You are on page 1of 2

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

TAMA O MALI
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Kung ito ay tama, isulat ang salitang TAMA sa linya.
Kung mali naman, isulat sa linya ang salitang MALI. (15 puntos)
_________1. Ang wikang opisyal ng ating bansa ay Filipino lang ayon sa itinatadhana ng Saligang
Batas ng 1987.
_________2. Sa K to 12 Kurikulum, ang unang wika o kinagisnang wika ng mga mag-aaral sa
kinder hanggang ikatlong baitang ang gagamiting wikang sa mga paaralan.
_________3. Hindi na gagamitin at ituturo sa mga mag-aaral sa kinder hanggang ikatlong baitang
ang mga wikang Filipino at Ingles.
_________4. Ang wikang at diyalektong kabilang sa MTB-MLE ay gagamitin sa dalwang paraan:
bilang hiwalay na asignatura at bilang wikang panturo.
_________5. Register ang barayti ng wika kung saan naiiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginagamit niya sa sitwasyon at kausap.
_________6. Emotive ang gamit ng wika kung ito ay nanghihimok o naglalayong maka
impluwensya sa iba pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
_________7. Ayon kay Henry Gleason ang wika raw ay hindi likas sapagkat bawat wika raw ay
kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
_________8. Multilingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad
ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya at Hapon.
_________9. Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang bawat wika ay
binubuo nang mahigit sa isang barayti.
_________10. Ayon kay Dr. Henry Otley Beyer mayroong tatlong pangkat ng taong dumating sa
Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino.
__________11. Ang bansang Pilipinas ay gumagamit ng bilingual na wika sa pagtuturo sa mga
paaralan.
__________12. Batay sa Teoryang Ding Dong ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga
sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop.
__________13. Ang Baybayin o Alibata ang tawag sa sinaunang pamamaraan ng pagsusulat ng
mga katutubo.
__________14. Ang wika ay nagmula salitang latin na “Lingua” ay nangangahulugang “dila” at
“wika”.
__________15. Nagsimulang ituro ang wikang pambansa batay sa Tagalog sa mga paaralang
pampubliko at pribado sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.134.

I. Kilalanin ang tinutukoy na konseptong pangwika sa bawat pahayag batay sa nakalahad na


kahulugan.
__________1. Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang pidgin ay
naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad.
__________2. Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

__________3. Barayti ng wikang nangyayri kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap
subalit pareho silang may magkaibang unang wika at di nakakaalam sa wika ng isa’t-isa.
__________4. Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
__________5. Ito ang barayti ng wika kung saan sinasabing ang bawat tao ay may sariling
pamamaraan ng pagsasalita, tono, punto o aksent.
__________6. Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa
isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
__________7. Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa katayuan o antas
panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
_________8. Ito ang barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-
etniko.
_________9. Ito ang barayti ng wika kung saan maaring gumagamit ang mga tao ng isang
partikular na wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang
termino para sa iisang kahulugan.
_________10. Ang natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay makapagpapakilala ng
kanilang trabaho o propesyon.

II. Enumerasyon
1-6 Mga tungkulin ng wika ayon kay M.A.K Halliday
7-11 Mga tungkulin ng wika ayon kay Jakobson
12-16 Mga Teorya ng wika batay sa ebolusyon at paniniwala ng mga antropologo
17-20 Mga antas ng wika
21-25 Mga kapangyarihan ng wika

You might also like