You are on page 1of 3

Name: ____________________________________________________ Score: ______________

Section: ______________________________ Date: _______________

QUIZ: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

I.

Multiple Choice:

Panuto: Bilugan ang titik tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng multilingwalismo?


a. Itinuturo ni Hannah ang kasaysayan sa wikang Waray-waray, Filipino at Ingles kung kinakailangan
b. Itinuro ni Marta ang panitikan sa wikang Ingles
c. Itinuturo ni Jona ang Matematika sa Ilokano
d. Itinuturo ni Gemma ang agham sa mga wikang Filipino at Ingles
2. Kung ipinanganak at lumaki sa Davao si Katrina, sa anong wika dapat ituro ang mga asignatura niya sa unang
baiting sa eskwelahan, ayon sa patakarang multilinggwal?
a. Filipino
b. Bisaya
c. Ingles
d. Ilokano
3. Alin sa sumusunod ang tama kaugnay sa ipinatupad na bilinggwal na patakaran sa edukasyon sa UP?
a. Maaaring ituro ang pisika sa Filipino
b. Sa Ingles lamang dapat ituro ang matematika
c. Maaaring gamitin pareho ang Ingles at Filipino sa pagtuturo ng kasaysayan.
d. Maaaring ituro sa Filipino ang Kimika o Chemistry
4. Alin sa sumsusunod ang makapagpapatunay na nagtatagumpay ang multilingwal na edukasyon sa layunin nito?
a. Higit na nakilala ng mga tao ang kanilang sariling identidad
b. Naihanda ang mga tao sa pakikilahok sa pambansa at internasyonal na mga Gawain
c. Nalinang ang wikang pambansa at mga rehiyonal na wika
d. Itinakwil ang paggamit ng Ingles sa kabuuan
5. Ayon sa pahayag ng UNESCO noong 2003, ano pa ang dapat pangalagaan at bigyang proteksiyon bukod sa
multilingguwalismo at lingguwistikong pagkakaiba-iba?
a. Mga katutubong wika
b. Mga internasyonal na wika
c. Mga wikang pambansa
d. Mga wikang nanganganib nang mawala
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng inilabas na palisiya ng noo’y Department of Education, Culture and
Sports (ngayon ay Deped) tungkol sa bilinggwal na edukasyon.
a. Mapahusay ang pagkatuto at makamit ang dekalidad na edukasyon
b. Maipalaganap ang Filipino bilang wika ng literasi
c. Unang pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo o dialekto o wika ng tahanan bilang pangunahing
wika ng pagkatuto
d. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa
7. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayan ng Pambangsang Wika, maliban
sa isa.
a. Tagalog ang wikang may pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan
b. Tagalog ang wikang ginagamit ng mga taga Luzon lamang.
c. Tagalog ang wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan.
d. Wala sa mga nabanggit
8. Alin sa mga sumusunod ang kapangyarihan at tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa.
a. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas.
b. Bigyang halaga ang wikang pinakamaunlad.
c. Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa
d. Lahat ng nabanggit
9. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginagamit. Ano ang dalawang
wikang ito?
a. Tagalog at Espanyol
b. Ingles at Tagalog
c. Ingles at Espanyol
d. Ingles at Niponggo
10. Ito ay nangangahulugang malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pakikipagtalastasan.
a. Monolinggwalismo
b. Bilinggwalismo
c. Multilinggwalismo
d. Wala sa nabanggit

Identification:

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.

____________________ 1. Ito ang kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.

____________________ 2. Siya ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa Wikang Pambansa. Siya ay kinatawan
mula sa Camarines Norte.

____________________ 3. Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, sila ang mga nagnanais nga gawing Tagalog na
mismo ang wikang pambansa ng Pilipinas at hindi na batayan lamang.

____________________ 4. Siya ang “Ama ng Wikang Pambansa”.

____________________ 5. Ito ang katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas.

____________________ 6. Ito ang unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas.

____________________ 7. Ito ay isang penomenang pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng


sosyolinggwistiks.

____________________ 8. Ito ay tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao simula pagkabata kung saan siya nagging
bihasa.

____________________ 9. Ito ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang
pambansa at katutubong wika bilang pangunahing medyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo,
bagamat hindi kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat.

____________________ 10. Ito ay isa pang opisyal na wika bukod sa Filipino.

God Bless 
By: Ma’am April

You might also like