You are on page 1of 12

9

Araling Panlipunan
Learning Activity Sheets
Quarter4-Week 3-6
I. Mga layunin (MELC)
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, atpaggugubat sa
ekonomiya
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura,
pangingisda, at paggugubat
Napapahalagahan ang sektor ng agrikultura

IVY ROLYN P. DULTRA


WRITER/DEVELOPER
LAUNION NHS
Pangalan:_________________________________Baitang/Seksyon:____________
Paaralan:___________________________________________________________
Guro:______________________________________________________________

II. Alamin(what I need to know)

ANG SEKTOR AGRIKULTURA


Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at dami ng mga
lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang
ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura. Sa katunayan, malaking bilang ng mga
mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya tulad ng ipinakikita sa Talahanayan 1.
Makikita na sa taong 2010, nasa mahigit 12 milyong Pilipinong manggagawa ang kabilang
dito, pangalawa sa sektor ng paglilingkod na nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga Pilipino.

Talahanayan 1. Kabuuang Trabaho ayon sa Sektor at Kabuuang Lakas

Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan


(livestock), pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry).

Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais,
niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical
Coordination Board (NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor
na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at
iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas

Paghahayupan. Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw,


baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-
supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay
gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon
ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.

Pangingisda. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda
sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa
ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at
aquaculture. Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang
gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga
gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng
nasasakupan ng pamahalaang bayan. Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa
loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na
tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing
vessel. Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng
mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang),
brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011).

Paggugubat. Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor


ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap
sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood,
tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang
rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.

Kahalagahan ng Agrikulttura
Ang pag-uunlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng
ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor,
partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa
pangangailangan ng mamamayan.
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. Ang lupain ng Pilipinas
ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, patatas, at iba pa.
Mayroon ding inaaning mga prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging. Mainam
din ang temperatura dito bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop na ginagamit sa
mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao.

2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto. Nagmumula sa


sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at karagatan na
maaaring gamitin sa produksiyon. Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng goma ay
gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at halamang mayaman sa hibla para sa tela at
sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at dahon at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot.

3. Pinagkukunan ng kitang panlabas. Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng


Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang
pamilihan. Kabilang sa mga iniluluwas ng bansa na pinagmumulan ng kitang dolyar ang
kopra, hipon, prutas, abaka, at iba pang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng
iba’t ibang produkto.

4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa National Statistics


Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pilipinong may trabaho ay nabibilang sa
sektor ng agrikultura. Karaniwan silang nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda,
minero, o tagapag-alaga sa paghahayupan.

5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa


Sektor ng Industriya at Paglilingkod. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya na
ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki
ng populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya
at paglilingkod batay sa laki ng demand sa mga ito.

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura


Malaki ang kontribusyon ng agrikultura sa ating pambansang ekonomiya. Para sa
taong 2012, ang 11% ng kabuuang kita ng ekonomiya ay nagmula sa sektor na ito
(NSCB). Sa pangkalahatan, kung ating titingnan ang talahanayan 3, makikita ang
naging kontribusyon ng agrikultura sa kita ng bansa sa iba’t ibang panahon.
Gayumpaman, kapuna-puna mula rito ang mabagal na pag-unlad kung ikokompara
sa sektor ng paglilingkod. Ilan sa kadahilanan ay ang sumusunod

A. PAGSASAKA
1. Pagliit ng lupang pansakahan.
Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at
industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil
dito, kinakailangang mapalakas ang pagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa
agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na
nasa 100 milyon ngayong 2014.
2. Paggamit ng teknolohiya.
Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa
pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa paggamit
ng mga pataba, pamuksa ng peste, at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay
magiging kapaki-pakinabang lalo sa hamon ng lumalaking populasyon
3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.
Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga
imprastrukturang magagamit ng ating mga magsasaka. Isa ito sa mga nakita nina
Dy (2005), at Habito at Bautista (2005) batay sa isinulat nina Habito at Briones
(2005) na kinakailangang matugunan
4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor.
Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging
matatag ang agrikultura
5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya.
Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito at Briones
(2005) ay ang naging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa
mga favored import sa pandaigdigang pamilihan .Mas binibigyan ng pamahalaan ng
maraming proteksiyon at pangangalaga ang industriya. Dahil dito, nawawalan ng
mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng agrikultura
6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng
pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
7. Climate Change.
Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa tulad
ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013. Milyon –
milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at personal na mga gamit.
B. PANGISDAAN
1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda.
Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na barko na
ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga korales.
2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.
Binanggit din sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na pagkasira ng Laguna
de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan,
agrikultura, at industriya.. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay
naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating ng
panahon.

