You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO FILIPINO XI


(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)

Bilang ng Araw/Sesyon: 4
August 22-25, 2022

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika


b. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo, talumpati at mga panayam;
c. Nakabubuo ng timetable ng mahalagang pangyayari sa kasaysayan na
nagbigay-daan sa pagpapatibay sa Filipino bilang wikang pambansa.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Konseptong Pangwika


Sanggunian: Pinagyamang Pluma II, p- 8-24
Kagamitan: Aklat, Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

 Paglalahad sa mga kasanayang pampagkatuto

B. Paglalahad ng Aralin

a. Pagganyak (Activity)

 Word Association Technique – sa larong ito makakabuo ng parsyal na


kahulugan ang mga mag-aaral sa salitang wika. Hahatiin ang klase sa tatlong
pangkat.

b. Instruction Delivery (Analysis)

Pagtalakay sa mga sumusunod:

 Ang Wika
 Ang Wikang Pambansa
 Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

c. Pagsasanay (Analysis)

Malaki ang ginagampanang bahagi ng wika sa pakikipagkapwa ng mga tao.


Gamit ang concept map, isulat ang kahalagahan ng wika sa ating pakikipag-
ugnayan sa kapwa.

Kahalagahan
ng wika

d. Pagpapayaman (Abstraction)

Panoorin ang isang bahagi ng talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III para
sa SONA o State of the Nation Address mula sa link na ito: State of the
Nation Address 2015 (clean feed) RTV Malacaňang
https://www.youtube.com/watch?v=ikdZuI2Eog4.

Ang simula ng SONA ay nasa 1:05 ng video. Mayroon kayong


sampung minuto upang mapanood ito. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod:

1. Masasabi bang higit mong naramdaman o naunawaan ang mensahe ng


talumpati ng pangulo dahil wikang Filipino ang ginamit niya sa pagbigkas
nito? Ipaliwanag.

2. Ano ang nararamdaman mo para sa isang pangulong gumagamit ng


wikang Filipino sa kanyang pagbibigay ng ulat sa bayan? Maituturing bang
kahanga-hanga o hindi ang ginagawa niyang ito? Ipaliwanag ang iyong
panig.

e. Ebalwasyon (Application)

Punan ang mga kahon ng mahahalagang pangyayaring nagbibigay-daan sa


pagpapatibay sa Filipino bilang wikang pambansa. Gawing gabay ang mga
petsang nakalahad sa mga kahon sa unahan. Ang una ay pinunan na para sa
iyo.
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

Nagkaroon ng
kumbensiyong
konstitusyonal
kung saan isa
sa mainitang
tinalakay at
pinagtalunan
ang pagpili ng
wikang
pagbabatayan
ng wikang
pambansa
1934 1937 1959 1987

1935 1946 1972

Inihanda ni:

ANNA ROSE B. BATAUSA


SHSTII

Pinagtibay ni:

MARIA ELENA F. MORALES, Ed.D.


School Head
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO FILIPINO XI


(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)

Bilang ng Araw/Sesyon: 4
August 29-Sept. 1, 2022

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at


mga karanasan;
b. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon sa telebisyon;
c. Nasasagutan ang mga nakalahad na tanong na may kaugnayan sa paksang
tinatalakay.

II. Paksang Aralin

Paksa: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo


Sanggunian: Pinagyamang Pluma II, p- 25-40
Kagamitan: Aklat, Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

 Paglalahad sa mga kasanayang pampagkatuto

B. Paglalahad ng Aralin

a. Pagganyak (Activity)

 Mixed-up Letter: Hanapin sa kahon ang hinihinging salita ng guro at


idikit ito sa pisara.

b. Instruction Delivery (Analysis)

Pagtalakay sa mga sumusunod:

 Unang Wika, Pangalawang Wika at Iba pa


 Monolingguwalismo
 Bilingguwalismo
 Multilingguwalismo

c. Pagsasanay (Analysis)
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

Punan ang mga kahon sa kabilang pahina ng halimbawang nagmula sa


iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan.

Punan ang kahon ng Punan ang kahon ng Punan ang kahon ng isa
tawag sa iyong unang tawag sa iyong pang wikang nalalaman
wika (L1) at isang pangalawang wika (L2) mo (L3) at magtuturing
halimbawang at halimbawang sa iyo bilang
pangungusap gamit ito. pangungusap gamit ito. multilingguwal. Kung
wala ay sumulat ka ng
tatlong salitang katutubo
sa Pilipinas na alam mo.

