You are on page 1of 8

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: ARALING PANLIPUNAN Grade Level __7__ Quarter __2__ Week __6__

MELC: Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa Asya.
Competency Code: (AP7KSA-IIh-1.12)

Name ______________________________ Section ____________ Date ________

School __________________________________ District ___________________

A. Paksa

Ang Kontribusyong Asyano


A. Mahalagang Kontribusyon ng Kanlurang Asya
Imperyo Pag-unlad/ Kontribusyon

1. Sumerian Cuneiform, gulong, sistema ng panukat ng


timbang at haba at paggawa ng dike.
(3500 BCE)

Cuneiform

2. Akkadian Nagtatag ng lungsod- estado para magkaisa


ang mamamayan, pinaunlad ang sistema ng
(Circa 2700- 2230
pagsusulat, pag-usbong ng literatura.
BCE)

3. Babylonian Code of Hammurabi na may 282 batas at


(Circa 1790- 1595 maikakategorya ito bilang retributive justice o
BCE) paggawad ng katarungan batay sa bigat ng
kasalanan.

Kodigo ni Hammurabi

4. Assyrian Kauna-unahang pangkat ng tao na nakabuo ng


epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo,
(Circa 745- 612
epektibong serbisyo postal,gumagamit ng
BCE)
dahas at bakal,nagtayo ng kauna- unahang
aklatan, nagpatayo ng mga maayos at
magandang kalsada.
Clay Tablet
5. Chaldean Hanging Garden of Babylon, konsepto ng
zodiac sign at horoscope, ziggurat na
(612- 539 BCE)
itinuturing na Tore ni Babel sa bibliya.

6. Lydian Sistemang barter, paggamit ng barya sa


pakikipagkalakalan.

(680- 547 BCE)

7. Phoenician Alpabeto, konsepto ng kolonya na


nangangahulugan ng istasyon o bagsakan ng
(Circa 1200- 800
mga kalakal, naglalakihang sasakyang
BCE)
pandagat.

Phoenician
Alphabet

8. Hebreo Bibliya ang naging pundasyon ng kanilang


pananampalataya, pagsamba sa iisang Diyos o
(Circa 1000- 722
monotheism.
BCE)

Hebrew Bible

9. Hittite Pagtuklas ng bakal, pagkilala at paggalang sa


iba’t ibang wika dahil ginamit ito sa mga
(Circa 1600- 12
komunikasyong pandiplomasya, pagkakaroon
BCE)
ng titulo ng lupa at mga talaan nito,
imbentaryo ng lupain at pananim na naging
batayan ng pagbubuwis ng ari- ariang
nakakabit sa lupa.
Mandirigmang
Hittite
10. Persiano Nagpagawa ng mahabang kalsada na
nagdugtong sa mga lungsod ng Persia
(Circa 550- 350
hanggang Ephesus, pilak at gintong barya sa
BCE)
pakikipagkalakan, satrapy na hinati sa mga
lalawigan ang buong imperyo at pinamunuan
Palasyo ng Persepolis
ng isang satrap, nagpagawa ng magagarang
palasyo at gusali tulad ng Persepolis.
Nagbigay diin sa karapatan at demokrasyang
pamumuhay ng lipunan.
B. Mahahalagang Kontribusyon sa Silangan at Hilagang Asya

Dinastiya sa China Ambag/ Pangyayari

1. Zhou o Chou (1112- Naniniwala ang mga tao sa Mandate of


221 BCE) Heaven o Basbas ng Kalangitan na ang
emperador ay namumuno sa
kapahintulutan ng langit. Naimbento
ang bakal na araro, sandatang crossbow
at chariot. Nagpagawa ng irigasyon, dike
at mga kalsada. Umusbong dito ang
Crossbow
mahalagang kaisipang Confucianism, Taoism at Legalism na humubog
sa kamalayang Tsino.

2. Qin o Ch’in Pinatupad ang pilosopiyang legalism, ipinatayo ang Great Wall of
China, sinimulan ang sistemang scholarship, binuwag ang piyudalismo
(221 – 206 BCE)
at pinailalim sa kapangyarihan ni Shi Huang Ti ang lahat ng lupain. Sa
Dinastiyang ito, dito nakuha ang pangalan ng bansang China.

