Professional Documents
Culture Documents
Wika (1st Sem)
Wika (1st Sem)
PANIMULA
WIKANG PANTURO
Ang wikang panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa
pagtuturo, pag-aaral sa mga eskuwelahan, sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
● Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7 - “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo
roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic."
● Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum:
Kindergarten hanggang Grade 3 - Mother Tongue o unang wika ang magiging opisyal na wikang panturo,
pampubliko at pribado man. Tinawag itong Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).
Labinsiyam na wika at diyalekto para magamit sa MTBMLE: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol,
Cebuano,Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Mëranao, Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon,
Kinaray-a, Yakan, Surigaonon. Gagamitin lamang ito sa dalawang paraan: (1) Bilang hiwalay na asignatura
(2) bilang wikang panturo.
Kindergarten at unang baitang - katatasan sa pasalitang pagpapahayag.
Ikalawa hanggang ikaanim na baitang - bibigyang-diin ang iba't iba pang komponent ng wika tulad ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
Sa mas matataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo o medium of
instruction.
UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA AT IBA PA
Unang Wika o L1 – tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika at kinatawan din ng L1.
Pangalawang Wika o L2 - tumutukoy sa anumang wika na natutunan ng tao matapos niyang
maunawng lubos ang kanyang wikang kinalakihan o ang kanyang sariling wika
Ikatlong Wika o L3 – Dito’y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalauna’y
natutuhan niya at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin ng
wikang ito. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3.
Gawain Bilang 1
Panuto: Magtala ng limang dahilan kung bakit makakatulong sa isang tao ang pagkakaroon niya ng una,
ikalawa o ikatlong wika.
Gabay na Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong natutuhan.
1. Sa paanong paraaan nakatutulong sa iyo ang pagkatuto mo ng iba pang wika maliban sa iyong unang
wika o L1?
2. Kung ikaw na ang magiging magulang, papayag ka bang ang anak mong magsisimula pa lang mag-aral
ay tuturuan gamit ang unang wikang kanyang kinagisnan sa inyong tahanan? Bakit oo o bakit hindi?
3. Sa iyong palagay, paano makaaapekto sa isang batang nagsisimula pa lang mag-aral ang paggamit sa
silid-aralan ng wikang nauunawaan at ginagamit din niya sa araw-araw niyang pamumuhay?
ARELLANO UNIVERSITY
Jose Abad Santos Campus
Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Petsa: ________________________________________________________ Kabuuan 15
Guro: Bb. Bernadeth Bermejo_____________________________________
PANIMULA
MONOLINNGUWALISMO, BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO
● Monolinnguwalismo - ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa
mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na
wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolingguwalismo
ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersiyo, wika ng negosyo, at Wika ng
pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.
● Bilingguwalismo – Marami ring dalubhasa sa wika ang nagbigay ng iba’t – ibang pagpapakahulugan sa
bilingguwalismo tulad nila:
Leonard Bloomfield (1935) - ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba
ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.
John Macnamara (1967) - ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong
kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa
kanyang unang wika.
Uriel Weinreich (1953) - ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at
ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.
Bilingguwalismo sa Wikang Panturo
o Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 – “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga't hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas."
o Resolusyon Bilang 73–7 - “Ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang asignatura
sa kurikulum mula Grade 1 hanggang antas unibersidad sa lahat ng paaralan, publiko o pribado man.”
o Hunyo 19, 1974 - Paglabas ng guidelines o mga panuntunan sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa
sa bisa ng Department Order No. 25, s. 1974. Ang ilan sa mahahalagang probisyon sa nasabing kautusan ay ang
sumusunod: (1) Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa mga wikang Pilipino at
Ingles (2) Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa Pilipino ay Social Studies/Social Science, Work Education,
Character Education, Health Education, at Physical Education. Ingles naman ang magiging wikang panturo sa
Science at Mathematics.
Bilinggwalismo Multilinggwalismo
Gawain Blg. 2
Panuto: Gamit ang chart sa ibaba, magtala ng anim na dahilan kung bakit makakatulong sa isang tao ang
pagiging multilingguwal.