3. Lumalaking populasyon sa bansa.


Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng
mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa
kabuuan
4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.
Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na
natatanggap. Dahil dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay.
Ayon kay Jose Ramon Albert (2013), ‘hindi kataka- taka na sa lahat ng sektor, ang
mga mangingisda (41.4%) at magsasaka (36.7%) ang may pinakamataas na poverty
incidence noong 2009. Ito ay kapansin-pansin na mas mataas nang bahagya sa
kabuuang populasyon ng mahihirap sa ating bansa (26.5%)’. Ang mababang kita sa
uri na ito ng hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga batang miyembro ng kanilang
pamilya na manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita ang kanilang
pagpunta sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran
C. PAGGUGUBAT
1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan.
Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis na nauubos ito dahil
sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga
troso at mineral.
a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng
mga industriya.
b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya
hindi sila makapagparami.
c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim
taon-taon.
d. Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na
ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan.
e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa. Dahil sa
kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama
ang sustansiya nito.

Ang Kahalagahan ng Likas Kayang Paggamit sa Pangingisda at Pagtotroso


Mula kina Balitao et al. (2012), kabilang sa kanilang iminumungkahi upang matiyak
ang likas-kayang paggamit sa pangisdaan ay ang tuwirang ugnayan sa pagitan ng
lokal na pamahalaan, samahang mangingisda, at ang mga miyembro ng kapulisan
upang matiyak ang tamang paraan ng pangingisda. Ang samahang ito ay maaaring
bumuo ng isang pangkat na ang pangunahing adbokasiya ay pangalagaan ang
karagatan at iba pang anyong tubig na pangunahing pinagmumulan ng mga
yamang- tubig, kasama ang mga bakawan kung saan madalas na mangitlog ang
mga isda. Kabilang sa mga dapat na mabantayan ay ang paggamit ng mga lambat
na masyadong pino, pagbabawal sa pamaraang thrawl fishing, at paggamit ng mga
pampasabog na nagdudulot ng malaking pinsala sa karagatan. Dapat ding maging
mahigpit ang pamahalaan sa pabibigay ng mga lisensiya at pagkilala sa malalaking
kompanya na pangingisda ang negosyo. Siguraduhin na sila ay susunod sa
itinatakdang pamaraan ng pangisdaan at hindi manghuhuli ng mga isdang
nanganganib nang maubos. Ito ay mangangahulugan ng tunay at tapat na
implementasyon ng mga panuntunan upang masiguro ang kaligtasan ng ating
katubigan.

Sa isyu ng pagtotroso, mahalagang maipaalam sa bawat Pilipino ang kahalagahan


sa pag-iingat ng ating mga kagubatan. Ilan sa mga inisyatibong maaaring gawin ay
sa pamamagitan ng pagpapasok sa kurikulum tungkol sa pag-iingat at likas- kayang
paggamit sa mga produktong mula sa kagubatan. Maaari ding gamitin ang mga
social networking sites at media upang maipabatid ang papel ng bawat isa upang
mapangalagaan ang mga likas na yaman.

III. Mga Gawain

Gawain 1: KANTANG BAYAN – ALAM KO!

Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa isip mo kapag binabasa,


naririnig o inaawit ang ‘Magtanim ay ‘Di Biro’?

Magtanim ay di biro Kay-pagkasawing-palad Halina, halina, mga


Maghapong nakayuko Di Ng inianak sa hirap, Ang kaliyag, Tayo’y
naman makatayo Di bisig kung di iunat, Di magsipag-unat-unat.
naman makaupo Bisig kumita ng pilak Magpanibago tayo ng
ko’y namamanhid Sa umagang pagkagising lakas Para sa araw ng
Baywang ko’y Lahat ay iisipin Kung bukas (Braso ko’y
nangangawit. Binti ko’y saan may patanim May namamanhid Baywang
namimintig Sa masarap na pagkain. ko’y nangangawit. Binti
pagkababad sa tubig. ko’y namimintig Sa
pagkababad sa tubig.)
Pinagkunan: Retrieved from http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tagalog-Folk-Songs/magtanim-ay-di-biro.html on January 13, 2015

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo kaugnay ng awiting “Magtanim ay Di Biro”?
2. Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo habang inaawit ang “Magtanim ay Di
Biro”?
3. Anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang tema ng awitin? Ipaliwanag.
Gawain 2:Larawan! Kilalanin! Batay sa iyong binasa, isulat ang bahaging ginagampanan ng bawat
gawaing nakapaloob sa sektor ng agrikultura.

