You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Tanjay City
PAMPLONA NATIONAL HIGH SCHOOL
Cambalud, Poblacion, Pamplona, Negros Oriental

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8


Pangalan ng Guro : KRYSTLE ANN L. GORNEZ Araw at Oras :
Asignatura : FILIPINO Baitang at Pangkat:

Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa


kulturang Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa
pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)
Kompetensi  Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng multimedia
 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal
na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)
I. LAYUNIN Nasusuri ang mga salita batay sa antas ng wika.
Kaalaman
Saykomotor Naiuugnay sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon.
Apektiv Napapahalagahan sa angkop na pagkakagamit ang mundo ng multimedia
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Antas ng Wika
B. SANGGUNIAN Panitikang Pilipino: Filipino Modyul para sa Mag-aaral sa pahina 136-137

C. KAGAMITANG Batayang aklat, Laptop, telebisyon, powerpoint presentation


PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pagwawasto ng atendans

Pagbabalik-aral Pagbabalik-aral tungkol sa “Popular na babasahin”


Pangkatang Gawain:
Bibigyan ang mga grupo ng puzzle na larawan sa iba’t ibang lingo na ginagamit sa
Aktiviti/Gawain mundo ng multimedia.
Tanong:
a. Anong lingo ang iyong nabuo?
b. Paano ito ginagamit?
c. Anong antas ng wika ang ginagamit dito?
B. PAGLALAHAD Pagtatalakay sa Antas ng Wika gamit ang powerpoint presentation.

C. PAGSASANAY I-flash Mo!


Magbibigay ang guro ng mga salita at magtatawag ng mag-aaral na tutukoy sa antas
ng wika.
D. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain: Gamit ang mga Antas ng Wika gagawin ang mga sumusunod:
 Unang Pangkat: Talk Show tungkol sa mga kabataang nalulong sa droga at
nagbagong buhay na gamit ang Pormal na Wika.
 Ikalawang Pangkat: Pagsasadula tungkol sa positibong naidudulot ng
multimedia gamit ang pormal na wika.
 Ikatlong Pangkat: Impersonipikasyon. Gagayahin si Vice Ganda na
nagbibigay ng payo sa mga kabataan sa maayos na paggamit ng social media.
Gamit ang impormal na wika.
Pamantayan/ Rubriks:
a. Kaangkupan ng pagtatanghal - 10 puntos
b. Kalinawan sa paglalahad - 10 puntos
c. Kooperasyon - 5 puntos
25 puntos
E. PAGLALAHAT Paano nagagamit ang antas ng wika sa pagpapahalaga sa mundo ng multimedia?
IV. PAGTATAYA A. Suriin ang mga salita na nasa loob ng kahon kung ito ba ay pormal o
impornal na antas ng wika. Isulat ito sa nararapat na hanay.

Pormal Impormal

Bayan Tropa tsibog bahay

Sinundo brod tomguts bekla

Gusali estudyante
B. Tama o Mali:
Isulat ang salitang TAMA kung ang pangyayari ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa multimedia, MALI naman kung hindi.
_____1. Pag-popost ng mga importanteng impormasyon sa facebook.
_____2. Paggawa ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa
pamamagitan ng multimedia.
_____3. Pagkomento ng mga masasakit na salita sa profile account ng iba.
_____4. Pagpapatugtog ng malakas ng musika sa gabi.
_____5. Paglalaro ng kompyuter games kapag oras ng klase.
V. TAKDANG-ARALIN Ano-ano ang mga halimbawa ng broadcast media?

Prepared by: Checked by:

KRYSTLE ANN L. GORNEZ JUNJUN S. CATACUTAN


Sec. School Teacher III Sec. School Principal I

No. of Learners within Mastery Level: ___________________ No. of Learners Needing Remediation:
________________
Remarks/Remediation/Reinforcement to be done:
_________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
__
Other Activities:
____________________________________________________________________________________

You might also like