You are on page 1of 13

1

Filipino 6 -Q3- W2
Aralin

Magandang araw sa iyo!

Sa modyul na ito, babasahin at isasagawa mo ang mga nakahandang


gawain na makatutulong sa iyo sa pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong
napakinggan at pag-iisa-isa ng mga argumento sa binasang teksto.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga


sumusunod na kasanayan:
1. Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan (F6PN-IIIe19)

2. Naiisa-isa ang mga argumento sa binasang teksto (F6PB-IIIe-23)

Ang lahat ng iyong sagot sa bawat pagsasanay, gawain at pagsusulit ay isulat sa


nakalaang sagutang papel na matatagpuan sa hulihang bahagi ng modyul.

Pag-aralan mo ang mga sumusunod na talatang bumubuo sa isang talambuhay na


nasa ibaba. Piliin sa mga sumusunod na titik ang katumbas ng buod.

A. Mga gawaing ginampanan at trabahong pinasukan ni Bonifacio


B. Ang pagkakatatag ng samahang katipunan
C. Kapanganakan at Kabataan ng Dakilang Maralita
D. Mga taguri kay Andres Bonifacio
E. Mga akdang binasa ni Bonifacio

1. Itinuring ng ating kasaysayan bilang “Tunay na Bayani ng Masa.” Maraming taguri


kay Andres Bonifacio. Tinatawag siyang “Ang Dakilang Mahirap.” Nakikilala na
siya bilang “Ama ng Katipunan” at “Ama ng Demokrasyang Pilipino.
2. Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 30, 1863.
Maralita ang angkang kaniyang pinagmulan. Maaga siyang naulila. Labing-apat na
taong gulang siya nang mapaatang sa kaniyang balikat ang pangangalaga sa lima
niyang kapatid.
3. Gumawa siya ng mga baston, tungkod at pamaypay na naging mabili sa mga
nakaririwasang angkan at maging sa mga Español. Nagtrabaho siya bilang
mensahero sa istasyon ng tren sa Tutuban at isa ring bodegero. Upang
maragdagan ang kanilang pang-araw-araw na panustos, nagtitinda siya at nag-
aahente ng iba’t ibang paninda at produkto.
______4. Hindi siya nagkapalad na makapag-aral at makatungtong ng kolehiyo.
Gayunpaman, buong tiyaga niyang binasa ang ilang mga aklat pangkaisipan.
Ilan sa mga ito ang History of the French Revolution at ang Noli at Fili ni Rizal.
5. Noong gabi ng Hulyo 17, 1892, itinatag ni Bonifacio ang isang makabayang
samahan. Tinawag niya itong KKK sagisag ng Kataastaasan, Kagalang-
galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Layunin nito na mapalaya ang
mga Pilipino sa mapaniil na pananakop ng mga Español.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
2

Bago ka magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral


sa nakaraang aralin.

Basahin ang nilalaman ng isang tekstong pang-impormasyon at sagutin ang


kasunod na mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Dengue: Nakamamatay!

Nag-umpisa na naman ang tag-ulan. Nangangahulugan lamang ito na maraming


mga sakit ang maaaring umatake. Isa na sa mga sakit na maaaring makuha natin
mula sa tag-ulan ay ang nakamamatay na Dengue Virus. Ang Dengue ay nagmumula
sa isang virus na dala ng isang uri ng lamok na kung tawagin ay Aegis Aegypti. Ang lamok
na ito ay umaatake mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Nabubuhay ang
lamok na ito sa malinis na tubig taliwas sa kaalaman ng ibana ang mga kiti-kiti ay
maaari lamang mabuhay sa maruming tubig. Karaniwang makikita ang mga kiti-kiti na
maaaring pagmulan ng mga lamok na ito sa mga alulod, sirang mga gulong, at mga
nakaimbak na tubig sa mga timba at drum na walang takip.
(Mula sa Pandayan sa Pagbasa 6)
1. Saan nakukuha ang sakit na Dengue?
A. sa marumimg tubig C. sa maruming basura
B. sa maruming hangin D. sa kagat ng lamok na may dalang virus
2. Alin sa mga sumusunod na lugar ang maaaring pamugaran ng mga lamok na may
Dengue Virus?
A. masikip B. malinis C. matubig D. malawak
3. Paano tayo makakaiwas sa sakit na Dengue?
A. Matulog nang maaga.
B. Magsuot ng mahahabang damit.
C. Huwag lumabas ng bahay mula umaga hanggang hapon.
D. Linisin ang kapaligiran at kumain ng masustansiyang pagkain.
4. Bakit kailangan nating sugpuin ang sakit na Dengue?
A. sapagkat nakakairita na ang mga lamok
B. sapagkat ang sakit na ito ay nakamamatay
C. sapagkat mahihirap lamang ang tinatamaan nito
D. sapagkat uso ngayon ang mga lamok sa paligid
5. Ano ang layunin ng awtor sa mga inilahad na impormasyon?
A. magpabatid B. magmatuwid C. mangaral D. manako

Basahin at unawain mo ang isang tula.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
3
.