Gawain 3: CONCEPT WEB

Batay sa binasang teksto, punan ang kahon ng mga salita sa susunod na pahina na may
kaugnayan sa suliranin ng sector
Gawain 4:Concept Definition Map

IV. Pagtataya:

1. Dito umaasa ang lahat ng sektor upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at
mgahilaw na sangkap na kailangan sa produksyon
a.Industriya b. Agrikultura c. paglilingkod d. impormal na sector
2. Sektor ng agrikultura na nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa
karne at iba pang pagkain.
a. paghahalamanan b.pangingisda c.paghahayupan d. paggugubat
3. Ito ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na
nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga
yaman nito

a. paggugubat b.pangingisda c.paghahayupan d. paggugubat


4. Ang pangisdang ____________ ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at
iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan
a. aquaculture b.pangangalakal c.paggamit ng lambat d.wala sa lahat
5.Kasama dito ang produksyon ng gulay,halamang gubat, at halamang mayaman sa hibla.
a. paggugubat b.pangingisda c.paghahayupan d. paghahalaman

B. Agrikultura ay Mahalaga
Hanapin sa ibaba ang mga kasagutan.
1. Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at
karagatan na maaaring gamitin sa produksiyon.
2. Ayon sa National Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pilipinong may
trabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura.
3. Ang lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo,
patatas, at iba pa.
4. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na
pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng populasyon, ang mga sobrang
manggagawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilingkod batay sa laki ng
demand sa mga ito.

5. Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at
karagatan na maaaring gamitin sa produksiyon

a.Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain


b.Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto
c.Pinagkukunan ng kitang panlabas
d.Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino
e.Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa
Sektor ng Industriya at Paglilingkod

V.Karagdagang
IV: Karagdagang Gawain:
Gawain
Maggupit o gumuhit ng mga larawan na may kaugnayan sa Agrikultura.
Susi saPagwawasto

Gawain 1 Gawain 3.COPY THE CONCEPT MAP


(Answers may vary)
AGRIKULTURA
Gawain 2:

1. Hal.Kalabaw- Paghahayupan Ano ito?


naman ay binubuo ng pag-aalaga ng
Dito napapaloob ang pagtatanim, pag-aalaga ng hayop
kalabaw, baka, kambing, baboy, upang maging isang pagkain ng sangkatauhan.
manok, pato at iba pa. Nakatutulong
Ang agrikultura ay ang pinagkukunan din ng mga ibat-
sa pagsupply ng karne.
ibang hilaw na produkto kagaya ng hibla, panggatong,
gamut at iba pa.
2.
Ano ang bumubuo dito?
3.
Paghahalaman,paghahayupan,paggugubat at pangingisda
4.
Ano ang mga kahalagahan nito?
5 Hal. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng
pagkain

Pagtataya

A. 1.b B.1.b.

2.c 2. d

3.a 3.a

4.a 4.e

5.d 5. c

VI.Sanggunian

Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module.
Pasig City: DECS.
Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga
Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
Briones, Roehlano M. 2013. Philippine Agriculture to 2020: Threats and Opportunities from Global
Trade. Retrieved from www.pids.gov. ph/dp.php?id=5145&pubyear=2013 on August 14, 2014
Philippine Agriculture over the Years: Performance, Policies and Pitfalls, Habito C. And Briones, R
(2005. Retrieved from https://www.
google.com.ph/search?q=Philippine+Agriculture+over+the+Years%
3A+Performance%2C+Policies+and+Pitfalls%2C+Habito+ C.+An
d+Briones%2C+R&oq=Philippine+Agriculture+
over+the+Years%3A+Performance%2C+Policies+and+Pitfalls %2C+Habito+C.+And+
Briones%2C+R&aqs=chrome..69i57.2239j0j8&sourceid=chrome&es_sm=93&ie=UTF-8 on August
11, 2014
Morris, J. (2002). Sustainable Development: Promoting Progress or Perpetuating Poverty?. London:
Profile Books Ltd.
National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013. Retrieved from
www.nscb.gov.ph/beyondthenumbers/2013/04122013_jrga_ agri.asp on July 7, 2014

You might also like