3. Han Naimbento ang kauna-unahang lexicon o diksyunaryo, papel, porselana


at water- powdered mill. Nagsimulang magkaroon ngWall
Great mga of
pagsusulit
China
(206 BCE- 220 CE)
para sa serbisyo sibil o paglilingkod sa pamahalaan.

4. Sui Nagawang pag-isahin muli ang watak- watak na teritoyo ng China


(konsolidasyon). Itinayo ang Grand Canal.
(589- 618 CE)

5. Tang Naimbento ang woodblock printing na siyang nagpabilis ng paggawa ng


mga kopya ng anumang sulatin. Nailimbag ang kauna- unahang diyaryo.
(618- 907 CE)

6. Sung Patuloy ang pamumulaklak ng sining at panitikan. Naimbento ang gun


powder. Nagsimula ang tradisyon ng foot binding sa mga babae.
(960 – 1278 CE)
Umunlad ang agrikultura at kalakalan sa bansang Pilipinas.

7. Yuan Nagkaroon ng maraming manlalakbay at isa na doon ang sikat na si


Marco Polo.
(1278- 1368 CE)

8. Ming Naitayo ang Forbidden City na naging tahanan ng emperador. Pinag-


ibayo ang paglinang sa sining, kalakalan at industriya. Nagawa ang
(1368- 1644 CE)
mamahaling seramika na naging pangunahing kalakal sa buong mundo.

Dinastiya sa Korea Ambag/ Pangyayari

1. Gojoseon o Lumang Isa sa pinakamalakas na dinatiya sa Korea na itinatag ni Dangun


Joseon (2333- 108 BCE) noong panahon ng Bronze.

2. Tatlong Kaharian; Pinamunuan ng mga aristokratikong mandirigma. Hiniram nila


Guguryeo, Baekje at Silla ang sistema ng pamahalaang Han sa China, Buddhism, at
tradisyon ng pagsusulat ng kasaysayan.
(313- 668 CE)

3. Pinag- isang Silla Pinamunuan ng isang magaling na hari kaya’t nasakop nito ang
mga katabing kaharian. Napag-isa ang halos kabuuan ng Korea.
(668- 935 CE)

4. Balhae Itinatag ni Dae Joeyong. Ang kultura nito ay pinagsanib na Tang


at Goguryeo. Noong ika- 10 siglo nasakop ito ng mga nomadikong
(698- 926 CE)
Khitan.

5. Goryeo o Koryo Itinatag ni Wang Geon. Nakalikha ito ng sariling istilo ng


porselana na tinatawag na celadon.
(918- 1392 CE)

Dinastiya sa Japan Ambag/ Pangyayari

Ang Liping Yamato Namayagpag ang eleganteng pagsusulat ng tula, sining ng calligraphy at
at Nara pananamit. Naisulat ang dakilang nobela na “The Tale of Genji”. Lumitaw
ang grupong bushi at samurai. Nabuo ang tradisyong militar na nakapaloob
sa Bushido, alituntunin ng karangalan kung saan mahalaga ang katapatan,
karangalan at katapangan.

C. Mahahalagang Kontribusyon sa Timog Asya

Natatanging
Pangyayari

1. Panahong Vedic Panahon ng karunungan (vedas). Ang pamumuhay ng mga Indo- Aryan ay
pagsasaka at sila ay natutong mamuhay sa pamayanan.

2. Panahong Epiko Ang mga ulat tungkol sa pamumuhay ay galing sa mga epiko.

3. Pagtatag ng Nahahati ang lipunan sa apat na pangkat; (1) Brahmin/ pari- pinakamataas,
Sistemang Caste (2) Kshatriyas- mga mandirigma, (3) Vaishya- mga mangangalakal o
magsasaka at (4) Sudras- mga alipin o pinakamababang uri ng mga tao sa
lipunan.

Outcaste/ Untouchables- hindi kasali sa caste, mga gumagawa sa mga gawain


tulad ng paglilinis ng daan at palikuran.

4. Imperyong Niyakap ng panahon na ito ang Buddhism. Tinuruan at tinulungan ang


Maurya mamamayan at nagpadala ng mga misyonero sa Ceylon (Sri Lanka) at
Burma.
5. Imperyong Gupta Naganap ang Golden Age o Gintong Panahon. Umunlad ang agham sa
panahong ito. Maunlad ang mga larangan ng astronomiya, matematika, at
siruhiya (surgery).

