You are on page 1of 23

1. Ano ang pagbasa?

2. Ano ang tinatawag na kritikal na pagbasa?


3. Ano ang kahalagahan ng pagbasa sa ating
buhay?
Basahin:
Mahilig akong kumain ng gulay. Naniniwala ako na ito’y
nakatutulong upang lumakas ang ating katawan. Ito rin ay
nakapagpapalinaw ng mata at nakapagpapakinis ng kutis.
Nakatutulong ito upang ilayo tayo sa sakit. Kung kaya ang pagkain
ng gulay ay mahalaga sa tao.
Tanong:
1. Ano ang bagay na pinag-uusapan sa talata?
2. Ano-anong mga patunay na ito nga ang pinag-
uusapan sa talata?
Ang pangunahing kaisipan ay kilala rin sa tawag na paksang
pangungusap. Kadalasang itinatanong ng guro kung ano ang paksa ng binasang
teksto.

Ang paksang pangungusap ay ang pangunahing tema o ang pinag-


uusapan sa anumang teksto o babasahing binasa. Kadalasang makikita ito sa
unahan o sa hulihang pangungusap ng isang talata, kapag ang teksto ay
binubuo lamang ng isang talata. Kung hindi naman, ito ay matatagpuan ay sa
una at huling talata ng teksto.
Ang mga pantulong na kaisipan ay tinatawag namang sumusuportang
detalye. Ito ang mahahalagang kaisipan o mga susing salita na may kaugnayan
sa paksang pangungusap. Nililinaw nito ang pangunahing tema sa pamamagitan
ng paglalahad ng mga detalye.

Samakatwid, ang suportang detalye o pantulong na kaisipan ay ang


batayan ng paksang pangungusap batay sa kung ano ang layunin ng teksto.
Pagsasanay 1
Basahin ang teksto. Tukuyin ang paksa at mga sumusuportang detalye.

Maraming gawain ngayon ang nangangailangan ng kaalaman sa


kompyuter. Napabibilis at nagkakaroon ng ganap na kawastuhan sa pagtupad
ng mga gawaing iyon. Ang salitang kompyuter ay nagmula sa salitang-ugat na
compute. Katumbas ito ng tuos, kuwenta o kalkula kung isasalin sa Filipino.
Ang nabanggit na termino ay para lamang sa gawaing pangmatematika.
Subalit ano nga ba ang kompyuter?
Ang kompyuter ay makinang binuo upang makapagproseso ng mga
komplikadong problema sa matematika. Ngunit ngayon, maaari na rin itong
gamitin sa paggawa ng mga pormal na dokumento at ulat. Bukod pa rito
ginagamit din ito sa paglilibang at paglalaro. May kakayahan itong
makapagtago ng data o program upang mapadali ang gawain.
Pangunahing Ideya Sumusuportang Detalye

Nagmula sa salitang ugat na compute

Ang kompyuter at
ang gamit nito Katumbas ito ng tuos, kuwenta o kalkula

Makinang binuo upang makapagproseso ng mga


komplikadong problema sa matematika
Pangunahing Ideya Sumusuportang Detalye

ginagamit sa paggawa ng mga pormal na


Ang kompyuter
dokumento at ulat
at ang gamit nito
ginagamit din ito sa paglilibang at paglalaro
Pagsasanay 2
Ang istatistiks ay isa sa mga sangay ng Matematika na tumatalakay sa
sistematikong metodo ng pangongolekta, pagkaklasipay, paglalahad, pagsusuri
at pag-iinterpret ng mga kwantitatibong numerikal na datos.

Napakalahalaga ng istatistiks sa buhay ng tao. Sa pamamagitan nito,


nagagamit natin ang deskriptib na wika nang higit na episyente at eksakto sa
komunikasyon. Nagagawa nitong simple ang malalabong konklusyon.
May mahalaga ring gamit ang istatistiks sa halos lahat ng disiplina ng
pag-aaral. Sa edukasyon, ginagamit ito sa pagtataya ng mga resulta ng
pagsusulit tungo sa pagpapabuti ng proseso ng pagtuturo - pagkatuto. Sa
sayans, kasangkapan ito sa pananaliksik at eksperimentasyon, maging sa
interpretasyon ng mga nakokolektang datos. Sa negosyo at ekonomiks,
ginagamit ito sa produksyon, pagbebenta, pagpepresyo at marami pang iba.
Sa inhenyerira, ginagamit ito sa mga pananaliksik at ekspirementasyon ng
relayabiliti testing at sa pagkokontrol ng kalidad. Sa gobyerno, nakatutulong
din ito tulad halimbawa sa pagpapanatili ng episyenteng sistema ng
pagrerehistrong sibil.
Pangunahing Ideya Sumusuportang Detalye

