You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Region XI
Department of Education
Davao del Norte Division
KAPALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Maniki, Kapalong, Davao del Norte

BANGHAY ARALIN SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK


SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
June 26, 2017

Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng


Pangnilalaman wika sa lipunang Pilipino.
Pamantayan sa Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan
Pagganap ng Wikang Pambansa ng Pillipinas
CODE F11PT – Ia – 85
Kasanayang Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
Pampagkatuto

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay dapat na
1. Natutukoy ang iba’t ibang kahulugan ng wika.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng wika sa sarili, sa kapwa, at sa lipunan.
3. Napag-iiba-iba ang kalikasan ng wika ayon sa kahulugan ng wika ni Henry Gleason.

II. NILALAMAN
Paksa: Kahulugan at Kabuluhan ng Wika
Sanggunian: https://link.quipper.com/en/organizations/5468b9282
294ee08440000de/curriculum
Kagamitang Panturo: Handouts

III. PAMAMARAAN
A. Pangunahing Gawain
1. Pambungad na panalangin
2. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid
3. Pagganyak
Pagpapakita ng iba’t ibang larawan ng hayop at ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga
tawag nito sa wikang Tagalog at Bisaya. Larawan ng aso, pusa, ibon, at langgam.

B. Paglalahad
1. Pangkatang Gawain
a. Igrupo ang mga estudyante sa apat (4).
b. Ang bawat grupo ay magbibigay ng kahulugan ng wika.
c. Ang bawat grupo ay magbibigay ng kahalagahan ng wika:
- Sa sarili
- Sa kapwa
- Sa lipunan

2. Paglalapat
Presentasyon ng bawat grupo
3. Pagtalakay
a. Ano ang inyong reflection sa ating pangkatang gawain?
b. Ano ang kahulugan ng wika?
c. Ano ang kahalagahan ng wika sa sarili?
d. Ano ang kahalagahan ng wika sa kapwa?
e. Ano ang kahalagahan ng wika sa lipunan?

4. Paglalahat
a. Ano ang iba’t ibang kahulugan ng wika ayon sa mga dalubwika?
b. Ano-ano ang kalikasan ng wika ayon kay Henry Gleason?

IV. PAGTATAYA
Nagbabago ba ang wika? Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa kalahating papel
(crosswise).

V. TAKDANG ARALIN
Pag-aralan kung bakit naging wikang Filipino ang ating pambansang wika.

Inihanda ni:

APRIL JOY C. LASCUÑA


Teacher I

Iniwasto ni:

GRACE MAE G. FLORES


Master Teacher II
Pag-aralan Natin!

Mahalaga ang wika sa pang araw-araw na buhay ng tao. Wika ang nag-uugnay sa atin upang
makipag-usap sa kapwa. Upang makita ang mas epektibong paggamit ang wika, pinag-aaralan ito.

Iba’t ibang Kahulugan ng Wika

 Ayon kay Henry Allan Gleason Jr. (linguist at propesor sa University of Toronto) – ang
wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng tao na bahagi ng isang kultura sa komunikasyon.
 Ayon kay Henry Sweet (philologist, phonetician, at grammarian) – ang wika ay
pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang tunog upang maging
salita.
 Ayon kay Ferdinand de Saussure (linguist at semiotician) – ang wika ay pormal na sistema
ng mga simbolo na sumusunod sa patakaran ng isang grammar upang maipahayag ang
komunikasyon.

Ang depinisyon ng wika ay nagbabago-bago depende sa gamit ng wika gaya ng pagpapahayag ng


ideya o mahalagang komponent ng komunikasyon.

Limang Kalikasan ng Wika batay sa Depinisyon ni Henry Gleason

Mayroong limang kalikasan ang wika batay sa depinisyon na ibinigay ni Henry Gleason:

Ang wika ay masistemang balangkas dahil ito ay organisado at may sinusundang proseso.

Halimbawa:

(a) Hindi puwedeng “ako tahol” dahil ang tahol ay para sa aso.

(b) Laging may gitling ang salitang inuulit gaya ng sari-sari at laksa-laksa, kung walang buong diwa
ang salitang inuulit kapag nag-iisa na lamang ito.

Ang wika ay sinasalitang tunog. Lahat ng wika ay may grammar (sinusundang proseso ng wika).

Isang halimbawa nito ay mula tunog /a/ ay magiging titik [a], mula sa titik ay magiging pantig -- a,
ang pantig ay magiging salita – a|so, ang salita ay magiging parirala, ang parirala ay magiging
pangungusap

Halimbawa:

/a/ --> [a] --> a -->

/s/ --> [s] --> s --> ASO

/o/ --> [o] --> o -->

Ang wika ay arbitraryo. Ibig sabihin, nagbabago-bago ang kahulugan ng salita batay sa mga
sumusunod:

 Panahon

Halimbawa:
(a) Ang bakla noong siglo 1800 ay tumutukoy sa pagkaduwag ng isang tao.

(b) Ang bakla sa kasalukuyang panahon ay tumutukoy sa homosekswal na lalaki.

 Konteksto

Halimbawa:

(a) Sa larangan ng panitikan, ang salitang text ay nangangahulugang panitikang binabasa at/o pinag-
aaralan.

(b) Sa larangan ng telekomunikasyon, ang text ay nangangahulugang mensaheng pinadadala o


nababasa sa cell phone.

 Gumagamit

Halimbawa:

(a) Uso sa kabataan ang akronim gaya ng LOL, OOTD, at iba pa.

(b) Sa matatanda, tinatawag nilang pridyider ang refrigerator, samantalang sa kabataan, fridge ang
tawag dito.

Ang wika ay ginagamit ng tao. May kakayahan ang tao na makapagbigay ng ibang kahulugan sa isang
salita gayundin ay makabuo ng bagong salita.

Halimbawa:

(a) text, load, like, post, share

(b) lobat mula sa low batt, imba mula sa imbalance, DP mula sa default pic

Ang wika ay bahagi ng kultura.

 Repleksiyon

Halimbawa: marami tayong katawagan sa bigas

 May mga salitang sa Pilipinas lang ginagamit

Halimbawa: inin: kanin na malapit nang maluto

Mga Paalala

 Ang wika ay patuloy na nagbabago.


 Walang iisang wikang nananatiling pareho sa pagdaloy ng panahon.
 Ang lipunan, na mahalagang espasyo ng wika, ay nagbabago.

Buod

Mahalaga ang papel ng isang dalubwika upang mapalalim at maipaliwanag ang kahulugan at
kalikasan ng wika. Maraming iba’t ibang kahulugan ang wika, subalit ang kahulugan ni Henry
Gleason ang pinakamalawak at pinakabuo ang kahulugan. Mula sa kahulugan ni Gleason, malalaman
natin ang limang kalikasan ng wika.

You might also like