You are on page 1of 13

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang.

Isulat ang titik ng pinakatamang


sagot sa patlang
matapos ng bawat bilang.

1. Isyung moral sa buhay na tumutukoy sa pagpapalaglag ng isang fetus o sanggol na hindi


maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kanyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina.
a. aborsyon b.alkoholismo
c. Euthanasia d. Suicide

2. Bakit hindi maituturing na mabuting halimbawa ang lifeboat exercise kung iuugnay sa
kasagraduhan ng
buhay?
a. Dahil susi ito tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay.
b. Dahil nagbibigay ito ng positibong pagtingin sa kasagraduhan ng buhay .
c. Dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa buhay.
d. Dahil daan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga sa buhay.

3. Prosesong isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may
malubhang sakit.
a. Suicide b. Abortion
c. Euthanasia d. Lethal injection

4. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag inom ng alak maliban sa:
a. Nagpapabagal sa isip
b.Nagpapahina sa enerhiya
c. Nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit
d. Nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapwa

5. Ang mga sumusunod ay mga paniniwala ng Pro-life maliban sa:


a. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandal ng paglilihi.
b. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensyal bawat isang pinapalaglag ay
maaaring maging kapaki-pakinabang.
c. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao.
d. Maraming mga relihiyon ay hindi nag eendorso ng pagpapalaglag .

6. Ito ay ang pagkawala ng sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis.Tumutukoy sa natural
na mga pangyayari,at hindi ginamitan ng medical o artipisyal na pamamaraan.
a. Kusa(Miscarriage) b. Euthanasia
c. Sapilitan(Induced) d. Pagpapatiwakal

7. Dahil sa isip at kilos- loob,inaasahan na ang tao ay makabubuo ng mabuti at matalinong posisyon
sa kanila
ng iba’t-ibang isyung moral na umiiral sa ating lipunan.Ang pangungusap na ito ay:
a. Tama,dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa kabutihan.
b. Tama,sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang
gumawa,kumilos,pumili,at magmahal.
c. Mali,dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kanyang paghusga,gawi,at kilos.
d.Mali,dahil ang tao ay may kakayahang hanapin,alamin,unawain,at ipaliwanag ang
katotohanan sa kanyang paligid.

8.Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang panig o posisyon na


magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
a. Balita b.Isyu
c. Kontrobersya d.Opinyon

9. Bakit pinakaangat ang tao sa lahat ng nilikhang may buhay?


a. Nilikha siyang may isip,kilos-loob,puso,kamay,katawan na magagamit niya upang
makamit niya ang kaganapan bilang tao.
b. Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at sa ibang nilikha ayon sa
Likas Batas Moral.
c. May kakayahang hanapin,alamin,unawain,at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin
ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid.
d. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos,gumawa,at magpahalaga
sa kanyang sarili,kapwa at iba pang nilikha.

10. Ayon sa kanyang aklat na Self-Mastery(2012)upang mapigilan ang kawalan ng pag-


asa,kinakailangang magi sip ang isang tao ng malalaking posibilidad at natatanging paraan upang
harapin ang kanyang kinabukasan.
a. Eduardo A. Morato b. Dr.Emmanuel Dy
c. Santo Tomas de Aquino d. Confucius

11.Pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa tao.


a.Sekswalidad b.Buhay
c. Kapwa d. Karapatan

12.Ang mga sumusunod ay paniniwalang pro-choice maliban sa:


a.Maraming relihiyon ang nag-eendorso ng pagpapalaglag o ilang mga paraan ng birth control.
b. Kung magiging katanggap tanggap sa lipunan ang aborsyon,maaaring gamitin ito ng tao sa
regular na
pamamaraan.
c. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensyal,bawat isa na ipinalaglag ay may potensyal
na lumaki at
maging kapaki-pakinabang.
d. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandal ng paglilihi.

13.Sabi ni Papa Francis ng Roma “Ang buhay ng tao ay napakahalaga”ginawa ng Diyos sa


Kanyang sariling imahe .Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito:
a. Mahirap man o mayaman,maysakit,matatanda ay nangangailangan ng mataas na paggalang.
b. Ang sakit at paghihirap ay likas na kasama sa buhay ng tao.
c. Ang tao ay likas na mabuti sa kanyang pagsilang
d. Ang tao ay likas na may dignidad mula sa kanyang pagsilang.

