You are on page 1of 3

HOLY ROSARY ACADEMY OF LAS PIÑAS CITY

TAONG PANURUAN 2021-2022


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
SENIOR HIGH SCHOOL
Baitang 11
UNANG MARKAHAN

I. Aralin 2: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo


Unang Wika, Ikalawang Wika, Ikatlong Wika
II. Nilalaman:
• “Kung ang isang indibiduwal ay bihasa sa paggamit ng iba’t ibang wika maaari siyang ituring na
isang poliglot”. Clyne (2014)
• Ayon kay Chomsky (1965), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at
wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop.
• Unang Wika, Ikalawang Wika, Ikatlong Wika
❖ UNANG WIKA
tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
❖ PANGALAWANG WIKA
Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon ng eksposyur sa iba pang wika sa kanyang paligid na
maaring magmula sa telebisyon o sa iba pang taong nakapaligid sa kanya.
❖ IKATLONG WIKA
dumarami pa ang taong nakasasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na kanyang nararating.
Dito’y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalaunay natutuhan niya at
nagagamit sa pakikipagtalastasan sa mga taong nasa kanyang paligid.

PAGSASANAY 2:

• Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo


❖ Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa isang bansa
tulad ng mga bansang England, Pransya, South Korea at Hapon.
❖ Bilingguwalismo- Ito ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang
dalawang ito ang kanyang katutubong wika. Leonard Bloomfield (1935)
“Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na markong kasanayang
pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban
sa kanyang unang wika”. John Macnamara (1967)
Isang lingguwistang Polish-American, sinasabing ang paggamit ng dalawang wika nang
magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay
bilingguwal. Uriel Weinreich (1953)
Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon para sa
bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral
sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalan man o sa kalakalan.
“We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the world. Learn
Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and connect to your heritage.”
Pangulong Benigno Aquino III
Ipinatupad ng Deped ang K to 12 Curriculum ang paggamit ng unang wika bilang panturo partikular
sa kindergarten at Grades 1,2, at 3.
• Walong (8) Wikang Panturo sa unang taon ng MTB-MLE - Tagalog, Kapampangan, Pangasinense,
Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, at Waray. Wikang Panturo MTB-MLE -Tausug,
Maguindanaoan, Maranao at Waray. Wikang Panturo MTB-MLE pagkalipas ng isang taon may
labing siyam na ang wikang ginagamit ng MTB-MLE -Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon ,Kinaray-a
,Yakan ,Surigaonon.
• Samantalang Filipino at Ingles ang gagamiting wikang panturo sa mas mataas na antas ng
elementarya, gayundin sa sekundarya at sa kolehiyo.

PAGSASANAY 3:

Ipaliwanag ang sumusunod na katanungan. Siguruhing ang mga sagot sa bawat bilang ay hindi bababa
sa 5 pangungusap. Ilagay ang mga sagot sa iyong kwaderno. Sagot na lamang ang isusulat.

1. Sa tingin mo, bakit napakadaming wika ang umusbong sa ating bansa?


2. Kung papipiliin ka, ano ang nais mo para sa ating bansa? Monolingguwalismo? Bilingguwalismo? O
Multilingguwalismo? Bakit? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
3. Paano mo masasabing bihasa ka sa paggamit ng wika na hindi lang isa ang kaya mong gamitin kundi
higit pa? Palawakin ang sagot.

Ebalwasyon 2:

Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang titik o letra ng mapipili
mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?


a. Pareho lang sila.
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa matanda
d. Wala sa nabanggit

2. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog, siya ba ay isang Monolingguwal?


a. Oo
b. Hindi
c. Pareho lang
d. Tama

3. Ano ang Bilingguwalismo?


a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika.
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika.
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika.
d. Ito ay ang tawag sa wika.
4. Ano ang Bilingguwal?
a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto

5. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng dalawang wika o
dayalekto nang may _________?
a. kaalaman b. katatasan c. kahusayan d. kababawan

III. Sanggunian:

• Dayag, Alma M. (2017), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Quezon
City. Phoenix Publishing House, Inc. ph. 25-35

You might also like