You are on page 1of 40

Intelekwalisasyon

sa
Wikang Filipino

Giray, Ma. Precious Camille Aplaca


BSPSY 2-2
Gawain 1:

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:

1. Intelektuwalisasyon - Ito ay ang pagpapaunlad ng isang

wika sa isang antas na maaaring magamit para maka kuha ng

impormasyon.

2. Lingguwistikong Proseso ng Intelektuwalisasyon - Proseso

kung saan pinapaunlad ang pamantayan (standard) ng wika,

ang pagbuo at pagpapaunlad ng mga korpora, at mga teksto

sa iba’t ibang disiplina, pati na ang pagbuo ng rehistro ng

wika.

3. Ekstra-Lingguswitikong Proseso ng Intelektuwalisasyon -

Ito ay ang proseso ng pagbuo ng isang grupo ng

“significant others” o “creative minority”

4. “Significant Others” o “Creative Minority” - Tumutukoy

ito sa lupon ng mga iskolar at nagpapakadalubhasa sa bawat

disiplina at larangan kung nasaan sila.


5. “Domain” - Isang ‘bahagi’/lugar ng teritoryo na pag-

aari o kontrolado ng isang pinuno o pamahalaan.

Sagutin:

1. Liban sa asignaturang Filipino, naranasan mo na bang

makinig sa mga talakayan may kinalaman sa asignaturang

Matematika, Agham (Biolohiya, Kemistri, o Pisika), Ingles, at

iba pa gamit ang wikang Filipino? Ano ang iyong naging

impresyon at bakit? Ipaliwanag.

- Liban sa mga nasabing asignatura sa taas, naranasan ko na

din na makinig sa mga talakayan gamit ang wikang ingles.

Nga lang, hindi ito madali sapagkat may mga salitang Filipino

na talagang malalim na hindi ko maunawaan. Tulad

nalamang noong tinanong ako ng aking guro sa matematika

kung anong tagalog niyon. Iyon pala ay sipnayan lamang.

2. Ipaliwanag ang modelo ni Haugen sa pagpaplanong


pangwika. -

Mayroong apat na bahagi ang modelo ni Haugen sa

pagpaplanong wika; ito ay ang mga sumusunod: una ay ang

pagpili, ikalawa ay ang pagtanggap, ikatlo ay ang

kodipikasyon, at ang huli ay ang elaborasyon o

intelektuwalisasyon. Ang pagpili ay literal na pimimili ng mga

salita o palisi na babaguhin upang mailapat at maintindihan

ng maayos ang wikang nais baguhin o isalin sa panibagong

anyo. Ang pagtanggap naman ay ang paglalapat ng mga

binagong salita o ang pag gamit dito. Ang kodipikasyon

naman ay ang paglalagay ng pamantayan sa mga salitang

napili; kung ito ba ay angkop, tama ang gramatika at iba pa.

Ang elaborasyon naman o intelektuwalisasyon naman ay ang

pinal at panghuling bahagi sa modelo ni Haugen kung saan

ang wika ay tunay nang maunlad at madali nalamang gamitin

upang magdagdag o magkalat kaalaman.

3. Batay sa mga naibigay na pakahulugan sa

Intelektuwalisasyon, ano ang pinakatumatak sa iyo at bakit?


- Sa lahat ng pakahulugan na naibigay, ang pinakatumatak sa

akin ay ang sinabi ni Pamela Constantino kung saan gusto

niyang tingnan ang intelektuwalisasyon bilang isang

kondisyon o kalagayan na naipapakita na o nabibigyang

pagkakataon ang wika na umunlad at magamit sa iba’t

ibang domain o mapaggagamitan nito, hindi lang sa pang-

araw-araw na komunikasyon. Tunay na hindi lamang dapat

ang mga taong nasa unibersidad o mga taong may mataas

na pinagaralan ang mahasa o magpaunlad ng gamit ng wika

o intelektuwalisasyon sa Filipino kung hindi na din ang bawat

mamamayan na nasa lipunan. Kaya din minsan mababa ang

tingin sa mga taong hindi nakapag aral sa unibersidad o

tanyag sa paaralan dahil hindi nagagamit ang pagpapaalim at

pagpapalawig ng wika sa pang araw araw nilang buhay at

pakikipagkomunikasyon.

4. Paano mo bibigyan ng sariling pakahulugan ang

Intelektuwalisasyon?

- Para sa akin, ang intelektuwalisasyon ay isang daan o tulay

hindi lamang sa ikauunlad ng bawat indibidwal na nagaaral

nito o nagpapalalim dito kung hindi na din tulay sa mas


malalim, matatag, at malawak na pakikipagkomunikasyon at

pakikipagkapwa hindi lang limitado sa kaparehong lahi kung

hindi na din sa mga taong hindi natin kapareho ng

pinanggalingan.

5. Balikan ang mga larawan sa sa itaas. Masasabi mo bang

intelektuwalisado na ang mga wika sa itaas? Ipaliwanag. -

Para sa akin, masasabi kong intelektuwalisado na ang mga

wika sa itaas dahil unang una, nagbigay na ito ng

impomasyon at kaalaman na maaaring mapalawig at

gumamit na din ng wika upang magbatid ng nais

ipakahulugan at pangalawa, ito ay pasok sa pamantayan ng

wika, tama ang gramatika at sumusunod sa iba’t ibang

gamit ng disiplina.

Gawain 2:

1. Magbigay ng sampung (10) susing-salita mula sa artikulo at bigyan

ng sariling pagpapaliwanag.

• Language Domains - Tumutugon sa mga kasanayan sa pakikinig,


pagsasalita at pagsulat.

• Non-controlling Domains (NCDs) – Maaaring di-nakasulat at maaaring

gamitin sa kahit anong wika tulad na lamang ng larangan ng lingua

franca.

• Semi-controlling Domains (SCDs) – Ang mga larangan na kung saan,

ang pagsusulat ay hindi sapilitan,ilan sa mga halimbawa nito ay ang

relihiyon, politika, at libangan.