14.Ang tao ay nilikha na may likas na pagkahilig sa:


a. Kalayaan b.relihiyon
c. responsibilidad d. Kabutihan

15. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino,may mga oras kung kalian ang isang kilos na nararapat
gawin ay maaaring magdala ng mabuti at masamang epekto.Bilang resulta:
a. Maaaring magkaroon ng komplikasyon at panganib ang buhay.
b. Maaaring pumili ng isang kilos na magdudulot ng mabuting epekto .
c. Nagkakaroon ng isang problemang etikal.
d. Kinakailangang pag-usapan ang nagawang masamang kilos.

16.Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa


a. Pang- aabusong seksuwal c. Pornograpiya
b. Pre- marital sex d. Prostitusyon

17. Ito ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan o palabas) na may layuning
pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
a. Pang- aabusong seksuwal c. Pornograpiya
b. Pre- marital sex d. Prostitusyon

18. Ito ay paggamit ng kasarian para lamang sa pagtatalik ng mag-asawa na naglalayong


ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing magkaroon ng anak upang bumuo ng
pamilya ay ang ehensiya ng ____.
a. Sakramento ng Kasal c. Seksuwalidad
b. Pagtatalik d. Pang-aabusong Seksuwal
19. Ito ang sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain na ang kapalit ng pera o bayad
ay panandaliang - aliw.
a. Pornograpiya c. Pre-marital Sex
b. Prostitusyon d. Pang-aabusong Seksuwal
20. Ang pornograpiya ay nanggaling sa mga salitang “porne”na may kahulugang prostitute at
“graphos” na nangahuhulugan ng pagsulat o paglalarawan,Ito ay mga salitang __
a. Italyano c. Espanyol
b. Griyego d. Latin
21. Saan maihahantulad ang pagbebenta ng sarili ng isang prostitute?
a. Ito ay maihahantulad sa isang naglalako ng balot sa gabi.
b. Ito ay maihahantulad sa isang kargador sa pier.
c. Ito ay maihahantulad sa isang manunulat na ibinebenta ang kanyang isip sa
pamamagitan ng pagsusulat.
d. Ito ay maihahantulad sa isang ibong lumilipad.
22. Paano napapangasiwaan nang mabuti ang seksuwalidad?
a. Maging lubusang malaya sa pagpapahayag nito.
b. Unawain at tanggapin ang kalikasan ng pagkababae o pagkalalaki.
c. Bigyan ng pagkakataon na mailabas ang ekspresyon nito sa anumang paraan.
d. Pigilin at gawing pribado ang pagpapahayg nito sa katapat na kasarian.
23. Ayon sa isang survey na ikinomisyon ng NSYA,ang kabataang Filipino ngayon ay
patuloy na nakikibaka sa mga isyung may kinalaman sa ___
a. Paggamit ng teknolohiya c. Seks at seksuwalidad
b. Problema sa pamilya d. Pag-aaral
24. Ang pang- seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa mga
layuning
a. Magkaron ng anak at magkaisa
b. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa
c. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak
d. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan.

25. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?


a. Kapag ang paggamit ay nagdadala ng kasiyahan.
b. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang aabuso.
c. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad.
d. Kapag ang panggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o
kasangkapan.

26. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?


a. Si Jessica ay araw- araw hinihipuan ng kanyang amain sa maseselang bahagi ng
kanyang katawan.
b. Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Mayin na magpakasal sapagkat
gusto na nilang magtatag ng pamilya.
c. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin,nagbunga ang isang gabing pagkalimot sa
sarili ni Daisy at ng kanyang boyfriend na si Ariel.
d. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang magpaguhit ng
nakahubad.

27. Alin sa mga sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?


a. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan.
b. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay.
c. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang- ayon ang gagawa nito.
d. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag ng mag-
asawa sa bawat isa.