Ang Piring ng Batas

(Mula sa Pinagyamang Pluma 6)

Bago ka magsimula sa mga gawain, nais ko munang talakayin ang tungkol


sa pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan. Gayundin ang pag- iisa-
isa ng mga argumento sa binasang teksto.

A. Pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan

Ang pagbubuod ay pagtatala ng mahahalagang ideya at mga sumosuportang ideya


o datos ng mga nabasa o napakinggang teksto, artikulo, balita, panayam, isyu at iba pa
sa sariling pananalita.
Mga paraan na dapat tandaan sa pagbubuod:
1. Basahin muna nang buo ang kuwento o ang nais mong ibuod.
2. Alamin mo ang pinakapaksa nito.
3. Maaari ka nang magsimulang magbuod kapag natipon na ang lahat ng
impormasyon.
4. Iwasang maglagay ng mga detalye katulad ng halimbawa at ebidensiya.
5. Mainam na gumamit ng mga salita na nagbibigay transisyon tulad ng
kung gayon, gayunman at bilang pangwakas.
6. Huwag ka ring magsingit ng mga opinyon.
Basahin ang unawain mo ang isang halimbawa.

Alam mo ba kung bakit napakahalaga ng mga siyentipikong eksperimento? Una,


nakatutulong ang mga ito upang malaman natin ang katotohanan. Natuklasan ang
batas ng grabidad o law of gravity dahil sa isang simple ngunit mahalagang
eksperimento. Mga eksperimento rin ang naging daan sa pagtuklas ng maraming
bagay. Dahil sa eksperimento, natuklasan ang elektrisidad. At kahulihan, bunga ng
mga eksperimento ang pag-unlad ng medisina.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
4

1. Ano ang paksang pangungusap? Ganito ba ang sagot mo?


• Alam mo ba kung bakit napakahalaga ng mga siyentipikong eksperimento?
2. Ano ang batayang ideya o kaisipan?
• May ilang dahilan ang kahalagahan ng mga siyentipikong eksperimento.
3. Anong mga dahilan ang binanggit sa talata?
A. Nakatutulong ang mga siyentipikong eksperimento upang malaman natin ang
katotohanan.
B. Mga eksperimento ang naging daan sa pagtuklas ng maraming bagay.
C. Umunlad ang medisina dahil sa mga eksperimento.

Ang tatlong pangungusap na ito ay tinatawag na mga mapagpatibay na pangungusap.


Sinusuportahan ng mga ito ang paksang pangungusap na dahilan o katibayan kung bakit
mahalaga ang mga eksperimento. Papaano mo ngayon ipahahayag ang batayang ideya
o kaisipan?

Buod:
Mahalaga ang mga siyentipikong eksperimento pagkat nakatutulong ang mga
ito upang malaman natin ang katotohanan. Nagsisilbi rin ang mga ito bilang daan sa
pagtuklas ng maraming bagay, at pagpapabilis sa pag-unlad ng medisina.

Ngayon naman ay pag-aralan mo ang pag-iisa-isa ng mga argumento sa


binasang teksto.

B. Pag-iisa-isa ng mga argumento sa binasang teksto


Ang argumento ay paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging
makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.
Ang layunin nito ay upang baguhin ang takbo ng pag-iisip ng mambabasa at
hikayatin silang kumilos at tanggapin ang kaniyang paliwanag tungkol sa isang suliranin
o konsepto.

Ang bagong paraan ng pagtuturo ay may kahirapan subalit ito ay ating


mapagtatagumpayan sa ipinamamalas na sipag at tiyaga ng mga magulang, mag-aaral at
mga guro.

Argumento:

• Totoong kailangan magpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya.


• Hindi hadlang ang Covid-19 para makapag-aral ang mga bata.
• Kailangan ang pagtutulungan ng mga guro, mag-aaral at magulang upang
mapagtagumpayan ang taong panuruan na ito.