• Controlling Domains (CDs) – Nangangailangan nang mabuti at

wastong pagbasa at pagsulat, kasama rito ang mahahalagang larangan

tulad ng edukasyon, pamahalaan, pagbabatas, hukuman, agham at

teknolohiya, negosyo, pangkalakalan at industriya.

• Taglish – Kombinasyon ng wikang Ingles at Tagalog.

• Register – Ito ang tanging paggamit ng wika sa isang larangan o

bahaging larangan.

• Intellectualized Language - Bilang pambansang wika, ito ay ginagamit

sa larangan ng edukasyon, syensya at teknolohiya, kalakalan, industriya,

mass media, literatura at mga pandaigdigang pakikipag-ugnayan.

• Source Language for Intellectualization (SLI) – Ito ang pinanggalingan


o pinagbasehan ng mga salita sa iba’t ibang wika.

• Lingua Franca - Ang Lingua Franca ay isang uri ng diyalekto na

ginagamit ng mga indibidwal na mayroong mga pangunahing wika na

nagkakaiba-iba base sa lokasyon, kultura, at paniniwala.

• Intellectualization - Isa sa mga importanteng aspekto ng ating

pagkakakilanlan at kultura na sumasalamin sa ating pagkamakabayan,

husay, at kasanayan sa paggamit ng partikular na wika.

2. Ano-ano ang pinagkaiba ng “Non-controlling Domains,” Semi-

Controlling Domains,” at Controlling Domains sa isa’t isa?”

Ang Non-controllig Domains (NCDs) ay walang limitasyon kung saang

wika ito gagamitin, ang Semi-controlling Domains (SMDs) naman ay

mas strikto kumpara sa NCDs, sa domain na ito nakapaloob ang

usapang relihiyon, politika, at libangan, habang ang Control Domains

(CDs) naman ay karaniwang binubuo ng mga intelektwalisadong wika

tulad ng Ingles, Aleman, Ruso, Pranses, at Hapon.

3. Ayon kay Sibayan, “… English, Russian, German, French, Japanese, to

name just five, are intellectualized languages. By the same definition,


Filipino is not l (yet) an intellectualized language.” Sangayon ka ba

dito? Bakit? Bakit hindi?

Sa aking palagay, sang-ayon ako na hindi pa intelektwalisado ang ating

wika (Filipino) dahil ang ating wika ay limitado pagdating sa pagsasalin

nito sa ibang intelektwalisadong wika tulad na lamang ng Ingles—

maraming salitang Filipino ang walang katumbas na salin/ibig sabihin

sa Ingles.

4. Sa pagtatapos ng artikulo, sinabi ni Sibayan “At present, English is

the perceived language for socio-economic advancement and is the

language of aspiration in the CDs of language. In order that Filipino

may be intellectualized it must be used in the CDs of language which

means it must replace English. But for Filipino to replace English, it

should be intellectualized. Therein lies the dilemma in the

intellectualization of Filipino.” Sangayon ka ba dito? Bakit? Bakit hindi?

Para sa akin, ako’y sang-ayon sa talatang nasakulat sa itaas kahit

masakit mang tanggapin na ang ating wika ay hindi kayang palitan o

isalin ang Ingles sa purong Filipino. Hindi maitatanggi na may mga

laranagan na hindi kayang matutuhan kapag wikang Filipino ang


gagamitin, isang halimbawa rito ay ang larangan ng medisina, may mga

terminolohiyang walang katumbas sa wikang Filipino.

5. Ano ang masasabi mo sa kalagayan ng intelektuwalisasyon ng

wikang Filipino sa kursong iyong kinukuha?

Masasabi kong ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa aking

kinuhang kurso (Bachelor of Science in Psychology) ay hindi ganoong

nakikita sa kadahilanang, maraming mga termino, teorya, at mga

pagpapaliwanag ang walang katumbas sa wikang Filipino.

Gayunpaman, may mga pagkakatao na mas nauunawaan ko ang mga

aralin kapag ito’y aking isinasalin sa ating sariling lenggwahe.

6. Sa kabuuan, ano ang iyong reaksyon sa artikulo?

Matapos kong basahin ang artikulo na pinamagatang “The

Intellectualization of Filipino” ni Bonifacio P. Sibayan, ako’y nalungkot

at kahit papaano ay naliwanagan sa mga nakasaad sa artikulo.

Malungkot, dahil sa katotohanang malayong maging intelektwalisado

ang wikang Filipino, at naliwanagan sa paraang aking tinanggap na ang

ating wika ay bukod tanging naiiba kaya’t may mga salitang walang

katumbas sa ibang lenggwahe.


Gawain 3:

1. Magbigay ng tatlong (3) punto ni Constantino hinggil sa kawalan

natin ng “intellectual tradition”.

• Ang ating bansa ay hindi pa sibilisado bago masakop kung kaya’t

halos lahat ng larangan ay naimpluwensiyahan ng mga mananakop

• Sa sistema ng edukasyon na mayroon tayo. Mas binibigyang pansin

ang pag-aaral sa wikang Ingles kung kaya’t nawawala ang kasanayan

ng mga estudyante sa sarili nitong wika.

• Kawalan ng atensyon sa akda ng mga pantas sa larangan ng ating

wika. Mas binibigyang pansin ang gawa ng mga dayuhan.

2. Ano ang relasyon ng kolonyalismo sa kawalan nating “intellectual

tradisyon?”

Nananatili pa rin ang tatak ng mga dahuyan matapos nilang sakupin

ang lahat ng larangan sa ating sa relihiyon, sa edukasyon, sa istruktura


ng lipunan, sa ekonomya, sa kultura at pati na sa wika.

3. Sa iyong palagay, may kaugnayan ba ito sa suliranin sa

intelektuwalisasyon ng wikang Filipino? Ipaliwanag.

Oo dahil kung mananatili ang kaisipan na mas higit ang wikang Ingles

sa sarili nating wika ay hindi natin mapagyayaman ito.

4. “Ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika

ng tunay na Pilipino.” Sangayon ka ba sa sinabing ito ni Constantino?

Bakit? Bakit hindi?

