You are on page 1of 15

7

ARALING PANLIPUNAN
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Mga Sinaunang Kababaihan sa Asya
( AP7KSA-llc-1.4)

i
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Mga Sinaunang Kababaihan sa Asya

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jamie Anne O. Arevalo


Editor: Glorilyn D. Reodique

Tagasuri: Divina M. Diaz, Ph.D.

Tagaguhit: Franklyn D. Vargas

Tagalapat: Michael M. Uy, Ph.D.

ii
Pamagat Mga Sinaunang Kababaihan sa Asya

Ang iyong matututunan sa modyul na ito ay ang

mahalagang tungkulin at mga karapatan ng sinaunang

kababaihan.

Mga Layunin • Nasusuri ang bahaging ginampanan ng

kababaihan sa pagtataguyod at pagpapanatili ng

mga pagpapahalagang Asyano

• Napaghahambing ang kalagayan at karapatan ng

sinaunang kababaihan at ang makabagong

kababaihan.

• Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa

isyung may kinalaman sa kababaihan

Talahulugan Burka- isang damit na maluwag na may kasamang belo,

tinatakpan nto ang buong katawan ng babae.

Dote o dowry- pera o pag aari na ipinagkakaloobsa

pamilya ng mapapangasawa o kilala rin sa tawag na

bigay kaya

Female Infanticide- sadyang pagkitil sa buhay ng

sanggol na babae

Footbinding- sadyang pagbabali ng arko ng paa at pag

iipit ng mga laman nito upang hindi ito lumaki ng normal

Funeral Pyre- apoy na sumusunog sa labi ng isang tao

Lotus Feet o Lily Feet- tawag sa na footbind na paa ng

babae

1
Purdah- ang babae ay itinatago sa mata ng publiko sa

pamamagitan ng damit na nagtatakip sa katawan, mukha

at buhok ng babae.

Sati o Suttee- ito ay pagpapatiwakal ng isang biyudang

babae upang makasama hanggang kamatayan ang

asawa, ang babae ay tumatalon sa apoy na

pinagsusunugan sa labi ng lalaking asawa upang

maging sakripisyo.

Panimulang Isulat ang salitang LODI kung sa tingin mo ang


Pagsubok
pahayag ay tama, at isulat naman ang salitang

PETMALU kung ang pahayag ay mali.

1. Ang sinaunang kababaihan ay may karapatang

makapag aral at masunod ang minimithi sa buhay.

2. Tinuturing ang sinaunang kababaihan bilang

isang produkto na pwedeng ikalakal at ipagbili.

3. Tanging ang ama lamang ng mga kababaihan

noon ang may karapatang mag desisyon para sa

kanyang anak na babae.

4. Ang mga sinaunang kababaihan ay may

kalayaang pumili ng kanilang mapapangasawa.

5. Sa loob lamang ng kanilang bahay pwedeng

manatili ang sinaunang kababaihan at hindi

pinahihintulutang maka labas ng bahay.

2
Mga Gawain Basahin ng mabuti ang nilalaman ng bahaging ito upang
sa Pagkatuto
mas maunawaan at maiitindihan ang paksa tungkol sa .

Mga Sinaunang Kababaihan sa Asya. Pagkatapos ay

sagutan ang mga nakahandang gawain upang sukatin

ang iyong natutunan sa modyul na ito.

Ang Kababaihan sa Code of Hammurabi at


Code of Manu

Noong panahon ng mga Babylonian sa Kanlurang

Asya, isinabatas ni Haring Hammurabi ang maraming

kaugalian na umiiral sa lugar. Ang naging resulta ay ang

batas ni Hammurabi.

Sinalamin ng ilang probisyon ng Batas ni

Hammurabi ang mababang pagturing pagturing sa mga

kababaihan. Halimbawa, ang babae ay tinuturing na

bagay na maaring ikalakal. Kayat ang pag aasawa ay

maituturing na isang transaksiyon pananalapi. Ang ama

ng babae at ama ng lalaki ang papasok sa isang

kontrata.

Magbibigay ng regalo, na karniwan ay pera, ang

ama ng lalaki sa ama ng babae. Kung sasang-ayon ang

ama ng babae sa regalo, bibigyan niya ang kanayang

anak na babae ng dote na mananatili sa kamay ng

babae sa oras na ikasal siya.

Madalas na sa pagkabata palang ay inaayos na

ang pagkakasundong magpakasal ang isang babae at

3
lalaki. Sa oras na may sapat ng edad na ang babae, sila

ng lalaki ay maaari nang magbuklod. May lubos na

kapangyarihan ang asawang lalaki sa kanayang pamilya

at maaari niyang ipagbili ang kanyang asawa at anak.