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may


bahaging hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling
magtanong sa iyong guro. Maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa kasunod
na bahagi.

Gawain 1.1 Pagsagot sa mga Tanong

1. Ano ang tinatalakay sa tula?


2. Bakit may takip ang mata ng dilag na may hawak ng timbangan? Ano ang
sinisimbolo nito?

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
5
3. Totoo nga kayang nagkakaroon ng kawalang-katarungan sa paggawad ng
hustisya sa ating bansa? Patunayan.
4. Paano maaaring mahinto ang ganitong kalakaran? Sino-sino pa ang
makatutulong sa mga biktima ng kawalang-katarungan upang makamit ang
patas na hustisya?
5. Anong mensahe ang ipinararating ng tula sa mambabasa?

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng sagot: 5 – taglay ang 4 pamantayan
✓ Kumpleto ang ibinigay na sagot 3 – tatlong pamantayan lamang
✓ Mahusay ang pagbigay ng 1 – dalawang pamantayan lamang
pagpapaliwanag sa sagot na naayon
sa tula
✓ Maayos ang paggamit ng mga bantas
✓ Maayos ang pagbuo ng pangungusap

Magaling! Nasagutan mo na ang ilang mga gawain. Ngayon naman ay


subukan mong gawin ang pagsasanay sa pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong
binasa.

Gawain 1.2 Pagsasanay Panggramatika

A. Gamit ang nakuha mong mensahe sa tula ay ipahayag ang mensahe o buod
nito.

Pamantayan sa Pagbuo at Pagsulat ng Buod


NILALAMAN 5 4 3 2 1
*naibibigay ang mahahalagang pangyayari
BALARILA
*wastong gamit ng wika ,salita
*baybay,bantas,estruktura ng mga pangungusap
ORGANISASYON
*lohikal na pagsasaayos/daloy ng mga pangyayari

5 - Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay pa
4 - Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong
3 - Katanggap-tanggap na pagsasanay

B. Bumuo ng argumento kung tunay nga bang di patas ang batas sa mahihirap
at sa nakaririwasa. Naniniwala ka bang pantay ang pagbibigay ng hustiya
sa mahihirap man o sa mayayaman? Magbigay-patunay sa iyong
argumento.
Pamagat ng Argumento:

Aking Paninindigan Ayon sa mga Patunay:




Rubrik sa Pagwawasto
NILALAMAN 5 4 3 2 1
*naibibigay ang patunay sa argumento
BALARILA
*wastong gamit ng wika ,salita
*baybay,bantas,estruktura ng mga pangungusap
ORGANISASYON
*lohikal ang ibinigay na argumento na naayon sa
dahilan at nakita sa ebidensyang inihain

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain sa pagbibigay ng lagom o buod ng


tekstong napakinggan at pag-iisa-isa ng mga argumento sa binasang teksto.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
6

Alam kong naunawaan mo na ang aralin sa modyul na ito. Narito ang


ilang mga mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan.

• May mga dapat tandaan sa pagsusulat ng buod:


- Basahin at unawaing mabuti ang binasa o pinakinggan.
- Alamin ang kasagutan sa mga tanong na ano, saan, sino, kailan, at bakit.
- Gumamit ng payak na salita.
- Tiyaking organisado ang ideyang ilalahad.
- Alamin ang layunin ng isusulat.
• Ang argumento naman ay isang elemento ng pangangatwiran. Ito ay ang
pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang katwiran ng
isang panig.

May ilang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang
iyong mga natutuhan.

Basahin at unawain mong mabuti ang seleksyon.

Ang Mga Hunyango

Pabago-bago ang kulay ng mga hunyango upang bumagay sa uri ng kanilang


pinagpupugaran. Nagkukulay-luntian ang mga ito kapag nakalulan siya sa luntian ding
dahon. Kapag nanunulay kulay-kalawang na sanga; kulay-kalawang din sila.

Kakaiba rin ang dila ng hunyango. Napahahaba nila ang kanilang dila. Mabilis nila
itong napakikiwal sa paghuli ng walang kawalay-malay na mga kulisap.

Kakatwa rin ang mga mata at buntot ng mga hunyango. Sa iisang tinginan,
magkasabay nilang nakikita ang dalawang magkahiwalay na direksyon. Nakatutulong sa
pagapang na pag-akyat ang kanilang buntot dahil nakapupulupot ito sa mga sanga.
(Isulat ang pamagat.)
(Isulat ang batayang ideya o kaisipan ng unang talata.)
A.
(Isulat ang dalawang mapagpatibay na pangungusap.)
1.
2.

