You are on page 1of 8

“Ang kahalagahan ng musika ay lalong nanaig sa mga pelikula, sa mga dulang panradyo at

pantelebisyon.ito ang nagbibigay-buhay sa anumang pagtatanghal.Kapag nawala ang musika ay wala ring
kulay,walang kaluluwa at lalo na ang pinakamagandang kasaysayan.Ang musika ang nagdudulot ng higit
na bias sa inilalarawang kasayahan o kalungkutan.”

1.Ayon sa talata ,ang musika ay __________.


a. mahalaga sa mga pagtatanghal
b. maaaring mawala sa pelikula
c. umaagaw sa kulay na idinudulot ng sining
d. halaw sa tunay na buhay at sining ng kabihasnan
2. Ang talata ay isinulat sa pamamagitan ng __________.
a. paglalarawan
b. pagsasalaysay
c. pagsasahalintulad
d. pagbibigay-kahulugan
3. Ang artikulo ay maaaring bahagi ng isang__________.
a. balita
b. salaysay
c. sanaysay
d. tula

Isa sa pinakamasayang taong nakilala ko ay iyong lalaking nagtatrabaho sa isang car wash station
malapit sa dati naming tinitirhan. Hindi siya mekaniko, hindi mataas ang posisyon niya sa lugar na iyon.
Ang trabaho niya anim na araw sa isang lingo ay maglinis ng maruruming sasakyan.
Kung makikita siya ng kahit sino sa pagtatrabaho ay tiyak na mapapahanga. Maligaya siya habang
nililinis ang maruruming salamin at gulong ng sasakyan. Buong husay niya itong ginagawa. Kung natapos
na ay wala nang makikitang bakas ng alikabok o dumi sa sasakyang kanyang nililinis. Napakahusay niya sa
kanyang gawain.
May kasabihan nga sa wikang Ingles, “What the world needs, and what can God needs, is not so much
people who can do extraordinary things, as people who can do ordinary things ordinariy well.”

4. Maaaring sabihin na ang batayan ng may-akda na may dignidad ang isang Gawain ay ang __________.
a. laki ng suweldo
b. kabutihan dulot ng gawaing ito
c. pagkakataon para sa promosyon
d. ganda ng lugar na pinagtatrabahuhan
5. Ano ang pangunahing tema ng sanaysay?
a. sipag at tiyaga
b. pagkamalikhain
c. kagalingan sa paggawa
d. katapatan sa hanapbuhay
6. Ano ang uri ng binasang teksto?
a. argumentatib
b. deskriptib
c. ekspositori
d. naratib
7. Maganda sigurong__________ang silong ng bahay bago dumating ang bisita.
a. linisan
b. linisin
c. malinisan
d. malinisin
8. Sinikap niyang makatapos ng pag-aaral__________pinalaki siyang sabik sa pagkatuto.
a. kaya
b. kapag
c. ngunit
d. palibhasa’y
9.___________Ginger at Pepper ipinagkatiwala ng kanilang magulang ang palayan.
a. Kina
b. Sina
c. Sila
d. Kay
10. Nagulat ang lahat __________biglang dumating ang isang banyagang panauhin.
a. at
b. ng
c. nang
d. ngunit
11. Taglay __________Warrren at Justine ang kakaibang kapangyarihang magpagaling ng may sakit.
a. kina
b. nina
d. nila
d. sila

Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga
mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng
kanilang Gawain. Batid din nilang tumutulong SIYA sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili. Karamihan sa mga
mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasama-sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa
pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-asawang anak kapag ito’y
naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang mga mag-anak tuwing may “family reunioin” kung Pasko at
iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga Pilipino. Inaalagaan at
minamahal ng bawat miyembro ng mag-anak ang matandang kasapi nito. Tungkulin ng bawat Pilipino na magsilbi
sa kanyang matatandang magulang, mga lolo’t lola, at kamag-anak hanggang sila’y nabubuhay. Iyan ang paraan
ng pagpapakita ng MAGANDANG PAGTINGIN sa matatanda.
12. Sino ang tinutukoy na “Siya”?
a. Pilipino
b. Panginoon
c. Anak
d. Lolo
13. Ano ang nais ipabatid ng seleksyon sa mga mambabasa?
a. Ang mga Pilipino ay madaming magagandang katangian
b. Ang mga Pilipino ay nagkakagulo
c. Ang mga Pilipino ay masisipag
d. Ang mga Pilipino ay nagkakaisa
14.Ano ang pinaka angkop na pamagat sa seleksyong binasa?
a. Mga katangiang Pilipino
b. Magagaling ang mga Pilipino
c. Tama dang mga Pilipino
d. Pilipino ay Sikat
15. Ano ang ibig sabihin ng “magandang pagtingin” sa seleksyon?
A. kinagagalitan
b. kinalilibangan
c. pagpapahalaga
d. pagpapabaya
16. Sa paanong paraan naipapakita ng mga Pilipino ang pag-galang sa mga nakatatanda?
a. paghalik sa kamay
b. pagbibigay ng pera
c. paghingi ng payo
d. wala sa nabanggit
Para sa bilang 17-20

