You are on page 1of 9

PAGSUSURI SA NILALAMAN NG AKDA/

TEKSTO (PAGTUKOY SA PAKSA)


Aralin Filipino 5: Filipino sa Agham, Matematika, at Teknolohiya

Module Code: Fil 5 Lesson Code: 9.1 Time Limit: 30 minuto

TA: 1 minuto ATA: _____


Sa katapusan ng aralin, ang mga iskolar ay inaasahang:

1. natutukoy ang paksa sa binasang teksto;


2. naiisa-isa ang mga hakbang ng pagsusuri sa paksa ng teksto; at
3. nakasusuri ng isang teksto.

TA: 5 minuto ATA: _____

Pagtuonang pansin ang siniping bahagi ng isang teksto. Basahing


mabuti at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Nakababahala ang dulot nito sa ating kalusugan kaya’t marapat lang na ito’y
bigyan ng pansin, at huwag ipawalang bahala.
Sa paglago ng modernong teknolohiya, hindi inaasahan na tataas din ang
porsyento ng basura sa ating lugar na tinatawag na e-waste. Ang electronic waste o
e-waste, e-scrap, waste electrical and electronic equipment (WEEE) ay tumutukoy sa
mga patapon at pinaglumaang computer, television, mobile phones, refrigerators,
washing machine, dryer, stereo systems, laruan, toasters, kettles o kahit na anong
bagay na may circuitry o electrical components na may battery o tumatakbo gamit ang
kuryente.
Sa masusing pag-aaral na ginawa ni Lucy McAllister, tinatayang 40 milyong
tonelada ng e-waste ang nagagawa ng buong mundo sa isang taon at siyam na
milyong tonelada ay binubuo ng sirang telebisyon, computer, cellphone at iba pa.
Ayon din sa kanilang pag-aaral, ang mga bansang Tsina, India, Pakistan,
Vietnam pati na ang Pilipinas ay namimiligro sa mga bantang sakit na dulot nito na
makaaapekto sa ating utak, baga, tiyan at sa ating paghinga dahil sa hindi wastong
pag-rerecycle ng e-waste. Sa Pilipinas, nanggagaling ang mga e-waste sa lokal na
merkado at sa ibang bansa. Karamihan dito ay electronic gadgets na ‘di na
napakikinabangan at tinatambak na lamang dahil hindi pa masolusyonan at kung ano
ang paggagamitan sa mga ito.
Ayon sa organisasyon, dapat maging mapagmasid at metikuloso ang mga
mamimili sa pagbili ng kanilang mga gamit. Siguraduhing may nakatatak na Restriction
of Hazardous Substances (RoHS) and WEEE logos dahil ito ay nagsasabing ligtas ang
gamit na bibilhin at walang halong kemikal na nakalalason tulad ng mercury, lead,
cadmium, chromium, polybrominated biphenyls, and polybrominated biphenyl ethers –
kadalasang nahahalo sa mga electronic gadget.
Sa mga ganitong paraan ay nakatutulong tayo sa ating kapaligiran para
mapanatiling malinis at kaaya-aya. Tayo rin naman at ang mga anak natin sa huli ang

Filipino 5 // Pahina 1 ng 9
makikinabang. Maliit mang tingnan ang ating hakbang, magsisilbing gabay ito ng iba
para tularan.

Ano ba ang E-Waste? Retrieved November 15, 2020 from


https://nianroseroquina.wordpress.com/2015/10/15/ano-ba-ang-e-waste/

1. Ano ang paksa ng teksto?


2. Bakit mahalaga ang pagtukoy sa paksa ng teksto?
3. Ano ang kahalagahan ng pagtukoy sa paksa ng isang teksto sa pagsusuri ng
nilalaman nito?