(Isulat ang batayang ideya o kaisipan ng ikalawang talata.)


B.
(Isulat ang dalawang mapagpatibay na pangungusap.)
1.
2.

(Isulat ang batayang ideya o kaisipan ng ikatlong talata.)


C.
(Isulat ang dalawang mapagpatibay na pangungusap.)
1.
2.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
7

A. Sagutin ito sa pamamagitan ng pagbubuo sa mga pangungusap.


1. Ang akda ay tungkol sa
2. Ano ang tatlong bagay na binanggit tungkol sa mga hunyango?
Pabagu-bago ang
3. Ang dila nila ay
4. Ang kanilang mga mata at buntot ay

C. Batay sa balangkas, ibuod ang mga nalaman mo tungkol sa mga hunyango.

Ang mga hunyango _________________________________________.

Basahin at unawain mong mabuti ang seleksyon.

Mas Makapangyarihan ang mga Lalaki

Sa ilang dahilan, iginigiit ng mga lalaki ang kanilang kapangyarihan sa maraming


paraan. Mas malalakas ang lalaki. Matagal silang mapagod. Pansinin lamang kung
paano sila magbasketbol, o maglipat ng sako-sakong bigas sa trak, o kumayod bilang
karpintero. Mas matatapang ang lalaki. Hindi sila sumisigaw kapag nakakakita ng daga,
alam nila ang gagawin kapag nakaharap ang ahas, at hindi sila natatakot maglakad sa
madidilim na lansangan kung gabi. Mas matitipid ang lalaki. Iisang barong Tagalog ang
maaari nilang isuot sa bawat pagtitipon. Maaari rin iisa lamang ang kanilang kurbata at
iisa rin ang pares ng pantalon. Higit na mapag-isip ang lalaki. Hindi sila padalos-dalos.
Malinaw nilang napaghihiwalay ang tama sa mali. Hindi napangingibabawan ng
damdamin ang kanilang mga pagpapasya. Sumasang- ayon ka ba na mas
makapangyarihan ang mga lalaki sa mga babae?
(Halaw sa Reader’s Digest, 1–79)

Ngayon, isulat mo nang nakabalangkas ang mga batayang ideya o kaisipan


ng lathalain. Punan ang mga patlang ng mga sagot sa mga tanong.

1. Ano ang mga dahilan kung bakit iginigiit ng mga lalaki na mas makapangyarihan
sila kaysa sa mga babae?
A. __________

B.

C.

2. Ibuod ang lathalain batay sa balangkas. Ipagpatuloy ang pangungusap sa ibaba.

Iginigiit ng mga lalaki na mas makapangyarihan sila dahil

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
8
A. Halos araw-araw ay tumataas ang presyo ng mga petrolyong langis. Kasunod
nito ang pagtaas ng mga bilihin. Magbigay ng iyong tatlong argumento ukol
dito.

Pamagat ng Argumento:

Aking Paninindigan Ayon sa mga Patunay:



Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot: 5 – taglay ang 3 pamantayan

✓ Nakapagbigay ng tatlong argumento 3 –dalawang pamantayan lamang


✓ Naisulat nang maayos
✓ Naipaliwanag nang mahusay 1 – isang pamantayan lamang

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan, mangyaring makipag-
ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
9

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
10

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
11

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
12

A. Halos araw-araw ay tumataas ang presyo ng mga petrolyong langis. Kasunod


nito ang pagtaas ng mga bilihin. Magbigay ng iyong tatlong argumento ukol
dito.

Pamagat ng Argumento:

Aking Paninindigan Ayon sa mga Patunay:



Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot: 5 – taglay ang 3 pamantayan

✓ Nakapagbigay ng tatlong argumento 3 –dalawang pamantayan lamang


✓ Naisulat nang maayos
✓ Naipaliwanag nang mahusay 1 – isang pamantayan lamang

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan, mangyaring makipag-
ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
13

FILIPINO 6
SAGUTANG PAPEL
Markahan: IKATLO Linggo: IKALAWA
Pangalan: Guro:
Baitang at Seksyon: Iskor:

Paunang Pagsubok Balik-tanaw Gawain 1.1


1 1 1
2 2 2
3 3 3
4 4 4
5 5 5

Gawain 1.2

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 1.3

A. B.

Pag-alam sa mga Natutuhan


A. B.

Pangwakas na Pagsusulit
A. Pagninilay
_

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo

You might also like