You are on page 1of 6

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ikaanim na Modyul
“MGA TUNTUNIN SA PAGSULAT NG SANAYSAY”
1. Panimula/Introduksyon-Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat
ito ang unang tinitingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang
panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.
Paraan ng pagsulat ng Panimula
 Pasaklaw na Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa
mga maliliit na detalye.
 Tanong na Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang
sagot sa sanaysay at para isipin niya.
 Paglalarawan – pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa
 Sipi – isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo at iba
pang sanaysay.
 Nakatawag Pansing Pangungusap – isang pangungusap na makakuha ng atensyon ng
nagbabasa.
 Kasabihan – isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling paliwanag ng iyong
sanaysay
 Salaysay – isang paliwanang ng iyong sanaysay.
2. Katawan- Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng
sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman
ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang
maigi ng mambabasa.
Paraan ng pagsulat ng Katawan
 Pakronolohikal – Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari
 Paanggulo – Pinapakita ang bawat anggulo ng paksa.
 Paghahambing – Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp ng isang
paksa
 Papayak o Pasalimuot – Nakaayos sa paraang simple hanggang komplikado at
vice versa
3. Konklusyon- Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Sa
bahaging ito hinahamon ang paraan ng pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang
mga tinalakay ng sanaysay
Paraan ng pagsulat ng Wakas
 Tuwirang Pagsabi – mensahe ng sanaysay
 Panlahat na Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng sanaysay
 Pagtatanong – winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang retorikal na
tanong
 Pagbubuod – ang buod ng iyong sanaysay

https://www.academia.edu/31342239/MGA_TUNTUNIN_SA_PAGSULAT_NG_SANAYSAY
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

URI NG SANAYSAY

Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon,


nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.
Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay ang uri ng sanaysay na
nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng may-akda. Iyan ang kaibahan
ng sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.

Sanaysay na Pormal
 Ang sanaysay na pormal ay tinatawag ding maanyo.
 Ito ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng
kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.
 Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na pormal ay manghikayat,
magturo o magpaliwanag.
 Ang tono ng sanaysay na pormal ay seryoso. May basehan ang mga sinasabi ng
may-akda sa isang sanaysay na pormal. Madalas na ito'y base sa pananaliksik at
masusing pag-aaral.
 Dahil dito, ang mga salitang ginagamit sa sanaysay na pormal ay mas seryoso at
teknikal.
 Ang ayos ng sanaysay na pormal ay lohikal at maayos.

Sanaysay na Di-Pormal

 Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay tinatawag ding Sulating


Impormal.
 Ito ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-
kuro o saloobin ng sumulat nito.
 Ang mga nakasulat sa isang sanaysay na di-pormal ay base sa sariling karanasan o
opinyon ng may-akda.
 Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal ay manudyo,
magpatawa o mangganyak.
 Sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal, mas nailalabas ang pagka-malikhain ng
may-akda.
 Mas nakaaaliw at hindi seryoso ang tono ng isang sanaysay na di-pormal.

https://brainly.ph/question/253687#readmore
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Mga Halimbawa ng Sanaysay


SANAYSAY NG ASPEKTONG KULTURAL AT LINGGUISTIKO NG AMING
KOMUNIDAD - PAMUMUHAY AT WIKA NG LAUREL, BATANGAS
            “Ala e”, dalawang salita na may apat na letra, ngunit dito pa lamang ay alam na alam mo
na at kilala mo na kung sino at tagasaan ang nagsalita. Dahil sa salitang ito, matutukoy na agad
ng mga taong galing ibang bayan o lalawigan na isang Batangeño o Batangeña ang
pinanggalingan ng salita. Isa lamang ito sa mga halimbawa ng mga salitang nagpapakita ng
pagkakaiba-iba ng wika ng lipunan.