MULTILINGGWALISMO
Gabay na Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong natutuhan.
1. Anong katangian mayroon ang ating bansa na hindi magiging angkop para sa sistemang
monolingguwal?
2. Kung ikaw na ang magiging magulang, papayag ka bang ang anak mong magsisimula pa lang mag-aral
ay tuturuan gamit ang unang wikang kanyang kinagisnan sa inyong tahanan? Bakit oo o bakit hindi?
3. Bakit mahalagang matutuhan ng isang tao ang mga wika o wikaing ginagamit sa kanyang paligid?
ARELLANO UNIVERSITY
Jose Abad Santos Campus
Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Petsa: ________________________________________________________
Guro: Bb. Bernadeth Bermejo_______________________________________
cKaya naman, ang iba't ibang salik na ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng iba't ibang barayti ng
wika.
MGA BARAYTI NG WIKA
Isa – isa nating kilalanin ang bawat barayti ng wika:
Dayalek – Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.
Halimbawa: Tagalog sa Rizal Tagalog sa Teresa, Morong, Cardona at Baras
Palitaw - Diladila
Mongo - Balatong
Idyolek (Identity Dialect) – Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng
taong nagsasalita. Barayti ng wika na nagiging identity o pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
Halimbawa: Noli De Castro – “Magandang Gabi, Bayan!”
Mike Enriquez - “Hindi naming kayo tatantan!”
Sosyolek (Social/Group Dialect) – Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan
o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Halimbawa: Gay Lingo – “Indiana Jones” (nang – indyan)
Jejemon – “MuZtah?” (Kumusta?)
Etnolek (Ethnic Dialect) – Ito ang barayti ng wika mula sa etnolinggwistikong grupo. Ang salitang
etnolek ay nagmuka sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na
ng pagkakakilanan ng isang pangkat – etniko.
Halimbawa: Ang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya.
Ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal.
Register – Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
Halimbawa: “Hindi ako makakasama, wala akong datung.” – kapag kaibigan ang kausap
“Hindi po ako makakasama dahil wala po akong pera.” – kapag guro na ang kausap
Ekolek - Barayti ng wika na nalilikha sa tahanan.
Halimbawa: Ama o Ina – ngayon ay momsy o mudra na ang tawag.
Ate o kuya – bro/sis/tol ang usong gamitin na mga salita ngayon.
Jargon - barayti ng wika na tinatawag din bilang natatanging bokabularyo ng isang partikular na
pangkat na gawain o propesyon.
Halimbawa: Banghay Aralin at Kurikulum
Pidgin- Tinatawag na makeshift language o nobody’s native language.
Halimbawa: Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
Creole- Kapag ang Pidgin ay naging unang wika na o naging nativized language.
Halimbawa: Buenas dias – Magandang umaga
LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD
Ang Linggwistikong Komunidad ay ang iba't-ibang uri ng mga wikang ginagamit sa komunidad sa
paglipas ng panahon. Nagkakaintindihan sila sa tuntunin nito, at naibabahagi ng bawat isa ang parehong
pagpapahalaga at damdamin sa sa paggamit nila ng wika sa pakikitungo sa isa't-isa.
Halimbawa ng Linggwistikong Komunidad
Grupong pormal - isang halimbawa nito ay isang Bible study group na nangangaral ng Salita ng Diyos.
Grupong impormal - isang karaniwang halimbawa nito ay barkada.
Sektor - kung saan ang mga manggagawa na malay sa kanilang karapatan at tungkulin sa bayan na
nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa.
Yunit - team ng basketbol; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan.
Gawain Bilang 1
Panuto: Gamit ang link sa ibaba, panoorin ang bidyo at magtatala ng sampung impormasyon na inyong
natutuhan mula rito.
https://www.youtube.com/watch?v=AlsD_RpFhqg&ab_channel=AralinTV
Gawain Bilang 2
Panuto: Bumuo ng isang bidyo na kinapapalooban ng isang sitwasyon na nagpapakita ng paggamit ng barayti
ng wika. Ang bidyong ito ay kinakailangang impormatibo at hindi dapat lalagpas ng limang minuto.
