You are on page 1of 2

PANITIKANG FILIPINO

BEED 2-1

PANGALAN: Kristine yna M. Palaganas PETSA: APRL 1, 2023 ISKOR: _____

Isulat ang kahulugan ng mga sumusunod:

 Panitikang Filipino- ang panitikang pilipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga

damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang

pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino

 Malikhaing Panitikan- Ang malikhaing panitikan o pagsulat ay isang sining n,a hinahango

mula sa karanasan ng manunulat. Pumupukaw ito ng damdamin at isipan habang

binibigyan ng iba't ibang. lente sa pagsipat sa ating sarili at sa ating kapaligiran. Ang

teknikal/akademikong pagsulat naman ay may higit na estriktong estruktura sa pagaayos

ng mga ideya at ang karaniwang layunin ay ang magtalakay ng paksa, magpakita ng datos,

at magbigay-kaalaman.

 Nagsusulat din ito ng malikhaing akda upang magpahayag ng damdamin at makilala sa

mundo ng panitikan. Sa Pilipinas, patuloy pa rin sa pagsulat ang mga manunulat dahil sa

pangangailangan nilang mabasa, samantalang ang ilan ay umaasang mamumulat at

mapakikilos nila ang mga mambabasa tungo sa mga pagbabago sa lipunan.

 Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin an gating guniguni at

damdamin na nakaka kita ng saya sa isang paraluman (ideal).

 Dalit- tulang nagbibigay ng parangal sa may kapal

 Ang himno o dalit ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat,

karaniwang para sa Diyos, sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng

pagdakila at pagsamba.

 Soneto- tulang may labing apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay ito'y tulang

liriko na binubuo ng labing-apat (14) na taludturan na hinggil sa damdamin at kaisipan.

Ito'y nakikilala sa matinding kaisahan ng sukat at kalawakan sa nilalaman.


Ang soneto ay hindi basta tula lamang na binubuo na labing-apat na taludturan
 Elehiya- ang paksa nito at ang ala ala ng isang namatay. Ito ay isang uri ng panaghoy o

panagis

 Oda- tulang liriko na pumupuri sa isang ka kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng

mga tao

 Ang oda ay karaniwang isang liriko o isang uri ng tulang awitin na nakasulat bilang papuri

o dedikasyon para sa isang tao o isang bagay na nakakakuha ng interes o pagtuon ng

makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa mismong oda.

 Awit- ang mga paksa nito ay pag-ibig kabiguan pagasa kaligayahan at iba pa.

 Epiko- mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga

kaaway. ito ay may mga tagpong kababalaghang hindi kapani- paniwala.

 Korido- ito ay mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa

kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe at prinsesa. ang korido ay may wawaluhing

pantig

 Ang korido ay isang popular na pasalaysay na awit at panulaan na isang uri ng ballad. Isang

uri din ito sa panitikang Pilipino,na nakuha ang impluwensiya mula sa Espanyol. Ito ay may

sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.

 Maikling kwento- ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa

buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.

 Sanaysay- ito ay nagllahad ng kuro-kuro at pansariling kaisipan ng manunulat hinggil sa

anumang paksa

 Talambuhay- ito ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may akda o buhay ng isang

tao na isinulat ng iba.

You might also like