You are on page 1of 5

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: ARALING PANLIPUNAN Grade Level __7__ Quarter __2__ Week __5__

MELC: Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan
at ikalabing-anim na siglo
Competency Code : (AP7KSA-IIc-1.4)

Name ______________________________ Section ____________ Date ________

School __________________________________ District ___________________

A. Paksa

Sinaunang Kababaihan sa Asya.

Sa kasalukuyang panahon karamihan ng mga kababaihan ay nakaranas ng pantay na


karapatan sa mga kalalakihan. Pero, sa sinaunang panahon hindi masasabi na nararanasan nila
ang mga karapatang ito.
Ang kababaihan noon sa Asya ay karaniwang naiiwan at nanatili sa tahanan. Sa kulturang
Tsino pinagsusuot ng sapatos na bakal (foot binding) ang mga kababaihan upang hindi lalayo
sa tahanan. Ang pagkakaroon ng lotus feet o lily feet sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng
yaman, ganda at pagiging karapat- dapat sa pagpapakasal. Sa Tsina din, ang pagiging baog ng
babae ay dahilan ng diborsyo.

Sa bansang India naman, sumasama ang babaeng asawa sa


funeral fire ng kanyang asawang namatay bilang pagpapakita ng
pagmamahal, ito ay tinatawag na sutte/sati.
Maliban dito, ang isang babae sa India ay maaaring maging
asawa ng magkapatid na lalaki (polyandry) dahil sa kakulangan sa
pagkain. Karaniwan naman dito ang pag-aasawa ng isang lalaki sa
maraming babae (polygamy) na siyang tinatawag na harem sa
India at maging sa mga Muslim.
Sa Tsina at India hindi pinapahalagahan ang batang babae. Ito
ay dahil ang babae ay nagbibigay ng dowry o dote kapag
kinakasal. Ibig sabihin nito ay binabawasan niya ang kaban ng
pamilya. Female Infanticide ang sadyang pagkitil sa buhay ng
mga sanggol na babae. Mahalaga para sa babaeng Asyano na
magpakita siya na may kakayahang magkaroon ng anak na lalaki
at higit pa.
Sa kulturang Muslim, maliban sa harem at polygamy (pag-
aasawa ng marami) ang mga babae ay nakasuot ng belo at pinag-
iingatan ang dangal ng pamilya at iniiwasan ang anumang bagay na magdudulot ng batik nito.
Bilang isang paraan ng pagtago sa mga kababaihan sa publiko, sila ay nagsuot ng
damit na pantakip sa katawan, mukha at buhok ng babae na tinatawag na purdah.
Bilang karagdagan, sa Tsina, India at Israel maliit pa ang mga bata ay
pinagkakasundo na ng mga magulang. Ang mga kababaihan noon ay hindi
pinapahintulutang bomoto maliban sa bansang Tsina at Pilipinas.

ANG MGA KABABAIHAN NOON SA PILIPINAS


Boxer Codex- bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang
mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit
maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling
makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Paano naman winawakasan
ang pagkatali sa kasal noon? Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, maari niya
itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari- ariang binigay niya sa panahon ng kanilang
pagsama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang
makukuhang anumang pag- aari.
Kodigo ni Hammurabi sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan
Lumikha si Haring Hammurabi (ikaanim na hari ng Unang Dinastiya ng Babilonya) ng mga
batas upang itaguyod ang maayos na kaugalian at lipunan sa kanyang nasasakupan. Bahagi ng
mga probisyon na ito ang mababang pagtingin sa mga kababaihan. Itinuturing ang mga babae
na parang produkto na ibinibenta at binibili sa kalakalan. Ipinagkakasundo ang babae sa ibang
lalaki kapalit ng pera at dote. Kahit bata pa lamang ang mga babae ay ipinagkakasundo na siya
hanggang umabot sa sapat na gulang. Ayon pa sa batas ni Hammurabi, ang babaeng hindi tapat
sa kanyang asawa ay parurusahan ng kamatayan. Sa oras na mahuli siyang nakikipagtalik sa
ibang lalaki pareho silang itatapon sa dagat hanggang malunod. Pinapayagan na ibenta ng lalaki
ang kanyang asawa at mga anak. Mahigpit ang pagbabawal sa paglahok ng mga babae sa
kalakalan.

Kodigo ni Manu sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan


Ang Kodigo ni Manu ay nagtatakda rin ng mga batas
tungkol sa mga kababaihan. Ang isang Brahmin o pari sa
Hinduismo ay hindi pinapayagan na makipagtalik sa isang
mababang uri ng babae sa lipunan dahil siya ay mapupunta sa
impyerno. Ipinagkakaloob ang dote sa pamilya ng isang babae
at hindi sa kanya. Ang mga ritwal na may kaugnayan sa
kababaihan ay hindi kinikilala. Ayon din sa Kodigo, ang agwat
ng edad ng mag asawa ay tatlong beses ang tanda sa lalaki sa
kanyang asawang babae. Isa pa na iniutos ng kodigo, ay hindi
dapat tututol ang ama na ipagkasundo ang anak na babae na
ipakasal dahil ito ay isang malaking paglabag na katumbas ay pagpapalaglag sa sanggol.
B. EXERCISES.

Gawain 1: KILALANIN MO AKO!


Panuto A: I-tsek (✔) ang KH na kolum kung ang pahayag ay nabibilang sa Kodigo ni Hammurabi
at i-tsek (✔) ang kolum na KM kung ito ay kabilang sa Kodigo ni Manu. Isulat ito sa sagutang
papel.
PAHAYAG KH KM
1. Ibinibenta ang babaeng asawa sa kalakalan.
2. Basehan ang agwat ng edad ng mag-asawa.
3. Kinakailangang sumang-ayon ang ama na ipagkasundo ang kanyang anak na
babae.
4 4.Kapag nagtaksil, ang asawang babae ay itinatapon sa dagat hanggang sa malunod.
5. Bawal makilahok ang mga babae sa kalakalan.