Batay sa iyong sariling Paano mo naman Kung mayroon kang


karanasan, paano natutunan ang iyong nalalamang pangatlong
nalinang sa iyo ang pangalawang wika? wika, paano mo ito
iyong unang wika? natutuhan? Kung wala,
ano ang maaari mong
gawin upang matuto ka
ng ikatlong wika?

d. Pagpapayaman (Abstraction)

Panoorin ang isang segment ng SONA: Ilang tricycle driver, nagtigil-pasada


para manood ng kalyeserye ng Eat Bulaga sa State of the Nation ni Jessica
Soho sa Link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=6uxGgIfSKuw. Saka
sagutin ang mga tanong.

1. Malinaw ba ang paraan ng pagsasalita ng host na si Jessica Soho sa


kanyang State of the Nation?
2. Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ang
paraan ng pagsasalita ng host? Patunayan.

e. Ebalwasyon (Application)

Panuto: Makikilala mo ba ang tinutukoy na konseptong pangwika sa bawat


pahayag batay sa nakalahad na kahulugan? Isulat ang sagot sa linya.

________________ 1. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang.


Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

________________ 2. Ito ang wikang may simbolong L3 na natututuhan ng isang tao


habang lumalawak ang kanyang ginagalawang mundo dahil ito’y
isa ring wikang nagagamit sa maraming pagkakataon sa lipunan.
________________ 3. Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika lamang bilang wika
ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, wika ng
pakikipagtalastasan at ng pang-araw-araw na buhay sa isang
bansa.
__________________ 4. Ang bansang itinuturing na multilingguwal.
__________________ 5. Ibig sabihin ng MTB-MLE.

Inihanda ni:

ANNA ROSE B. BATAUSA


SHSTII

Pinagtibay ni:

MARIA ELENA F. MORALES, Ed.D.


School Head
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO FILIPINO XI


(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)

Bilang ng Araw/Sesyon: 2
Sept. 5-6, 2022

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Naiisa-isa ang mga barayti ng wika;


b. Nabibigyang-halaga ang pagkakaroon ng barayti ng wika sa
pakikipagtalastasan
c. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga
konseptong pangwika.

IV. Paksang Aralin

Paksa: Barayti ng Wika


Sanggunian: Pinagyamang Pluma II, p- 41-57
Kagamitan: Aklat, Powerpoint Presentation

V. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Paglalahad sa mga kasanayang pampagkatuto

B. Paglalahad ng Aralin
a. Pagganyak (Activity)
 Paghihinuha (Guess what)
Ano ang naiisip ninyo kapag binabasa o naririnig ang salitang barayti?
Gamit ang Cluster Concept, isulat sa kahon ang mga sagot.

Barayti

b. Instruction Delivery (Analysis)


Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

Pagtalakay sa mga sumusunod:

 Heterogeneous at Homogeneous na wika


 Barayti ng Wika

c. Pagsasanay (Analysis)

Magtala ng tigdadalawang halimbawa ng dayalek, idyolek, sosyolek at


etnolek. Isulat ito sa isang-kapat na papel.

Barayti ng Wika Mga Halimbawa

Dayalek
Idyolek
Sosyolek
Etnolek

d. Pagpapayaman (Abstraction)

Pakinggan o panoorin ang sumusunod na mga programang panradyo


o pantelebisyon at saka sagutin ang mga tanong

Pamagat: Angelica spoofs Kris Aquiknow & Aboonduh Tonight mula sa


programang Banana Split sa Link na ito:
Https://www.youtube.com/watch?v=t23O2wrxso0

1. Bakit si Kris Aquino ang napiling gayahin o i-spoof ni Angelica sa


show na ito? Anong masasabi mo sa kanyang idyolek?
2. Sa tingin mo ba, makakatulong ba ito sa iyong sarili bilang isang
mag-aaral? Oo o Hindi? Patunayan.

e. Ebalwasyon (Application)

Gamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya, ang web blog ni Cris


Israel Lumansang na pinamagatang What if Conyo lahat the People here
in ‘Pinas. Basahin ito at sagutin ang mga tanong. Pagkatapos ay bigyang
buhay ng bawat grupo at itatanghal sa susunod na pagkikita.

WHAT IF CONYO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS

Magnanakaw 1: Holdap, make bigay all your thingies! Don’t make galaw or I
will make tusok you!
Pulis: Make Suko, we made you napapaligiran!
Impeachment trial: You are so asar! I’m galit na to you!
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

Raliyista: Let’s make baka, don’t be takot! Don’t be sossy, join the rally!

Newscaster: Oh my gosh, I have hot balita to everyone!


Pasahero 1: Sir, payment!
Pasahero 2: Manong, faster please! I’m nagmama-hurry!
Customer: Pa-buy ng water, yung naka shachet! (ice tubig)
Karpintero: Can I hammer na the pokpok?
Pari: You’re so bad, see ka ni God!
Tsismosa 1: I was like this, he was like all that, and I was like what’s your
problem?
Tsismosa 2: OMG that isa like sooo sad!
Magtataho: Taho! Make bili na while it’s init, I’ll make it with extra sago!
Bumibili ng taho: Is it sarap? Pwede pa-have?
Pulubi: Knock-knock, pa-beg!
Janitor: Ekkkk! Kill the ipis, please don’t step on it ha, I don’t like to feel the
sound!