TA: 7 minuto ATA: _____

PAGSUSURI NG NILALAMAN NG TEKSTO: PAGTUKOY SA PAKSA

Ang pagtukoy sa paksa ng teksto ay isang mahalagang kasanayan upang mabatid


ng mambabasa ang kabuoang impormasyong inihahatid ng akdang binabasa. Dito
malalaman kung ang lahat ng mga impormasyong binabanggit sa teksto ay umiikot o
naaayon sa paksang tinatalakay. Atin munang alamin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng
paksa ng teksto. Ang paksa ng teksto ay bahagi ng akda o pangungusap na binibigyang
pokus o tuon sa akda o pangungusap. Ito ay tungkol sa kanino o kung ano ang sinasabi
ng teksto. Ang mga pangungusap sa isang teskto ay pinagsama-sama ng isang paksa. Sa
pagsusuri sa nilalaman ng teksto, ang unang ginagawa ng isang mahusay na mambabasa
ay tinutukoy niya kung ano ang paksa nito. Pagkatapos na mabasa ang kabuoan ng
nilalaman, ang unang hakbang upang maipakita ang pag-unawa sa binasa ay kailangang
matukoy ang paksa.
Paano naman ang pagtukoy sa paksa ng isang teksto? Ang isang teknik sa pagtukoy
sa paksa ng teksto ay pagkilatis sa pamagat. Sinusundan ito ng pagtukoy sa mga
pangunahing ideya at pansuportang detalyeng inilalahad ng teksto. Ang mga kasanayang
ito, kapag pinagsama-sama, nakabubuo ito ng panimulang hakbang tungo sa pagsusuri sa
mas malalim na bahagi ng nilalaman ng teskto.
Ang sumusunod ay mga halimbawang tanong na magkaugnay para epektibong
matukoy ang paksa ng binasang teksto:
▪ Ano ang sinasabi ng teskto?
▪ Tungkol saan ang teksto?
▪ Ano ang tinatalakay sa teksto?
▪ Ano ang pinag-uusapan sa teksto?
▪ Sa anong larang nabibilang ang teksto?
Filipino 5 // Pahina 2 ng 9
▪ Ano-anong detalye ang binabanggit kaugnay ng tinatalakay?
▪ Ano-anong palatandaan ang nagpapakita ng suporta sa tinatalakay?

Ayon kay Asuncion (2011), kasama sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto ang


pagpuna o pagsusuri sa pamagat, simula, katawan o nilalaman, at wakas ng isang teksto.
Tinitiyak ng mga nabanggit na nauunawaan ng mambabasa ang buong nilalaman ng teksto.
Kaugnay nito, hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyang pansin kundi
kailangan ding punahin ang estruktura ng mga pangungusap, ang mga ginagamit na salita
o estilo sa pagsulat ng may-akda. Gayundin, kasamang tinitingnan ang kalakasan at
kahinaan ng paksa ng may-akda.
Si De Leon, (2018) ay bumanggit din ng mga kailangang isaalang-alang sa
pagsusuri sa nilalaman ng teksto na lubos na makatutulong upang matukoy ang paksa. Ang
mga ito ay ang sumusunod:
▪ Sinasabi ng teksto: Matapos mabasa ang teksto, kailangang matukoy ang
paksa sa tulong ng pagtatala ng mga mahahalagang detalye. Muling paglalahad
sa konsepto sa sariling salita ayon sa pagkaunawa sa mahahalagang detalye.

▪ Inilalarawan ng teksto: Kailangan ang lakas ng loob na sapat na maunawaan


ang teksto upang magamit sa iyong sariling mga halimbawa, paglalarawan sa
mahahalagang konsepto upang magkaroon ng tiyak na kulay ang mga
impormasyon, at maibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng iba’t ibang
tekstong kaugnay nito.

▪ Ipinahihiwatig ng teksto: Ito ay nangangahulugang kailangang lubos na masuri


ang teksto at matukoy ang kabuoang kahulugan nito. Malilinang sa paraang ito
ang paghihinuha sa mga maaaring kalabasan ng mga pangyayari mula sa
binasa.

Maliban sa mga inilahad ni De Leon na kailangang isaalang-alang sa pagsusuri sa


nilalaman ng teksto, nakatutulong din ang sumusunod upang higit na mapayaman ang pag-
aanalisa sa paksa.
▪ Larang na kinabibilangan ng teksto: Makatutulong sa lubos na pagtukoy sa
paksa kung batid ng mambabasa kung sa anong larang nabibilang ang kaniyang
binabasa. Ito ba ay galing sa tekstong pang-agham, pangmatematika,
panteknolohiya, pang-agrikultura, pang-ekonomiya, pang-isports, pangmedisina, at
iba pa.
Filipino 5 // Pahina 3 ng 9
▪ Paggamit ng mga ebidensiya bilang suporta ng teksto: Kailangang ipakita
ang mga katibayan na nagbibigay suporta sa mga konseptong binabanggit sa
nilalaman ng tekstong nagpapakita ng pagkamakatotohanan ng mga konsepto.
Sa paraang ito, higit na nabibigyan ng karampatang ebalwasyon kung ang teksto
ba ay galing sa mapagkakatiwalaang sangguniang nagsasabing totoo ang mga
inilahad na ideya, datos, at mga pangyayari.

