You are on page 1of 3

SELF LEARNING ACTIVITY NO.

2
MGA KONSEPTONG PANGWIKA: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo

PANGALAN: ________________________________________________GRADO at SEKSYON: __________________


MELC:
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan F11PS – Ib – 86.
Sanggunian: Komunikasyon Modyul 2
Panimula
Ang pagiging dalubhasa sa maraming wika ng isang tao ay may malaking tulong upang mas lalong
magkakaintindihan. Ang kakayahan ng isang taong makapagsalita ng maraming wika ay malaking ambag upang
maisulong ang higit na pagkakaunawaan. Nakatutulong ang isang taong multilingual sa pamamagitan ng mga
sumusunod: Una, kapag hindi naiintindihan ng ibang taong kakilala niya ang lingguwahe ng kanyang kausap ay
maaari niyang ipaliwanag ang sinasabi ng kausap nito. Ikalawa, nagagamit ito sa pag-aaral (English, Filipino) at
nagiging daan upang mapaunlad ang kanyang sarili at maaaring maging daan upang makatulong siya sa pag-unlad ng
bansa. Ikatlo, nagkakaroon ng higit na malawak na oportunidad ang isang multilingguwal sa maraming larangan
kabilang na ang pagtatrabaho.Ikaapat, maaaring marating o makilala ng isang multilingguwal ang kultura at
kinagisnang lugar/ bansa ng natututunang pangalawa o pangatlong wika.

 Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang unique o natatangi
lamang sa tao. Ayon kay Chomsky (1965), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at
wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop.
 Ang unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Habang lumalaki
ang bata ay nagkakaroon ng eksposyur sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaring magmula sa telebisyon o sa
iba pang taong nakapaligid sa kanya.
 Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika. Sa pagdaan ng panahon, lalong lumalawak ang mundo ng bata.
Dumarami pa ang taong nakasasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na kanyang nararating.
 Dito’y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalaunay natutuhan niya at nagagamit sa
pakikipagtalastasan sa mga taong nasa kanyang paligid. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika.
- Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016

MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO


Monolingguwalismo
 ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa isang bansa tulad ng mga bansang England,
Pransya, South Korea at Hapon.
 Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May iisang wika ding umiiral
bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-
araw na buhay.
Bilingguwalismo
 Ito ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong
wika. (Leonard Bloomfield, 1935).
 Ito ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na markong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika” (John Macnamara,
1967)
 Sinasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong
gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal (Uriel Weinreich, 1953).
 Bilingguwalismo sa Wikang Panturo
 Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon para sa bilingguwal o
pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal
na transaksiyon sa pamahalan man o sa kalakalan.
Multilingguwalismo
 Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya naman
bibihirang Pilipino ang monilingguwal. Karamihan sa ating mga Pilipino ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng
Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo o wikang kinagisnan o Mother Tongue Based-Multilingual
Education (MTB-MLE).
SLA 2 PAGE 2

 Ipinatupad ng Deped ang K to 12 Curriculum ang paggamit ng unang wika bilang panturo partikular sa
kindergarten at Grades 1,2, at 3. Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang wika ang gagamitin sa
kanilang pag-aaral. Base sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng unang wika
bilang wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral.
 Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang
matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika. Walong (8) Wikang Panturo sa unang taon ng
MTE_MLE
 Samantalang Filipino at Ingles ang gagamiting wikang panturo sa mas mataas na antas ng elementarya,
gayundin sa sekundarya at sa kolehiyo. Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino III “We should become tri-lingual
as a country. Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain
your dialect and connect to your heritage.”
- - Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.29-33

Pagsasanay
Gawain 1
Ano-anong wika ba ang sinasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag ang reaksyon o sasabihin mo sa larawang
nakita. Isulat ang iyong ideya hinggil sa konsepto sa ibaba:
1. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sumusunod:
•Unang wika
_______________________________________________________________________________________________
• Ikalawang wika
_______________________________________________________________________________________________
• Ikatlong wika
_______________________________________________________________________________________________
2. Maituturing mo bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ka? Bakit?
_______________________________________________________________________________________________
3. Ipaliwanag ang iyong sagot sa bilang 2 sa pamamagitan ng pagpuno ng mga linya sa ibaba:
Masasabi kong ako ay ________________________________________________________________________dahil
_______________________________________________________________________________________________

Gawain 2
A. Sa pamamagitan ng linguistic profile sagutin ang hinihingi ng salitang nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.
Linguistic Profile
Pangalawang WIkang sinasalita
_____________________________________

Unang wikang sinasalita Ibang wikang sinasalita


_____________________________________ AKO _____________________________________
_

B. Sa paanong paraan nakatutulong sa iyo ang pagkatuto mo sa iba pang wika maliban sa iyong unang wika?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Gawain 3
Punan ang patlang ng mga salita o parirala na bubuo sa mga sumusunod na pangungusap. (F11PS – Ib – 86)
1. Ang opisyal na wikang ginagamit sa Pilipinas ay
__________________________________________________________________________________________.
2. Mahalaga ang Ingles sa OFW dahil
__________________________________________________________________________________________.
3. Mahalaga na marami kang wikang alam dahil
__________________________________________________________________________________________.
4. Ang Filipino, Ingles at ang mga lokal na dayalekto ay
__________________________________________________________________________________________.
SLA 2 PAGE 3
5. Ang mga natutuhan ko sa aralin na ito ay ang mga sumusunod:
5.1. ________________________________________________________________________________________
5.2 ________________________________________________________________________________________
5.3 ________________________________________________________________________________________
5.4 ________________________________________________________________________________________
5.5_________________________________________________________________________________________
Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang titik sa nakalaang espasyo.
____1. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?
a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa matanda
d. Wala sa nabanggit
____2. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog, siya ba ay isang Monolingguwal?
a. Oo b. Hindi c. Pareho lang d. Tama
____3. Ano ang Bilingguwalismo?
a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika
____4. Ano ang Bilingguwal?
a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto
_____5. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng dalawang wika o dayalekto nang
may ____________________?
a. kaalaman b. katatasan c. kahusayan d. kababawan
_____6. Ano ang Multilingguwalismo?
a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika
_____7. Sinong bayani nating mga Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't ibang lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo b. Apolinario Mabini c. Andres Bonifacio d. Dr. Jose Rizal
_____8. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!" c. "O kay galing ng iyong kasuotan!"
b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!" d. "O kay grande ng iyong kasuotan!
_____9. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?
a. Bisaya at Espanyol b. Tagalog at Bisaya c. Filipino at Espanyol d. Ingles at Filipino
_____10. Ano ang tagalog ng "oyster"?
a. taluba b. kangkong c.talaba d. taho
Repleksyon (Sagutin sa dalawa hanggang apat na pangungusap LAMANG ang bawat tanong sa ibaba.)
1. Ipaliwanag ang pahayag na “Maituturing lamang na bilinggwal ang isang tao kapag hindi malalaman kung alin sa
dalawang wika ang kanyang unang wika”.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang maging dalubhasa sa maraming wika ang isang tao?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
3. Anong mga benipisyong makukuha kapag ikaw ay isang multilinggwal na tao?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
4. Ang pagiging monolinggwalismo ba ay maituturing na homogeneous na wika? Bakit hindi? Bakit maari?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

You might also like