            Ako bilang isang kabataan at estudyante ng modernong panahon, isang palaisipan sa akin
ang mga salitang karaniwang sinasabi ng mga matatanda sa aming komunidad, at mapapasabi na
lang na “huh?” Ipinapakita lamang nito ang napakalaking pagbabago o transpormasyon ng ating
wika mula noon hanggang ngayon. Mga nakagawiang wika noon na hindi na alam ng mga
kabataan sa ngayon.

            Isa sa mga natutunan ko sa mga magulang ko na natutunan din nila sa kanilang mga
magulang ay ang pagiging maasikaso sa bisita. Kapag may bisita dapat ay: (1) papasukin sa
bahay, paupuin agad, at ipagtimpla ng kape o kung ano mang maiinom o makakain. (2) Kung
makikitulog man sa bahay, dapat sila ang nasa kama at kayo sa banig (kung mahalagang
panauhin). (3) Huwag hahayaang gumawa ng gawaing bahay dahil sila ay bisita. (4) Dapat hindi
sila ma-OP o Out of Place sa bahay niyo. At maraming-marami pang ibang kasunod na halos
lahat ay pumapabor sa komportableng katayuan ng bisita.

            “Sinsay muna”, ibig sabihin tuloy muna o daan muna dito. Uso din sa aming komunidad
ang bigayan ng ulam sa pagitan ng magkakapitbahay. Hindi rin masyadong uso ang cellphone sa
matatanda kaya minsan kapag may itatanong sa kapitbahay, isisigaw na lang. At dahil malayo
ang aming komunidad sa palengke o pamilihan, karamihan ng mga namamalengke na tagaamin
na walang sasakyan o motor ay naglalakad o nasakay sa kabayo para lamang makarating sa
pamilihan na halos apat na kilometro ang layo.

            Hindi lalampas sa lima ang mga mayroong four wheeler na sasakyan sa amin kaya
karaniwan na ang motor o single bilang midyum ng transportasyon. Maswerte ka kung may sarili
kayong sasakyan, at mamimili ka na lang kung magbabayad ka ng lampas limampung piso o
maglalakad ka ng kilo-kilometro. Iilang tao rin ang mayroong kakayahang makapag-print  o
nakakapag-research kaya masasabi kong mapalad na ako. Kaya sobrang hanga ako sa mga
kabataan dito sa amin na piniling magtiis sa ilang kilometro ng paglalakad para lamang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

makapasok ng sekondarya, at ito na rin ang isa sa dahilan kung kaya marami ring kabataan ang
pinipiling tumigil sa pag-aaral.

            Kahit na masasabi kong malayo kami sa kabihasnan ay hindi naman ito naging hadlang
para lumaganap ang mga makabagong salita. Ngunit sandali tayong magbalik tanaw sa mga
salitang tunay na sariling atin.

Ang mga salitang ito ay nakuha ko sa pamamagitan ng aking ina na si Marcela P.


Nolasco, limampu’t tatlong (53) gulang. Ayon sa kanya ay narinig nya ang mga salitang ito mula
sa kanyang kabataan. (1) Tabaan, isang dahon na panglinis sa plato. (2) Tabayag, gulay na upo.
(3) Bilawo o bilao isang bilog na mistulang nakahabi. (4) Tayod, isang uri ng bilaran o lagayan
ng mga palay para paarawan. (5) Balawang isang kawayan na may dulos (panggamas/pangtabas)
sa dulo. (6) Plangganita, isang lagayan ng kanin/ulam. (7) Balde isang container o lagayan ng
tubig (8) Pang-iwang tawag sa anumang dahon na pangpahid sa pwet kapag napadumi sa gubat.
(9) Kawa, isang malaking talyasi o lutuan. (10) Lagnas, isang tuyong ilog o ilat o creek sa ingles.
(11) Bay-ong ang tawag sa lagayan ng manok. (12) Balaong, isang lagayan ng palay. (13) Halo,
ito ang tawag sa kahoy na pambayo sa lusong. (14) Lusong ang tawag sa bayuhan ng kape,
palay, mais at iba pa. (15) Banga o tapayan, isang lagayan ng tubig kung saan napapanatili ang
natural na lamig nito. (16) Buboy, ito ang tawag sa palaman para sa unan na parang bulak. (17)
Ayangaw, isang uri ng matibay na kahoy na karaniwang ginagamit sa mga paggagawa ng
muwebles. (18) Bungbong ang tawag sa kawayan na lagayan ng tubig galing bukal. (19) At ang
takure naman ay ang kawayan na lagayan ng inuming tubig. At napakarami pang ibang mga
halimbawa ng mga salitang hindi karaniwan sa pandinig ng ilang mga taga ibang bayan.