Pamantayan sa Paggawa
Nilalaman – 60%
Kaayusan ng Diwa - 30%
Paggamit ng Wastong Barayti ng Wika 10%
KABUUAN 100%
Gabay na Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong natutuhan.
PANIMULA
ANG WIKA AT ANG LIPUNAN
Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagkapwa dahil ito ang mahalagang
instrumentong nag – uugnay sa bawat isa sa lipunan.
● Ayon kay Durkheim (1985), isang sociologists, nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang
pook. Ang mga tao nasa isang lipunan ay may kanya – kanyang papel na ginagampanan.
● Tinukoy ng lingguwistang si W.P. Robinson ang mga tungkulin ng wika sa aklat niyang Language and
Social Behavior (1972). Ito ay ang sumusunod:
(1) pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao, panlipunang pagkakakilanlan, at ugnayan; at
(2) pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.
Sadyang napakalaki ng gampanin ng wika sa isang lipunan. Ito ang nagbibigkis sa mga kasapi sa
lipunan. Ito ang instrument ng kanilang pagkakaunawaan; at ito ang simbolo ng kanilang pagkakakilanlan.
Instrumental – Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag –
ugnayan sa mga iba.
Halimbawa: Paggawa ng Liham Pangangalakal at Pagpapakita ng mga Patalastas
Pang – imahinasyon – Ito ay pagbuo o paglikha ng imahe, malikhaung pagbuo ng iba’t – ibang genre ng
panitikan o literati.
Halimbawa: Paggawa ng nobela, maikling kwento at iba pa
Regulatoryo – Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontro sa ugali o asal ng ibang tao.
Halimbawa: Direksyon sa pagluluto, pagsagot sa pagsusulit at iba pa
Inter – Aksiyonal – Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag – ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa.
Halimbawa: Pakikipagbiruan, paggawa ng liham – pangkaibigan at marami pang iba.
Personal - Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro – kuro sa paksang pinag –
uusapan.
Halimbawa: Pagsulat ng Talaarawan at Journal
Heuristiko – Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may
kinalaman sa paksang pinag – aaralan.
Halimbawa: Pakikinig sa radio, pagbabasa sa pahayagan, magasin at blog
Impormatibo – Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng
impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at
pasalita.
Halimbawa: Pagbibigay – ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam at pagtuturo.
Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng paggamit ng wika.
Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) – Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin
at emosyon.
Panghihkayat (Conative) – Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag – uutos at pakiusap.
Pagsisimula sa Pakikipag – ugnayan (Phatic) – Ginagamit ang wika upang makipag – ugnayan sa
kapwa at makapagsimula ng usapan.
Paggamit bilang Sanggunian (Referential) – Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at
iban pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
Paggamit ng kuro – kuro (Metalingual) – Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
Patalinghaga (Poetic) – Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya
ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
Gawain Blg. 1
Panuto: Pumili at sumulat ng isa sa mga tungkulin ng gamit ng wika sa lipunan ayon kay Mak Halliday.
Tukuyin kung anong uri ito at ipaliwanag.
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalalaman - 50%
Wastong gamit ng gramatika - 30%
Pormat - 10%
Kalinisan – 10%
KABUUAN 100%
Gawain Blg. 2
Panuto: Gamit ang mga sitwasyong nasa ibaba, ilahad ang iyong gagawin aksyon o pahayag tungkol sa mga
ito, tukuyin ang gamit ng wika at ipaliwanag ang kahalagahan nito.
1. Ang iyong kaibigan ay tinatamad na pumasok sa kanyang online class, magbigay ng mungkahi kung saan
maaring maging aktibo muli ang iyong kaibigan sa klase sa mga susunod na araw.
Aksyon / Pahayag
Kahalagahan
2. Si Rey ay nais pumunta sa inyong tahanan, magbigay ka ng tamang direksyon sa iyong kaibigan para
marating niya sa mabilis na paraan ang inyong bahay.
