You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SUMALO INTEGRATED SCHOOL
SUMALO, HERMOSA BATAAN

Name: Date:
Grade & Section: Subject Teacher: Ms. Marianne C. Serrano

SUMMATIVE TEST No. 2 IN Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Quarter 3- Module 3 & 4
S.Y. 2020-2021

I. Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng Pagmamahal
sa Bayan at isulat ang salitang Mali kung ito ay taliwas sa pagmamahal sa Bayan.

_____________ 1. Tinatanggal ni Ben ang kanyang sombrero tuwing inaawit ang Lupang Hinirang.
_____________ 2. Makikita sa isang jeepney ang disenyo ng mga magagandang lugar sa Pilipinas.
_____________ 3. Mas ninais ni Loyd na ibahagi ang kaalaman sa Agrikultura sa ibang bansa kaysa
sa kanyang kababayang magsasaka.
_____________ 4. Hindi na naghanap ng trabaho si Marites kahit na siya ay may kakayahan at siya’y
umasa na lamang sa bigay ng gobyerno.
_____________ 5. Pagsisikap sa pag-aaral upang makamit ang pangarap at guminhawa ang buhay
ng pamilya.

II. Basahing mabuti ang bawat pahayag o tanong sa bawat bilang. Bilugan ang tamang
sagot.
6. Bakit mas mataas ang pagpapahalagang ibinibigay sa buhay ng tao kung ikukumpara sa buhay
ng ibang nilalang?
a. Ang buhay ng tao ay iisa lamang kumpara sa ibang nilalang.
b. Mas naunang nilikha ang tao sa lahat ng nilalang.
c. Ang buhay ng tao ay mas mahalaga dahil mas malaki ang ambag nito sa mundo.
d. Ang buhay ng tao ay mas mahalaga dahil nilikha siyang kawangis ang Diyos at taglay
ang dignidad.
7. Bakit ang paglapastangan sa buhay ng tao ay indikasyon ng walang kawalan ng pasasalamat
at
Pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos?
a. Dahil ang buhay ay kaloob ng Diyos sa tao.
b. Dahil ang tao ay dapat niyang binabayaran ang buhay na ipinagkaloob sa kanya.
c. Dapat maghirap ang tao sa buhay bilang pagpapakilala sa kapangyarihan ng Diyos.
d. Dahil ang buhay ng tao ay iisa lamang kung kaya’t dapat siyang maghandog lagi ng bagay
bilang pasasalamat sa Diyos.
8. Mahalaga pa rin ba ang buhay ng mga taong mahihina, matindi ang karamdaman at may taning
na sa buhay?
a. Hindi, dahil wala naman na sila maambag sa kanilang kapwa.
b. Hindi, dahil bilang na lamang ang kanilang buhay.
c. Oo, dahil sila ay obra ng Diyos at kawangis niya na pinagkalooban ng Dignidad.
d. Oo, dahil sila ay tinuturing na special.

SUMALO INTEGRATED SCHOOL


Purok 2, Brgy. Sumalo, Hermosa, Bataan
Contact Number: 09092192001
Email Address: 501328@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SUMALO INTEGRATED SCHOOL
SUMALO, HERMOSA BATAAN

9. May pagkakataong nalilito na ang mga kabataan sa kanilang pananaw o paninindigan sa panahon
ngayon lalo na sa mga isyung moral sa buhay. Ano ang nakakaimpluwensiya na makakasuporta
sa pahayag na ito?
a. dahil mas mabarkada na ngayon ang mga kabataan
b. mas lumalaki na ang broken family
c. mas lumalawak ang impluwensiya ng media at sa kapaligiran na mas kinatutuunan ng pansin
ng mga kabataan sa ngayon
d. Hindi natutunan ng mga kabataan ang pagpapahalaga sa buhay sa paaralan.
10. Mahalaga na may paninindigang posisyon sa isyu tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay
ng tao. Saan iaayon ng tao ang kanyang paninindigan sa pagpapahalaga sa buhay?
a. Ayon sa paninindigan at opinyon ng nakararami.
b. Ayon sa dikta ng mga namumuno lalo sa lider ng relihiyong kinabibilangan.
c. Ayon sa dikta ng isip ng tao.
d. Ayon sa kabutihan at moral na batayan.
11. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan gayundin
sa pagka-Pilipino natin?
a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.
b. Masamang matutunan ng mga batang Pilipino.
c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
d. Nakaaapekto ito sa mabuting pakikipagkapuwa.
12. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?
a. Utang din natin sa ating bayang sinilangan ang Kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating
pagkatao.
b. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang
matitirhan.
c. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang
kaniyang mga kakayahan.
d. Nakilala siya sa mundo dahil sa talion at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang bayang
sinilangan.
13. Alin ang hindi angkop na kilos na nagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon.
b. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.

SUMALO INTEGRATED SCHOOL


Purok 2, Brgy. Sumalo, Hermosa, Bataan
Contact Number: 09092192001
Email Address: 501328@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SUMALO INTEGRATED SCHOOL
SUMALO, HERMOSA BATAAN

14. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?


a. katatagan at kasipagan c. pinagkopyahan o pinagbasehan
b. kabayanihan at katapangan d. pinagmulan o pinanggalingan
15. Paano napalawak ng pagmamahal ng bayan ang pakikipagkapuwa?
a. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.
b. Gumagamit ng midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman.
c. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan at magdamayan.
d. Nagtataguyod sa reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.

SUMALO INTEGRATED SCHOOL


Purok 2, Brgy. Sumalo, Hermosa, Bataan
Contact Number: 09092192001
Email Address: 501328@deped.gov.ph

You might also like