28. Nag iisa si Arlyn sa bahay ng dumating ang kasintahan niyang si Jomel.Pinatuloy niya ito
at nag- usap.Habang tumatagal ay nag-iba ang tema ng kanilang pag-uusap. Naging
agresibo si Jomel at sinimulang halikan si Arlyn.Sabi pa niya kay Arlyn na sila lang
naman ang tao sa bahay.Kung ikaw si Arlyn,ano ang iyong gagawin?
a. Magagalit kay Jomel at ito ay paaalisin sa bahay.
b. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni Jomel.
c. Kakausapin si Jomel at sasabihing panagutan kung anuman ang mangyari sa kanila.
d. Kakausapin si Jomel nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano ang tama.

29. Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging


manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na sa edad ng pagdadalaga o
pagbibinata(puberty).Subalit kahit sila ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin
ito,hindi nangangahulugan g maaari na siyang makipagtalik at magkaroon ng
anak.Hanggang wala sila sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng
kasal,hindi sila kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik.Anong katotohanan
ang ibinubuod mg pahayag nito?
a. Maaari nang makipagtalik ang nagdadalaga at nagbibinata na.
b. Maaari nang magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik.
c. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang makipagtalik.
d. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang maaari lamang na
makipagtalik.

30. Si Bing ay labis na nag-alala sa kaibigan niyang si Rissa.Wala silang lihiman sa isa’t
isa.Matapos ang pagliban ni Rissa ng tatlong araw,nakita ni Bing ang kaibigan na
umiiyak.Nag-usap sila at hinayaang magsalita si Rissa.Inamin nito kay Bing na sa mga
nagdaang buwan ay pinagsasabihan siya ng nobyo ng kanyang ina ng malalaswang salita
at marami na ding beses na hinihipuan siya nito.Natatakot siya na sa mga susunod na
araw ay mas malala pa ang gawin nito sa kanya.Ano ang dapat ipayo ni Bing sa
kaibigan?
a. Papayuhan niya si Rissa na umalis na lang sa kanilang bahay.
b. Papayuhan niya si Rissa na sumama na lang sa nobyo na magtanan.
c. Sasamahan niya si Rissa sa kanyang ina upang sabihin ang mga nangyari sa kanya.
d. Magsasawalang-kibo na lang at hahayaan na lang ang nangyari.

31. Si Tony ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa mga


magagaling na manunulat sa kanilang journalism class. May mga katibayan na
nagpapatunay na ito ay intnsyunal. Anong prinsipyo ang nalabag niya?
a.Prinsipyo ng Confidentially c.Prinsipyo ng Intellectual Honesty
b.Prinsipyo ng Intellectually d.Prinsipyo ng Katapatan

32.Isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado


ng gobyerno o
pribadong korporasyon.
a. Intellectual Piracy c.Intellectual Honesty
b. Whistle blowing d.Plagiarism

33. Isang uri ng kasinungalingan na nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng


isang tao na
pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
a.Officious lie c.Jocose lie
b. Pernicious lie d.Natural secret

34. Ayon sa isang whitle blower, “Hindi naman sa gusto ko, pero kailangan eh.Ayaw ng
pamilya ko, at
ayaw ko rin sana, pero itutuloy ko na rin.”Paano pinanindigan ng whitle blower ang
kanyang
pakikibaka para sa katotohanan?
a.mula sa suporta ng nagtitiwala sa kaniya
b.mula sa dikta ng kaniyang konsensiya
c.mula sa kaniyang tungkulin at obligasyon sa pamilya at bayan
d.mula sa di makatotohanang akusasyon sa kaniya

35. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng isang tao kung bakit mas nahihikayat na gawin
ang
pagnanakaw sa gawa ng iba kaysa lumikha ng sarili at paulit-ulit na pagsasagawa nito,
maliban sa
isa:
a.Mababang Presyo c.Madaling transaksyon
b.Anonymity d.Hindi sistematiko

36. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa mental reservation?
a.Maingat na ibinibigay ang mga impormasyon sa tamang tao lamang.
b.May karapatan ang naglalahad na manahimik at kimkimin ang mga
impormasyon
c.Walang pagpapahayag at di mapipilit para sa kapakanan ng taong
pinoprotektahan
d.Nagbibigay na malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming bagay
upang ilayo
ang tunay na katotohanan

