You are on page 1of 11

7

Araling Panlipunan 7
Learning Activity Sheets
Quarter 2-Week 9

1
Mahalagang Kasanayan Sa Pagkatuto

*Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa sinaunang


kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kalagayan at bahaging


ginampanan ng kababaihan sa sinaunang kabihasnan ayon sa kodigo ni Haring
Hammurabi at Manu.
2. Nakakikilala ng mga unang babaeng lider sa Asya at ang naging
kontribusyon nila sa lipunan.

CECILL V. BAGUIN
Writer/Developer
Francisco C. Jongko NHS

2
Name: __________________________________ Grade & Section: ___________________
School: ___________________________________________________________________
Teacher: __________________________________________________________________

Alamin
Ang kalagayan ng mga babae sa sinaunang kabihasnan at bahaging
ginampanan nila ay makikita sa bawat pilisopiya at paniniwala ng mga sinauna
bilang pagtataguyod sa pagpapahalagang Asyano.

Limang Ugnayan o Relasyon ng Confucianismo


 Ang emperador ay mas makapangyarihan sa kanyang mga mamamayan.
 Ang ama ay nakatataas sa kanyang mga anak na lalaki
 Ang asawang lalaki ay mas lamang sa kanyang asawang babae, sa mga
magkakapatid na lalaki.
 Anakakatanda ang mas nakakataas at ang ugnayan ng magkakaibigan ang
tanging pantay sa lahat.

Kodigo ni Hammurabi sa Kababaihan at Sinaunang Lipunan


Lumikha si Haring Hammurabi ng mga batas upang itaguyod ang maayos na
kaugalian at lipunan sa kanyang nasasakupan. Bahagi ng mga probisyon ng batas na
ito ang mababang pagtingin ng kababaihan. Itinuturing ang mga babae na parang
produkto na ibinebenta at binibili sa kalakalan. Ipinagkakasundo ang mga babae sa
ibang lalaki kapalit ng pera at dote. Kahit bata pa lamang ang babae ay
ipinagkaasundo na siya hanggang umabot sa sapat na gulang. Ayon pa rin sa batas
ni Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa kaniyang asawa ay parurusahan ng
kamatayan. Sa oras na nahuli siyang nakikipagtalik sa iabang lalaki pareho silang
itatapon sa dagat hanggang malunod. Pinapayagan na ibenta ng lalaki ang kaniyang
asawa at mga anak. Mahigpit ang pagbabawal sa paglahok ng babae sa kalakalan.

3
Kodigo ni Manu sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan
Ang kodigo ni Manu ay nagtatakda in ng mga batas tungkol sa kababaihan. Ang
isang Brahmin o pari sa Hinduism ay hindi pinapayagan na makipagtalik sa isang
mababang uri ng babae sa lipunan dahilan sa siya ay mapupunta sa impiyerno.
Ipinagkakaloob ang dote sa pamilya ng babae at hindi sa kaniya. Ang mga ritwal na
may kaugnayan na may kaugnayan sa mga kababaihan ay hindi kinikilala. Ayon din
sa kodigo, agwat ng edad mg mag-asawa ay tatlong beses ang tanda sa lalaki sa
kanyang asawang babae. Isa pa na inuutos ng kodigo ay hindi dapat tututol ang ama
na ipagkasundo ang anak na babae na ipakasal dahil ito ay isang malaking paglabag
na katumbas ay pagpapalaglag sa sanggol.

Sa Mesopotamia, ikinakasal ang babae hindi lamang sa kanyang kabiyak kung hindi
sa buong pamilya ng lalaki. Dala niya ang kaniyang dote o dowry at pagiging busilak.
Dala naman ng lalaki ang kaniyang bride price, na tumitiyak sa kaniyang karapatan sa
asawa.
Sa lipunang Vedic sa India, tanging ang mga kababaihan mula sa Kshatriya lamang
ang mamili ng sariling mapapangasawa. Dinarangal sa kanila ang pagiging asawa ng
babae. Tinawag siyang “jaya” (kahati sa pag-ibig ng asawang lalaki); “jani” (ina ng
mga anak); at “patni” (katuwang sa pagtalima ng at pagsasakatuparan ng mga
sakripisyong pangrelihiyon.
Sa mga tagasunod ng Hinduismo ay inaasahang tumalon sa funeral pyre o apoy na
sumusunog sa labi ng kanyang asawa bilang tanda ng katapatan at pagmamahal,
tinatawag itong sati o suttee.
Sa ilang bahagi ng Timog-silangang Asya nagbayad ng bride price ang lalaki para sa
kaniyang mapapangasawa. Maaari din siyang manilbihan nang may dalawa hanggang
tatlong taon upang “mabili” ang babae. Sa gawaing ito naipakita ang pagbibigay-
halaga sa kababaihan.
Sa China, bunsod ng pagiging opisyal ng Confucianism , napagtibay ang patrilineal,
patrilocal, at patriarkal ng pamilyang Chinese. Sa lipunang ito, ang sentro ng pamilya
ay ang lalaki. Maari siyang magkakaroon ng higit sa isang asawa o ng concubine o(
iba pang babae ng asawang lalaki) batay sa kaniyang antas sa buhay at kayamanan.
Tungkulin naman ng babae, sa bawat yugto ng kaniyang buhay, na sundin at
paglingkuran ang malalapit na lalaki sa kanyang pamilya—bilang anak ng kaniyang
ama, kabiyak ng kanyang asawa, at ina sa kaniyang anak na lalaki sa kaniyang
pagkabiyuda.