Samantala, hindi malinaw ang posisyon ng Code of

Manu sa pagturing sa kababaihan. Tutol ang kodigong

ito sa dote. Ayon sa kodigo, ang ama ng isang babae na

tumatanggap ng dote ay maihahalintulad sa isang tao na

nag aalok ng babae sa isang lalaki.

Sinasabi rin ng kodigo na ang huwarang agwat ng

edad na mag asawa ay tatlong beses ang tanda ng lalaki

sa kanyang asawang babae.

Ayon pa rin sa kodigo, ang amang ayaw pang

ipakasal ang kanayang anak na nagdadalaga na ay

nakagagawa ng isang paglabag sa batas na kasing-

samang pagpapalaglag sa bata. Ito ang dahilan na dapat

na nagluluwal na ng sanggol ang babae.

Ang Tradisyumal na Papel ng Babae

Itinuturing na iisa lamang ang maaring tunguhin ng

babae sa tradisyunal na Asya. Ito ay ang maging isang

asawa at maging ina. Bilang asawa, ang babae ay dapat

maging isang tapat na kabiyak at dapat niyang

pagsilbihan ang kanyang asawa.

4
Kababaihan sa Timog Asya

Mababa ang posisyon ng babae sa India. Hindi

mahalaga ang anak na babae dahil siya ay nagbibigay

ng dote o dowry kapag ikinakasal. Ibig sabihin nito ay

binabawasan ng babae ang yaman o ari-arian ng

kanyang pamilya. Dahil ditto ay namayani sa lipunan nila

ang Female Infanticide o sadyang pagkitil sa buhay ng

sanggol na babae dahil tinuturing ang mga kababaihan

bilang bagay o kasangkapan.

Tradisyon din sa India na ipinapakasal isang babae

sa edad na 5 o 6 na taong gulang pa lamang. Nasa

batas ng Hindu na ang dapat mapangasawa ng isang

babae ay tatlong beses ang agwat ng mapapngasawa

niya lalaki. Gingawa ito upang maiwasan ang mga

iskandalo na ang isang babae na magkaroon ng isang

relasyon bago ang knayang asawa.

Sa India, bilang paggalang sa asawang lalaki, ang

asawang babae ay kakain lamang pagkatapos kumain

ng kanyang asawa.

Kababaihan sa Silangang Asya

Sinasalamin sa China ang mababang antas ng

babae sa kaugalian ng Footbinding. Ito ay sadyang

pagbabali ng arko ng paa upang hindi ito lumaki nang

5
normal. Tinawag ang ganitong klaseng mga paa bilang

lotus feet o lily feet. Ito ay ginagawa habang bata pa ang

babae.

Sinasabing isa itong pamantayan ng kagandahan

para sa mga sinaunang Tsino, isang pananaw na

sinimulan ng Dinastiyang Song. Humahanap ang isang

lalaking tsino ng isang babaing tsino na may ganitong

klaseng paa upang mapangasawa. Ang pagkakaroon ng

lotus feet o lily feet dulot ng footbinding ay patunay rin na

ang babae ay hindi nagtatrabaho. Nasa bahay lamang

siya at kayang suportahan ng kanyang asawa.

Ang anak na lalaki lamang ang may karapatan na

magdesisyon sa kanilang pamilya at kanilang ari-arian.

At pag nasa legal na edad na ang anak na lalaki ay

kailangan ng sumunod sa kanya ang kaniyang ina.

Kababaihan sa Kanlurang Asya

Sa mga lipunang Muslim, may mga kaugalian na

sumasailalim sa mababang antas ang kababaihan. Ito

ang kaugalian ng Purdah na ang ibig sabihin ay belo sa

salitang Persian. Inaasahan ang babae na itago ang

kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng burka,

isang damit na maluwag na may kasamang belo.

Layunin ng kaugalian na ito ang ipaalala na

tanging ang kanyang asawang lalaki ang may

6
karapatang makakita sa kanya. Pinagtitibay ng

kaugaliang ito ang pagpoprotekta sa karapatan ng

asawang lalaki sa asawang babae.

May pagkakahawig ang tadhana ng kababaihan sa

tradisyunal na Asya. Mababa ang tingin ng lipunan sa

babae. Kung mag-asawa ang babae, siya ay nagiging

bahagi ng pamilya ng lalaki. Sa ganitong sitwasyon, ang

babae ay napapasailalim sa kapangyarihan sa kanyang

biyenanna babae. Wala o kaunti ang karapatang legal ng

asawang babae. Ipinagkakait din sa kanya ang mag-

impok ng sariling ari arian.

Pagsasanay Batay sa iyong nabasa at pang-unawa sa naunang mga


pahina, ibigay pagkakaiba at pagkakatulad ng sitwasyon
ng kababaihan sa Kodigo ni Hammurabi at ni Manu.