Panuto B: I-tsek (✔) ang kolum na MK kung ang pahayag ay may katotohanan at i-tsek (✔)
naman ang kolum sa WK kung ito ay walang katotohanan base sa sinaunang panahon.
PAHAYAG MK WK
6. Ang babae ay simbolo ng isang mabuting ina.
7. Pantay ang mga karapatan ng mga babae at lalaki noon.
8 8.Mas magaling ang mga babae sa mga gawaing bahay kaysa sa mga lalaki noon.
9 9.Ang mga kababaihan ay ang naghahanapbuhay para sa pamilya.
10 10.Ang lahat ng mga kababaihan ay may karapatang mabuhay ng matiwasay.

Gawain 2:
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Kung ito ay may katotohanan,
iguhit ang masayang mukha at malungkot na mukha naman kung sa tingin mo ito
ay walang katotohanan.

__________1. Noong sinaunang panahon, ang mga kababaihan ay may karapatang bumoto.
_________2. .Ipinapakita ng mga kababaihan sa India ang kanilang pagmamahal sa kanilang
asawa sa pamamagitan ng pagtalonito sa apoy kapag ito ay sumakabilang-buhay.
_________3. Simbolo ng kagandahang katauhan ang pagsuot ng purdah ng mga kababaihang
Muslim.
__________4. May karapatan ang mga kababaihan na pumili ng kanilang mapapangasawa noon.
__________5. Pinapatay ang mga sanggol na babae sa India sa kadahilanang ito ay malas.

C. Assessment/Application/Outputs (Please refer to DepEd Order No. 31, s. 2020)

Panuto: (TAMA O MALI) Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung tama at
palitan naman ang sinalungguhitang salita kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Female Insecticide ang sadyang pagkitil sa buhay ng mga sanggol na babae.
2. Ang pag-aasawa ng marami ay tinatawag na polygamy.
3. Ang tradisyon na pagsusuot ng sapatos na bakal ng mga babaeng Tsino ay tinatawag
na lotus feet.
4. Ayon sa Boxer Codex, maaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae kung ito ay
nakita niyang may kasamang ibang lalaki.
5. Ang dalawang tanyag na Kodigo na naglalaman ng mga batas para sa mga kababaihan
ay ang Kodigo ni Manu at Kodigo ni Sargon.
6. Tinatawag na polygamy ang pag-aasawa sa magkapatid na lalaki dahil sa kakulangan
ng pagkain sa bansang India.
7. Ang pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae ay tinatawag na harem sa India.
8. Ang suttee/sati ay ang pagsama ng babaeng asawa sa funeral fire ng kanyang asawa
bilang pagpapakita ng pagmamahal niya rito.
9. Ang purdah ay ginagamit ng mga Muslim na babae bilang pantakip sa kanilang mukha
sa publiko.
10. Ayon sa Kodigo ni Manu, ang agwat na edad ng mag-asawa ay apat (4) na beses ang
tanda sa lalaki sa kanyang asawang babae.
11. Ayon sa Kodigo ni Manu, ang mga kababaihan ay ibinibenta na parang produkto sa
kalakalan.
12. Ang mga ritwal na may kaugnayan sa kalalakihan ay hindi kinikilala sa Kodigo ni Manu.
13. Isa sa mga tanyag na tradisyon ng Tsina ay ang funeral fire.
14. Ang pagbibigay ng dowry ay isa sa mga tradisyon ng mga sinaunang Asyano.
15. Ayon pa sa Kodigo ni Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay
parusahan ng kamatay.

D. Suggested Enrichment/Reinforcement Activity/ies

Gawain 3: I- HUGOT MO!


Panuto: Sumulat ng isang hugot line na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa mga
kababaihan. Isulat ito sa isang short bondpaper.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos

Pagkamalikhain/Organisasyon 10 puntos

Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

Binabati kita! Matagumpay mong nasagutan ang lahat ng gawain, sa puntong ito ay nagtatapos na
ang bahagi ng Paglinang.

Sanggunian
Rosemarie C. Blando, et.al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Araling Panlipunan Modyul
para sa Mag-aaral: (EDURESOURCES Publishing Inc.), pp.164-165

Department of Education, Araling Panlipunan 10: Kontemporaryong Isyu (Training Module, pp.266-
267

Link:
pixabay.com
GABAY

Para Sa Tagapagdaloy

Ang SLHT sa araling Ang mga Kababaihan sa Asya ay ginawa upang makamit ng mga mag-aaral ang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12. Bilang gurong tagapagdaloy, gabayan ang mga mag-aaral na maintindihan
ang aralin sa pamamagitan ng pagtitiyak na nabasa at naisagawa ng mga ito ang lahat ng gawain. Sundin ang
mga panuto sa bawat gawain at ipaliwanag sa mag-aaral kung kinakailangan. Mangyaring sumangguni sa
guro kung may mga katanungan na nais maliwanagan.

Para Sa Mag-aaral

Ang SLHT na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Kung sakaling mahirapan kang gawin ang SLHT, maari kang sumangguni sa iyong guro o
tagapagdaloy. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa iyong mga magulang, mga kapatid o sinumang
kasama mo sa bahay na pwedeng makatulong sayo. Iyong palaging isipin na hindi ka nag-iisa sa gawaing
ito. Bawat gawain maliit man o malaki, madali o mahirap ay isang pagkakataon upang matutuo at mapalago
ang sarili. Ang mga taong nagtatagumpay ay ang mga taong hindi sumusuko sa kahit anong hamon ng buhay.

You might also like