You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
Schools Division of Davao Oriental
Tarragona National High School

Unang Markahang Pagsusulit sa KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.
a. Filipino
b. Pilipino
c. Tagalog
d. Ingles/Tagalog

2. Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:


a. Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon ng guro at mag-aaral l
b. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
c. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
d. Lahat ng ito

3. Anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa pahayag sa isang karatulang Mas mabuti pang mahulog
sa kanal kaysa sa mahulog sa taong hindi ka naman mahal?
a. Barayti ng wika
b. Kultura ng wika
c. Wikang opisyal
d. Unang wika

4. Bakit ang bilog na kumakatawan sa sarili ay nasa gitna ng bilog na kumakatawan sa mga konseptong
pangwika?
a. Wika ang daan sa pakikipag-ugnayan sa tao at kailangang may kaalaman din sa mga konsepto nito
b. Isinilang ang tao na may wika na magiging daan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
c. Malaki ang kaugnay ng wika sa sarili para makipag-usap sa ibang tao
d. Nakapaloob ang wika sa sarili

5. Sa paanong paraan makabubuti ang madalas na pagpopost ng produkto sa social media? a. Ito ay
nakatutulong upang tangkilikin ang isang produkto.
b. Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng kamalayan ang mambabasa tungkol sa magandang naidudulot sa
tao ng produkto.
c. Ito ay nakakaimpluwensiya sa mambabasa.
d. Ito ay nakatutulong sa kumpanya ng produkto.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XI
Schools Division of Davao Oriental
Tarragona National High School

Unang Markahang Pagsusulit sa KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Karaniwang ginagamit na salita sa pamagat ng balita sa nahúling salarin.


a. húli
b. maysala
c. timbog
d. utas

2. Bakit kinagigiliwan sa social media ang code switching at pagpapalit ng salita sa ating wika?
a. madaling basahin
b. madaling maisulat
c. madaling maunawaan
d. madaling maisulat at maunawaan

3. Ano ang nais ipahiwatig ng karakter ni Jenny sa pelikulang Milan nang sabihin niya kay Lino na “Mahal
mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?”
a. Nais niyang malaman kung tapat ang pag-ibig ni Lino sa kanya.
b. Gusto niyang alamin kung may kailangan pa si Lino para
matulungan niya.
c. Nagdududa siya kung ginagamit lang ba siya ni Lino bílang
kasintahan.
d. Nalilito siya kung mahal ba siya ni Lino o kailangan lang siya nitó
dahil natutulungan niya ito.

4. Bakit ginawang opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 ang mother tongue o
unang wika sa K to 12 Kurikulum?
a. Higit na bihasa ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang kinagisnang wika sa pakikipagkomunikasyon
b. Higit na madaling mauunawaan ng mga mag-aaaral ang aralin.
c. Makatutulong ito upang mapaunlad ang wika, kaisipan ng mga mag-aaral, at makapagpapatibay rin sa
kanilang kamalayang sosyo-kultural.
d. Wala pang kakayahan ang mga mag-aaral sa ganitong baitang upang gamitin ang wikang Ingles maging
ang Filipino.

5. Ang terminong ito ay ginagamit ng may mga alam sa kompyuter.


a. download
b. jump shot
c. serbey
d. travelling
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XI
Schools Division of Davao Oriental
Tarragona National High School

Inihanda ni:

CHRISTINE MAE C. DOCDOC


TEACHER I

You might also like