            Makikita at masasalamin sa bawat bayan o lalawigan ang napakayamang kultura na


nagmula pa sa ating ninuno at naipasa sa mga sumunod na henerasyon. Ngunit hindi rin
maikakaikala ang mabilis na pagkapawi ng mga salita at nakagawiang ito sa panahong moderno
ngayon. Ngunit hindi ito nangangahulugan ng pagkamatay ng tradisyunal na wika kundi ang
pag-usbong ng panibagong wika. Ibig sabihin ang wika ay hindi nababawasan kundi
nadadagdagan lamang, ngunit mayroon pa ring malaking posibilidad na mamamatay ang mga
wikang nakasaad sa itaas at iba pang sinaunang wika kung hindi na ito gagamitin at kung sa mga
panahong ito ay paunti na nang paunti ang gumagamit o nagsasalita ng ganito.

            Kaya patuloy nating pagyamanin at gamitin ang ating katutubong wika, hindi lamang
para sa ibang tao kundi para na rin sa sarili nating bansa at sa ating sarili.

http://pamumuhayatwika.blogspot.com/2017/01/sanaysay-ng-aspektong-kultural-at.html
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

KAPAG LUMAKI NA
Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na
hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam.
Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote,
sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.

Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit
mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang
pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay
nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at
naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot. Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong
pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street na hindi mga totoong tao ang gumaganap.
Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na parehong lalaki (sino kaya ang bading), halimaw
na mahilig sa biscuit, bampirang hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon
na kasinlaki ng elephant at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba ng
balahibo sa katawan) at isang nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa basurahan.
May Tagalog version ito dito sa Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa
program na ito, isang tuso at isang tanga. Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok ay mga
magkakaibigang superheroes.

Marami sila sa istorya at lahat ay may angking super powers. Ipinakikita lamang dito ang
kanilang kahinaan, na hindi pala kaya ng isang superhero lang ang problema ng mundo.
Kailangan din ang tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang Superman, Walang
sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa. Tapos ka nang manood ng kasinungalingan
este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro sa labas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay.
Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May bumbay na nangunguha ng bata sa labas.

https://buklat.blogspot.com/2017/12/kapag-lumaki-na-sanaysay.html
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Proyekto sa Unang Kwarter:


Panuto: Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa wikang ginagamit o tungkol kulturang
kinagisnan ng iyong sariling lugar. (Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang
panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad (F11EP-
Iij-32)

Mga maaaring pamagat:


 Ang mga Kaugalian sa aming Pamayanan
 Probinsya Namin Talagang Dapat Ipagmalaki
 Pamamaraan ng aming Pook sa Paglutas ng COVID-19
 Wikang Filipino: Wika ng Pagkakaisa
(Maaari pa ring gumawa ng sariling pamagat ngunit tandaan na ang sanaysay na
gagawin ay nararapat na patungkol sa wika, kultura o mga kaganapan sa inyong
lugar mula sa nakalipas, kasalukuyan o hinaharap.)

Pamantayan sa Paggawa ng Sanaysay


Kaugnayan sa Paksa 20
Sa wika at Kultura
Sining ng Pagkakabuo 30
(Istilo ng Paglalahad)
Nilalaman 30
Orihinalidad 20

KABUUAN 100

You might also like