You are on page 1of 6

FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY

Daily Lesson Log


Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Guro: Joy C. Pagarigan Markahan: Ika-una

A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
C. Kasanayang a. F11PS – Ib – 86: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan
Pampagkatuto/ Layunin:

I. Paksa Mga Konseptong Pangwika

II. Pag-aaral ng  Wika – pinagsasama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin na nabubuo sa isang salita na may
gawain kahulugan o kaisipan.
 Ayon kina Paz, Hernandez at Peneyra, ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag ang minimithi.
 Ayon kay Henry Allan Gleason Jr., ang wika ay masistemang balangkasng mga tunog na pinili at isinaayos.
 Ayon sa Cambridge Dictionary, isang Sistema ng komunikasyon na nagtataglay ng tunog at gramatika.
 Ayon kay Charles Darwin, ang wika ay di tunay na likas bagkus itoy pinag-aaralan.

* Wikang Pambansa

III. Pagsusuri Gumawa ng timeline ukol sa kasaysayan ng wikang pambansa.

IV. Takdang aralin Wala


FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY
Daily Lesson Log
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Guro: Joy C. Pagarigan Markahan: Ika-una

A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
D. Kasanayang a. F11PS – Ib – 86: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan
Pampagkatuto/ Layunin:

II. Paksa Monolingguwismo, Bilinggwalismo at Multilinggwalismo

III. Pag-aaral ng gawain  Wikang Panturo – ang opisyal na wika na ginagamit sa paaralan.
 Wikang Opisyal – ang wikang tinakda ng pamahalaan sa pakikipagtalastasan.
 Monolingguwalismo – ang pagpapatupad ng isang wika sa isang bansa.
 Bilingguwalismo – paggamit ng dalawang wika
 Leonard Bloomfield – ang pagsasalita ng dalawang wika na tila ito ay kaniyang katutubong wika.
 Uriel Weinrich – ang tawag sa taong nagsasalita ng dalawang salita ay tinatawag na bilinguwal.
 Multilingguwalismo – ang paggamit sahigit pa sa dalawang wika.
IV. Pagsusuri 1. Ang pagpapatupad ng isang wika sa isang bansa.
2. Ang tawag sa taong nagsasalita ng dalawang salita ay tinatawag na bilinguwal.
3. Ito ang paggamit ng dalawang wika
4. Ang paggamit sahigit pa sa dalawang wika.
5. Ang opisyal na wika na ginagamit sa paaralan.
6. Ang wikang tinakda ng pamahalaan sa pakikipagtalastasan.
7. Ang pagsasalita ng dalawang wika na tila ito ay kaniyang katutubong wika.
8. -10. Mga bansang monolingguwal
V. Takdang aralin Wala
FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY
Daily Lesson Log
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Guro: Joy C. Pagarigan Markahan: Ika-una

A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
I. Layunin a. F11PS – Ib – 86: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan

II. Paksa Unang wika, Ikalawang wika at Ikatlong wika


Barayti ng Wika
III. Pag- aaral ng  L1 o Unang wika – kinagisnang wika o katutubong wika.
Gawain  L2 o Ikalawang wika – nadedebelop ang kaalaman ng tao at naunlad ang kanyang nalalaman.
 L3 o Ikatlong wika – patuloy ang pagunlad at mas nadadagdagan pa ang kanyang kaalaman.

Barayti ng Wika
1. Idyolek – sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa.
2. Dayalek – nabubuo sa dimensyong heograpiko.
3. Sosyolek – may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang
salita.
4. Etnolek – wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.
5. Ekolek – wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan.
6. Pidgin – Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika.
7. Creole – wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang
sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
8. Register – wika na espisyalisadong ginagamit.
IV. Pagsusuri 1. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan (pidgin)
2. Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. (ekolek)
3. personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. (idyolek)
4. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. (sosyolek)
5. Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. (dayalek)
6. Ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit. (register)
7. Barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita
8. Ano ang pinagkaiba ng wika sa dayalek? (2)
9. Ano ang wika?
V. Takdang Aralin Wala
FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY
Daily Lesson Log
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Guro: Joy C. Pagarigan Markahan: Ika-una

A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
C. Kasanayang a. F11PT – Ic – 86: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M. A. K.
Pampagkatuto/ Layunin: Halliday)

I. Paksa Gamit ng Wika sa Lipunan

II. Pag-aaral ng gawain Tungkulin ng Wika


(M.A.K Halliday)
1. Instrumental – tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan
2. Regulatoryo – pagkontrol sa ugali o asal ng tao.
3. Inter-aksyonal – paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
4. Personal – pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan
5. Heuristiko – ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aarlan
6. Impormatibo – pagbibigay ng inmpormasyon sa paraang pasulat at pasalita.