Sangayon ako rito dahil nga naimpluwensiyahan tayo ng mga

mananakop pagdating sa ating wika, ang pagbunsod ng pagkakaroon

ng intelektwalisadong wika ng ating bansa ang makapagpapalaya

lamang sa kaisipang mas higit ang wikang Ingles sa Filipino.

5. Ano ang iyong realisasyon matapos mabasa ang artikulo?

Napagtanto ko na bilang makabagong mamamayang Pilipino, may

malaking posibilidad na nagkulang tayo sa pagtataguyod ng ating


Wika. Mas nanaig ang mentalidad natin na tutukan ang literatura at

sining ng kanluranin kumpara sa sariling atin. Natutunan ko rin na

marami tayong pagkukulang bilang isang makabagong mamamayan sa

pagpapanatili ng ating kultura. Gayon pa man, naniniwala ako na hindi

kailanman magiging huli ang lahat sa pagpapaunlad ng ating Wika.

Marahil kung bibigyan natin ng pansin at tukuying mabuti ang mga

akda, pag-aaral, likha, at mga bagay na may kinalaman sa sariling atin,

tayo ay makalalaya ng tunay.

Gawain 4:

1. Magbigay ng tatlong (3) tungkulin ng wika na iginiit sa tula.

I. “…Wika itong magbubuklod sa organikong masa…” mula sa unang

saknong, ikalawa at ikatlong taludtod. Isa sa tungkulin ng Wika ang

pagkaisahin ang mamamayan. Itinataguyod nito ang pagkakaisa at

patriyotismo ng masa.

II. “…Wika itong umaayon sa kumpas ng pag-unlad, Wika itong

sumusulong hindi umuurong…” mula sa ikatlong saknong, ikatlo at


ikaapat na taludtod. Tungkulin ng Wika na umayon sa ikauunlad ng

isang bansa. Ito ay pumapanig sa ikabubuti ng mamamayan at hind isa

ikasisira nito. Ang Wika ay tuloy-tuloy at sumusulong.

III. “…Wika itong nagbabadya ng mga pagtutol Wika itong hindi puro

tango, minsa‘y umiiling…” mula sa ika-limang saknong, ikatlo

hanggang ikalimang taludtod. Ang Wika ay walang pinapanigan.

Tungkulin ng Wika na maging bukas, hindi magbula-bulagan sa

kamalian. Tungkulin ng Wika ang kritisismo, pakikibaka, at pagpo-

protesta tungo sa ikauunlad ng mamamayan.

2. Pansinin ang ikatlong saknong (iii), sa iyong palagay ba ay may

kaugnayan ang pagsulong ng Filipino sa iba’t ibang larangan sa

pambansang kaunlaran? Bakit? Bakit wala?

Sa aking palagay, mayroong naging ambag ng pagsulong ng Filipino sa

iba’t-ibang larangan upang mapaunlad ang bansa. Ang ating Wika ay

malaya, nagagamit sa pang araw-araw at sa iba’t-ibang uri ng

propesyon upang magtulong-tulong sa pagkamit ng mga layunin. Ang

ating Wika ang nagiging daan upang tayo ay magbuklod-buklod at

magkaisa sa pagpapatupad ng mga tungkulin, gayon na lamang sa

pagbabahagi ng ating mga saloobin sa nakararami.


3. Ano ang Filipinolohiya?

Ang Filipinolohiya ay isang disiplina ng karunungan na nagmula sa

maka-agham na pag-aaral ng Wika, panitikan, kultura, at karunungang

bansa. Ito ang tumutukoy sa pagiging maka-bansa at maka-Pilipino na

naglalayong intindihin ang mga natatanging kaisipan ng literaturang

Pilipino.

4. Ano ang konteksto sa pagkakasulat ng akda?

Ang konteksto sa pagkakasulat ng akdang nabanggit ay may kinalaman

sa Wika bilang simbolo ng pagkakaisa. Isinasalaysay ng tula ang mga

tungkulin, kakayahan, atAng konteksto sa pagkakasulat ng akdang

nabanggit ay may kinalaman sa Wika bilang simbolo ng pagkakaisa.

Isinasalaysay ng tula ang mga tungkulin, kakayahan, at gampanin ng

Wika sa bansa. Sa kabilang banda, isinisiwalat din ng akda ang mga

positibo at negatibong nagagawa ng mamamayan dito. Alinsunod dito,

ibinibigay din ng may akda ang nararapat na gawin, at pang e-


engganyo sa mambabasa tungo sa pagpapahalaga sa pambansang

Wika.

5. Para sa iyo, may gampanin ba ang wikang Filipino sa pakikibaka,

pagkakaisa, at paglaya?

Sa aking palagay, Malaki ang gampanin ng Wikang Filipino sa

pakikibaka, pagkakaisa, at paglaya sapagkat bilang isang Pilipino, ito

ang daan natin upang maiparating ang ating saloobin sa nakararami. Sa

pamamagitan ng Wikang Filipino, malaya natin naipapahayag ang

mensahe, kritisismo, at panawagan kung saan dito natin napag-

bubuklod ang mga ideya ng walang sagabal o hadlang.

Gawain 6:

1. Batay sa teoryang “unibersal na nukleyus” ni Ernesto Constantino,


magbigay ng sampung (10) salita mula sa tatlong (3) magkakaibang

katutubong wika sa bansa na pareho o halos pareho sa ispeling, bigkas,

at kahulugan. (Halimbawa: Kain=Tagalog Kaon=Bisaya, Kaon=Waray)

Tagalog Bisaya Waray

labahan labhunon bunakan

walis silhig silhig

upuan bangko lingkuran

bahay balay balay

sumbrero kalo kalo

maliit gamay ditoy

dito diri dinhi / dihan

pagkain pagkaon pagkaon

maganda gwapa mabaysay

matalino brayt baltok

2. Sinasabing nasa higit 200 paghihimagsik laban sa mga Kastila ang

naitala sa buong kapuluan, ano ang nagsilbing tungkulin ng wika upang

mangyari ang mga iyon?