37. Ito ay nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay.
a.Katotohanan c.Kabutihan
b.Moralidad d.Makataong kilos

38. Kinopya lamang ni Lina ang kanyang proyekto kay Ramon, pinakopya naman ito ni
Ramon
dahil tinakot siya nito. Tama ba ang naging desisyon ni Ramon?
a.Oo dahil may dahilan ito
b.Hindi, dahil tinatakot lamang siya
c.Oo,dahil kaibigan niya si Lina
d. Hindi, sapagkat ayaw niya

39. Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan.


Itinuturing ding
isang lason na humahadlang sa kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon. Anong
patunay na
ito”y natural na masama?
a. Ipinagkait ang tunay na pangyayari.
b. Inililihis ang katotohanan
c. Ito ay isang uri ng pandaraya.
d. Sinansang-ayunan ang mali.

40. Ang sumusunod ay mga gawain na lumalabag sa karapatan sa pag-aari. Ang ilan sa
mga ito ay
ang karapatan sa pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi at panggagaya upang
makabuo ng
bagong likha, maliban.
a. Intellectual piracy
b. Copyright infringement
c. Theft
d. Whistleblowing

41. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa mental reservation.


a. Maingat na ibinibigay ang mga impormasyon sa tamang tao lamang.
b. May karapatan ang naglalahad na manahimik at kimkimin ang mga
impormasyon.
c. Walang paghahayag at di mapipilit para sa kapakanan ng taong
pinoprotektahan.
d. Nagbibigay nang malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming bagay
upang ilayo ang
tunay na katotohanan.

42. Si Lando ay dating bilanggo. Bahagi ng kaniyang pagbabagong-buhay ay ang


kalimutan ang
madilim niyang nakaraan dito itinago niya ang karanasang ito sa kompanyang
kaniyang
pinaglilingkuran sa kasalukuyan. Sa iyong palagay, maykarapatan ba siyang itago ang
katotohanan? ,
dahil ;
a. Siya ay responsible rito.
b. May alam siya rito.
c. Sa kahihiyang ibibigay nito sa kanya.
d. Lahat ay may karapatang magbago.

43. Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang


maykatapangan sa
lahat ng pagkakataon sapagkat ito ang nararapat gawin ng isang matapat at mabuting
tao. Bakit
mahalagang matandaan ang pahayag na mapanindigan at ipahayag sa lahat ng
pagkakataon?
Dahil ito ang ;
a. Katotohanan
b. Nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao.
c. Maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang.
d. Para sa kabutihang panlahat.

44. Ito ay lihim na ipnangako ng taong pinagkatiwalaan nito.


a. Natural Secrets
b. Promised Secrets
c. Committed or Entrusted Secrets.
d. Jacose Lies

45. Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpapahayag ng katotohanan at


karapatan sa
mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at iba pa.
a. Intellectual Piracy
b. Whistle Blowing
c. Intellectual Honesty
d. Plagiarism

46. Sa lahat ng nilikhang nilalang, sa kanya ibinigay ang natatanging talino, kakayahang
mag-isip at magdesisyon ng mga gawain na ayon sa Batas Moral na itinakda ng
Panginoong Dios.
a. Halaman b. Hayop c. Tao d. Kalikasan

47. Ang tao ay inatasan ng Dios na gumawa at magtrabaho at ito ay nasusulat sa Banal na
Aklat na makikita sa Genesis 3:19 na nagsasad, “Ang lupaing ito ay para pag-anihan,
pagpapawisan mo habang buhay,” at sa Exodo, 20:9, “ Anim na araw kayong gagawa ng
inyong gawain.” Ano ang ipinapahiwatig ng mga pahayag na ito?
a. Ang paggawang ito ay ang siyang batayan n gating pagkilos upang ituloy at
kumpletuhin ang
sinimulan Niyang paglikha.
b. Isang panlipunang proseso na ang layunin ay mapangalagaan ng tao ang Kanyang
Gawain sa
pamamagitan ng paggawa.
c. Nilikha ang tao upang maging kabahagi ng Dios sa Kanyang Gawain sa pamamagitan
ng paggawa.
d. Ipinapakita na ang anumang bagay na nais tamasahin ng tao ay kailangan niyang
paghirapan.

48. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng moral na paggawa na ayon sa moral na utos ng Dios?
a. Prostitusyon
b. Pangungubra ng Jueteng
c. Paglalako ng mga expired na pagkain
d. Pagtatanggol sa kalayaan at kapayapaan ng bansa

49. Bakit itinakda ng Dios sa tao na gumawa at magbanat ng buto sa buong panahon ng
kanyang buhay?
a. Nagsisilbi itong parusa sa pagsuway ng tao sa kanyang utos na huwag kainin ang
pinagbabawal na bunga ng ang mga ito ay nakatira pa sa Hardin ng Eden.
b. Inutos ng Dios na ang mga tao ay maghanap-buhay sapagkat mula sa pawis ng
kanyang mukha ay doon magmumula ang kanyang kakainin araw-araw.
c. Itinakda ng Dios na magtrabaho upang ipamalas sa mga tao na ang lahat ng bagay na
nais tamasahin sa mundong ito ay kailangang pagsumikapan at paghirapan.
d. Nilikha ng Dios ang tao dahil magiging kabahagi siya sa dakilang gawain na
magsisilbing batayan ng kilos upang kumpletuhin ang paglikhang nasimulan Niya.

50. Sa mga sumusunod na sitwasyon nagpapakita na paano gamitin ng tao ang kanyang
kapangyarihan. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang nagpapakita ng marangal na
paggamit ng kapangyarihan?
a. Si PO2 Glen Soriano ay masipag na naghuhuli ng mga pasaway na drayber at dahil
nagmamakaawa na huwag kumpiskahin ang lisensiya ay nahingi na lang siya ng
pamgmiryenda sa mga tusper na kanyang nahuhuli.
b. Si Atty. Mariano Dimagiba ay naglilingkod sa Kawanihan ng Rentas Internas at dahil
sa hanapbuhay niya sa naturang ahensya ay malimit siyang lapitan ng ilang mga
kilalang kumpanya at dalhan ng mga regalo kapalit ng mababang singil sa buwis na
dapat bayaran ng mga naturang kumpanya.
c. Si Jessica Gomez ay isang guro sa isang pampublikong paaralan at dahil sa kanyang
mga trabaho ay ginagawa niyang ipasa ang mga mag-aaral kahit na ito ay pasaway
dahil katwiran niya ay magiging problema niya pa ito kung ito ay bumagsak.
d. Si Juanito Grabillo ay kasalukuyang punongbayan sa bayan ng Calaca at bilang
punongbayan ay sinisikap niyang buwagin ang mga illegal na sugalan, mga luagar ng
prostitusyon, paglalagay sa rehab center sa mga taong nalulong sa bawal na gamot at
kahit may banta sa kanyang buhay ay tinutupad pa rin niya ang kanyang tungkulin ng
walang takot.

51. Bakit kailangan ng mga tao na magamit niya sa wasto ang kanyang oras?
a. Kailangan na gamitin sa wasto ang oras upang maging produktibo at makatapos ng
mga gawain.
b. Iniiwasan nito ang magahol ang mga tao sa oras at magkaroon ng kalidad sa kanilang
mga output.
c. Dapat gamitin sa wasto ang oras dahil kapag ito ay nasayang ay hindi na ito muling
maibabalik.
d. Ang paggamit sa wasto ng oras ay nakakatulong laban sa pagod at pagiging
organisado sa gawain.

52. Sinabi ni Karl Marx na ang kabihasnan ng tao ay ay naayon sa masalimuot na


kagamitan. Paano niya
ito ipinaliwanag?
a. Ang mga kagamitan ng tao ay produkto ng kanyang kapwa at ginagamit niya para sa
makalikha ng mga bagay sa kanyang kapwa.
b. Ang kagamitan natin sa kasalukuyan ay ay bunga ng lipunan at naiwan ng mga
unang henerasyon.
c. Naiiba ang tao sa hayop sa paggamit ng kagamitan at sa pagkamalay niya sa kanyang
ginagawa.
d. Ang lahat ng bagay ay yaong nasa ating pananagutan, lahat ng may kinalaman sa
pagpapaunlad ng sarili.

