You are on page 1of 39

PANGKONGRESYUNAL

NA PAGSASANAY
SA PAGTUTURONG PANLITERASI

Ikalawang Araw
MAGANDANG UMAGA ! mga kaibigan
Handa na po ba kayo sa ihahaing kaalaman?
Pagtuturo ng Pagtukoy ng Pangunahing ideya sa
kabataan
Atin ngayong uunawain at pahahalagahan.
Pakiusap lamang ng abang tagapagdaloy
Layunin ng sesyon, dapat ituloy
Sakaling kayo man ay may mga panaghoy
Sisikapin nating mapasigla at di mag-apoy.
Pagkat kayo’y sadyang maalam
Sa pagsasalin ng karunungan
Kaya, kung nais ay makapagbahagi man
Kaisipan n’yo po’y aming igagalang.

Ngunit,itinakda sa ati’y 1 oras lamang


Dahil may susunod pang tagapanayam.
Session 9
PAGTUTURO NG
PAGTUKOY SA
PANGUNAHING IDEYA
LAYUNIN:

Pangunahing Layunin

Tiyak na Layunin
Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na ang mga guro ay:
Pangunahing Layunin:

Nagagamit ang angkop na


LAY U N IN pamamaraan sa pagtuturo ng
kasanayan sa pagtukoy ng
pangunahing ideya mula sa tekstong
binasa.
Tiyak na Layunin:
 1. Naibibigay ang kahulugan
ng pangunahing ideya

LAY U N I N
2. Natatalakay ang mga
pamamaraan sa pagtuturo ng
pagtukoy ng ideya sa teksto
3.Natutukoy ang pangunahing
ideya mula sa iba't ibang
akdang sulatin.
LAY
UNIN
GA WAIN (5
Minuto)
Magkakaroon po tayo ng pangkatang gawain.
Babasahin po ang tekstong “ Maligayang Pasko ni Eros
Atalia
Sasagutin ninyo ang mga tanong sa susunod na slide.
Isulat ang inyong sagot sa Cartolina. Mayroon po kayong
limang minuto para mag-usap at tigdalawang minuto
bawat pangkat para sa pag-uulat.
Maligayang Pasko
ni: Eros S. Atalia
Pinatay niya na ang sauce.Luto na rin noodles ng spaghetti.Sinilip
niya ang oven.Paluto na ang lechon de leche.Nagniningning sa
mantika ang hamon,hotdog at bacon.Nasa gitna na ng mesa ang
mansanas ubas,kahel,at peras.Hiwa na rin ang keso de bola.Timplado
na rin ang juice.Inilagay na niya sa mesa ang morcon,lechon
manok,embutido,paella at pinasingaw na sugpo.Naglagay siya ng
tatlong pinggan , baso,kutsara, at tinidor sa mesa.Pati na rin ang
napkin.
Maya – maya,bitbit na niya ang isang supot.Sa loob nito ay may ilang nakabalot
na ulam.

Lumabas na siya ng bahay .Tinahak na niya ang nagniningning na


lansangan.Habang naglalakad , sinilip niya ang laman ng supot. May apat na
balot.Hindi niya maaninag kung ano ang laman ng mga ito.Pero tamang – tama sa
anim niyang anak at sa kanilang mag-asawa ang bitbit na pabaong Noche Buena.

Bukas araw ng pasko, maaga siyang babalik upang maghugas ng pinagkainan.

- Mula sa Wag Lang Di Makaraos( Atalia ,2011)


1. Ano ang pangunahing ideya ng
teksto?
2. Ano – anong detalye ang
sumusuporta sa pangunahing ideya
ng teksto?
3 .Paano mo natukoy ang
pangunahing ideya sa teksto?
Eric O. Cariño
Tagapanayam
Dibisyon ng PangasinanII
Rehiyon I
Video
curriculum
guide
ANO ANG
PANGUNAHING IDEYA?
•Ito ang pinakasentral na ideya. Kadalasan ay punong
kaisipan na debelop sa paksa

•Ito ang paksang pangungusap na batayan ng mga


detalyeng inilahad sa teksto.
•Matatagpuan sa panimula,katawan,o
Konklusyong bahagi ng teksto.

