Professional Documents
Culture Documents
Fil. 1 Prelims
Fil. 1 Prelims
1
Pangalan: Marka:_________
Kurso:
Unang Markahan
Pagsasanay 1
Panuto – Hanapin ang tinutukoy ng Hanay B sa Hanay C. Isulat sa Hanay A ang titik ng iyong sagot, at
Hanay D kung anong pahina ng modyul mo nabasa. (20 puntos)
1.1 Pamilya
Ang komunikasyon ay sobrang mahalaga sa pamilya sapagkat ito ang nagiging daan
upang mas mapatibay pa ang kanilang relasyon sa isa’t isa. Kung ang isang pamilya
ay may magandang ugnayan, maiiwasan ang anumang kaguluhan o away at
masosolusyon ang anumang problema ng magkakasama. Sa pamamagitan ng
komunikasyon, naipapahayag ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang mga
saloobin, nararamdaman, pangangailangan at iba pa. Pagkakaunawaan
1.2 Guro
Maliban sa ito ay nagiging daan upang magkaroon ng mabuting relasyon ang isang
guro at ang kanyang mga estudyante, sa pamamagitan ng komunikasyon,
naipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga kinakaharap na problema, mga
bagay na hindi nila maintindihan at mga katanungan na nangangailangan ng
kasagutan. Ang guro ang tumatayong pangalawang magulang ng mga mag-aaral sa
loob ng paaralan, kung kaya naman maliban sa pagtuturo, ang guro ay may
responsable din na kailangang gampanan at iyon ay gabayan at bantayan ang kanilang
mga estudyante.