You are on page 1of 32

Filipino 7

Aralin 1.1
Nakalbo ang
Datu- Kuwentong Bayan
ng Maranao
Nahihinuha ang kaugalian atkalagayang
panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga
pangyayari at usapan ng mga tauhan.
 Nalalaman ang mga kaugalian at
kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong bayan na
pagtatalakayan.
 Nabibigyang halaga ang mga kaugalian at
kalagayang panlipunan ng mga Maranao mula
sa binasang kuwentong bayan.
 Naihahambing ang kaugalian o tradisyon sa
binasang kuwentong- bayan sa ibang pangkat-
etniko sa ating bansa o iba pang lugar sa bansa.
ALIPUGHA
-Iresponsable
Halimbawa ng paggamit sa
pangungusap:
“Siya ay tinuring ng kanyang mga
magulang na tila isang prinsesa kaya’t siya
ay lumaking alipugha.”
“HULA-RAWAN”
Ang kasingkahulugan ay tumutukoy sa
katumbas na kahulugan ng salita
samantalang ang kasalungat naman ay
kabaligtarang kahulugan ng salita.
Panuto: Ibigay ang kasing kahulugan at
kasalungat na kahulugan ng mga salitang
may salungguhit ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.
Pangungusap Kasingkahulugan Kasalungat

1. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang


pook.

2.Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng


magagandang dilag sa pinamumunuang
pamayanan.

3. Mahal na mahal din siya ng datu kaya


ipinagkaloob sa kaniya ang bawat hilingin nito.

4.Kapag tulog na ang datu, palihim niyang


binubunot ang itim na buhok ng asawa.

5.Sa tuwing mamamahinga ang datu,


binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang
asawa.
Tradisyon
ng mga
Muslin
Ang iba’t ibang relihiyon ay mayroong iba’t
ibang pamamaraan sa pagdiriwang ng kasal.
May sari-sariling mga batas o kundisiyon din
mga relihiyon kung saang nagiging base siya
sa pag-approba ng pagkakasal ng dalawang
tao. Ang mga Muslim, tulad ng ibang
relihiyon, ay may kanilang sariling tradisyon
pagdating sa kasal. May mga kondisyon sila
na dapat sundin upang tuluyang maikasal.
Hindimatatanggap na pilitin ang lalaki na mag-
aasawa sa hindi niya naiibigan at hindi rin
matatanggap na pilitin ang babae na mag-asawa
sa hindi niya naiibigan. Ipinagbabawal ng Islam na
ipakasal ang isang babae nang walang pag sang-
ayon niya. Kaya kapag tumanggi siyang
magpakasal sa isang lalaki, hindi ipinahihintulot
sa sinuman, kahit pa sa kanyang ama, na pilitin
siya.
Nangangailangang may paniniwala sa
isang relihiyon sapagkat siya
makakatulong ito sa pagiging ina niya sa
kanyang mga anak. Dapat may dangal siya at
malinis. Hindi maaaring ipag- asawa ang mga
taong ka-dugo nila.Kailangan ang lalaki at ang
asawa niya ay isang Muslim. Hindi pwede mag-
asawa ng hindi Muslim. Nararapat na
"matuwid ng pagsunod sa
pananampalataya" at “maganda ang pag-
uugali”
Ang pag-aasawa sa Islam ay hindi sacramento
kundi isang kontrata. Ang karapatan ng babae ay
pinangangalagaan. Ang kanyang apelyido at ang
kanyang yaman ay mananatiling sa kanya lamang.
Kahit pagkatapos na siyang nag-asawa, ang
kanyang kinikita ay mananatiling sa kanya
lamang.
Kailangang may Mahr o dowry na ibibigay.
Ito ay ibinibigay ng lalaki sa babaeng
kanyang mapangangasawa at hindi para sa
magulang o mga kamag- anak ng babae.Ang
itinatagublin sa Mahr ay dapat kaunting
halaga ito at kapag lalong kaunti at maliit ay
lalong mainam.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-
aasawa kapag ang isang lalaki ay hindi
makakapagtaguyod sa lahat ng
mga pangangailangan hinggil dito, at siya’y
walang kakayahan sa kanyang sarili upang
gampanan ang karapatan sa pag-aasawa at
natitiyak niya ito sa kanyang sarili.
Ang mga kondisyon ng kasal na
itinalakay dito ay kaunti lamang sa
maraming rason kung bakit naiiba
ang Muslim sa ibang relihiyon.
Marami mang mga kondisiyon
bagamat, parte ito ng kulturang
bumubuo sa mga Muslim.
 Isang kuwentong nagsasalaysay ng tradisyong
Pilipino
 Karamihan sa mga kuwentong- bayan ay tungkol sa
kanilang mga Diyos at espiritu na siyang nagtatakda
ng kapalaran ng tao.
 Ang mga kuwentong- bayan ay naglalarawan ng
mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning
panlipunan ng panahong iyon.
Kuwentong- Bayan ng Maranao
1. Ano ang suliranin ng Datu?
2. Bakit naging suliranin niya ito?
3. Paano natutong umibig ang Datu?
4.Paano pinatunayan nina Hasmin at Farida ang
kanilang pagmamahal sa Datu?
5.Ano ang naging bunga ng pagmamahal ng
dalawang asawa ng datu?
Masasalamin ba nag paniniwala at katangian
ng mga maranao sa kanilang kuwentong-
bayan? Patunayan.
Bilang isang mamamayan ng bansang
Pilipinas, paano mo pinahahalagahan ang
mga tradisyon o kaugalian sa ating bansa?
2 Uri ng Tauhan:
1. Tauhang Lapad - (HINDI nababago ang
katauhan)
2. Tauhang Bilog - (nababago ang katauhan)
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Sa anong pangkat-etniko nagmula ang “Nakalbo ang Datu”?
A. T’boli
B. Tausug
C. Yakan
D. Maranao

