literal)
a. Kagawaran ng Edukasyon.
b. Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon sa Kolehiyo .
c. Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon .
d. Wala sa nabanggit.
5. Alin sa sumusunod ang kalinangang Pilipino ?(Pagsusuri)
a. (wika, kultura at kasaysayan)
b. (wika, karanasan at kabihasnan).
c. (diyalekto, kultura at kabihasnan) .
d. d. (wika, kultura at kabihasnan)

IKALIMANG ARAW: KASANAYAN SA PAGSULAT

Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita. Isulat ang iyong sagot
sa isang hiwalay na papel.
1. TALINO

2. PELIGROSO

3. KOMISYON

4. ASIGNATURA

5. KURIKULUM

6. KOLEHIYO

7. HANGARIN

8. HANGARIN

9. KARUNUNGAN

10. MAKATUWIRAN

“Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak sapagkat ang anumang binasa o kaalamang
inilagak sa utak ang pinakapagkain nito.”
-G. James Lee Valentine

FILIPINO-7 MATERYALES SA PAGBASA PARA SA PROGRAMANG 30-MINUTONG PAGBASA


IKALIMANG LINGGO

UNANG ARAW: GAWAIN SA PAGBABAYBAY

1. RESPONSIBILIDAD 6. LARANGAN
2. MAHABAGIN 7. KATUTURAN
3. TALENTO 8. MAPAGKUMBABA
4. PROPESYONAL 9. PERPEKTO
5. TAGISAN 10. HASA

IKALAWANG ARAW: BOKABULARYO

1. RESPONSIBILIDAD – ang pagtupad ng mga obligasyon, o pangangalaga kapag


nagpapasya o gumagawa ng isang bagay.
2. MAHABAGIN – mabilis na makaramdam ng habag sa kapwa.
3. TALENTO – isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangan tuklasin.
4. PROPESYONAL – ay tawag sa mga taong nakapagtapos sa kanilang napiling propesyon o
kurso.
5. TAGISAN – nakikipagtunggali
6. LARANGAN – disiplina, o bahagi ng kaalaman na itinuturo at sinasaliksik sa mga
kolehiyo at pamantasan.
7. KATUTURAN – ay ang kahalagahan o importansya ng isang bagay.
8. MAPAGKUMBABA – may mahabang pasensya, madaling magpatawad hindi mapagmataas,
may mababang loob, hindi mapangmata.
9. PERPEKTO – mahusay, tama at walang kamali-mali
10. HASA – pagpapatalim o pagpapatalas

IKATLONG ARAW: KATATASAN

Panuto: Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. (Tala: Maaaring gawin ito sa pamamagitan
ng grupo, pares, o indibidwal)

“ANG MGA MAG-AARAL NG UST SENIOR HIGH SCHOOL (UST-


SHS) SA LOOB AT LABAS NG BGPOP”

ni:Trisha Capulong

Kasabay ng maligayang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral


noong Thomasian Welcome Walk ay ang pagtanggap nila sa lahat ng
mga responsibilidad na kanilang haharapin bilang isang mahabagin,
maaasahan, at tapat na Tomasino.

Hindi nagtagal matapos ang pagpasok ng mga mag-aaral sa


Arch of the Centuries, nagsimula na ang pormal na klase.
Tuloy-tuloy ang mga gawaing ibinibigay – PeTas, pagsasanay,
pananaliksik, atbp. – bilang paghahanda sa kolehiyo na tunay
ngang nagbigay ng pagsubok sa kanila.
IKAAPAT NA ARAW: PAG-UNAWA SA PAGBASA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng iyong
sagot at isulat ito sa kuwaderno sa pagbasa.

1. Ay ang pagtanggap nila sa lahat ng mga responsibilidad na kanilang haharapin bilang


isang mahabagin, maaasahan, at tapat na Tomasino? (Literal)
a. Intramurals b. Thomasian Welcome Walk c. Synergy d. School Week

2. Ano ang pangalan ng pamantasan na kinabibilangan ng awtor? (Literal)

a. UP

b. UST

c. UE

d. ADMU

3. Sa mga binanggit na gawain anong Gawain ang nagpapakita at humahasa sa teamwork


pakikipagkaibigan at pagpapakumbaba?
a. Thomasian Welcome Walk b. Arch of The Centuries c. Intramurals d. Synergy
4. Ano ang layunin ng Senior High School Week? (Paghinuha)

a. Magkaroon ng kaibigan

b. Maging mahabagin

c. Magkaroon ng bagong kaibigan

d. magakroon ng tagisan ng natatagong talento

5. “Ano ang pinakagustong gawin Ng UST_SHS sa kanilang mga mag-aaral?(Pagsusuri)

a. maging perpekto

b maging huwarang mag-aaral

c. isang mahabagin at mapagmahal na mag-aaral.

d. lamang hasa ang utak, kundi malaki rin ang puso para sa iba.

IKALIMANG ARAW: KASANAYAN SA PAGSULAT

Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita. Isulat ang iyong sagot
sa isang hiwalay na papel.

1. RESPONSIBILIDAD
2. MAHABAGIN

3. TALENTO

4. PROPESYUNAL

5. TAGISAN

6. LARANGAN

7. KATUTURAN

8. MAPAGKUMBABA

9. PERPEKTO

10. HASA

“Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak sapagkat ang anumang binasa o kaalamang
inilagak sa utak ang pinakapagkain nito.”
-G. James Lee Valentine

You might also like