Malaki ang naging tungkulin ng Wika dito sapagkat naganap ang

digmaan sa kadahilanang may Wikang nagbibigkis sa lunggati ng


sambayanang api. Ang Wikang ito ang naging dahilan kung bakit may

dalawang-daang paghihimagsik laban sa mga Kastila. Naging daan din

ito upang tahimik na maiplano ng Himagsikang 1896 sa pamumuno ni

Gat Andres Bonifacio ang natatanging plano na mag-alsa laban sa mga

mananakop.

3. Sa iyong palagay, nananatili pa rin ba ng wika ng mananakop (i.e.

Ingles) bilang wikang opisyal sa bansa? Patunayan sa pamamagitan ng

halimbawa.

Ang Wikang Ingles ay naging pandaigdigang medyum na Wika na

gingamit sa malawakang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang karatig

bansa. Ang Ingles ay ginagamit sa pagpapakalap ng impormasyon na

nagsisilbing daan upang mapaunlad ang mga salik na nakapaloob sa

isang nasyon. Sa aking palagay, nananatili pa rin ang Wika ng

mananakop bilang Wikang opisyal sa bansa sapagkat ito ay tinaguriang

intelektuwalisado, kumpara sa Wikang lokal na hindi pa ganap na

maunlad.
Gawain 9:

1. Tukuyin ang pinagkaiba ng “popularly modernized” at

“intellectually modernized” na wika.

Base sa mga tinuran ni Sibayan noong 1991 ang “popularly

modernized” na wika ay tumutukoy sa mga publikasyon na

kinokonsumo ng karamihan. Ito ay lipon ng modernisadong Wika na

ginagamit ng nakararami o ng masa. Sa kadahilanang ito ay ginagamit

ng nakararami, hindi nito naalintana ang mahahalagang mensahe ng

isang pahayag. Malinaw itong naipababatid at mabilis mauunawaan

dahil sa posibilidad na ito ay ginagamit sa pang araw-araw. Ilan sa mga

halimbawa nito ay ang balbal, malokal, kolokyal, at iba pa.

Sa kabilang banda, ang “intellectually modernized” naman ay

tumutukoy sa mga publikasyon o gawi ng wika na ginagamit sa

mahahalagang larangan na matututuhan sa mga paaralan at/o

pamantasan. Ito ay may halintulad sa modernisadong Wika ngunit pili

lamang ang mga salitang ginagamit dito. May ilang paggamit ng

makabagong pananalita ngunit ito ay ginagamit lamang sa ibinabagay

na estado.
2. Bakit mahalaga ang papel ng “popularly modernized” na wika sa

intelektuwalisasyon ng wika?

Ang “popularly modernized” na Wika ay uri ng pananalita na

ginagamit ng karamihan. Ito yung mga tinatawag nating mga uso.

Bilang isang Gen Z na gumagamit din nito ay masasabi kong

importante ito sapagkat napagyayaman pa nito lalo ang ating wika

bagama’t sa ilang pagkakataon ay nagiging impormal tuloy ang

usapan pero nakakakitaan ko naman kasi ng magandang dulot ito.

Nagagawa kasi nitong hikayatin ang mga susunod na henerasyon na

patuloy magsalita at makipag-usap. Sa ganun ay mas napapasa nang

napapasa ang kaalaman sa mg susunod pang heneresayon. Ang

nakakatuwa pa rito ay nakadaragdag din ito sa kultura natin. Mas

nagiging makulay ang ating personalidad.

3. Sa iyong palagay:

a. Maaari bang makapagtamo ng lahat o ng kumpletong edukasyon

mula elementarya hanggang uniberdad (pati ang mga paaralang

gradwado) ang isang indibidwal sa pamamagitan ng wikang ito?

Sa aking palagay ay oo, maaaring makapagtamo ng lahat o ng


kumpletong edukasyon mula elementarya hanggang uniberdad (pati

ang mga paaralang gradwado) ang isang indibidwal sa pamamagitan

ng Wikang ito.

b. 2. Ang wikang Filipino na ba ang pangunahing wika na ginagamit sa

mga mahahalagang larangan (controlling domains)?

Sa tingin ko ay marami pa rin talaga ang mga larangan ang hindi

ginagawang pangunahing wika ang Filipino kaya naman ang sagot ko

rito ay hindi.

c. Lahat na ba ng mga Pilipino ay nais na matuto ang kanilang mga

anak sa pamamagitan higit ng wikang Filipino?

Sa panahon ngayon ay marami pa ring matigas sa kanilang mga

paniniwala, konserbatibo at hindi nakakaalam kaya naman hihindi ako

sa ideya na ang lahat na raw ng Pilipino ay ninanais matuto ang mga

anak sa pamamagitan ng wikang Filipino.

4. Sa iyong palagay, bakit nasabi ni Sibayan na “sa intelektwalisasyon

ng wika, nagiging intelektwalisado ang sambayan at sa

intelektwalisasyon ng sambayan, nagiging intelektwalisado ang wika.”


Nasabi nito ni Sibayan sapagkat ang kulang lang naman sa ating mga

Filipino ay kaalaman. Madalas kasi ay wala rin tayong kamlayan sa mga

bagay-bagay kaya naman mas minabubuti na lang nating huwag

makialam total ay hindi naman tayo sigurado. Iyon, iyon ang

pinakamalaking rason kung bakit hindi maipaglalaban o maisusulong

ang intelektuwalisasyon ng wika sa bansang ito. Masyado tayong

walang alam sa mga importanteng bagay. Madalas ay ayos na tayo sa

puwede na, basta nabubuhay o hindi kaya basta nag-aaral o basta

kumikita. Ang dulo, wala tayong pakialam sa tunay na pagunlad natin

lalo naman sa pag-unlad ng bayan natin. Kailangan nating maging

matalino. Hindi naman ito mahirap, kailangan lang nating

pagsumikapan. Kailangan natin maging intelektuwalisado. Piliin nating

maging matalino bilang Filipino. Maging matalino para sa bayan.