Kodigo Ni Kodigo Ni
Hammurabi Manu

7
Pagkatapos matukoy at maunawaan ang mahahalagang

ginampanan ng sinaunang kababaihan sa Asya. Maaari

mo nang balikan ang mga natutunan at isa isahin ulit ito

upang iyong mas maintindihan.

Kababaihan Kababaihan

sa sa

Timog Asya Kanluran Asya

Kababaihan

sa
Silangan Asya

Para saiyo ano ang pagkakaiba ng katayuan ng

sinaunang kababaihan sa makabagong kababaihan.

Paghambingin ang mga ito sa pamamagitan ng mga

learning oraganizer katulad ng Venn Diagram sa pag

hahambing ng gawain.

8
Sinauna at
Makabagong
Kababaihan

Pagkakatulad Pagkakaiba

Pangwakas na Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong para


Pagsubok:
mabigyang linaw ang mga araling pinag-aralan.

1. May karapatan ba ang mga kababaihan ayon sa

batas ni Hammurabi at Manu? Ipaliwanag ang

iyong sagot.

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

2. Sa Tradisyunal na Asya, ano lamang ang nagiging

tunguhin ng mga babae? Bakit?

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

9
3. Ang Purdah ay sinasabing sumasalamin sa

tradisyunal na Kanlurang Asya. Ipaliwanag ang

iyong sagot.

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

4. Bilang isang mag aaral o mamamayan paano mo

ipinapakita ang iyong paggalang sa mga

kababaihan. Magbigay ng halimbawa.

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

5. Para saiyo, Dapat bang bigyan ng pagkakataon

ang mga kababaihan na mamuno o maging lider

ng mga samahan? Pangatwiranan ang iyong

sagot.

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

10
Karagdagang Sumulat ng sanasay o editorial tungkol sa sinaunang
Gawain
kababaihan sa Asya. Gamitin ang rubrik sa pagsulat ng

inyong sanaysay.

Kategorya Inaasahan Iskor


Nakapanghihikayat ang
introduksyon. Malinaw na
nakalahad ang
Introduksyon pangunahing paksa 10 pts
gayundin ang panlahat
na pagtanaw ukol dito

Makabuluhan ang bawat


talata dahil sa husay na
pagpapaliwanag at
Diskusiyon pagtalakay tungkol sa 10 pts
paksa.
Lohikal at mahusay ang
pagkakasunod-sunod ng
Organisasyon mga ideya;gumamit din ng
ng mga ideya mga transisyunal na 5 pts
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga ideya
Nakapanghahamon ang
konklusyon at naipapakita
ang pangkalahatang
Konklusyon palagay o paksa batay sa 5 pts
katibayan at mga
katwirang inisa isa sa
bahaging gitna.
Walang pagkakamali sa
Mekaniks mga bantas, kapitalisasyon
at pagbaybay. 5 pts

Walang pagkakamali sa
Gamit estraktura ng mga 5 pts
pangungusap at gamit ng
mga salita.
40
Kabuuan puntos

11
Susi sa Pagwawasto:
Panimulang Gawain:
1. PETMALU
2. LODI
3. LODI
4. PETMALU
5. LODI
Pagsasanay I:
Kodigo ni Hammurabi

• Ang kababaihan ay tinuturing na bagay at kalakal


• Ang ama ng lalaki at babae lamang ang mag uusap tungkol sa kasal
ng kanilang anak
• Magbibigay ng regalo o pera ang ama ng lalaki sa ama ng babae
bago ito ikasal
• Madalas ipinagkakasundo ang babae habang siya ay bata pa lamang
Kodigo ni Manu

• Inaasahang tatlong beses ang agwat ng edad ng lalaki sa kanyang


pakakasalang babae
• Hindi sangayon si Manu sa konsepto ng Dote
• Maaring ipagbili ng asawang lalaki ang kanyang asawang babae at
mga anak na babae
Pagsasanay II
Kababaihan sa Timog Asya

• Sati o Suttee
• Funeral Pyre
• Female Infanticide
• Pagbibigay ng Dote o Dowry ng babae
• Kakain lamang ang babae pagkatapos kumain ng asawang lalaki
Kababaihan Sa Silangang Asya

• Footbinding
• Concubinage
• Pagsunod ng babae sa utos at desisyon ng anak na lalaki pag ito ay
nasa tamang edad
Kababaihan sa Kanlurang Asya

• Pagsuot ng Burka
• Purdah

12
Sanggunian:

• Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


Araling Pamlipunan ( Modyul para sa Mag-aaral)
• Asya: Pag- usbong ng Kabihasnan

13

You might also like