You are on page 1of 9

Unit 1: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

GEC 110 ( MASINING NA PAGPAPAHAYAG)


Inihanda ni: Maria Vanesa Agabin- Campani

Yunit 1: SINING NG RETORIKA

Panimula
Hindi sapat ang kawastuhang pambalarila lamang upang maging mabisa
at makatawag pansin ang ano mang uri ng pakikipagtalasrasan. Kailangang ito
ay masamahan pa ng isang sangkap na siyang magbibigay buhay sa
pakikipagtalastasan at ang sangkap na ito ay tinatawag na RETORIKA.

Mga Inaasahang Bunga sa Kurso


Pagkatapos ng yunit, inaasahang:
1. Masusuri ang kalikasan, kahulugan, anyo at pormularyo ng retorika
tungo sa mabisang pagpapahayag
2. Mapalawak ang kaalaman hinggil sa wika

Aralin 1. KAHULUGAN, ANYO AT PORMULARYO NG MABISANG


RETORIKA

Mga Tiyak na Layunin


Pagkatapos ng aralin, inaasahang:
1. Mabigyang kahulugan ang retorika
2. Matukoy ang pagkakaiba ng retorika ng pagsasalita sa pagsulat
3. Maisa-isa ang mga pormularyo ng mabisang retorika.

Paglalahad ng Paksa

Ang Retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit -akit na


pagpapahayag, maging pasalita man o pasulat. Ito ang sining ng pagpili ng

1
Unit 1: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

wastong salita sa loob ng isang pahayag upang higit na maunawaan at


makalugdan ng nakikinig o nagbabasa.
Sa pagbuo ng mainam na pananalita o komposisyon, kailangang
magkatugon ang Gramatika at Retorika. Ang Gramatika ang sining ng wastong
pagsulat at pagsasalita ng isang wika. Samakatwid , hindi lamang kawastuhan
ang nararapat na talakayin sa pagsasalita o pagsulat kundi ang ito`y maging
kawili –wili sa mga nakikinig o nagbabasa .
Ang tatlong mahalagang prinsipyo ng retorika: (kaisahan,
kapamitagan, kaugnayan )
 Kaisahan (Unity) – napapaloob ditto ang tungkol sa iisang paksa lamang .
Lahat ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda ay naglalandas sa
iisang paksain lamang.
 Kapamitagan o Diin (Emphasis) – nagpapahayag ng pagpapahalaga sa nais
bigyang –diin at ialis ang mga walang kabuluhang mga pananalita.
 Kaugnayan ( Coherence) – ang nagtatakdang lahat ng sangkap ng
komposisyon ay sunud-sunud ang pagkaka ayos ng mga pananalita, pag
uugnay- ugnay sa kayarian at diwa.
MGA ANYO NG RETORIKA
A. RETORIKA NG PAGSASALITA
 Ang pasimula ng pagpapahayag ng tao ay pasalita. Kalaunan saka pa
lamang naimbento ng tao ang iba`t ibang paraan ng pagsulat.
 Mahalaga ito sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa mga tao sa
kanyang paligid.
B. RETORIKA NG PAGSULAT
 Maraming pagkakataon sa buhay ng tao na dapat siyang magsulat ng
kanyang iniisip o nararamdaman. Simula sa kanyang pagpasok sa paaralan
tinuturuan na siyang magbalangkas ng kanyang mga kaisipan at buuin ito
nang maayos sa mga talata at komposisyon.
 Ginagamit din ang pagsulat sa paglikha ng mga tula, nobela, maikling
kwento, drama at sanaysay. May mga taong regular na nagsusulat sa isang
dyornal, komposisyon, kritisismo, term paper at disertasyon.
 Ang pagsusulat ay lubhang mahalaga sa dokumentasyon o pagsulat ng
mga pangyayari , kasaysayan at kalagayan ng mga tao at lugar.

