You are on page 1of 2

Ang wika ay hindi lamang tungkol sa salita o wastong pagbaybay nito, at

hindi rin lamang tungkol sa tamang pagbuo ng pangungusap. Dapat nating


maunawaan na ang sariling wika ay identidad natin na dapat nating kilalanin,
alamin, at tuklasin. Dahil ang bisa ng kapangyarihan ng wika tungo sa
pagtatamo ng karunungan ay nakasalalay sa pagpapahalaga at pagtangkilik
ng sambayanang nag-iisip. Kung makikilala natin ang sarili, mahahanap natin
ang tunay na daang dapat nating tahakin.
Ayon sa isang Baconian Engineering model, knowledge is power o ang
kaalaman ay kapangyarihan. Ika nga ng sikat na tagapag-ulat ng panahon na
si Ernie Baron, kung walang knowledge, walang power.
Kapangyarihan ng ang maituturing ang pagkakaroon ng kaalaman, lalo na sa
lipunang laganap ang kamangmangan na dulot ng ibat ibang isyung
panlipunan partikular na sa sistema ng edukasyon. Sa lipunang Pilipino, ang
pagkakaroon ng degree (batsilyer, masterado o doktorado) ay isang
pagtatamo ng karangalang nagdudulot ng relasyong pangkapangyarihan.
Nagkakaroon ng mataas na pagtingin ang komunidad sa iyo kapag may
tinapos ka. Hindi rin nakapagtataka, (sa tingin ko bilang guro) na madalas
matandaan ng guro ang mga mag-aaral na nagpapakita ng kahusayan sa klase
na dulot ng kaalamang naibabahagi niya sa pakikipagtalakayan.
Sabi nga sa komersyal ng isang sikat na estasyon sa telebisyon, lamang ang
may alam. Nakalalamang talaga ang may alam, lalo na kung ang pagtatamo
ng karununganay nasa wikang madaling maunawaan.
di maitatago ang katotohanan, na ito ang wika sa global na espasyo. Pero
dapat bigyang diin, na ito ay dapat pag-aralan bilang pangalawang wika at
hindi bilang pangunahing wika.
Sa usaping ito, hindi na kailangan pang ihalimbawa ang kaso ng mga
maunlad na bansa sa Asya tulad ng Thailand at Japan, na sariling wika ang
gamit sa lahat ng gawain. Patunay lamang na ang pagtatamo ng karunungan
ay magiging epektibo kung nasa wikang likas sa ating dila.
Sa pangkahalatan,importanteng maunawaan natin ang ating wika.Ang pagaaral ng wika ay mahalaga upang malaman natin ang wikang Filipino at ang

pinag-kaiba nito sa ibang mga diyalekto at para malaman ang kahalgahan


nito sa pag-unlad ng ating ekonomiya.

You might also like