A. Nagbago ang lahat nang Makita ko si Maxie na pinapakain ang mga batang lansangan sa kabila ng
pagiging madumi ng mga ito. Napagtanto ko na siya pala ay mabuting tao sa kabila ng katalinuhan,
pagiging maganda sa panlabas nitong anyo, ay hindi pala siya mayabang.
B. Si maxie ay kaklase ko noong hayskul. Siya ang pinakamagandang babae sa “campus” ngunit hindi
ko siya gusto dahil napaka arte niya sa pananamit
C. Palagi kaming nagtutunggali sa klase kapag nagkakaroon kami ng pagsusulit kaya tingin ko sa
kaniya ay mayabang.
D. Humingi ako ng paumanhin kay Maxie at nakipagkaibigan sa kanya. Natutunan ko na hindi pala
tama ang humusga ng kapwa.
17. Alin ang dapat una sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
a. A
b. B
c. C
d. D
18. Alin ang dapat pangalawa?
a. A
b. B
c. C
d. D
19.Alin ang ikaapat?
a. A
b. B
c. C
d. D
20. Ano ang aral na makukuha sa istorya?
a. Huwag humusga ng kapwa
b. Makipagkaibigan
c. Maging mabait sa kapwa
d. maging matulungin
Panuto:Piliin ang salitang may mas pinakamalapit na kahulugan sa salitang nakasulat sa malalaking titik.
21.NAGHIHIKAHOS na mga manggagawa
a. nagsisikap
b. naghihirap
c. nag-aaklas
d. nagtatrabaho
22.NIYURAKAN ang pagkatao
a. inalila
b. iniwan
c. minata
d. pinalaya
23.MAHALIMUYAK na mga bulaklak
a. makulay
b. malaki
c. maliit
d. mabango
24.MAPAYAPANG usapan
a. marahas na
b. maayos na
c. maling
d. tamang
25.NANGUNGULILA sa mga namayapa
a. naiinis
b. nakakalimot
c. nakakaalala
d. nagagalit
26.NAPUNGAW ang buong bahay
a. lumiwanag
b. napukaw
c. luminis
d. naabo
27.SAUNAHIN na pananamit
a. makabago
b. nauuso
c. wala na sa moda
d. mamahalin
28.PADASKUL na sagot
a. pabalang
b. malambing
c. magalang
d. pabulong
PAG-UGNAY SA NAWAWALANG SALITA

29. Masagana : Mayaman ; : Salat : ______


a. mahirap
b. dukha
c. kawalan
d. kahirapan
30. Maaliwalas : Maliwanag : : Makulimlim : _____
a. mailaw
b. madilim
c. maulap
d. Malabo
31. ibon : Huni : : Tao :_____
a. boses
b. himig
c. letanya
d. letra
32. Matiyaga : Masipag : : mainipin : _____
a. masikap
b. maayos
c. magulo
d. tamad
33. Karpintero : Bahay : : Mekaniko : _____
a. paaralan
b. simbahan
c. palaisdaan
d. sasakyan
34. Albino : Anak-araw: :Ulikba:_____
a. kayumanggi
b. maitim
c. maputla
d. mataba
35.Gulay: Tali: :Bulaklak : _____
a. saboy
b. sabong
c. bigkis
d. alay
36. Ibon : Hawla : : Tubig:_____
a. balon
b. tapayan
c. batis
d. gripo

PAG-UGNAY SA DALAWANG MAGKAUGNAY NA SALITA


37. Manok : Tilaok: :__________:___________
a. Ibon : Tuka
b. Ahas : Gapang
c. Aso : Tahol
d. Kalabaw : Araro
38. Kurtina : Bintana: :__________:__________
a. Mantel : Mesa
b. Upuan : Silya
c. Kama : Unan
d. Kalan : Kawali
39. Dilaw : Kulay : :__________:__________
a. Dalandan : Maasim
b. Mangga : Prutas
c. Pula : Mansanas
d. Sampalok : Maasim
40. Keso : Gatas: :__________:__________
a. Tinapay : Harina
b. Mantika : Suka
c. Kendi : Matamis
d. Enselada : Masustansya
41. Doktor : Ospital: :___________:___________
a. Nars : Gamot
b. Pari : Simbahan
c. Langgam :Asukal
d. Bote : Gatas
42. Bukas : Sara: :__________:____________
a. Sulat : Basa
b. Lantad : Tago
c. Tanong : Iwas
d. Kulong : Demanda
43.Kuting : Pusa : :__________:__________
a. Tandang: Sabong
b. Manok: Sisiw
c. Kuneho : Gulay
d. Bubuwit:Daga
44. Gunting : Buhok: :_________:_________
a. Mata: Pikit
b. Kuko: Kamay
c.Sinturon: Baywang
d.Pantalon: Sapatos

TAMANG PAG-GAMIT SA MGA SALITA


45. Kahanga-hanga ang pagiging__________ni Jenny sa mga nakakatanda.
a. masungit
b. magalang
c. maganda
d. pikon
46. Tinatanong ni Miss Manansala kung __________yung librong natagpuan sa laboratory.
a. kalian
b. pano
c. saan
d. alin
47.Tuwing ika-12 ng Hunyo_____ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan.
a. at
b. ng
c. ay
d. sa
48. Ang isang mabuting mamamayan ay __________at_________sa kanyang tungkulin.
a. masipag at maagap
b. maingay at masiyahin
c. matanong at matalino
d. tapat at tumutupad
49.Dinumog__________manonood ang sinehan nang ipalabas ang “Tanging-yaman.”
a. at mga
b. sa mga
c. ng mga
d. nina
50.Tumakbo _____tumakbo si Kelly dahil sa pag-iwas sa aso.
a. ng
b. dahil
c. nang
d. sa

You might also like