53. Sino sa mga sumusunod na kabataan sa ibaba ang nagpapakita ng higit na paggamit
ng wastong oras sa paggawa?
a. Si Marlen ay laging maagap sa pagpasok sa paaralan para ihanda ang mga gamit niya
sa pagtuturo dahil hindi niya ito magawa sa bahay sapagkat inaasikaso pa niya ang
kanyang asawa at mga anak.
b. Si Manolo ay laging nagpapasa ng kanyang mga royekto dahil pinaaalalahanan siya
ng kanyang magulang na tumutulong na din sa paggawa at pagpapasa sa paaralan
para maiwasan ang incomplete sa marka.
c. Si Janelle ay nakakalinis lamang ng bahay niya kung sakaling mayroon siyang
darating na bisita at sinasabihan ang mga sakaling bibisita na abisuhan siya kung sila
ay nagbabalak na pumunta sa tahanan niya para malinis niya ang kanyang bahay.
d. Inililista ni Joel ang kanyang mga gagawin na gawain sa loob ng isang linggo upang
magsilbing paalala kung nagagawa o nagawa na niya ito.
54. Bakit itinuring na isang korapsyon ang Nepotismo?
a. Ito ay pagtakbo at pagkakamit ng kapangyarihan mula sa halalan ng mga
magkakamag-anak na manunungkulan sa pamahalaan.
b. Ito ay pagsasanib ng ilang makapangyarihang pamilya at sila lamang ang
nakikinabang sa kapangyarihan at kabang yaman ng isang lugar.
c. Pagbibigay ito ng salaping padulas o pagbibigay ng regalo at pagtanggap ng pabor
kapalit ng pwesto sa pamahalaan, proyekto o anumang pwedeng makuhang
pakinabang sa isang tao na may kapangyarihan o pwesto sa pamahalaan.
d. Ito ay paglalagay ng mga kamag-anak o kaibigan ng isang may kapangyarihan at
katungkulan sa pamahalaan

55. Bakit hindi katanggap-tanggap ang Nepotismo sa ating lipunan?


a. Nababalewala ang tamang proseso ng pagtanggap ng mga talentado, may natatanging
talino at kasipagan na nararapat na kwalipikasyon sa nagnanais na maging kawani ng
pamahalaan.
b. Sapagkat hindi nabibigyan ng pagkakataon na makatakbo at mahalal ang isang tao na
hatid ay magdala ng pagbabago at marangal na paglilingkod sa pamahalaan at
mamamayan.
c. Mas pinaapapaboran ng Nepotismo ang pagtanggap ng mga suhol o pabor ng ilang
makapangyarihang mamamayan kaysa tulungan ang mga mamamayang
naghihikahos.
d. Mas katanggap-tanggap sa Nepotismo ang maglagay ng mga taong walang
integridad at mga walang delikadesa dahil layunin nito na magkamal ng salapi galing
sa bulsa ng mamamayan upang yumaman.

56. Bakit ang kapangyarihang ipinagkaloob ay dapat nararapat gamitin ng wasto?


a. Dahil nakakatulong ito sa tamang proseso at pamamaraan ng pagpapalakad ng isang
pinuno upang makamit ang kaayusan ng lipunan.
b. Nagagamit sa pagkontrol ng batas upang ang mga sariling layunin ay makamit at
maisakatuparan.
c. Upang ang mga kaisipan, kilos, pananalita, lakas at tatag ng kalooban ay hindi
nakakayapak o
nakakapagpababa ng dignidad ng kapwa tao.
d. Upang hindi ito pagsimulan ng pananakot sa kapwa, korapsyon at kaguluhan para
makamit ang kaayusan at maayos na pagsunod ng mga mamamayan sa lipunan.