Aksyon / Pahayag
Kahalagahan
3. Kayo ay may takdang aralin sa isang asignatura at kulang ka sa mga kagamitang teknolohiya, paano at
saan ka hahanap o kukuha ng mga impormasyong kailangan mo?
Aksyon / Pahayag
Kahalagahan
Gabay na Tanong
Panuto: Sasagutin ang mga sumusunod na katanungan base sa kanilang natutuhan.
Layunin:
- Nasusuri ang kasaysayan at pinagmulan/teorya ng wikang pambansa
- Napapahalagahan ang kagandahang dulot ng sinaunang alphabeto
- Nakabubuo ng sariling bookmark gamit ang Baybayin
PANIMULA
Ayon sa mga propesor sa Komunikasyon na sina Emmert at Donaghy (1981), ang wika, kung ito ay
pasalita, ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog; kung ito naman ay pasulat, ito ay
iniuugnay natin sa mga kahulugang nais iparating sa ibang tao. Ang mga lingguwistang nag – aral at nagsuri ng
wika, bagama’t ang mga ito ay hindi makapagpapatunay o makapagpapabulaan sa pinanggalingan ng wika. Ang
ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Genesis 11:1-9 – ipinakita ang pinagmulan ng pagkakaiba iba ng wika. Basahin ang sumusunod na mga berso
mula sa Bibliya.
Genesis 11:1-9
Ang Tore ng Babel
Sa simula'y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig. Sa
kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan, nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar at doon na nanirahan.
Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato
at alkitran ang kanilang semento. Ang sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng isang lunsod na may toreng abot
sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak sa daigdig.” Bumabâ si Yahweh upang
tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga tao. Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang
kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang
anumang kanilang magustuhan. Ang mabuti'y bumabâ tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila
magkaintindihan.” At ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-watak sa buong daigdig, kaya natigil
ang pagtatayo ng lunsod. Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika
ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.
EBOLUSYON
Sa huling bahagi ng ikalabindalawang sigla, ang mga iskolar ay nagsimulang mag – usisa kung paanong
ang tao ay nagkaroon ng wika. Nagsulputan ang mga sumusunod na mga teoryang nagtatangkang ipaliwanag
ang pinagmulan ng wika.
Teoryang Ding – Dong – Nagmula raw ang wika sa panggaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng
kalikasan.
Halimbawa: Boom – pagsabog, Splash – paghampas ng tubig sa isang bagay
Teoryang Bow – Wow – Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na
nilikha ng mga hayop.
Halimbawa: Kwak kwak – para sa Pato, Moo – para sa Baka
Teoryang Pooh – Pooh – Nagmula raw ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao
nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan at iba pa.
Halimbawa: Aray – sakit
Teoryang Ta – ta – Ang salita raw ay mula sa mga galaw at kumpas na humantong sa pagkilala ng wika.
Teoryang Yo –he – Yo – Ang wika ay nabuo mula sa pagsasama – sama, lalo na kapag nagtatrabaho nang
magkakasama. Ang mga tunog o himig na namumutawi sa mga bibig ng tao kapag sila ay nagtatrabaho
nang sama – sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.
● Teorya ng Pandarayuhan
Kilala rin ang teoryang ito sa taguring wave migration theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer,
isang Amerikanong antropologo noong 1916. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng taong
dumating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino.
Ito ang mg grupo ng Negrito, Indones at Malay.
Napabulaanan ang teorya ni Beyer nang matagpuan ng pangkat ng mga arkeologo ng Pambansang
Museo ng Pilipinas sa pangunguna ni Dr. Robert B. Fox ang harap ng isang bungo at isang buto ng
panga sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962.
Tinawag na Taong Tabon (Tabon Man) ang mga labing kanilang natagpuan dito. Tinatayang nanirahan
ang mga unang taong ito sa yungin ng Tabon may 50,000 taon na ang nakaraan.
