You are on page 1of 3

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang 

panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at


patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na
babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw,
at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at
nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. [1] Nagsasalaysay ng
buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan , pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang
uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng
literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing

pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneidni Vergil .[1]

Mga Halimbawa ng Panitikan:

Sanaysay - ito ang uri ng panitikan na may isang maiksing komposisyon na kalimitan na naglalaman ng
mga personal na kuru-kuro ng may akda.

Pabula - ito ay isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kung saan ang kumaganap sa kwento ay
mga hayop o mga bagay na walang buhay.

Nobela o talambuhay -ito ang uri ng panitikan na binubuo ng ibat-ibang kabanata,isang mahabang
kwento tungkol sa buhay ng isang tao.

Alamat - ito ay isang uri ng panitikan na kung saan ay isinasalaysay ang mga pangyayari tungkol sa isang
pook,tao at pangyayari na mayroong pinagbabatayan sa kasaysayan ang kaugnay ng alamat ay ang
kuwentong bayan at mito, Sa makatuwid ang alamat ay mga kuwento patungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay bagay sa daigdig.

Dula- uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.

Maikling kuwento - uri ng panitikan na  maiksing salaysay lamang tungkol sa isang mahalagang
pangyayari sa isang tao o mga tauhan na may iisang impresyon lamang  

Parabula -ito ay uri ng panitikan na kung saan ang mga pangyayari ay hango sa bibliya at may moral na
aral

Bugtong - ito ang uri ng panitikan na tinatawag ding palaisipan, ito ay isang pangungusap  o isang
katanungan na may nakatagong kahulugan na kaylangan isipin o lutasin.

Epiko - ito ay isang uri ng panitikan na nasa uri ng patula na nakuha natin sa mga Espanyol na may sukat
na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.

Tula - ito ang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay,at malayang
paggamit ng mga salita sa ibat-ibang estilo
Talumpati - uri ng panitikan na isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.

Ano nga ba ang panitikan?  Ang panitikan ay isang anyo ng pagpapahayag na ginagamitan ng
imahinasyon sa anyo ng tuluyan o Prosa maging sa tula na binubuo ng maayos at masining na
pagsasama-sama ng mga salita.

Dalawang uri ng panitikan:

Tuluyan o Prosa - Ito ay mahabang pagsulat na  karaniwang takbo ng pagpapahayag,walang bilang ang
mga pantig at hindi pinagtutugma-tugma ang mga dulo ng taludtod sa bawat saknong na katulad ng
patula.hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng isang manunulat. Kabilang dito ang
mga sumusunod:

Nobela

Dula

Alamat

Maikling kwento

Pabula

Talambuhay  

Sanaysay

Parabula

Patula - ito ay nagpapahayag ng mga salitang binibilang ang mga pantig,at pinagtutugma-tugma ang
mga dulo ng taludtod sa bawat saknong, kabilang dito ang mga sumusunod:

Tulang pasalaysay

Tulang pangtanghalan

Tulang liriko

Epiko
Bugtong

Ang kahulugan ng tradisyon ay ang mga impormasyon, doktrina, o kaugalian na


nagpasalin-salin mula sa mga magulang tungo sa mga anak o naging kinagawiang paraan
ng pag-iisip o pagkilos. Ang tradisyon ay ang koleksyon ng mga paniniwala, opinyon,
customs, mga kwento, alamat, kultura at pamantayang panlipunan na karaniwang isinasalin
mula sa isang henerasyon papunta sa isa pa. Lubos na nakabase sa pangkalahatang
pagtanggap ang mga tradisyon.
Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin
ang link na ito: brainly.ph/question/69992
Dahilan sa paglimot ng tradisyon

1. makabagong teknolohiya
2. hindi natutunan ng magulang
3. tinatangkilik ang tradisyon ng ibang bansa

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin
ang link na ito: brainly.ph/question/1664607
Mga tradisyon na namana ng mga Pilipino

 Piyesta
 Mamanhikan
 Simbang gabi

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin
ang link na ito: brainly.ph/question/51000

You might also like