2
Unit 1: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

PORMULARYO NG MABISANG RETORIKA

Ang sining ng ng retorika kung pasalita ay ginagawa upang


maintindihan ng nakikinig ang sinasabi, kung pasulat ay upang maunawaan ng
nagbabasa ang buong mensahe ng sulatin.
1. Nagiging malinaw ang pagpapahayag ng mga ideya kung gumagamit ng mga
tiyak at mga kongkretong salita.
2. Ang mga pangungusap at talata ay dapat na hindi kilometriko. Hindi paliguy-
ligoy at hindi mabulaklak na hindi angkop sa panahon.
3. Kailangang ang pagpapahayag ay maganda at kawili-wili . Ang sukatan ng
pagiging maganda ng sulatin ay kung nakuha at napanatili ang interes ng
mambabasa.
4. Ang pagpapahayag ay kailangang nagtataglay ng lalim at bigat ng mensahe.
Magiging mabigat ang isang pahayag kung ito`y batay sa katotohanan at
pinagkakakilanlan ng katapatang loob.
5. Ang isang sulatin ay dapat makatotohanan at nababatay sa realidad. Dapat
na itoy nagtataglay ng mga tiyak na larawan at pangyayari.
6. Higit sa lahat , dapat na ang sulatin ay maganda upang kalugdan. Dapat
maganda ang estilo at nagtataglay ng kapanabikan at matayog na diwa.

Aralin 2. KAHULUGAN, KATANGIAN, TEORYA, ANTAS, VARAYTI ,


GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA AT ANG LINGUA FRANCA

Mga Tiyak na Layunin


Pagkatapos ng aralin, inaasahang:
1. Maibigay ang iba`t ibang pagpapakahulugan tungkol sa wika
2. Matutukoy ang iba`t ibang teorya,katangian, antas,varayti, gamit at
tungkulin ng wika
3. Mauuri ang antas ng wikang ginagamit sa araw araw na
komunikasyon.

Paglalahad ng Paksa

Napakaraming kahulugan ang maikakapit sa wika dahil hindi lamang bilang


gamit sa pakikipagtalastasan o instrument sa mabisang pagpapahayagng iniisip at
3
Unit 1: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

nadarama ng tao. Sa kahulugan nito, epektibong nagagamit ang wika bilang


midyum sa pakikipag-usap at pakikipag –ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Dahil
ditto maituturing na pag-aari ng tao ang wika at hindi ang wika ang nagmamay-ari
sa tao dahil nasa tao ang paraan kung paano ito gagamitin sa anumang paraan,
maging mabuti o masama.
IBA`T IBANG PAGPAPAKAHULUGAN SA WIKA NG MGA DALUBWIKA:
“Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang sining “—
PINEDA.
“Ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan”—
CONTANTINO.
“Ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan”—
OTANES.
“Ang wika ay kasangkapan na ginagamit at nabubuhay lamang habang patuloy na
ginagamit”—SANTIAGO.
“ Ang wika , unang una ay sinasalita at ang pagsulat na anyo ay nababatay sa
anyong pasalita”—DEL ROSARIO.
“ Ang wika ay ginagamit sa pakikipagtalastasan o sa ibang salita, ay sa paghahatid
at pagtanggap o pag-unawa ng mga mensahe”—SWANSON.
“ Ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
gawain ng tao”—ARCHIBAD HILL.
“ Ang wika ay malimit na binibigyang kahulugan bilang sistema ng mga tunog ,
arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao”—HUTCH.
“ Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang
maituturing na komunidad”—WEBSTER.
“Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak
na lugar, para sa isang particular na layunin na ginagamitan ng berbal at biswal na
signal para makapagpahayag”—BOUMAN.
“ Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa
komunikasyon ng mga tao”—STURTEVANT.

4
Unit 1: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

“ Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at


isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura”.—GLEASON.
“ Ang wika ay sistema ng arbitraryo, ng simbolong pasalita na nagbibigay
pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutuhan ang ganong kultura
na makipagtalastasan o makipagpalitan ng usapan”—FINOCHIARO.
“Ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong arbitraryo, pasalita,
nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao”—BROWN.

