Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SUMALO INTEGRATED SCHOOL
SUMALO, HERMOSA BATAAN
Name: Date:
Grade & Section: Subject Teacher: Ms. Marianne C. Serrano
_____ 1. Mababa ang kinita ng inaning mais ni Mang Kanor sa kanyang bukid sa Paleg dahil
sa kawalan ng panustos sa pataba at pamuksa ng peste.
_____ 2. Halos hindi nababawasan ang ibinebentang Coco Jam ni Aling Maring sa Pamilihang
Bayan ng Dinalungan dahil sa mas mababa ang presyo ng ibang kahaliling produkto
galing sa ibang bansa.
_____ 3. Umaabot sa P1.074 bilyon ang naging pinsala sa imprastruktura at agrikultura sa
parteng Luzon at Visayas dahil sa bagyong Ursula noong buwan ng Disyembre taong
2019.
_____ 4. Hindi lahat ng mga magsasaka ay nabibigyan ng ayuda tulad ng abono at binhi dahil
hindi kayang balikatin lahat ng Kagawaran ng Agrikultura.
_____ 5. Ang lupang dating sinasaka ng mga residente ng Brgy. Esteves, Casiguran, Aurora ay
naging bahagi na ng paliparang sakop ng APECO.
_____ 6. Nagiging problema ni Mang Emon ang daluyan ng tubig sa kanyang tubigang sinasaka
lalo na sa panahon ng tag-init dahil walang maayos na irigasyon.
_____ 7. Dahil sa mas maraming proteksiyon at pangangalaga ang ibinibigay ng pamahalaan sa
sektor ng industriya ay nagdesisyon si Lito na lumipat na lang sa sektor na ito.
_____ 8. Napag-iiwanan ng mga dayuhang kalakal ang mga produkto nina Mang Mando at Aling
Rosa kaya ipinagbili na nila ang kanilang lupang sinasaka.
_____ 9. Nalugi ng kalahati sa puhunan si Aling Marta sa pagkasira ng mga inaning prutas at
gulay dahil malayo ang kanilang bukid sa pamilihan.
_____ 10. Laging daing ni Aling Loleng ang hirap sa pagbili ng isda sa Pamilihang Bayan ng
Dinalungan. Palagi raw idinadala sa Bayan ng Baler ang supply ng isda na mas