4
Sa China, isinagawa ang foot binding sa
Unang bingkis ang paa ng babaeng may
edad tatlo hanggang 11 taon. Layunin ng
pagbibigkis na hindi lumaki ang paa nang
lampas sa tatlong pulagada.Ang ganitong
uri ng paa ay tinatawag na lutos feet o Lily
feet na pinaniniwalaan ng mga Tsino na
pamantayan ng kagandahan ng kababaihan
at nagpapatunay na hindi nagtatrabaho ang
babae at kayang suportahan ng kanyang
asawa lalaki.

Sa lipunang Muslim, isinasagawa ang kaugaliang purdah na ang ibig sabihin ay belo sa
salitang Persian kung saan ang mga asawang babae ay nagsusuot ng ng burka o maluwang
na damit na may kasamang belo.Layunin nito na ipaalaala sa mga asawang babae na
tanging ang kanilang asawang lalaki lamang ang may karapatang makakita sa kanya.

5
Ang Mga Gawain

Gawain 1: (Patunayan Mo!)

Direksyon: Batay sa iyong pagbabasa at pang-unawa sa sinaunang lathalain,


ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sitwasyon ng kababaihan sa kodigo ni
Hammurabi at ni Manu?

Kodigo ni Hammurabi Kodigo ni Manu


Mababang pagtingin sa Katayuan ng mga kababaihan
kababaihan

Pagpigil sa karapatan ng kababaihan …..

Karapatan sa pag-aasawa Karapatan sa politika


___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________

6
Gawain 2: (Sagutin Natin)

Direksyon: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.


1. Ano ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang
lipunan?
2. Ano ang bahaging ginampanan ng kababaihan sa
sinaunang lipunan?
3. Bakit limitado ang karapatan ng kababaihan sa lipunan?
Hanggang ngayon ba ay nangyayari pa ito sa mga
bansang Asyano?
4. Sa kabila ng mababang pagtingin ng lipunan paano sila
naging makabuluhang bahagi sa pagbuo at
pagpapayaman ng sibilisasyong Asyano?
5. Magtala ng ilang bagay ukol sa karapatan at kalayaan
ng mga kababaihan na nabago sa kasalukuyang lipunan
o panahon.

Gawain 3: Sino Ito?

Direksyon: Kilalanin ang mga pinunong babaeng nasa larawan na may


malaking ginampanan sa lipunang Asyano. Isulat sa nakalaang patlang ang tamang
sagot.

Megawati Yingluck
Corazon Aquino Shinawatra
Sukarnoputri

7
Indira Gandhi, Park Geun Hye,
Benazir Bhutto

_______________1. Isang di-akalaing pinaka-unang babaeng pangulo na


iniluklok sa posisyon ng “People Power Revolution” sa EDSA. Isinulong ang
Demokratikong pamamahala sa Pilipinas.
_______________ 2.Isang anak na sumunod sa yapak ng kanyang ama.
Nahalal bilang pinakaunang babaeng Prime Minister ng bansang India .
Itinaguyod ang nasimulan ng ama at isinulong ang “Agricultural Movement”.
_______________ 3. Pinakaunang babaeng naging leader sa isang Muslim
Nation sa Pakistan taong 1988.
_______________ 4. Pinakaunang babaeng Prime Minister ng Thailand.
_______________ 5. Pinakaunang Presidente ng Indonesia. Una na rin siyang
naging pinuno ng Indonesian Democratic Party of Struggle (PDI-P), isa sa
pinakamalaking samahang pampulitika simula 1990s.

Tayahin

Direksyon: Tukuyin ang mga kalagayan at karapatan ng babae sa lipunan sa


ibaba. Lagyan ng NO kung ito’y naglalarawan sa mga tungkulin o karapatan ng
babae Noon at NY kung naglalarawan naman sa kalagayan ng babae sa lipunan
Ngayon.

