You are on page 1of 1

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VII
Dibisyon ng Bohol
Distrito ng San Miguel
SEBASTIAN A. JALA MEMORIAL HIGH SCHOOL
Tomoc, San Miguel, Bohol
Senior High School
____________________________________________________________________________________________________________
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

MAHABANG PAGSUSULIT BLG. 1


UNA at IKALAWANG LINGGO

PANGKALAHATANG PANUTO: Hanapin ang kasagutan sa mga katanungan sa Learning Activity Sheets (LAS)
UNANG LINGGO AT IKALAWANG LINGGO (GAWAIN BLG. 1 - GAWAIN BLG. 6)

A. Unawain ang bawat katanungan. Isulat ang LETRA at SALITA ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
NO ERASURES!
1. Ito ay instrumento ng komunikasyon.
A. Wika B. Salapi C. Pagkakaisa D. Dila

2. Ano ang Wikang Pambansa ng Pilipinas?


A. Tagalog B. Waray C. Hiligaynon D. Filipino

3. Ito ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.


A. Wikang Opisyal B. Wikang Panturo C. Wika D. Diyalekto

4. Ito naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.


A. Wikang Opisyal B. Wikang Panturo C. Wika D. Diyalekto

5. Ito ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
A. Pangalawang Wika B. Ikatlong Wika C. Unang Wika D. Ikaapat na Wika

6. Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa bansang Hapon.
A. Multilinggwalismo B. Monolingguwalismo C. Bilingguwalismo D. Lingguwalismo

7. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika.


A. Multilinggwalismo B. Monolingguwalismo C. Bilingguwalismo D. Lingguwalismo

8. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika
A. Multilinggwalismo B. Monolingguwalismo C. Bilingguwalismo D. Lingguwalismo

9. ___________o unang wika ng mga mag-aaral ang naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang
Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man.
A. Mother Tongue B. Ingles C. Kastila D. Filipino

10. Ayon sa kanya, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay
makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-
kultural.”
A. DepEd Sec. Leonor Biones B. DepEd Sec. Raul Roco
C. Virgilio Almario D. Deped Secretary Brother Armin Luistro, FSC

11. Sa Pilipinas, ipinatupad ang multilingguwal na edukasyon sa pamamagitan ng Department of Education Order 16,
s. 2012 (Guidelines on the Implementation of the MTB-MLE) na may mga layuning, maliban sa isa.
A. Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at habambuhay na pagkatuto;
B. Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thinking skills (HOTS);
C. Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na paghusayin ang kakayahan sa iba’t ibang larang
ng pagkatuto;
D. Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika.

B. Enumerasyon: Sagutan ang sumusunod na katanungan sa inyong sagutang papel. NO ERASURES!


12 - 20. Ibigay ang panlahat na katangian ng Wika.

You might also like