You are on page 1of 5

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo

at Multilingguwalismo

SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titk o letra ng
mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.
1. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?
a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa matanda
d. Wala sa nabanggit
2. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog higit na maiging gamitin ang Filipino sa usaping ito, siya
ba ay isang Monolingguwal?
a. Oo c. Hindi
b. Pareho lang d. Tama
3. Ano ang Bilingguwalismo?
a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika
4. Ano ang Bilingguwal?
a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto
5. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng dalawang wika
o dayalekto nang may _________?
a. Kaalaman b. kahusayan c. Kasipagan d. kababawan
6. Ano ang Multilingguwalismo?
a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika
7. Sinong bayani Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't ibang lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo c. Apolinario Mabini
b. Andres Bonifacio d. Dr. Jose Rizal
8. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're wearing!" ?
a."O kay gara ng iyong kasuotan!"
b "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c."O kay galing ng iyong kasuotan!"
d."O kay grande ng iyong kasuotan!
9. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?
a. Bisaya at Espanyol
b. Tagalog at Bisaya
c. Filipino at Espanyol
d. Ingles at Filipino
10. Ano ang tagalog sa Filipino ang "oyster"?
a. taluba b. kangkong c. talaba d. taho
TUKLASIN
SURIIN

Panuto: Ano-anong wika ba ang sinasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag ang reaksyon o
sasabihin mo sa larawang nakita. Isulat ang iyong ideya hinggil sa konsepto sa ibaba:

1. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sumusunod:


• Unang wika ________________________
• Ikalawang wika ____________________
• Ikatlong wika ______________________

2. Maituturing mo bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ka?


_____________________________________________________________

3. Ipaliwanag ang iyong sagot sa bilang 2 sa pamamagitan ng pagpuno ng mga linya sa ibaba: Masasabi
kong ako ay __________________________________________________________________________
dahil_________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

SURIIN

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang unique o


natatangi lamang sa tao. Ayon kay Chomsky (1965), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa
kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop. Ang unang wika ang tawag sa
wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Habang lumalaki ang bata ay
nagkakaroon ng eksposyur sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaring magmula sa telebisyon o sa
iba pang taong nakapaligid sa kanya. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika. Sa pagdaan ng
panahon, lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang taong nakasasalamuha niya, gayundin
ang mga lugar na kanyang nararating. Dito’y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na
kalaunay natutuhan niya at nagagamit sa pakikipagtalastasan sa mga taong nasa kanyang paligid. Ang
wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika. - Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.26-27 G

Monolingguwalismo Monolingguwalismo- ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa


isang bansa tulad ng mga bansang England, Pransya, South Korea at Hapon. Iisang wika ang ginagamit na
wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May iisang wika ding umiiral bilang wika ng
edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na
buhay.

Bilingguwalismo -Maituturing mo ba ang sarili mo na bilingguwal? Bakit? Anong pagkakahulugan ang


maibibigay mo para sa salitang bilingguwalismo? Binibigyan ng pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield
(1935) – isang Amerikanong lingguwista. Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa
dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong wika. Pahayag naman ni John
Macnamara (1967) – isa pa ring lingguwista “Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa
isa sa apat na markong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at
pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika”. Tulad kay Uriel Weinreich (1953) – isang
lingguwistang Polish-American, sinasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay
matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973


ang probisyon para sa bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at
wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalan man o sa kalakalan.
Multilingguwalismo Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at
wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monilingguwal. Karamihan sa ating mga Pilipino ay
nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo o wikang
kinagisnan. Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE). Ipinatupad ng Deped ang K to 12
Curriculum ang paggamit ng unang wika bilang panturo partikular sa kindergarten at Grades 1,2, at 3.
Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral. Base sa
pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang
panturo sa mga unang taon sa pag-aaral. Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng
pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang
wika. Walong (8) Wikang Panturo sa unang taon ng MTE_MLE - Tagalog, Kapampangan, Pangasinense,
Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, at Waray. Wikang Panturo MTE-MLE -Tausug, Maguindanaoan,
Meranao at Waray. Wikang Panturo MTE-MLE pagkalipas ng isang taon may labing siyam na ang wikang
ginagamit ng MTB-MLE -Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon ,Kinaray-a ,Yakan ,Surigaonon. Samantalang
Filipino at Ingles ang gagamiting wikang panturo sa mas mataas na antas ng elementarya, gayundin sa
sekundarya at sa kolehiyo. Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino III “We should become tri-lingual as a
country. Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country.
Retain your dialect and connect to your heritage.” - - Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.29-33

HULING PAGTATAYA TAYAHIN 13

Ano ang Bilingguwalismo?


a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika
4. Ano ang Bilingguwal?
a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto
5. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng dalawang wika
o dayalekto nang may _________?
a. kaalaman b. katatasan c. kahusayan d. kababawan
6. Ano ang Multilingguwalismo?
a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika
7. Sinong bayani nating mga Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't ibang lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo b. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio d. Dr. Jose Rizal
8. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!" b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!" c. "O kay galing ng iyong
kasuotan!" d. "O kay grande ng iyong kasuotan!
9. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?
a. Bisaya at Espanyol b. Tagalog at Bisaya c. Filipino at Espanyol d. Ingles at Filipino
10. Ano ang tagalog ng "oyster"? a. taluba b. kangkong c.talaba d. taho

You might also like