KATANGIAN NG WIKA
 Ang wika ay tunog—sa pagsisimula ng paag-aaral ng wika tunog ang unang
natutuhan na nirerepresenta ng mga titik.
 Ang wika ay arbitraryo—maraming tunog na binibigkas na maaaring gamitin
para sa isang tiyak na layunin
 Ang wika ay masistema—pagsasama-sama ng tunog para makabuo ng salita,
gayundin naman ang mga salita kung pinagsama-samahin ay nakbubuo ng
parirala o pangungusap.
 Ang wika ay sinasalita—nabubuo ang wika sa pamamagitan ng paggamit ng
iba`t ibang sangkap sa pananalita.
 Ang wika ay nagbabago—ang patuloy na pag-unlad ng wika ay nagdudulot
din ng pagbabago nito.
 Ang wika ay malikhain—paglikha ng mga salitang maaaring magamit sa
pag-unlad ng wika.
KAHALAGAHAN NG WIKA
1. PANGKOMUNIKASYON—ginagamit ang wika bilang instrumento ng
komunikasyon.
2. PAG-IIMBAK NG KAALAMAN—sa pamamagitan ng wika lumalawak,
nadaragdagan ang kaalaman ng tao pasalita man o pasulat.
3. HUMAHASA NG MALIKHAING ISIPAN—ginagamit ang wika sa
paglikha ng mga akda.
4. BUMIBIGKIS SA ISANG LIPUNAN—gamit ang iisang wikang
naiintindihan ng lahat madalit makamit ang anumang layunin o nanaisisn.

5
Unit 1: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

MGA TEORYA NG WIKA


1. ANTROPOLOGO—naniniwala na ang kauna-unahang wika ay kahalintulad
sa hayop, subalit ang tao ay may mataas na kakayahang mag-isip mas
napaunlad nila ang wika.
2. MANANALIKSIK—ang tao ay nagmula sa isang angkan (malayo polinesyo)
at ang wikang kanilang ginagamit ay nagmula rin sa isang wika.
3. PAHAM—aklat na nagtataglay ng mga teorya ayon sa pinagmulan ng wika
at kalikasan:
a.Teoryang Bow-wow—ang wika ay mula sa tunog na nalilikha ng kalikasan.
Hal. Kulog at ihip ng hangin
b. Teoryang Yum-yum—ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas.
c.Teoryang Pooh-pooh – Ang tao ay natutong magsalita sa pamamagitan ng
hindi sinasadyang pagbulalas ng kanilang masidhing damdamin tulad ng
tuwa, galit,takot,sakit atbp.
d. Teoryang Yoheho—Ang pagsasalita ay bunga ng pwersang pangkatawan,
hal. Pagbubuhat o pagtutulak ng mabibigat na bagay.
e.Teoryang Dingdong—mga tunog na nalilikha mula sa mga bagay tulad ng
tunog ng kampana.
f. Teoryang Ta-ra-ra-boom- de-ay—tunog na nalilikha mula sa mga raitwal
ng sinaunang tao.
g. Teoryang Tata—ginagaya ng dila ang bawat pagkumpas ng kamay ng tao
na nagging sanhi ng pagkatuto ng tao na lumikha ng tunog.
4. LINGGWISTIKO—nagsusuri sa tala ng wika sa paglipas ng maraming
panahon.
5. BIBLIYA (TORE NG BABEL)—mababasa sa genesis 11:9

ANTAS NG WIKA
Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isang mahalagang katangian nito.
Mahalagang maunawaan ng lahat upang maiangkop ng tao ang gagamitin ayon sa
hinihingi ng pagkakataon.
1. PORMAL—mga salitang istandard, kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
nakakarami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

6
Unit 1: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

A. Pambansa—ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/


pambalarila sa lahat ng paaralan. Wikang kadalasang ginagamit sa pamahalaan
at itinuturo sa paaralan.
B. Pampanitikan/ panretorika—mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan. Mga salitang karaniwang malalalim,
makulay at masining.
2. IMPORMAL—mga salitang karaniwan, palasak, pangaraw-araw na madalas
gamitin sa pakikipagtalastasan at pakikipag-usap sa mga kakilala at kaibigan.
A. Lalawiganin—ito ang mga bokabularyong dayalektal.Gamitin ang mga ito sa
mga partikular na pook o lalawigan.
B. Kolokyal—pang araw- araw na salitang ginagamit sa mga pagkakataong
impormal. Maaaring may kapaspangan ngunit maaari naming maging repinado
ayon sa kung sino ang nagsasalita nito.
Hal. Sa akin (sa`kin), mayroon (meron), nasaan (asan/ san)
3. BALBAL—(slang) mababang antas ng wika, pinakadinamiko at pinakamabilis
magbago.
MGA URI:
 Panghihiram sa mga salitang katutubo/ banyaga
Hal. Sibat (Cebuano)—pagtakas
Kosa (French) kasama
 Pagbibigay ng bagong kahulugan
Hal. Toyo (soy sauce)- may problema sa pag –iisip, may sumpong
 Pagpapaikli
Hal. Promdi (from the province) –probinsyano
 Pagbabaliktad
Hal. Tsekot—kotse, arep—pera
 Paggamit ng akronim
Hal. KSP- kulang sa pansin, ILY—I love you
 Paggamit ng numero
Hal. 143—I love you, 50-50—agaw buhay
 Pagpapalit wika
Hal. Gets mo?

