You are on page 1of 4

Mauraro National High School

Mauraro, Guinobatan, Albay

Ipinasa kay:

Gng. Grace S. Morta


Guro sa A.P.

Ipinasa ni:

Abegail M. Palermo
Grade 10 - Rizal
Ang Sektor ng Agrikultura
naglalayong maisulong at mapabuti ang kalagayan ng mga taong kalahok dito at mapaunlad ang
antas ng kanilang gawain

Nahahati ang sektor ng agrikultura sa:


1. Paghahalaman
2. Paghahayupan
3. Pangingisda
4. Paggugubat

A. PAGHAHALAMAN
Ito ay tumutukoy sa mga pangunahing pananim ng bansa tulad ng palay, mais, niyog tubo,
saging, pinya, kape, mangga, tabako at abaka. Malaki rin ang produksyon ng gulay, halamang ugat
at halamang yaman sa hibla (fiber) sa gawaing pang agrikultura ng bansa. Halimbawa nito ay ang
mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at kalamansi.

B. PAGHAHAYUPAN
Malawak ang industriyang ng paghahayupan sa bansa. Mga pangunahing inaalagaan ang
mga kalabaw, baka,kambing,baboy, manok at pato. Upang mapigilan ang pagbaba ng bilang ng
kalabaw itinatag ang Batas Republika Bilang 7307 ang Philippine Carabao Center na siyang
mangangasiwa sa pagpaparami at pagpapaunlad ng populasyon ng mga kalabaw bilang katulong
sa pagsasaka at pagkukunan ng karne, gatas at katad. Ang Batas Republika bilang 8485 o ang
Animal Welfare Act of 1988 ay nagpapahintulot na katayin ang kalabaw kung ito ay dalawa o
tatlong taong gulang na.
C. PANGISDAAN
Ang Pilipinas ang pinakamalaking prodyuser ng isda sa buong mundo. Nahahati ang
industriya ng pangisdaan sa pangisdaang komersyal, municipal at aquaculture. Ang aquaculture
ang pinakamalawak ang kabuuan. Ang hipon at sugpo ang pangunahing produktong niluluwas sa
ibang bansa. Ang carrageenan ang damong dagat na ginagawang gulaman.

D. PAGGUGUBAT
Ito ay tumutukoy sa mga yamang gubat kagaya ng troso, plywood, table at iba pang mga
yamang nakukuha sa mga punong kahoy sa kagubatan. Kasama rin dito ang mga produktong gubat
na hindi kahoy tulad ng rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.

Kahalagahan ng Agrikultura
agrikultura ay isang agham na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na
materyales mula sa likas na yaman

Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng
ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor,
partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa
pangangailangan ng mamamayan.
Dahil dito, ang agrikulura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at maging
katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa sumusunod na kahalagahan:
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. Ang lupain ng Pilipinas ay
akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, patatas, at iba pa. Mayroon ding
inaaning mga prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging. Mainam din ang temperatura dito
bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na
pangangailangan ng mga tao. Mayroon ding sapat na mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa
katubigan. Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito ang pinagmumulan
ng mga pagkain ng mamamayan.
2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto. Nagmumula sa sektor na
ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at karagatan na maaaring gamitin
sa produksiyon. Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng goma ay gamit para sa paggawa ng
gulong; bulak at halamang mayaman sa hibla para sa tela at sinulid; kahoy para sa mga
muwebles; at dahon at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas. Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas
ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang pamilihan.Kabilang sa
mga iniluluwas ng bansa na pinagmumulan ng kitang dolyar ang kopra, hipon, prutas, abaka, at
iba pang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng ibat ibang produkto.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa National Statistics Office
(NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pilipinong may trabaho ay nabibilang sa sektor ng
agrikultura. Karaniwan silang nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda, minero, o
tagapagalaga sa paghahayupan.
5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa Sektor
ng Industriya at Paglilingkod. Sa patuloy na pagunlad ng teknolohiya na ginagamit sa
agrikultura at ang patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng populasyon,
ang mga sobrang manggagawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilingkod
batay sa laki ng demand sa mga ito.
Sa pangkalahatan, ipinakikita nito na ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang
tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang ito ng pamahalaan sa pagpapalakas at
pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan mula sa mga pagkain
hanggang sa mga sangkap ng produksiyon. Ang kasiguraduhang sapat ang kalakasang pisikal at
kasaganaan sa bawat tahanan ay maaaring may positibong epekto sa isang bansa. Samantala,
kung hihigit sa pangangailangan ng bayan ang magagawa, maaari itong maging mga produkto
na ikakalakal sa labas ng bansa. Sa gayon, ang sektor ay magiging isang matibay na sandigan
ng bayan upang makamit ang inaasam nitong kaunlaran.

You might also like