Sa mga makabagong impormasyong nakalap noong 1962, lumalabas na unang nagkaroon ng tao sa
Pilipinas kaysa sa Malaysia at sa Indonesia. Pinataunayan din nina Felipine Landa Jocano sa kanyang
pag – aara ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for Advanced Studies noong 1975 at ng mga
mananaliksik ng National Museum na ang bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahing Pilipino
sa Pilipinas. Ayon din sa kanilang ginawang pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng
Taong Peking (Peking Man) na kabilang sa Homo Sapiens o modern man at ang Taong Java (Java Man)
na kabilang sa Home Erectus)
Ngunit makalipas ang ilang taon ay natagpuan naman ni Dr. Armand Mijares ang isang buto ng pang
sinasabing mas matanda pa sa Taong Tabon sa Kweba ng Callao, Cagayan. Tinawag itong Taong Callo
(Callao Man) at sinasabing nabuhay nang 67,000 taon na ang nakakalilipas.
Gawain Blg. 1
Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba magbigay ng sariling opinyon kung ano ang kinagandang dulot ng Baybayin
sa mga Pilipino noon.
BAYBAYIN
Gawain Blg. 2
Panuto: Pagsasagawa ng sariling bookmark na kinapapalooban ng kasabihan tungkol sa bagong normal na pag
– aaral ng mga kabataan. Nakasulat ito gamit ang sinaunang alpabeto ipapakita ang pagiging malikhain sa
paggawa.
Gabay na Tanong
Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa tinalakay.
1. Bakit mahalagang malaman ang pinagmulan ng wika? Ano ang maitutulong ng kaalamang ito sa
masusing pag – aaral ukol dito?
2. Sa iyong pananaw, alin sa mga teoryang ito ang pinaka makatotohanan? Bakit?
3. Kailangan ba talagang alamin ang kasaysayan upang maunawaan ang kahalagahan ng paggamit ng
wikang pambansa? Ipaliwanag.
ARELLANO UNIVERSITY
Jose Abad Santos Campus
Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Petsa: ________________________________________________________
Guro: Bb. Bermejo______________________________________________
PANIMULA
KAHULUGAN NG WIKA
Ang salitang Latin na “Lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ito ang
pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito’y nagging
language na siya ring ginagamit na katumbas na salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming wika sa
buong mundo, ang mga salitang wika at dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito marahil ay sa
dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t – ibang tunog ay nalilikha sa
pamamagitan ng iba’t – ibang posisyon ng dila. Kaya naman, ang wika ay may tradisyonal at popular na
pagpapakahulugang sistema ng arbitraryonfg vocal – symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit sa mga
miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag – ugnayan sa isa’t – isa.
Marami ring dalubhasa sa wika ang nagbigay ng iba’t – ibang pagpapakahulugan sa wika tulad nila:
Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1), ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at
mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
Ayon kay Henruy Allan Gleason. Jr. isang linnguwista at proper emeritus sa University of Toronti, ang
wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
Ayon naman sa pagpapakahulugana ng Cambridge Dictionary ang wika sa ganitong paraan: ito ay isang
sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita at gramatikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan ng mg mamayan sa isang bayan o sa iba’t – ibang uri ng gawain.
Samantala, ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng
paggawa ng serbesa o pagbebake ng cake o ng pagsusulat. Hindi rin daw ito tunay na likas sapagkat ang
bawat wika ay kailangan munang pag – aralan bago matutuhan.
KAHALAGAHAN NG WIKA
Biniyayaan ng diyos ang mga tao ng higit na nakatataas na pag-iisip kumpara sa iba pang nilalang.
Kaugnay nito ang kakayahan nating matuto ng sarili nating wika at mapayabong pa ito sa pagdaan ng panahon.
Tunay nga namang napakamakapangyarihang elemento ng ating pagkatao ang matuto ng wika. Ang wika ang
nagsisilbing pundasyon ng lahat para magkaroon ng kominikasyon sa mga nakapaligid sa atin. Kung wala ito
ang mundo ay magkakagulo at ‘di magkakaunawaan. Ang wika ay nagsisilbing sinulid na nagkokonekta sa
bawat isa , isang sinulid na hindi maaaring basta maputol kung ating iingatan at pahahalagahan. Hindi lamang
sa pang komunikasyon, ang kahalagahan ng wika ay makikita at mapapakinggan mo kahit saan.