Gawain 11:

1. Ano ang Edukasyong Bilingguwal at ano ang pangunahing layunin

nito?
Ang Edukasyong Bilingguwal ay mula sa rekomendasyon ng National

Board of Education na isang polisya naglalayong ilagay ang wikang

Filipino/Pilipino bilang wikang panturo sa paaralan. Ito ay ayon sa NBE

Resolution No. 73-7, s. 1973 na sinuportahan naman ng Kagawaran ng

Edukasyon sa sa paglalabas ng Departement Order No. 25, s. 1974. Ang

implementasyon na ito ay binubuo na apat-na-taong transisyon na

nagsasabing gamitin ang Filipino/Pilipino bilang midyum sa karamihan

ng asignatura sa paaralan at maiiwan naman ang Agham at Matematika

sa wikang Ingles. Ito ay para maisagawa ang mithiing malaan ang 80%

ng mga asignatura sa Filipino/Pilipino bilang wikang panturo at ang

natitirang porsyento naman ay para na sa Ingles.

2. Ano-ano ang mga naging balakid o hadlang sa pagpapatupad ng

Edukasyong Bilinguwal?

Malaki ang panghihinayang ko sa Edukasyong Bilingguwal. Hindi kasi

nito kinaya ang maraming balakid na humarang sa maganda sa nitong

resulta. Sa sarili kong pagpaparte-parte ay hinati ko sa tatlo ang mga

naging balakid o hadlang. Ang tatlong ito ay ang lugar, gamit,


namamahala at mga nakakaranas. Una ang lugar dahil napatunayan na

kung na saan ka man ay makaka-apekto ito ng malaki sa inyong pag-

aaral. Pangalawa ay bagay, hindi rin kasi talaga maiiwasan ang

magkulang sa mga materyales panturo at hindi maayos na kurikulum,

bibihira talaga siguro noon ang intelektuwalisadong mga libro.

Pangatlo ay sa mga namamahala, nagkaroon kasi ng hindi maayos na

ugnayan mula sa mga nagpatupad nito hanggang sa mga guro na

malamyang sinamay. Marami pa sa mga guro ang nagtuturo lang pero

hindi naman lubos na nauunawaan ang dahilan nito. At ang panghuli,

ay mga estudyante at mga magulang nakaranas nito. Sadyang hindi sila

handa sa bagong sistema noon. Hindi sanay ang mga bata at hindi

naman lubos na naiintindihan ng mga magulang ang importansya

noon. Ang kongklusyon ngayon ay wala pa man sa kalahati ng lakbayin

ay sumuko na ang lahat.

3. Bakit ang edukasyong bilingguwal ay epektibo sa mga lugar na ang

wikang ginagamit ay mayroon nang mataas na istatus, tulad ng Metro

Manila at iba pang Tagalog na lugar?

Ang edukasyong bilingguwal ay naging epektibo lamang sa ilang mga


espesipikong lugar ito ay dahil sa uri ng komunidad na kanilang

kinabibilangan. Sa Metro Manila ay sinasabing epektibo raw ito dahil na

rin sa mataas na istatus, malaki kasi ang impluwensiya ng lugar sa

pangkalahatang kaalaman. Kung saan bukod sa napatunayan na ito sa

pag-aaral nila Sibayan at ng kanyang mga kasama, ay napag-aralan din

naming ito sa sikolohiya. Kumbaga wika man ang pinag-uusapan o

hindi, kahit ano pa ‘yan, ang mataas ng antas ng isang lugar ay

makakaapekto talaga sa mga naninirahan dito. Naka-depende na lang

talaga ang pagbabago sa kung sino at paano ito haharapin ng isang

indibidwal. Dagdag sa Metro Manila ay napag-alaman na naging

epektibo rin ito sa mga Tagalog na lugar. Ang dahilan sa likod nito ay

ang pagiging “melting point” ng mga nasabing lugar. Ang “melting

point” ay lugar kung saan iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang

pangkat-wika ay nakatira doon. Ang gamit nilang mga wika ay

Filipino/Pilipino at Ingles.

4. Batay sa naging resulta ng ebalwasyon sa Edukasyong Bilingguwal ng

1974, “para sa karamihan ng Pilipino ang nasyonalismo ay hindi

kaugnay ng wika.” Ano ang iyong pagtingin dito?

Nang mabasa ko ito ay nalungkot at nadismaya ako. Hindi ako sang-


ayon dito. Naniniwala kasi akong ang pagiging nasyonalismo ay

pumupunto sa isang radikal na pagmamahal para sa ating nasyon o

bansa. Ibig sabihin, magmamahal ka ng walang kondisyon at

magmamahal ka rin ng buo. Pagmamahal na hindi kalahati, hindi

kalahati ng kalahati. Mamahalin mo ito ng buo sa pamamagitan ng

pag-respeto mo, pag-seserbisyo mo at pagpapaunlad mo sa bawat

aspeto nito. Kumbaga kung nagmamahal ka ng isang tao. Hindi ‘yong

buhok lang ang mahal mo bagkus ang lahat sa kanya kahit na pa ang

pinakapangit na bagay tungkol sa kanya. Kung magkagayon, dapat ding

mahalin, respetuhin, gamitin at paunlarin ang wika na aspeto rin ng

ating bansa. Kailanman ay hindi mo masasabing naipapakita mo ang

nasyonalismo mo ng hindi inaaral ang Filipino. Iyon ay tinatawag na

“hypocrisy” na isang term sa sikolohiya na nangangahulugang iba

ang ginagawa mo sa sinasabi mo.

5. Paano naging gampanin ng Edukasyong Bilingguwal 1987 sa

“kultibasyon at elaborasyon ng Filipino bilang isang wika ng iskolarling

diskurso, na nanganghulugan ng patuloy nitong intelektuwalisasyon?”

Isa kasi sa mga gampanin ng Edukasyong Bilingguwal ang mapaunlad

ang Filipino bilang lingguwistikong simbolo ng pambansang kaunlaran.


Tungkulin din nito ang mapalawak pa ang literasi gamit ang wikang

Filipino. Kung gayon isa sa mga trabahong kailangan nitong gawin ay

maipaabot ang wikang ito saanman sa Pilipinas lalo na sa mga lugar na

kung hindi bibihira ay hindi talaga ginagamit ng mga lokal ang

nasabing wika. Ilan pa sa naging gampanin ng intelektuwalisadong wika

na ito na naka-ayon noon sa Edukasyong Bilingguwal ay ang magamit

ito sa iba’t ibang asignatura hanggang sa propesyunal na produksyon.