VARAYTI NG WIKA
Ang pagkakaroon ng varayti ng wika ay ipinaliliwanag ng teoryang
sosyolinggwistiko na pinagbatayan ng ideya na pagigng heterogeneous ng wika.

7
Unit 1: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang varayti ng wika sa mga pagkakaiba ng


indibidwal at grupong kanilang tirahan, interes, Gawain, pinag-aralan at iba pa.
1. Idyolek—pampersonal/ indibidwal na gamit ng wika na nakabatay sa kanyang
pagkato. May mga salik na nakapaloob dito:
 Gulang – kung ang kausap ay mas bata o matanda
 Kasarian—mga usapang panlalaki/ pambabae
 Hilig—may mga paksang ayon sa hilig kaya mas marami siyang masasabi
rito
 Trabaho/ propesyon—mga usaping nauugnay sa trabaho ang isina alang
alang dito.
2. Dayalekto—maituturing itong panrehiyong wika.
3. Ekolek—wikang ginagamit mula sa loob ng tahanan ng isang pamilya.
4. Etnolek—nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng etnolinggwistikong
pangkat ng tao.
5. Sosyolek—nabubuo batay sa dimensyong sosyal dahil nakabatay ito sa pangkat
panglipunan.
6. Jargon—mga teknikal na salitang ginagamit sa isang larangan/ propesyon
Hal. Mouse (Computer) –bahagi ng kompyuter
(language)— rat o daga sa Filipino
7. Pidgin—tinatawag itong nobody`s native language. Madalas ang leksikon ng
kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang istruktura naman ay mula sa isa
pang wika.
Hal. Creole/ Chavacano (Spanish- tagalog)
Pananagalog ng mga intsik sa binondo ( suki, ikaw bili tinda, mura)

GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA


TUNGKULIN GAMIT PASALITA PASULAT
Instrumental Para mangyari o Pakikipag-usap Liham
maganap ang Pag-uutos pangangalakal
bagay bagay. /aplikasyon
Regulatori Para alalayan Pag-ayon Babala
ang mga Pagtutol Panuto
pangyayaring
nagaganap
Informativ Para iparating ng Patalastas sa Mga
kaalaman radyo at advertisement sa
tungkol sa telebisyon pahayagan

8
Unit 1: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

daigdig Pag-uulat Reaksyong papel


Interaksyunal Upang Usapan sa Text message
mapanatili ang telepono Liham
pakikipagkapwa Pagbibiruan
-tao
Heuristic Para sa Magbigay Pagsulat ng
pagkatuto at kahulugan balita
pagkamit ng Sumuri Sarbey
kaalamang pang Eksperimento
akademiko at
pampropesyunal
Imaginativ Para sa paglikha Pagkukwento Mga akdang
ng mga Sabayang pampanitikan
kaisipang bunga pagbigkas
ng mayamang
guni-guni

Pagtataya

Mula sa gamit at tungkulin ng wika mamili ng isa at gumawa ng isang gawain sa


pasalita at pasulat.
Mga Sanggunian
Alcaraz, Cid V., et.al 2005, Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lounimar Publishing Inc.
Manila
Casanova, Arthur P. ,2003. Retorika: Mabisa at Makabuluhang Pagpapahayag. Rex Book Store.
Manila, Phils.
Catacataca, Pamfilo et.al., 2005. Wikang Filipino, Kasaysayan at Pag-unlad. Rex Book Store.
Manila, Phils.

You might also like