You are on page 1of 11

9

ARALING PANLIPUNAN
KUWARTER 4: LINGGO 4

CapSLET
Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”

Inihanda ni:

EDEN A. GREGORIO, SST-III


ZNHS West
1

AP9-K4-L4

CapSLET
Araling Panlipunan
ASIGNATURA AT AP ______
KUWARTER 4 LINGGO 4 ARAW
BAITANG G9 PETSA
NILALAMAN Sektor ng Agrikultura

KASANAYANG Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng


PAMPAGKATUTO agrikultura, pangingisda, at paggugubat.

PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang sagot
sa inyong sagutang papel para sa mga gawain.

ALAMIN AT UNAWAIN
PAMANTAYAN PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya
at mga patakarang ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at puwersa tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad.

TUKLASIN:
Ano-ano ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura,
pangingisda, at paggugubat.

Suliranin ng Sektor ng Agrikultura

Ang agrikultura ay may malaking naiambag sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang

kabuuang kita ng ating bansa noong taong 2012 ay nagmula sa sektor ng

agrikultura, subalit naging mabagal ang kita ng agrikultural sa kasalukuyan. Ilan sa

mga kadahilanan ay ang mga sumusunod:

A. Pagsasaka

1. Pagliit ng lupang pansakahan

Ang paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay

nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Ang conversion o

pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan ay

nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan ng mga hayop at halaman.

Inihanda ni:

EDEN A. GREGORIO, SST-III


ZNHS-West
2
AP9-K4-L4

Isa rin ito sa malaking suliranin na kinahaharap ng ating bansa. Kung hindi

magkakaisa ang mga mamamayan at pamahalaan ito ay magdudulot ng iba pang

suliranin sa ating kapaligiran.

2. Paggamit ng teknolohiya

Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa

pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang kaalaman sa paggamit ng mga

pataba, pamuksa ng peste at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging

kapaki-pakinabang lalo sa lumalaking populasyon. Ang kakulangan ng pamahalaan

na bumabalangkas ng polisiya sa pagpapalakas ng ating agrikultura ang isa sa mga

kahinaan na dapat matugunan (Habito, 2005).

3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran

Ang kakulangan ng imprastruktura ay dapat bigyan din ng atensyon ng ating

pamahalaan. Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization

Act of 1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor

upang masiguro ang pagpapaunlad nito. Ang wastong pagpapatupad ng batas ay

matutugunan ang suliranin sa irigasyon, farm-to-market-road at iba pa. Sa panahon

ng panunungkulan ni Pangulong Benigno C. Aquino III, ang pamahalaan ay

nakapagsagawa ng mga kalsada at iba pang kaugnay na proyektong na maikonekta

sa mga pangunahin daanan mula noong 2011.

4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor


Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na
maging matatag ang agrikultura. Ang Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng
iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyang-diin bilang suporta sa
implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura. Ang pagsulong sa batas na ito ay
isang pagkilala sa napakaraming pangangailangang maaaring hindi kayanin ng
departamento ng mag-isa. Ang suliranin sa irigasyon, enerhiya, komunikasyon,
impormasyon, at edukasyon ay mga tungkulin na maibigay ng mga ahensya na ang
pangunahing responsibilidad ay tungkol sa mga nabanggit. Ang Land Bank of the
Philippines ay makapagpautang sa mga magsasaka upang tugunan ang mga
pangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin sa abono, butil at
iba pa.

Inihanda ni:

EDEN A. GREGORIO, SST-III


ZNHS West
3
AP9-K4-L4

5. Pagbibigay prayoridad sa sektor ng industriya

Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ay ang prayoridad ng

pamahalaan sa pagbibigay ng proteksyon sa mga favoured import sa pandaigdigang

pamilihin (Habito at Briones, 2005). Ang kawalan at pagbibigay ng bigat sa industriya

ang nagpahina sa nawawalan ng mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor

agrikultura.

6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal

Isang malaking kompetisyon ang hinaharap ng bansa ay ang pagdagsa ng mga

dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa

presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Dahil sa pagpasok ng

Pilipinas sa World Trade Organization madaling makapasok ang mga produktong

mula sa mga miyembro nito. Dahil dito maraming magsasaka ang naapektuhan,

huminto at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa upang

maging bahagi ng mga subdibisyon.

7. Climate Change

Lubhang nakaaapekto ang climate change sa ating bansa. Noong 2013,

maraming kabuhayan at personal na mga gamit ang nasira dahil sa bagyong

Yolanda. Dapat magkakaisa ang mga bansa upang maiwasan ang mga dahilan na

nagpapalala at nagpapabago sa klima ng buong mundo.