•May pagkakataon na ang pangunahing ideya ay hindi


tuwirang binabanggit sa teksto.
1. Sino ang dapat maunang sumuri ng
pangunahing ideya ng teksto bago ipasuri
sa mga mag-aaral?
2. Ano ang dalawang tanong na kailangang
itanong ng guro sa kanyang sarili para
masuri ang pangunahing ideya?
G A W AI N 2 (5
Minuto)
Magkakaroon po tayo ng pangkatang gawain.
Tutukuyin po natin ang Pangunahing ideya ng teksto..
Sasagutin ninyo ang mga tanong sa susunod na slide.
Isulat ang inyong sagot sa Cartolina. Mayroon po
kayong limang minuto para mag-usap at tigdalawang
minuto bawat pangkat para sa pag-uulat.
Teksto 1
Hinirang ng isang travel and leisure magazine
bilang “Best Island in the World” ang Boracay na
makikita sa lalawigan ng Aklan. Sa pinakabagong
sarbey na makikita rin sa travelandleisure.com,
umakyat ang sikat na tourist destination sa Aklan
sa No.1 spot mula sa dating puwesto na ikaapat
noong 2011. Pinalitan ng Boracay sa No. 1 spot
ang nanguna noong nakaraang taon na Santorini,
isang sikat na volcanic island sa Greece.
Teksto 2
Ang mala-pulbos at puting-puting buhangin
at ang napakalinaw na tubig bukod sa iba pang
magagandang baybayin sa Isla ng Boracay ang
dahilan kung bakit maraming turista ang
dumarayo rito. Pagsapit ng gabi, ang baybayin
ay nagliliwanag dahil sa magagandang mga
pailaw na makikita rito. Dahil ito, hinirang ang
Boracay bilang “Best Island in the World.”
Teksto 3
Hindi buo ang iyong pagkabata kung hindi naging
bahagi ng iyong karanasan ang pagkain ng chickenjoy
at Jolly spaghetti sa pinakasikat na fastfood chain sa
bansa. Hindi maikakaila na ang Jollibee ang “Hari ng
Fastfood Chain” sa bansa.Saan mang sulok, bayan o
lugar sa Pilipinas ay may Jollibee para magbigay ng
bida at saya mapa-bata man o matanda. Talagang
malaki ang impluwensiya nito sa ating kultura dahil
bahagi na ito ng anumang salusalo, handaan o
kasiyahang ipinagdiriwang nating mga Pinoy.
Teksto 4
Ang mangosteen na kilala bilang “reyna ng mga
prutas” ay isa sa mga tropikal na prutas na kakaiba
dahil sa tamis-asim na lasa nito.Sinasabi rin ng ilan
na ang prutas na ito ang paboritong prutas ni Queen
Victoria ng Great Britain.
Halos lahat ng parte ng prutas kasama na ang
buto, balat at tangkay nito ay may kaniya-kaniyang
gamit. Ang prutas na ito ay may maraming
benepisyo sa kalusugan na
unti-unti pa lamang tinutuklas ng mga eksperto.
Mga Teknik sa pagtukoy ng Pangunahing Ideya

Paggamit ng Paggamit ng panapos na


Pamagat pahayag

Paggamit ng mga Paggamit ng inuulit na


pantulong na detalye mga ideya
Paggamit ng Pamagat - May mga
tekstong makikita naang paksa sa pamagat.
Kaya mahalaga na suriin ang sinasabi ng
pamagat.Kapag alam mo ang paksa o kung
tunkol saan ang binasa mo madali mong
matutukoy ang pangunahing detalye.
Paggamit ng mga pantulong na
detalye - Ang mga pantulong na detalye ay
ang nagpapaliwanag at nagbibigay ng
impormasyon sa pangunahing ideya ng
teksto.Kapag nasuri ang mga pantulong na
detalye sa teksto,ito ang magiging daan para
matukoy ang pangunahing ideya ng teksto..
Paggamit ng panapos na pahayag -
Ang pangunahing ideya ay pwedeng
matagpuan sa simula,gitna at wakas ng
teksto. Sa wakas ng teksto matatagpuan ang
panapos na pahayag.
Paggamit ng inuulit na mga ideya -
Titingnan dito ang mga salitang inuulit
– ulit sa teksto na magsisilbing hudyat para
matukoy ang paksa at pangunahing ideya
ng teksto..
G A W AI N 3 (5
Minuto)
Sasagutan ninyo ang activity sa worksheet 1.
WORKSHEET #1
Pangalan:__________________Purok:_______________
Paaralan:__________________Iskor:________________
Panuto: Paano mo ituturo ang pangunahing ideya ng sumusunod na
teksto.Isulat ang bawat hakbang.

Puspusang mahiwaga at nakapagtataka ang buhay ng tao.Siya’y


ipinanganak upang maghirap at mamatay.Hindi maipagkakaila ang
katotohanang ito.Nang ikaw ay nagkamalay ay isinilang ka na. Hindi mo
hinangad o pinili ang iyong pagsilang.Hindi ka na makapamili ngayon kung
gusto mo man o hindi ang isilang,sapagkat sa ayaw at sa gusto mo ay
isinilang ka na.Nariyan ka na.Ito ang dahilan kung bakit kinukuro ng mga
pantas eksistensiyalista na ang tao ay tila baga hinagis o itinapon sa
sanmaliwanag na wala sa kanyang kaalaman at kagustuhan.
Bukod dito,pagkapanganak ng tao ay
magsisimula na siyang maghirap at maghihirap
siya hanggang kamatayan.Sinumang hindi
matutong maghirap ay hindi rin matutong
mabuhay nang mahusay , o kaya’y hindi siya
magtatagal. Samakatuwid,kung nais mong
mabuhay nang matiwasay,kinakailangang
matuto kang maghirap.Alalahanin ang
paghahaka ng mga Pilipino na “daig ng maagap
ang masipag”.
Mula sa pagsilang ng tao ay magsisimula
na siyang mamatay.Sa takdang oras ng kanyang pagsilang
ay magsisimula na siyang lumaki at gumulang.Habang siya’y
lumalaki, lalo naman siyang gumugulang at tumatanda ay
lalo naman siyang humihina at unti – unti siyang lumalapit
sa kanyang huling hantungan:kamatayan.Marami ring
namamatay na hindi pa ipinapanganak,halimbawa ,iyong
mga nalalaglag.Ganyan ang misteryo ng buhay.
Sangguian:
Ano nga ba ang buhay?
ni Florentino T. Timbreza
Retrieved from https://ejournals.ph.article
"Ang tunay na pagkaunawa ay may kinalaman sa pag-
aaral ng pag-iisip, at pagpapalawak ng kaalaman at mga
pananaw ng isang mambabasa. Ito ay may kinalaman sa
pagbuo ng nakaraang kaalaman, pamamahala ng bagong
impormasyon, pagkonekta sa mga isip ng mga hindi mo pa
nakikilala ”
- mulakay Zimmerman at Hutchins
Muli, sa
may PAG-ASA
Pagbabasa
Maraming
Salamat po!
MaryGrace P. Valencia
Dalubguro I,
Mababang Paaralan ng Malitbog

You might also like