Paraan ng Paggamit ng Wika


(Jakobson)
1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive) – pagpapahayag ng saloobin, damdamin at emosyon
2. Panghihikayat (conative) – gamit upang makahimok o makaimpluwensiya sa iba.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic) – gamit upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit ng sanggunian (referential) – wikang nagmula sa aklat na pinanggagalingan ng kaalaman.
5. Paggamit ng kuro-kuro (metalingual) – lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay komento sa kodigo o
batas
6. Patalinghaga (poetic) – wika sa masining na paraang pagpapahayag
III. Pagsusuri 1. Pagpapahayag ng saloobin, damdamin at emosyon
2. Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay komento sa kodigo o batas
3. Wikang nagmula sa aklat na pinanggagalingan ng kaalaman.
4. Gamit upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
5. Wika sa masining na paraang pagpapahayag
6. Pagbibigay ng inmpormasyon sa paraang pasulat at pasalita.
7. Pagkontrol sa ugali o asal ng tao.
8. Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aarlan
9. Paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
10. Pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan
IV. Takdang aralin Wala

Note: Hulyo 16, 19, 20, 2019 Mahabang Pagsusulit; Hulyo 23, 26, 27, 2019 Suspendido ang klase
FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY
Daily Lesson Log
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Guro: Joy C. Pagarigan Markahan: Ika-una

A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
C. Kasanayang
Pampagkatuto/ Layunin:

I. Paksa Ebolusyon ng Teoryang Pinagmulan ng Wika

II. Pag-aaral ng gawain Teorya ng Pinagmulan ng Wika


 Teoryang Biblikal
Tore ng Babel

 Teoryang Siyentipiko
1. Teoryang Ding Dong – nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan.
2. Teoryang Bow-Bow – nagmula raw ang wika sa panggagaya ng sinaunang tao sa mga tunog na nalilikha ng mga
hayop.
3. Teoryang Pooh-Pooh – nagmula raw ang wika sa mga salitang namumutawi sa bibig ng sinaunang tao nang
nakaramdam sila ng masidhing damdamin.
4. Teoryang Ta-Ta – ang salita raw ay nagmula sa mga galaw at kumpas.
5. Teoryang Yo-he-ho – ang wika ay nagmula sa pagsasama-sama, lalo na kaapag nagtatrabaho ng magkakasama.
III. Pagsusuri 1. Narinig ko ang “ngiyaw” ng pusa sa aming bubungan kagabi.
2. Nakakapagbigay kalma sa pakiradam kada maririnig ko ang malambing na simoy ng hangin.
3. “Aray!” sigaw ko ng matamaan ako ng bola ng basketbol.
4. Napatawa na lamang ako ng makita ko kung pano gayahin ni Inday ang suntok ng mga boksingero kasabay ng
pagsambit nito ng “haaa” na animo’y damang dama ang pangyayari.
5. – 10. Ikwento ang teoryang biblical.
IV. Takdang aralin Wala

Note: Suspendido ang klase.


FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY
Daily Lesson Log
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Guro: Joy C. Pagarigan Markahan: Ika-una

J. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
Pangnilalaman
K. Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
L. Kasanayang F11PS – Ig – 88: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang
Pampagkatuto/ Layunin: Pambansa
F11PS – Ig – 86: Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng kasaysayan ng Wikang
Pambansa
1. Paksa Kasaysayan ng Wikang Pambansa

V. Pag-aaral ng gawain Panahon ng Katutubong Pilipino


 Teoryang Pandarayuhan (wave migration theory) ni Dr. Henry Otley Beyer, naniniwal siya na ang lahing Pilipino ay
nagsimula sa grupo ng Negrito, Indones at Malay. Nakonttra ito ni Dr.Robert Fox dahil natangpuan nya ang bungo
sa kweba ng Palawan na pinaniniwalaang taong tabon noong 1962.
 Bago pa man ang lahat, mayroon ng sistema ng pagsusulat ang mga katutubong Pilipino na tinatawag na
“baybayin”. Gamit nila ang mga sinaunang titik na tinatawag na “alibata” na binubuo ng 17 titik; 3 patinig at 14 na
katinig.

Panahon ng Kastila
 Si Ferdinand Magellan ang unang kastila na nakapunta sa Pilipinas noong March 16, 1521. Naglakbay siya upang
makahanap ng iba’t – ibang pampalasa sa bansang India ngunit naharang lamang kaya’t nagpalit ng ruta at
napuntang Pilipinas. Kasama niya ang 300 katao na nakasakay sa 5 barko (Victoria, Concepcion, Santiago, San
Antonio at Trinidad). Bukod dito nais din niyang ikapalaganap ang kristiyanismo. Ayaw makianib ni Lapu – Lapu dito
kung kaya’t nagkaroon sila ng paglalaban kung saan namatay si Magellan.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino


 Dito na umusbong ang iba’t – ibang grupo na naglalayong makalaya sa pananakop ng mga Kastila. Nakilala si
Andres Bonifacio sa pagtatatag ng KKK (Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan).
Si Jose Rizal naman ay nagsulat ng dalawang nobela na nagpapakita sa katayuan ng mga Pilipino upang mamulat
ang mga ito sa totoong kaganapan sa ating bansa.
VI. Pagsusuri Sanaysay: Pumili ng isang panahon at ibigay ang iyong palagay sa pangyayari ito.

VII. Takdang aralin Wala

Note: 20, 23, 24, 2019 Pagsusulit sa Unang Markahan

You might also like