2.Anong uri ng akdang pampanitikan ang “Nakalbo ang Datu”?


A. Maikling kwento
B. Epiko
C. Kwentong- bayan
D. Alamat
Isulat ang titik ng tamang sagot.
3.Ito ay salaysay ng mga kwentong nagmula sa isang tiyak na lugar
buhat sa isang bayan.
A. Kaalamang- bayan
B. Karunungang-bayan
C.Kwentong-bayan
D. Awiting-bayan
4. Ano ang paniniwala ng mga muslim ang nasalamin sa akda?
A. Ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang higit sa isa kung may
kakayahang sustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya
nila.
B. Ang mga muslim ay maaaring magbunot ng buhok na puti ng kanilang
napangasawa.
C. Ang mga muslim ay nakakalbo kapag nag-asawa ng higit pa sa isa.
D. Ang mga muslim ay kinakailangang magkaroon ng dalawang asawa.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

5. Ang pagkakaroon ba ng dalawang asawa ay pagkakasala sa batas


ng mga muslim?
A. Oo, sapagkat dapat isa lang ang asawa ng isang muslim.
B. Oo, sapagkat ito ay paglapastangan sa kanilang Diyos na si
Allah.
C. Hindi, sapagkat ang pagkakaroon ng isa o higit pang asawa ng
isang muslim ay bahagi ng tradisyon, paniniwala/ kultura.
D. Wala sa nabanggit.
GP 3: KALAP- BALITA
Magsaliksik ng isang halimbawa ng akdang
pampanitikan ng mga Maranao na hindi pa
natin natatalakay. Bumuo ng isang balita
tungkol sa kalagayan ng lugar na pinagmulan
ng akda gamit ang kasunod na pormat.
Pamagat ng Kwentong-Bayan o
Akdang Pampanitikan
Bayan/Lungsod
Lalawigan/ Rehiyon
Populasyon
Pangunahing Produkto

Gobernador o Mayor

You might also like