B. Pangisdaan

1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersyal na mangingisda

Sa Aklat ni Balitao et al (2012), ang mga malalaki at komersyal na barko na

ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga korales ng

dagat ng Pilipinas. Thrawl fishing ang ginagamit ng ilan sa mga mangingisda kung

saan gumagamit sila ng mga malalaking lambat upang mahuli ang lahat ng isdang

madaanan, maliit man o malaki. Sa kabila ng mga polisiya ng Pilipinas, hindi

nababantayan ng mga namamahala ang mga mangingisda kaya marami ng coral

reefs ang nasira.


Inihanda ni:

EDEN A. GREGORIO, SST-III


ZNHS West
4
AP9-K4-L4

2. Epekto ng polusyon sa pangingisda

Sa aklat nina Balitao et al (2012), ang patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at

Manila Bay dahil sa polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura at

industriya at ang mga dumi ng tao, mga kemikal gamit sa pagtatanim at mga

kemikal mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa.

3. Lumalaking populasyon sa bansa

Ang pagtaas ng bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas

na pressure sa yamang tubig at yamang likas ng bansa. Kung hindi magkakaroon

ng patuloy na pag-unlad, mahihirapang makaagapay ang bansa sa lumalaking

pangangailangan ng mamamayan dulot ng pagdami ng tao kung saan maaaring

maganap ang kutob ni Thomas Malthus na maaring magdulot ng kahirapan sa

kakulangan ng pagkain.

4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod sa

bansa. Sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay. Hindi kataka-taka sa

lahat ng mga sektor, ang mga mangingisda at magsasaka ay may pinakamataas na

poverty incidence noong 2009 ayon kay Jose Ramon Albert (2013).

C. PAGGUGUBAT

1. Mabilis na nauubos ang ating likas na yaman dahil sa mga pangan-

gailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at miner-

al;

A. Nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit sa industriya.

B. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop.

C. Nagiging sanhi rin ito ng pagkabaha sa libo-libong ektaryang pananim.

D. Naapektuhan din ang pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na

ginagamit sa irigasyon.

E. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa, dahil sa

kawalan ng puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw kasama ang
Inihanda ni:
sustansya nito.
EDEN A. GREGORIO, SST-III
ZNHS West
5
AP9-K4-L4

MAGAGAWA MO. . .
Masusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura,
pangingisda at paggubat.

Simulan Natin!
Gawain 1
CONCEPT WEB

Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ang kahon ng mga salita na may
kaugnayan sa suliranin ng sektor ng agrikultura.

SULIRANIN NG AGRIKULTURA

Pamprosesong tanong:

1. Bakit may mga suliranin sa sektor ng agrikultura?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano-ano ang epekto ng mga suliranin sa sektor ng agrikultura?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Inihanda ni:

EDEN A. GREGORIO SST-III


ZNHS West
6
AP9-K4-L4

Kaya Mo ‘To!
Gawain 2
Pag-isipan Mo!

Panuto: Magbigay ng isang suliranin sa iba’t ibang sektor ng agrikultura at


ipaliwanag ang dahilan at epekto nito.

Sektor ng
Suliranin Dahilan Epekto
Agrikultura

Pagsasaka

Pangingisda

Paggugubat

Pamprosesong tanong:

1. Ano-ano ang suliranin ng sektor ng paghahalaman, paggugubat, at pangingisda?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Paano ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura nakaaapekto sa pang-araw-araw


na pamumuhay?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Paano ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura nakaaapekto sa pambansang


kaunlaran?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Inihanda ni:

EDEN A. GREGORIO SST-III


ZNHS West
7
AP9-K4-L4

TANDAAN MO!
Tulong-Kaalaman

 Ang sektor ng agrikultura ang pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap na


ginagamit sa sektor ng industriya para makagawa ng mga bagong produkto o
serbisyo.

 Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng pagsasaka, pangingisda,


paghahayupan, paggugubat, at pagmimina.

 Iba't ibang suliranin ang kinakaharap ng sektor ng agrkultura:


1. Pagkaubos ng puno sa kagubatan
2. Erosyon ng Lupa (Soil erosion)
3. Polusyon
4. Climate change
5. Kakulangan ng implementasyon ng Programang Pampamahalaan
6. Kawalan ng suporta mula ng pribadong sektor

NATUTUHAN KO . . .
Subukin natin kung kaya mo!

MARAMIHANG PAGPIPILIIAN:
Panuto: Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Mabilis maubos ang mga likas na yaman lalo na ng kagubatan. Alin sa mga
sumusunod ang magiging epekto nito?

A. mawawalan ng tirahan ang mga hayop


B. mapalaganap ang pagtrotroso
C. madagdagan ang mga suplay ng hilaw na sangkap
D. uunlad ang kabukiran

2. Isang suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o


madaling pagkasira ng kanillang mga ani o produktong agrikultural. Bakit
nangyayari ito?

A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.


B. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan.
C. Kawalan ng maayos na daan patungo pamilihan(Farm-to-market road)
D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad

3. Sinasabing malaking bahagdan ng Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang


nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa mga sumusunod ang hindi
nabibilang sa sektor ng agrikultura?

A.pagmimina C. paggugubat
B.pangingisda D. paghahayupan

Inihanda ni:

EDEN A. GREGORIO SST-III


ZNHS West
8
AP9-K4-L4

4. Kung ikaw ay isa sa mga magiging opisyales ng pamahalaan na nangangalaga sa


agrikultura, ano ang iyong gagawin upang maisaayos ang kalakarang agrikultural
ng bansa?
A. Magtutuon sa mga sektor ng agrikultura na nagbibigay ng malaking kita sa
bansa.
B. Magbibigay ng malaking pondo para sa sektor na ito.
C. Mag-aaral at makikipagtulungan sa iba pang eksperto kung paano mapaunlad
ng bansa.
D. Hahayaan na lamang sa mga agriculturist ang desisyon para sa agrikultura
ng bansa.

5. Paano nakakatulong ang sektor ng agrikultura upang makakuha ng kita mula sa


labas ng bansa?
A. Nagsusuplay ang sektor na ito ng karagdagang pondo tulad ng kapital o lakas
paggawa sa ibang sektor ng ekonomiya.
B. Sinusuplayan ng agrikultura ang pagkain at iba pang pangangailangan ng mga
tao.
C. Pangunahing iniluluwas ng mga maunlad na bansa ang mga produktong
agrikultuural upang madagdagan ang kita.
D. Nakakapangutang ang sektor ng agrikultura sa ibang bansa upang pantustos
sa pangangailangang pang-agrikultural na makakatulong sa paglago ng
ekonomiya.

6. Upang malutas ang mga suliranin sa agrikultura tulad ng pagkaubos ng kagubatan


at mga lamang dagat, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng pamahalaan
para malutas ito?
A. Bibigyan ng malaking budget ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura.
B. Magtatatag ng mga ahensya at programana tutulong sa sektor na ito.
C. Magsasagawa ng isang kampanya upang humikayat na pangalagaan ang
agrikultura.
D. Magbigay ng maraming pananim at binhi ng mga isda sa mga mamamayan
upang alagaan.

7. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na tumulong sa pagsagip sa kalikasan,


ano ang iyong gagawin?
A. Magtatanim ng maraming puno upang maibalik ang mga nawalang puno sa
kagubatan.
B. Sasali sa mga pambansang kilusan na laban sa ilegal na pagtotroso.
C. Magtatanim ng maraming bakawan upang maging alternatibo sa mga puno na
nawala.
D. Maglilinis ng kapaligiran at magtatapon ng basura sa tamang tapunan nito.

Inihanda ni:

EDEN A. GREGORIO SST-III


ZNHS West
9
AP9-K4-L4

8. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change sa sektor ng agrikultura?


A. Pagpalit ng lupang agrikultural patungong industriyal
B. Paglawak ng lupaing pansakahan
C. Pagbaba ng kitang pang-agrikultural
D. Paglaki ng populasyon

9. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng mabilis na pagkaubos ng mga kagubatan?


A. Erosyon ng mga lupain at pagbaha.
B. Pagkaubos ng mga puno at watershed.
C. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop.
D. Hindi na napapalitan ang mga punong tinanggal.

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliranin sa sektor ng
pangingisda?
A. Irigasyon
B. Climate change
C. Thrawl fishing
D. Polusyon

Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo


D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr, Alex P. Mateo, and Irene J.
SANGGUNIAN Mondejar. Ekonomiks: Araling Panlipunan- Modyul para sa Mag-aaral.
Philippines: Vibal Group Inc., DepEd-BLR, 2017, 412-416.

DISCLAIMER
This learning resource contains copyright materials. The use of which has not
been specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning
resource in our efforts to provide printed and e-copy learning resources available for
the learners in reference to the learning continuity plan for this division in this time of
pandemic. This LR is produced and distributed locally without profit and will be used
for educational purposes only. No malicious infringement is intended by the writer.
Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this
learning resource.

Inihanda ni:

EDEN A. GREGORIO SST-III


ZNHS West
1

AP9-K4-L4

SUSI SA PAGWAWASTO
MAGAGAWA MO . . .
Simulan Natin!
Gawain 1
CONCEPT WEB

Maaaring magkaiba-iba ang mga sagot ng mga-aaral

Kaya Mo ‘To!

Pag-isipan Mo! Gawain 2

Maaaring magkaiba-iba ang mga sagot ng mga-aaral

NATUTUHAN KO . . .
MARAMIHANG PAGPIPILI

1. A 6. C

2. C 7. A

3. A 8. C

4. A 9. A

5. A 10. A

Inihanda ni:

EDEN A. GREGORIO SST-III


ZNHS West

You might also like