Ito naman kasi ang pinaka-iniikutang konsepto ng Edukasyong

Bilingguwal sa simula pa lang, ang ipagdiinan ang intelektuwalisasyon

para sa ikakaunlad ng bayan.

6. “Nakalulungkot man isipin, ang pinakamatagal na polisiyang

pangwika ng Pilipinas—ang Edukasyong Bilingguwal (1974-2008), na

kitang-kitang buong-talino na inihain, buonghusay na binuo at

kinonseptuwalisa, ay nabigo na sa simula pa lamang—dahil sa

pagsasantabi, pagsasawalang bahala, hindi maayos na mga pagkilos,

at/o ganap na mahina at malabong pamamahala sa buong sistema ng

edukasyon.” Ano ang impresyon mo dito?

Lahat na ata ng mali ay napansin ko rin sa implementasyon ng

Edukasyong Bilingguwal. Hindi ko lang rin maiwasang maikumpara ito

sa kasalukuyan at malungkot dahil mula noon hanggang sa ngayon ay


malaki talaga ang problema sa pagpapatupad ng anumang batas. Mula

pa lang sa mga dapat mamahala ng mga ito na puro pakinabang lang

ang gusto o ‘di naman kaya ay nagtratrabaho nga pero hindi naman

nauunawaan ni minamahal ang ginagawa. Hanngang sa mga tao na

dapat sumusunod dito, kulang sa pagkukusa, kulang sa kagustuhan

kaya madalas ay hindi sumusunod. Magrereklamo pa niyan na mahirap

pero ang totoo, tinatamad lang sa implementasyon. Ganun naman lagi.

Magandang ang ideya ng Edukasyong Bilingguwal pero naniniwala ako

na hindi man lang nasilayan ang pinkamaganda sana nitong resulta

dahil parehas na ayaw ng mga namamahala at taga-sunod ang

pagbabago. Hindi naman daw kasi kailangang pag-aralan ng wika para

maipakita nasyonalismo, sabi ng tamad na mamamayan at sabi rin ng

walang pangarap na namumuno. Marami ang magagandang panukala

at mga batas na saying dahil parehas na laging nagkukulang ang

gobyerno at mamamayan. Kung mayroon man na gusto talaga ng

pagbabago, ilan lang rin sila na gusting kumilos kaya malimit

natatabunan na lang sila ng kung ano ang pangkaraniwan.

7. Sa kabuuan, maganda ba ang mga hangarin ng Edukasyong

Bilingguwal 1974 at 1987?


Noong mabasa ko nga ang unang linya ng artikulong ito ay na-kuryoso

agad ako. Mabilis nitong nakuha ang aking atensyon. Hindi ko kasi

maiwasang mag-isip sa mga nauna kong sinagutan na gawain mula sa

modyul na ito. Napapaisip ako kung paano nga ba magiging posible

ang intelektuwalisasyon sa ating bansa at ang Edukasyong Bilingguwal

nga ang sumagot sa mga katanungan ko. Agad akong napangiti at

sumangayon ng mabasa ko ang nilalaman at nilalayon nito. Ang mga

diskarte rin nito upang maipatupad ay sa tingin ko praktikal. Nagawan

din naman ng paraan ang mga pagkukulang noong una, ang kaso nga

lang hindi nagtagumpay.

Unang beses ko ‘tong malaman sa ngayon. Hindi ko alam na may

ganito pala dati pero may parte sa akin na parang natatandaan ko nga

yung mga panahon na marami rin akong asignatura na naka-salin sa

wikang Filipino. Hindi naman mahirap aralin mga iyon, mas gustong-

gusto ko pa nga itong nababasa dati dahil nga mas naiintindihan.

Siguro rin ay kasi parehas akong mahilig noon sa Filipino at Ingles. Ang

punto ko lang rito ay kaya o maaari naman pala. May solusyon naman

na pala noong una palang. Sa totoo nga niyan ay sa tingin ko

matalinong desisyon din na may panatilihing Ingles na asignatura dahil

na rin sa,una, puwedeng mahirap talagang isalin iyon at mas

naipapaliwanag sa ganoong wika at pangalawa ay para hindi rin naman

tayo napag-iiwanan sa Ingles lalo na at unibersal na lenggwahe pa rin


ito.

Maganda siguro kung susubukan itong muli. Kung hindi man epektibo

sa una ay kung maaari sana huwag tumigil hangga’t walang

nakikitang pagbabago pero kung hindi kakayanin, ang mahalaga ay

sinubukan natin at may ginawa tayo.

Gawain 12:

1. Ano ang iyong impresyon sa mga larawan?

Natutuwa akong makakita ng mga ganitong libro. Ito kasi ay isang

pangitain na maaari naman pala at nagkakaroon na nang

intelektuwalisasyon sa ating bansa. Naniniwala ako na ang mga ito ay

mas madaling basahin, maunawaan, maka-relate at matutunan. Kung

oobserbahan ng maigi, mapapansin na ang mga aklat na ito o sulatin ay

tumatalakay ng iba’t ibang mga paksa o larang tulad ng biyolohiya,

kemistri, pisika at iba pa. Ipinararating lang nito na posible ang

intelektuwalisadong wika sa mga komplikadong usapin, gaya na lang


ng agham. Nakaktuwa rin na pati pambalat nito ay sumasalamin din sa

ating kultura.

Totoo ngang ang intelektuwalisasyon ng ating wika ay magbibigay ng

pagkakalilanlan natin. Ito ay magandang simula para sa bukas na atin.

Atin ang ideya, atin din ang pag-unlad.

Siguro maganda kung mapapayagan pa ang paglilimbag ng mga

ganitong mga sulatin sapagkat kung mas mapaparami ito ay malamang

makukuha rin natin ang atensyon ng mga batang henerasyon.