nagagamit natin ang deskriptib na wika nang higit na


episyente at eksakto sa komunikasyon

Kapakina-bangan
ginagamit ito sa pagtataya ng mga resulta ng pagsusulit
ng Istatisktiks

kasangkapan sa pananaliksik at eksperimentasyon, maging


sa interpretasyon ng mga nakokolektang datos
Pangunahing Ideya Sumusuportang Detalye

ginagamit ito sa produksyon, pagbebenta, pagpepresyo

Kapakina-bangan ginagamit ito sa mga pananaliksik at ekspirementasyon ng relayabiliti


ng Istatisktiks testing at sa pagkokontrol ng kalidad

nakatutulong sa pagpapanatili ng episyenteng sistema ng


pagrerehistrong sibil.
Isa sa mga halamang gamot na sinasabing aprubado ng DOH ay ang
pansit-pansitan. Inaakala natin na ito ay isa lamang damo ngunit marami pala
itong kapakinabangan. Ang iba’t ibang bahagi ng halamang ito ay maaaring
makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may
benepisyo sa kalusugan. Ang katawan ng halamang ito ay may taglay
na carbohydrates, alkaloids, tannins, flavonoids, steroids, at triterpenoids. May
taglay namang mineral ang mga dahon nito tulad ng manganese, iron, zinc, at
copper sa dahon ng pansit-pansitan.
Kung may UTI o impeksyon ka sa ihi, maaaring maglaga ka ng
halamang ito at inumin ang tubig na pinaglagaan nito. Hindi lamang sa UTI
naigagamot ang pinaglagaang tubig ng pansit-pansitan, ito ay maaari ring
ipaligo ng mga taong may hindi pantay na kulay ng balat. Ginagamit din itong
panggamot sa tagihawat at pigsa. Mabisang ipantapal ang dahon nito sa
bahaging may tagihawat at pigsa.
Pangkatang Gawain

Humanap ng isang tekstong maikli lamang sa mga disiplinang nasa ibaba.


Ipakita ang pangunahing kaisipan at ang mga sumusuportang kaisipan sa
gagawing talata. Gumawa ng gaphic organizer sa pagpapakita nito. Isama ang
tekstong nasaliksik sa pagpapasa ng Gawain.

Pangkat 1 – sining
Pangkat 2 – lipunan
Pangkat 3 – pilosopiya
Pangkat 4 – agham
Pangkat 5 - matematika
Rubrik sa Pangkatang Gawain
• Wasto ang pangunahing ideya 10 puntos
• Wasto ang mga pantulong na kaisipan 10 puntos
• Pagiging mapanaliksik 10 puntos
Kabuuan 30 puntos
Halimbawa ng gaphic oganizer
Ipaliwanag ang pagkakaugnay ng dalawa sa pagbasa ng isang teksto

pangunahing TEKSTO pantulong na


kaisipan kaisipan
Maikling Pagsubok
I. Isulat ang letra ng tamang kasagutan.
1. Ano ang tawag sa pangunahing tema sa binasang teksto?
A. pantulong na kaisipan
B. sumusuportang detalye
C. paksang pangungusap
D. lahat ng nabanggit

2. Ano ang tinutukoy na pantulong na kaisipan?


A. mga pangungusap na sumusuporta sa paksang pangungusap
B. mga pangungusap na nagpapalawak sa mensahe ng akda
C. mga pangungusap na naglalahad ng kaisipan ng akda
D. mga pangungusap na pampahaba sa talata
3. Alin sa mga pahayag ang pangunahing kaisipan?
A. Napakabait na bata ni Julius.
B. Madaling utusan ang batang iyan.
C. Magalang siyang makipag-usap sa tao.
D. Masunurin siya sa kaniyang magulang.

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI pantulong na


kaisipan sa pahayag na ito? “Ang mabait kong mga magulang ay
kayamanang ibinigay sa akin.”
A. Ginagabayan nila ako sa lahat ng desisyon na aking ginagawa.
B. Hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo para sa kanilang
anak.
C. Lubos na pagmamahal ang ipinadarama sa akin ng aking mga
magulang.
D. Ang magulang ay isa sa pinakamagandang regalo na
ipinagkaloob sa mga anak.
5. Bakit mahalagang matukoy natin ang paksa ng ating binabasa?
A. upang maging kawili-wili ang ating pagbabasa
B. upang matukoy natin ang mensaheng nais iparating ng
tekstong binabasa
C. upang matukoy natin kung ano-ano nga ba ang mga
sumusuportang detalye sa paksa
D. upang makuha natin agad kung ano ang binibigyang pokus sa
tekstong babasahin

II. Umisip ng isang paksa. Bigyan ito ng 4 sumusuportang


detalye (5 puntos)
Maraming salamat sa pakikinig!

You might also like