8
_______ 1. Ang mga babae ay itinuring bilang isang bagay na pag-aari na puwedeng
itapon o ipamigay sa kapritso ng kanyang lalaking katiwala o tagapag-
alaga.
_______ 2. Pantay na representasyon at partisipasyon sa pulitika at pamamahala
_______ 3. Walang karapatang magmana mula sa kanilang magulang o asawa.
_______ 4. Iniaatang sa mga mababang uri ng gawain at katayuan sa lipunan.
_______ 5. Mayroong pagkakataong magkamit ng edukasyon.
_______ 6. Sapilitang sinusunog ng buhay sa pamamagitan ng paglukso sa lugar na
pansiga sa patay (pyre) ng asawang namatay.
_______ 7. May proteksyon laban sa pang-aabuso at karahasan
_______ 8. Itinuring na mga katulong at alipin na hindi nasusunod ang sariling
kagustuhan at sariling kapasiyahan.
_______ 9. Hayagang inalispusta at iba't-ibang paghamak.
_______ 10. Malawakang pagpasok ng kababaihan sa mundo ng pinagsama-samang
paggawa.
Karagdagang Gawain
B. Alamin ang mga tradisyunal na paniniwala para sa mga kababaihan.Piliin ang
sagot sa ibaba.
Suttee,
Gawain foot binding
4: Ihulma Mo! , Concubine, Purdah, Bride Price,
_________1. Pagtali sa paa ng telang seda upang hindi hahaba sa tatlong pulgada na
siyang batayan ng kagandahan ng mga babae sa China.
Direksyon:
_________ 2. Pagtalon sa apoy ng sinunog na labi ng asawang lalaki bilang tanda ng
katapatan at pagmamahal dito.
_________3. Pagsusuot ng maluwang na damit at belo upang ikubli ang sarili sa
marami at tanging asawang lalaki lamang ang makakita sa asawang babae.
_________4. Halagang yaman na ibibigay ng babae sa mapapangasawa.
_________ 5. Iba pang babae maliban sa asawa ng lalaking Tsino na
pinahihintulutan batay sa kanyang antas sa buhay at kayamanan.

9
10
Gawain 1.
A. Pagpigil sa karapatan ng kababaihan …..na maging malaya at magkaroon ng
pantay na kalagayan at pagtingin sa lipunan.
B.
1. Karapatan sa pag-aasawa –
Ipinagkakasundo ang mga babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote. Kahit
bata pa lamang ang babae ay ipinagkaasundo na siya hanggang umabot sa sapat
na gulang. ang babaeng hindi tapat sa kaniyang asawa ay parurusahan ng
kamatayan. Sa oras na nahuli siyang nakikipagtalik sa iabang lalaki pareho
silang itatapon sa dagat hanggang malunod.
2. Karapatan sa pulitika –
Ipinagkakaloob ang dote sa pamilya ng babae at hindi sa kaniya. Ang mga ritwal
na may kaugnayan na may kaugnayan sa mga kababaihan ay hindi kinikilala.
Gawain 2.
1. Nagkaroon ng diskriminasyon at mababang pagtingin sa
mga kababaihan.
2. Itinuturing ang mga babae na parang produkto na ibinebenta
at binibili sa kalakalan.
3. Dahil sa itinuturing ang mga kababaihan na mahina kaysa
lalaki na may mga bagay na hindi kayang gawin ang mga
babae.
4. Bagama’t mababa ang pagtingin sa mga kababaihan sa
lipunan, naging makabuluhan bahagi pa rin ng sibilisasyong
Asyano ang mga kababaihan sapagkat sila namamahala at
nangangalaga sa kanyang asawa’t mga anak.
5. Pantay na karapatan sa mga kalalakihan
Pantay na paggawa
Pakikilahok sa kilusang pampulitika at iba pa.
Gawain 3. Tayahin:
1.Corazon Aquino 1.NO 6. NO 11. Foot binding
2. Indira Gandhi 2. NY 7. NY 12. Suttee
3. Benazir Bhutto 3. NO 8. NO 13. Purdah
4. Megawati Sukarnoputri 4. NO 9. NO 14. Bride Price
5. Yingluck Shinawatra 5. NY 10. NY 15. Concubine
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

De Castro,Patrick Anthony S. et.al.Araling Asyano7 (Ikalawang Edisyon


2018).Quezon City:Sibs Publishing House, Inc.
Internet:

https://www.google.com/search?q=kontribusyon+ng+mga+sinaunang+lipunan
+at+komunidad+sa+asya
https://www.google.com/search?q=sinaunang+kabihasnan+kontribusyon
https://www.slideshare.net/EvalynLlanera/modyul-13-kababaihang-asyano-sa-
sinaunang-panahon
https://www.slideshare.net/EvalynLlanera/modyul-13-kababaihang-asyano-sa-
sinaunang-panahon

https://www.google.com/search?q=purdah&tbm=isch&hl=en&chips=q:muslimah+
beautiful+purdah,g_1:muslimah:

11

You might also like