57. Sa mga sumusunod na pagpapahalaga sa ibaba, isa dito ay magagamit bilang susi sa
pag-aalis ng katiwalian sa pamahalaan at ito ay;
a. Kabaitan at pagkamasunurin sa batas
b. Katapatan at banal na takot sa Dios
c. Pagkakaroon ng integridad at delikadesa
d. Pagtitimpi at mataas na dignidad sa sarili at kapwa

58. Isa sa mga dahilan ng pagkaubos ng pondo ng bansa ang korapsyon at pagnanakaw sa
pondo ng kabang-yaman, alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin upang matigil
na ang naturang illegal na gawain?
a. Pagbubulgar sa midya ng mga katiwaliang nagaganap sa lahat ng ahensya ng
pamahalaan.
b. Pagpapalayas at pagpapakulong sa lahat ng mga mahuhuling tiwaling kawani ng
pamahalaan.
c. Pagtuturo sa lahat ng mga kawani ng kahalagahan ng pagkakaroon ng mataas na
integridad at simpleng pamumuhay.
d. Pagsasagawa ng mga pagbabatikos sa lahat ng mga maanomalyang gawain o
transakyon ng pamahalaan.

59. Si Scheryl ay isang sekretarya sa isang pribadong opisina, madalas siyang nag-uuwi
ng mga ballpen, bondpaper, at minsan ay mga folder. Ang katwiran niya ay sobra
naman ang mga kagamitan na iyon at bilang admin ito ay isang pribilehiyo. Madalas
din niyang nagagamit ang telepono at kompyuter bilang personal na gamit.
Nakatatanggap din siya ng mga regalo bilang pabor sa mga kasama o kakilala na
humihingi ng tulong sa kanya lalo na sa pag-aaplay ng mga bagong kawani sa kanilang
kumpanya. Naabuso ba ni Scheryl ang kanyang posisyon bilang sekretarya ng kanilang
kumpanya?

a. Opo, dahil hindi nagpapakita ng katapatan sa tungkulin si Scheryl dahil ninanakaw


niya ang mga kagamitan ng kanyang opisina at natanggap siya ng mga suhol kapalit
ng mga pabor.
b. Opo, dahil ang mga kagamitan na pag-aari ng opisina ay ginagamit niya bilang
personal na kagamitan at nagbibigay siya ng pabor sa mga kaibigan at kamag-anak.
c. Hindi po, dahil ang pag-uuwi at paggamit ng personal sa mga kagamitan ng opisina at
pagtanggap ng suhol ay napakaliit lamang ng halaga at gastusin ng kumpanya.
d. Hindi po, dahil normal lamang na nakasanayan na gumamit at mag-uwi ng mga
kagamitang bilang personal na gamit at humingi ng suhol bilang kapalit ng napakaliit
na pabor.

60. Bilang mga halal at hinirang na mga pinuno ng ating bansa, paano dapat nila ipamalas
ang makatarungan at tapat na pamamahala sa ating mga mamamayan.
a. Ang mga nalilikom na buwis ay nararapat na makita na maayos na nagagamit at
napapakinabangan ng mga mamamayan para sa pagbibigay ng mga serbisyo sa mga
nagangailangan, magamit sa mga proyektong magpapanatili ng seguridad at kaligtasan
at paggawa ng mga proyektong hatid ay kaunlaran.
b. Sila ay laging bumabatikos sa mga kalaban nila sa pulitika, magsimulang busisiin ang
tagong yaman ng kanilang mga hindi kaalyado, magsagawa ng mga paninira sa
kanilang mga hindi kapartido, lagging humarap sa midya upang manisi sa mga
anomalya at mga nagawang katiwalian ng lahat ng hindi sang-ayon sa kanilang
polisiya.
c. Magpasimula ng mga kilos protesta dahil hindi sang-ayon sa mga batas o panukalang
ipinapatupad ng kaalitang lider, siraan sa midya at ibang tao at makipagbatuhan ng
putik para makatulong sa pagsikat bilang isang pulitiko o hinirang na pinuno.
d. Magpasimula ng nepotismo, mangupit sa kaban ng yaman, huwag pumasok sa mga
sesyon, gamitin ang kapangyarihan para kalabanin ang sino mang nais siyang pulaan
bilang isang inutil o tamad na pinuno at makipagdebate sa hindi kapartido sa pulitika.

You might also like