Magkakaroon na sila ng kamalayan at kaalaman patungkol rito. Ang

maganda pa rito ay sa murang edad napapalaya na natin sila sa maling

kaisipan at natuturuang mahalin ang sariling wika at paunlarin ito.

2. Para sa iyo, ang mga aralin sa iyong kurso ba ay kaya ring matalakay

gamit ang Filipino? Bakit? Bakit hindi?

Sa tingin ko naman ay kaya namang talakaying ang aming aralin gamit

ang Filipino. Bilang pangunahin kong pinag-aaralan ang Sikolohiya at

marami ring bagay akong naobserbahan gaya ng sobrang praktikal ng

aming kurso. Madali mo itong maibabagay sa tunay na buhay. Madalas

nga ay nagbibigay ng halimbawa ang aming mga guro, mga sitwasyon

normal at tipikal mong mararanasan sa tunay na buhay. Kung meron

mang bagay na magpapahirap sa Sikolohiya ay koneksyon sa agham at


matematika, maaaring nagsasabi ko lang rin ito dahil hindi ko hilig ang

mga iyon pero bilang ni-rerepresenta ko ang mga taong madalas ay

ayaw sa matematika at agham ay masasabi kong, sa matiyagang

pagaaral ay natutunan naman ito. Kumbaga, tulad nga ng turo sa amin

ng aming mga propesor ay wala namang bagay ang hindi kayang pag-

aralan, basta pagtuunan mo lang ng pansin at pagsumikapan ay

kayang-kayang ito. Kaya naman ang intelektuwalisasyong wikang

Filipino para sa kursong Sikolohiya ay kayang-kaya rin.

3. Pumili ng batayang konsepto (basic concept) mula sa inyong

kurso/major at talakayin sa hindi bababa 500. Maaaring sumangguni sa

inyong batayang aklat o babasahin.

Gawain 13

1. Mayroong programang pangkalusugan tulad ng “Salamat, Dok” at

“Pinoy MD,” paano ginamit sa nabanggit na programa ang wikang

Filipino?

Nagawang pagaanin ng programang “Salamat, Dok” at “Pinoy MD”


ang pagpaparating ng mga importanteng impormasyon gaya na lang

nang pagpaliwanag ng kalagayan, ng mga sintomas, gamot at mga

praktikal na gawain para sa kung anomang napiling paksa sa episod ng

araw na ipinalabas iyon. Ito ay inilahad nila sa pamamagitan ng wika na

mauunawaang lubos ng mga Pilipino at naisasalaysay ito sa

pamamagitan ng pagkukuwento ng mga pangkaraniwang tao na may

sakit. Ang labas ngayon ay parang normal na pakikipagtalastasan lang

programa ngunit talastasan na may dalang bago at makakatulong na

kaalamang pang-medisina. Ang mga terminolohiyang ginamit ay

pinanatili naman nilang Ingles, ipinaintindi lang ito sa pamamagitan ng

pagsasalin o hindi kaya’y pagpapaliwanag gamit ang wikang Filipino.

Bukod pa rito ay may biswal na representasyon din ang ginamit upang

mas maintindihan pa.

2. Ano ang gampanin ng pagsasalin sa mga intelektuwalisasyon ng

Filipino sa mga natalakay na disiplina? Ano ang impresyon mo sa

pamamaraang ito?

Ang mga natalakay na disiplina ay iyong mga kadalasang hamon na

intindihin at pababawin. Sa ibang pagkakataon ay na-rerepresenta na

mahirap aralin o alamin o gumawa ng kahit anong konektado sa mga


ito, hindi dahil natural itong mahirap kung hindi nakikita lang na

komplikado dahil sa paraan ng pagpaparating nito o sa wika. Ang

gampanin ngayon ng intelektuwalisasyon ng Filipino ay gawin itong

abot-kamay para sa mga tao. Ang tungkulin ngayon ay iikot sa

pagbibigay ng kahulugan sa mga bagong salin na salita upang ang

dating wika ay magkakaroon ng katumbas nito sa wika namang Filipino.

Idagdag pa natin na dahil rin sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino

ay nabubusisi ang mga isinasalin, mas nagpag-aaralang maigi at

nailalatag ang konsepto at analohiya ng maliwanag.

3. Magbigay ng halimbawang mga pabatid/patalastas/polyeto hinggil

sa tamang pangangalaga ng kalusugan ngayong panahon ng

pandemya na nakasulat sa Filipino.


4. Gaano kahalaga ang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino sa

disiplina ng Medisina, Ekonomiks at Sikolohiya lalo na sa panahong ito

ng pandemya?

Mahalaga ang gampanin ng intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino sa

larangan ng medisina, ekonomiks, at sikolohiya lalong-lalo na sa

panahon ng pandemya. Ito ang pinaka praktikal na paraan upang mas

maparating ang mensahe at impormasyon sa nakararami. Ito rin ay

nagbibigay ng tyansa na maabot ang mga lugar o sentro kung saan ang

komunidad ay hindi pamilyar


sa dayuhang Wika o Wikang Ingles. Mahalaga ang intelektuwalisasyon

ng Wikang Filipino sapagkat hindi lamang ito limitado sa isang

partikular na lipunan, bagama’t binibigyan din nito ng oportunidad

ang iba pang kultura na may sariling Wika na kinagisnan na makuha

ang mahahalagang impormasyon batay sa nangyayari sa kasalukuyan.

Dahil ang mensahe ay nakasusulat sa Wikang Filipino, nabibigyan ng

pagbabadya ang bawat indibiduwal na maging maingat at

mapagmatiyag sa kabila ng pagkakaiba ng

kultura. Ang pagkabalisa ay isang pakiramdam ng takot, pangamba, at

pagkabalisa

5. Magbigay ng sampung (10) terminolohiya na may kinalaman sa

inyong kurso. Bigyan ito ng kahulugan at paliwanag gamit ang Wikang

Filipino. Maaaring sumangguni sa mga batayang aklat at babasahin.