Ang mga inilahad ay lubos na nakatutulong sa pagtukoy sa paksa ng teksto at higit


sa lahat, masuri ang nilalaman ng teksto upang matuklasan ang nais iparating ng manunulat
sa kaniyang akda o ‘di kaya’y makuha ang pinakatumpak na paksa. Kinakailangan ang
pagninilay sa inilalarawan ng teksto at pag-aanalisa sa ibig nitong ipahiwatig. Kinakailangan
din ang konsentrasyon at kaalaman sa mga kaugnay na ideya o impormasyon ng teksto
upang maiugnay ito sa binabasa at matukoy kung makatotohanan nga ba ang mga ideyang
binabasa. Ang pagiging kritikal samakatuwid, ay nangangahulugang pag-usad ng pag-
unawa sa dapat matutuhan.

TA: 15 minuto ATA: _____

Pagtukoy sa paksa at pagsusuri sa nilalaman ng teksto.

Information-literate ba tayong mga Pinoy?


ni Rhoderick V. Nuncio
(Halaw sa Filipino 5 PSHS-Learning Resource Package)

Magagaling at mahuhusay tayong mga Pinoy. Kaliwa’t kanan ang palabas sa


TV para ipakita ang pagiging musically-inclined ng marami sa atin huhusgahan ng
madla at mga hurado sa huling araw ng kompetisyon. Sa boxing, basketball, chess,
swimming, bowling, at track & field, nagpakitang gilas ang mga manlalarong Pinoy na
nagpanganga’t nagpahanga sa mga banyaga’t kababayang manonood. Nakahilera
ang mga bigating pangalan tulad nina Manny Paquiao, Ramon Fernandez, Eugene
Torre, Eric Buhain, Elma Muros, at marami pang iba sa larang ng isports. Subalit
bilang bansa, mayroon ba tayong impormasyon talaga kung gaano tayo kahuhusay
sa musika at sports? O nakabatay lahat ng ating hinuha at kongklusyon sa sinasabi
ng mass media tulad ng telebisyon? Sa inyong obserbasyon, ganito rin ba ang lalabas

Filipino 5 // Pahina 4 ng 9
na impormasyon? Maaari nating sabihing “oo” dahil nagkalat ng mga amateur singing
contest mula sa barangay hanggang mall, isama na pati ang maiingay at
nagwawalang videoke singing star tuwing may inuman, handaan, madalas trip lang.
Naglipana rin ang basketball court, full court o half court, sa paaralan, sa plaza ng
barangay at munisipyo, sa tapat ng bahay, maski sa gitna ng daan. Sa boxing naman,
mukhang dumarami ang mga basagulero kung saan-saan. Kampante ba tayo sa ating
nakuhang impormasyon o tsismis lang iyon? Noong 2000 ang simple literacy rate ng
mga Pinoy ay nasa 92.3 % ayon sa datos ng National Statistics Office. Ibig sabihin,
sa kabuoang populasyon natin noong 2000, 92.3% ang marunong bumasa’t sumulat.
Simpleng-simple, pwede na tayong tumakbo sa pagka-Presidente nito. Samantala,
86.4% naman ang functional literacy rate natin na mas mababa kaysa simple literarcy
dahil sinusukat dito kung nauunawaan natin ang binabasa’t bagong kaalaman at kung
nagagamit ito sa praktikal na buhay. Mas okay itong functional literacy dahil kung ang
kaalaman mo’y hindi mo naman nagagamit, lumalabas na illiterate ka pa rin, lalo na
kung tambay ka lang, tsismosa sa kanto, sugarol 24/7, basagulero on-the-go at higit
sa lahat, dambuhalang kawatan sa pamahalaan. May kaunting yabang tayo nang
malaman nating pumasok tayo sa Top 10 na gumagamit ng Facebook (FB) sa buong
mundo. Sa katunayan, 75% ang may social media account sa ating bansa kumpara
sa global average na 60% ayon sa Broadband Commission for Digital Development
ng UNESCO. Sa humigit-kumulang na 34 milyong Filipino noong 2012 na may akses
sa internet, 30 milyon ang gumagamit ng FB o 88% ng ating internet population
(worldinternetstats.com). Sobrang adik na talaga tayong nasa online world sa
Facebook. Nakatutuwa ba o nakaiinis na ang trending sa FB sa ating bansa ay sina
Vice Ganda, PNoy, at Justine Bieber (socialbakers.com)?
Saan tayo kumukuha ng impormasyon? Sa kasalukuyan, numero uno pa ring
pinagkukunan ng impormasyon ang telebisyon na may 89 %, sunod ang internet na
45%, radyo na 36%, diyaryo na 12%, at magazine na 4% (TNS Digital Life 2012).
Kaya nga’t kung basura ang impormasyong nakukuha natin sa telebisyon at FB,
basura rin ang mapupulot at mababasa ng ating kabataan. Subalit kaiba sa internet,
ang telebisyon ang pinakamarami, pinakamura at pina-accessible sa lahat ng media
sa ating bansa. Maski sa cellphone, may instant TV ka na. Kung kaya’t kung hindi
natin nasasala ang klase at kalidad ng impormasyon dito, siguradong magiging trash
bin lang ang isipan natin. Ano ba ang ibig sabihin ng information literacy? Sa
depinisyon ng UNESCO Information Literacy Primer, sinasabing information literate

