You are on page 1of 18

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG GUMACA

(Unang Markahan)
Gng. Jeny Ann O. Hernandez
Guro sa Asignatura
WIKANG PANTURO
Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas,
iniatas din ng Konstitusyon ng 1987 ang paggamit sa
Filipino bilang wikang panturo. Sa ikalawang bahagi ng
Artikulo XIV, Seksiyon 6, nakasaad na, “Alinsunod sa
tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon.”
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT LULTURANG PILIPINO
WIKANG PANTURO

Maraming sikolohista sa wika ang naniniwala


na ang katulong ng utak sa pagproproseso ng
kaalaman ay ang wikang nauunawaan ng tao.
Mahalaga kung gayun na gamitin ang Filipino sa
pagtuturo hindi lamang para sa mas epektibong
pagtuturo kundi pati na rin sa mas makabuluhang
pagkatuto ng mga estudyante.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT LULTURANG PILIPINO


)

WIKANG OPISYAL

Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika


na binibigyan ng natatanging pagkilala sa
konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga
opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. May
dalawang opisyal na wika ang Pilipinas-ang Filipino
at Ingles.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT LULTURANG PILIPINO


WIKANG OPISYAL

Ayon sa artikulo IV, Seksyon 7, ang mga


wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hanggat walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT LULTURANG PILIPINO


WIKANG OPISYAL
Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at
magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles.
Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika
sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng
pamahalaan. Ito rin ang wikang gagamitin sa mga
talakay at diskurso sa loob ng bansa, halimbawa,
sa mga talumpati ng pangulo, mga deliberasyon sa
kongreso at senado, pagtuturo sa mga paaralan,
mga paglilitis sa korte, at iba pa.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT LULTURANG PILIPINO
)

WIKANG OPISYAL
Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa mga talumpati
ng pangulo at sa mga talakay at diskurso upang maunawaan
ng mga mamamayan ang mahalagang usapin ng bansa.
Bukod sa pagiging pambansang wika at isa sa mga opisyal
na wika ng Pilipinas, gumaganap din ang Pilipino bilang
lingua franca o tulay ng komunikasyon sa bansa. Kapag may
dalawang taong mag-uusap na may magkaiba o
magkahiwalay na kultura at sosyolingguwistikong grupo,
halimbawa, ang isa ay kapampangan at ang isa naman ay
bikolano, gagamitin nila ang Filipino para magkaunawaan.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT LULTURANG PILIPINO
WIKANG OPISYAL
Samantala, gagamitin naman ang Ingles bilang
isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-
usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa
daigdig. English ang itinuturing na lingua franca ng
daigdig. Ito ang ginagamit ng mga tao mula sa iba’t
ibang bansa para sa pag-uusap at pag-uunawaan.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT LULTURANG PILIPINO


Antas ng Wika

Ang antas ng wikang madalas na


ginagamit ng isang tao ay isang mabisang
palatandaan kung anong uri ng tao siya at
kung sa aling antas-panlipunan siya kabilang.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Aralin 2: Konseptong Pangwika (Homogenous
at Heterogenous na Wika)
Pormal
Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na
ng mga nakapag-aral ng wika.

A. Pambansa
• Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga
aklat pangwika sa lahat ng mga paaralan.
• Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga
aklat pangwika sa lahat ng mga paaralan.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Aralin 2: Konseptong Pangwika (Homogenous
at Heterogenous na Wika)

B. Pampanitikan
Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga
manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.
Ito ang mga salitang karaniwang matatayog,
malalalim, makulay, talinghaga at masining.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Aralin 2: Konseptong Pangwika (Homogenous
at Heterogenous na Wika)

Pambansa Pampanitikan
Ina Ilaw ng tahanan
Baliw Nasisisraan ng bait
Magnanakaw Malikot ang kamay

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Aralin 2: Konseptong Pangwika (Homogenous
at Heterogenous na Wika)
Impormal
Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na
madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa
mga kakilala at kaibigan.

A. Lalawiganin
• Ito ang mga bokabularyong pandayalekto
• Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang,
maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa
ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas.
• Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang
tinatawag ng marami na punto.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Aralin 2: Konseptong Pangwika (Homogenous
at Heterogenous na Wika)

PAMBANSA LALAWIGANIN
Upo Tahayag
Kalamansi Kalamunding
Talukbong Pandong
Aba nga naman Ala eh naman
Gabi Gabi-I
Bote boti

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Aralin 2: Konseptong Pangwika (Homogenous
at Heterogenous na Wika)

Kolokyal
• Ito’y mga pang-araw-araw na mga salita ngunit
may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may
anyong repinado at malinis ayon sa kung sino
ang nagsasalita.
• Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita
ay mauuri rin sa antas na ito.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Aralin 2: Konseptong Pangwika (Homogenous
at Heterogenous na Wika)

PAMBANSA KOLOKYAL
Saan naroon Sanaron
Nasaan Nasan
Naroon Naron
Kani-kaniya Kanya-kanya
Aywan Ewan
Tayo na Tana
Tala na tan

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Aralin 2: Konseptong Pangwika (Homogenous
at Heterogenous na Wika)
Balbal
• Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga
salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at
may pinag-aralan dahil masagwa raw pakinggan.
• Sa mga grupu-grupo nagsisimula ang pagkalat nito. Sila ang
umimbento, sa gayon, para nga namang code, hindi
maiintindihan ng iba ang kanilang pinag-uusapan. Pabagu-bago
ang mga salitang balbal.
• Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal,
agad nawawala. Ito ay tinatawag ding salitang kanto, salitang
lansangan, salita ng mga estudyante, teen-age lingo at sa grupo
ng mga bakla ay swardspeak.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Aralin 2: Konseptong Pangwika (Homogenous
at Heterogenous na Wika)
PAMBANSA BALBAL
Matanda Gurang
Kapatid Utol
Inom Toma/tagay
Security guard Sikyo
Original Orig
Amerikano Kana
Bata Atab
Pulis Lispu
kotse tsikot

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

You might also like