Tanong:

1. Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraan magsasalita ang lahat
ng mga Pilipino? Ipaliwanag.
2. Kung nakasanayan mo ang ganitong paraan ng pagsasalita ay maaaring
madala mo na rin ito hanggang sa iyong pagtanda at maging sa iyong
paghahanapbuhay. Paano kaya kung newscaster ka na ng isang
respetadong news and public affairs program sa telebisyon subalit ganito
ka magsalita: “Oh my gosh, I have hot balita to everyone!” Paano
maapektuhan nito ang kredibilidad mo bilang newscaster?
3. Batay sa isinagot mo sa bilang 2, ano-ano ang gagawin mo para hindi
mangyari ito sa iyo at malinang sa iyo ang pagsasalita ng maayos ngayon
pa lang?

Inihanda ni:

ANNA ROSE B. BATAUSA


SHSTII

Pinagtibay ni:

MARIA ELENA F. MORALES, Ed.D.


School Head

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO FILIPINO XI


Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)

Bilang ng Araw/Sesyon: 6
August 7-8, 12-15, 2022

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan;


b. Natutukoy ang iba’t ibang tungkulin ng wika sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga nakalahad na pahayag;
c. Naipapaliwanag nang pasalita ang paraan ng pagbabahagi ng wika sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.

II. Paksang Aralin

Paksa: Gamit ng Wika sa Lipunan


Sanggunian: Pinagyamang Pluma II, p- 59-64
Kagamitan: Aklat, Larawan, Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Paglalahad sa mga kasanayang pampagkatuto

B. Paglalahad ng Aralin
a. Pagganyak (Activity)
 Pagpapakita ng larawan

b. Instruction Delivery (Analysis)


Pagtalakay sa mga sumusunod:

 Ang Wika at Ang Lipunan


 Pitong tungkulin ng wika na inisa-isa ni M.A.K Halliday
 Anim na Paraan ng Pagbabahagi ng wika ayon kay Jakobson

c. Pagsasanay (Analysis)
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

Panuto: Isulat sa linya ang tungkulin o gamit ng wikang tinutukoy ng pahayag


sa ibaba.

____________ 1. Ito ay gamit ng wika na nakatuon sa pagpapahayag ng


pangangailangan ng tao, tulad ng anumang kahilingan kaugnay ng pagkain, inumin at
iba pa.
____________ 2. Ito ay gamit ng wika na tumutukoy sa pagpapahayag ng datos at
impormasyon.
____________ 3. Ito ay gamit ng wika na tumutukoy sa pagpapahayag ng damdamin,
opinyon, at indibidwal na identidad.
____________ 4. Ito rin ay gamit ng wika na nagbibigay-pansin sa pagpapahayag
kaugnay na pagbuo ng ugnayan o relasyon o anumang gawain ng pakikisalamuha sa
ibang tao.
____________ 5. Ito ay gamit ng wika na nakapokus sa paggamit ng wika sa
pagbibigay ng utos o pagbibigay ng gabay sa posibleng gagawin ng ibang tao.

d. Pagpapayaman (Abstraction)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang gamit o
tungkulin ng wika sa pahayag at bigyang-kahulugan ang komunikatibong gamit ng
wika sa lipunan. Maaring higit sa isa ang gamit o tungkulin ng wika sa pahayag.

1. “Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi


mahusay ang modelo – ang mga guro.” Ito ay opinyon ni Ruth Elynia- Mabanglo
noong Agosto 2015, Kongreso ng Pagpaplanong Pangwika.

Gamit o tungkulin ng wika: ________________________________________

Kahulugan at paliwanag: _________________________________________

2. Nabigay ng lubos na pagsuporta si dating Pangulong Corazon Aquino sa Paggamit


ng Filipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335,
serye ng 1998. Ito ay “ nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina,
ahensya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon,
komunikasyon, at korespondensiya.”

Gamit o tungkulin ng wika: _______________________________________

Kahulugan at Paliwanag: _________________________________________

______________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
MATHO INTEGRATED SCHOOL
Matho, Cortes, Surigao del Sur

e. Ebalwasyon (Application)

Sa paraang pagsasadula, bigyan ng sariling halimbawa para sa bawat paraan


ng pagbabahagi ng wika ayon sa mga sinabi ni Jakobson. Gawing malikhain,
subalit makatotohanan ang bawat eksenang ipapakita.

Inihanda ni:

ANNA ROSE B. BATAUSA


SHSTII

Pinagtibay ni:

MARIA ELENA F. MORALES, Ed.D.


School Head

You might also like