Filipino 5 // Pahina 5 ng 9
ang isang tao kung alam niya kung kailan kailangan ang impormasyon upang
makatulong sa kaniyang pang-araw-araw na buhay, propesyon, pagkilos at pagbuo
ng desisyon. Dagdag pa rito, kailangang mapagnilayan, maisalin o masabi, maiayos
niya ang mga impormasyong ito na maiintindihan, makukuha, at mapakikinabangan
ng iba. Halos lahat naman ng pagkakataon, kailangan natin ng impormasyon. Subalit
ang pokus dito’y ang pagkakataong kailangang nating kumuha ng matinong
impormasyon at madalas matakaw tayo sa impormasyon kapag nag-aaral tayo o
nakapaloob tayo sa sistema ng edukayon. Ang mga bata ang may pinakamalakas na
appetite sa impormasyon dahil mausisa sila, palatanong at makulit upang malaman
ang mga bagay-bagay sa paligid nila. Kailangang sa ganitong sitwasyon, nalalaman
nila kung paano at saan makukuha ang impormasyon. Sa ngayon, hindi na ang guro
ang balon ng kaalaman ng mga bata dahil nandiyan na si Google at ang buong
kalawakan ng internet. Ngunit sina Google, Yahoo, Facebook, at marami pang iba ay
para lamang sa mga maykayang Pilipino. Nagpapahiwatig kasi ang UNESCO na ang
pagiging information literate ay kailangang-kailangan sa information society at
ngayong 21st century. Sa kasamaangpalad para sa Pilipinas, hindi tayo handa!
Huwag tayong maniwala na nasa information society na ang Pilipinas. Marami sa atin
ang nabubuhay pa sa kasalukuyan na parang walang pinagkaiba noong dekada ’70
dahil marami pa rin ang naghihirap at naghihikahos sa buhay. Sabi nga ni National
Statistical Coordinating Board Secretary General Jose Ramon G. Albert, hindi
nagbago ang poverty incidence ng bansa simula noong 2006 hanggang sa ngayon na
nasa 28% ng kabuoang bilang ng sambahayan sa bansa. Ayon sa TNS Digital Life
2012, 7 sa 10 Pilipino ay walang akses sa internet; 15% lang ng kabuoang
sambahayan ang may internet connection; at 1.9 sa 100 Pilipino ang may fixed
internet connection. Samakatuwid, tulad ng dambuhalang hati sa pagitan ng
mahihirap at mayayaman, ganito rin ang makikita sa paggamit ng internet. Kung kaya’t
3 sa bawat 10 lamang ang proud sa Facebook capital tayo sa mundo. Maliit din ang
pagkakataong sa 3 bawat 10 Pilipino masasabi nating information-literate sila. Hindi
porke’t naka-FB, naka-iPad o tablet, naka-smartphone tayo ay information-literate na
tayo. Sa katunayan walang makapagsasabi kung ilang porsyento ng ating populasyon
ang information-literate. Wala pa kasing ginagawang komprehensibong pag-aaral
tungkol dito. Pero makapaghihinuha tayo na sadyang maliit na porsyento ito at ito’y
tunay na kalunos-lunos. Sa kasamaang palad, sa bagong K-12 na kurikulum ng
DepEd, walang matinong information literacy sa content at performance standards

Filipino 5 // Pahina 6 ng 9
nito at hindi pa naipatutupad ang ICT roadmap for education kahit na nasa 21st
century na tayo. Sa mga susunod kong kolum, tatalakayin ko ‘to nang husto. Subalit
ngayon, naging malinaw na malayo pa tayong maging information-literate. Maski
mass media ay hindi nakaligtas dito. Saan ka ba makababasa ng diyaryong ang
headline ay tungkol sa lovelife at sexually transmitted disease ng isang artista? O ‘di
kaya’y ang bungad ng balita sa TV ay tungkol sa hiwalayan nina X at Y. Nakalulungkot
na baka sa pagdating ng panahon hindi na natin alam kung ano ang ipinagkaiba ng
basura sa impormasyon.