KATANGIAN NG WIKA
Tulad ng ibang bahagi ng daigdig, ang wika ay mayroon ding mga katangian. Ang mga katangiang ito
ay mahalagang malaman dahil sumasalamin ito sa kung gaano kayaman ang wika. Sa pag-alam din ng
katangian, mas mauunawaan ang gamit nito, kung paano nabubuo ang mga pangungusap gamit ang wika, kung
paano ito sumasailalim sa pagbabago, at paano bibigyan ng pakahulugan ang bawat salita.
Gawain Blg. 1
Panuto: Gumawa ng akrostik gamit ang mga letra ng WIKA.
W
I
K
A
Gawain Blg. 2
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na kinapapalooban ng kahalagahan ng wika. Binubuo ng isa o dalawang
talata na may lima hanggang sampung pangungusap.
Pamantayan sa Paggawa
Nilalaman – 60%
Kaayusan ng Diwa - 30%
Paggamit ng Wastong Salita - 10%
KABUUAN 100%
Gabay na Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong natutuhan.
PANIMULA
WIKANG PAMBANSA
Paunang impormasyon sa pamamagitan ng timeline ng mga pangyayaring nagbigay – daan sa
pagkakahirang sa Filipino bilang wikang pambansa.
1934 – Dahil nga sa pagkakahiwalay – hiwalay ng ating bansa sa iba’t – ibang pulo at sa dami ng wikang
umiiral dito, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag – isipan at tinalakay sa Kumbensiyong
Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito. Subalit naging matatag ang grupong nagmamalasakit
sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa
mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo
ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
1935 – Ang pagsusog na ito ng Pangulong Quezon ay nagbigay daan sa probisyong pangwika na
nakasaad na pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935. Base sa
probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935, ito ay nagresulat sa pagkakaroon ng isang batas na isinukat ni
Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Base sa
pag – aaral na isinagawa ng Surian, napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil
ang naturang wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilang binuo.
1937 – Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog
upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134
1940 – Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang ituro
ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
1946 – Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong
Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang 570
1959 – Noong Agosto 13, 1959 , pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging
Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabasa ni Jose E. Romero, ang Kalihin
ng Edukasyon noon.
1972 – Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972
kaugnay ng usaping pang wika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng
1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2
1987 – Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating
Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Pilipino. Nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Nagbigay ng lubos na pagsuporta si dating Pangulong
Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg.
335, serye ng 1988.
WIKANG OPISYAL
Tinatawag na opisyal ang wika ang isang wika na binibigyan ng natatanging pagkilala sa konstitusyon bilang
wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan. Ayon sa Artikulo IV Seksiyon 7, Filipino at
Ingles ang opisyal na wika ng Pilipinas.
Gamit ng Wikang Filipino
● Pag-akda ng mga batas at dokumento ng pamahalaan
● Pagtalakay at diskuro sa loob ng bansa
● Linngua franca o tulay ng komunikasyon ng bansa
Gamit ng Wikang Ingles
● Ginagamit bilang linggua franca ng daigdig
Gawain Bilang 1
Panuto: Gamit ang K-W-L Chart, Ilahad ang mga kaalaman na mayroon sa paksang tinalakay at ang mga
natutunan mula rito.
Gawain Bilang 1
Panuto: Gamit ang time table , punan ang mga kahon ng mahahalagang pangyayaring nagbigay – daan sa
pagpapatibay sa Filipino bilang wikang pambansa.
1937 1940
Gabay na Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong natutuhan.
1. Ngayong nabatid mo na ang mahaba at masalimuot na kasaysayan ng ating wikang pambansa, paano mo
maipapakita ang pagpapahalaga sa pagkakaroon natin ng isang wika sa ating mga Pilipino?
2. Isa-isahin ang kahalagahan ng Wikang Opisyal para sa: Bayan, Paaralan at Sarili.
3. Kung ikaw ay magkakaanak balang araw, anong wikang opisyal ang imumulat mo sa kanya o sa kanila?
Ipaliwanag.