• Mental Health- Kasama sa kalusugan ng isip ang ating emosyonal,

sikolohikal, at panlipunang kagalingan. Nakakaapekto ito sa ating

pagiisip, pakiramdam, at pagkilos. Nakakatulong din ito na matukoy

kung paano natin pinangangasiwaan ang stress, nauugnay sa iba, at

gumagawa ng malusog na mga pagpipilian.

• Depression- Ang depresyon ay isang mood disorder na nagdudulot

ng patuloy na pakiramdam ng kalungkutan at pagkawala ng interes.


Tinatawag ding major depressive disorder o clinical depression,

nakakaapekto ito sa iyong nararamdaman, pag-iisip at pag-uugali at

maaaring humantong sa iba't ibang emosyonal at pisikal na problema.

• Bipolar Disorder- Ang bipolar disorder (dating tinatawag na manic-

depressive na sakit o manic depression) ay isang sakit sa isip na

nagdudulot ng mga hindi pangkaraniwang pagbabago sa mood,

enerhiya, antas ng aktibidad, konsentrasyon, at kakayahang magsagawa

ng pang- araw-araw na gawain.

• Anxiety- Maaari itong magdulot sa iyo ng pagpapawis, pakiramdam

na hindi mapakali at tensiyonado, at magkaroon ng mabilis na tibok ng

puso. Maaari itong maging isang normal na reaksyon sa stress.

Halimbawa, maaari kang makaramdam ng pagkabalisa kapag

nahaharap sa isang mahirap na problema sa trabaho, bago kumuha ng

pagsusulit, o bago gumawa ng isang mahalagang desisyon.

• Stress- Ang stress ay maaaring tukuyin bilang anumang uri ng

pagbabago na nagdudulot ng pisikal, emosyonal o sikolohikal na strain.

Ang stress ay ang tugon ng iyong katawan sa anumang bagay na

nangangailangan ng atensyon o pagkilos. Ang bawat tao'y nakakaranas

ng stress sa ilang antas. Ang paraan ng pagtugon mo sa stress,

gayunpaman, ay gumawa ng malaking pagkakaiba sa iyong

pangkalahatang kagalingan.

• Id - Ang id ay ang primitive at instinctive na bahagi ng personalidad.


Ang id ay isang bahagi ng walang malay na naglalaman ng lahat ng

mga paghihimok at impulses, kabilang ang tinatawag na libido, isang

uri ng pangkalahatang sekswal na enerhiya na ginagamit para sa lahat

mula sa mga instinct ng kaligtasan hanggang sa pagpapahalaga sa

sining.

• Ego- Gumagana ang ego batay sa prinsipyo ng realidad, na

gumagana upang matugunan ang mga hangarin ng id sa paraang

makatotohanan at angkop sa lipunan.

• Superego- Ang superego ay ang etikal na bahagi ng personalidad at

nagbibigay ng mga pamantayang moral kung saan gumagana ang ego.

Ang mga pagpuna, pagbabawal, at pagbabawal ng superego ay

bumubuo sa konsensiya ng isang tao, at ang mga positibong adhikain

at mithiin nito ay kumakatawan sa idealized self-image ng isang tao, o

“ego ideal.”

• Cognition - Ang cognition ay tinukoy bilang 'ang mental na aksyon o

proseso ng pagkuha ng kaalaman at pag-unawa sa pamamagitan ng

pagiisip, karanasan, at mga pandama. ' Sa Cambridge Cognition

tinitingnan namin ito bilang mga proseso ng pag-iisip na nauugnay sa

pagpasok at pag-iimbak ng impormasyon at kung paano ginagamit ang

impormasyong iyon upang gabayan ang iyong pag-uugali.

• Perception - Ang persepsyon sa sikolohiya ay maaaring tukuyin

bilang pandama na karanasan ng mundo, na kinabibilangan kung


paano kinikilala at binibigyang-kahulugan ng isang indibidwal ang

pandama na impormasyon. Kasama rin dito kung paano tumugon ang

isang tao sa mga stimuli na iyon. Kasama sa perception ang mga

pandama na ito: paningin, hipo, tunog, amoy, panlasa, at

proprioception.

PANGGITNANG PAGSUSULIT (MIDTERM


EXAM)

Sumulat ng sanaysay na may temang “Intelektuwalisasyon ng Wikang

Filipino: Pandayan ng <Inyong Kurso/Major hal. Sikolohiyang> Maka-

Pilipino. Sundin ang sumusunod na balangkas

I. Intelektuwalisasyon ng Wika: Kahulugan, Pananaw, Halaga>talakayin

sa bahaging ito ang mga katuturan at kahalagahan ng

intelektuwalisasyon, maging ang proseso nito

II. Epistemolohiyang Filipino: Ugnayang Filipinolohiya at

Intelektuwalisasyon ng Filipino >talakayin sa bahaging ito ang

Konseptong Filipinolohiya ni Abadilla pati na ang ugnayan at gampanin


ng intelektuwalisasyon sa isa’t isa

III. Sosyo-Historikal na Pagtalakay sa Intelektuwalisasyon ng Wikang

Filipino >talakayin sa bahaging ito ang pinagdaanang kasaysayan ng

wikang Pambansa, mga naging balakid sa paglawig nito pati na ang

mga naabot at pag-unlad nito

IV. Mga Pagsisikhay sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino

>talakayin sa bahaging ito ang mga pagkilala sa mga ambag sa

inteletuwalisasyon ng wikang Filipino

V. Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino sa <Inyong Kurso/Major>:

Ambag sa Kalinangang Pilipino >talakayin sa bahaging ito kung bakit

dapat maisulong ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa

larangang kinabibilangan at maiaambag nito sa ating kalinangan

Hindi bababa sa lima (5) at hindi lalagpas sa sampung (10) pahina ang

inyong sanaysay.

Sundin ang sumusunod na pormat: 8” x 11”, Arial, 11, 1.5 espasyo

bawat pangungusap. 2.0 espasyo bawat talata, 1 pulgadang margin sa

bawat gilid.

Lagyan din ng bibliograpiya sa pagtatapos ng sanaysay. Sundin ang

APA na pormat.

Maaari ding sumangguni sa iba pang mga babasahin.

You might also like