I. Pagsagot sa mga tanong.


Batay sa mga inilahad ni De Leon (2018) na mga paraan sa pagsusuri sa nilalaman
ng teksto, unawain at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang sinasabi ng teksto?


_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Ano ang inilalarawan ng teksto?


_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Ano ang ipinahihiwatig ng teksto sa mga mambabasa?


________________________________________________________
________________________________________________________

4. Ano ang larang na kinabibilangan ng teksto?


________________________________________________________
________________________________________________________

5. Ano-anong ebidensiya ang inilahad ng manunulat bilang suporta sa paksa ng


teksto?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

II. Pasanaysay na Pagtugon


Gamit ang tatlo hanggang limang pangungusap, sagutin ang tanong na nasa loob ng
kahon sa pamamagitan ng pagtukoy ng limang pamamaraan.

Bilang isang iskolar ng bayan, paano mo maipakikita ang iyong pagiging


Information Literate?

Filipino 5 // Pahina 7 ng 9
PAGLALARAWAN AT
PAMANTAYAN PUNTOS
Napakahusay Mahusay Pahusayin Pa Mahina
7 5 3 0
Nilalaman/ Napakaayos ng Maayos ang May isa Walang sagot.
organisasyon ng organisasyon ng hanggang
Kontent mga ideya. mga ideya. dalawang
pangungusap na
Napakahusay ng Nakapaglahad ng lihis sa ideyang
pagkakalahad ng apat na inilalahad.
limang pamamaraan
pamamaraan upang maipakita Nakapaglahad ng
upang maipakita ang pagiging dalawa hanggang
ang pagiging information tatlong
information literate. pamamaraan
literate. upang maipakita
ang pagiging
information
literate.

Gamit ng 3 2 1 0
Wika Angkop ang mga May isa o May tatlo o higit Walang
ginamit na salita. dalawang mali sa pang mali sa sagot.
gramatika. gramatika. .
Walang mali sa
bantas, Maaaring sa Maaaring sa
kapitalisasyon, at bantas, bantas,
pagbabaybay. kapitalisasyon, kapitalisasyon,
at pagbabaybay at pagbabaybay
.

TA: 2 minuto ATA: _____

TANDAAN!

Ngayon iyo nang nabatid ang mga dapat isaalang-alang sa pagtukoy sa paksa
ng teksto, at higit sa lahat ang mga paraan para masuri din ang nilalaman nito. Laging
isaisip na kapag tutukuyin ang paksa ng teksto kailangan munang kilatisin ang
pamagat, isunod ang pangunahing ideya at pansuportang detalye, at ang mga tanong
na kailangang isaalang-alang upang mapalitaw ang paksa.

Filipino 5 // Pahina 8 ng 9
Sa pagsusuri naman sa nilalaman, kailangang isaisip ang mga binanggit ni De
Leon katulad ng sinasabi ng teksto, inilalarawan ng teksto at ipinahihiwatig ng teksto.
Nakatutulong din ang kasanayan sa pagkilatis sa kinabibilangan larang ng teskto at
paggamit ng mga ebidensiya bilang pansuporta sa teksto. Sa pagsunod ng lahat ng
mga ito, tiyak na ikaw ay magiging isang mahusay na manunuri ng akda.
Ngayon, handa ka na ba sa pagbasa, pagtukoy sa paksa, at pagsusuri sa
nilalaman ng mga akda?

Mga Sanggunian:

Borres-Alburo, G. (2017) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. Quezon City: Cronica Bookhaus.

De Leon, E. B. (2018).Tuklas-Diwa, Pagbasa, at Panunuri, Pananaliksik. Quezon


City: Lorimar Publishing Inc.

Javier N. R., Dafrosa C.H., Quijano M. R., Canlas, M.D., & Navarro C. M., (2016).
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. (2016).
Quezon City: St. Andrew Publishing House.

Morales-Nuncio E., Nuncio R.V. Dealino-Gragasib J., Valenzuela R. F. Alcantara


Malabuyoc V. (2015). Makabuluhang Filipino sa Iba’t Ibang Pagkakataon.
Quezon City. C& E Publishing, Inc.

Filipino 5 Learning Resource Package. PSHS System

Inihanda ni: JENAHLYN V. RETRETA


Posisyon: Special Science Teacher IV
Kampus: Ilocos Region
Pangalan ng reviewer: BRYAN C. MENDOZA
Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher IV
Kampus: Central Luzon

Filipino 5 // Pahina 9 ng 9

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released
to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to
update notification.

You might also like