6. Ang mga Mongol Ipinatupad ng pinunong si Akbar ang kalayaan sa pananampalataya.


at Imperyong Mogul Ipinatayo ni Shah Jahan ang Taj Majal at Aurangzeb na nagbawal ng sugal,
alak, prostitusyon at sati (suttee).

D. Mahahalagang kontribusyon sa Timog Silangang Asya

Kaharian/ Imperyo Pangyayari

1. Kaharian ng Pinagkuhanan ng mga hilaw na produkto na dinadala sa China, namana ng


Vietnam mga Vietnamese sa mga Tsino ang paggamit ng apelyido, relihiyon at iba
pang impluwensiya.

2. Kaharian ng Naging malakas ang kapangyarihan ng Funan dahil sa tulong at impluwensiya


Funan ng kulturang Indian at Tsina.

3. Imperyong Ang Angkor Wat ang pinakadakilang ipinagawa sa panahong ito. Ito rin ang
Angkor/ Khmer pinakamatanda at pinakamalaking istruktura pang- arkitektura sa daigdig.

4. Kaharian ng Ito ay may pamayanang agrikultural na may iba’t-Angkor Wat


ibang uri sa Cambodia
ng arkitektura.
Pagan

5. Kaharian ng Itinatag ang darmasastra, isang kodigong legal batay sa tradisyong Hindu at
Ayutthaya Thai.Naging pamantayan ito ng batas sa Thailand hanggang ika- 1767 siglo.
Ang kanilang monument at temple ay nagpapatunay ng ambag ng kahariang
ito.

6. Imperyong Kinikilala bilang “Dalampasigan ng Ginto” dahil sa mayaman sila sa mina ng


Srivijaya ginto. Naimpluwensiyahan sila ng relihiyong Buddhism ng China.

7. Kaharian ng Isa sa pamana ay ang Borobodur, isa itong banal na kabundukan.


Sailendras

8. Imperyong Dating may hawak sa Spice Island at binubuo dati ng mga bansang Laos,
Majapahit Vietnam, Cambodia, New Guinea, Sulu at Lanao.

B. EXERCISES.

Gawain 1: Pair Me!


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga salitang may kaugnayan sa mga salitang nasa
Hanay A. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.
Hal. Gulong - - - - Sasakyan
Hanay A Hanay B

1. Gulong A. Timbangan

2. Bakal B. Silid- aklatan

3. Diksyunaryo C. Itak

4. Barya D. Sasakyan

5. 1 kilong bigas E. Bangko


Gawain 2: I-Tsek MO

Panuto: I-tsek () ang kolum kung saang rehiyon sa Asya nabibilang ang mga nabanggit na
mga kontribusyon at pangyayari .

Mahalagang Kontribusyon Timog Silangan Timog Timog


at Pangyayari Kanlurang at Asya Silangang
Asya Hilagang Asya
Asya
1. nadiskubre ang barya sa
pakikipagkalakan
2. pag-uuri ng mga tao sa
lipunan
3. naitatag ang Great Wall of
China bilang pananggalang
sa mga kalaban
4. kauna-unahang lexicon o
diksyunaryo
5. ipinagbawal ang Suttee
6. Maunlad ang mga larangan
ng astronomiya, matematika,
at siruhiya (surgery)
7. nadiskubre ang gulong na
siyang ginagamit sa
agrikultura
8. matatagpuan ang iba’t ibang
pampalasa o rekado
9. matatagpuan ang
pinakamatanda at
pinakamalaking estrukturang
pang-arkitektura sa daigdig
10. konsolidasyon

C. Assessment/Application/Outputs (Please refer to DepEd Order No. 31, s. 2020)

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung tama at MALI kung
mali ang nakasaad sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________1. Ang gulong ay isa sa mahahalagag ambag ng mga Sumerian.


________2. Pinaunlad ang sistema ng pagsusulat ng mga Akkadian.
________3. Bibliya ang naging pundasyon ng kanilang pananampalataya ng
mga Hebreo.
________4. Ang Kodigo ni Hammurabi ay binubuo ng 228 na batas na
nagsilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonian.
________5. Alpabeto ang ambag ng mga Pheonician sa daigdig.
________6. Barter ang sistema ng kalakalan ng mga Hittie.
________7. Sa dinastiyang Zhou ay naniniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o Basbas ng
Kalangitan na ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit.
________8. Sa Dinastiyang Han ipinatayo ang Great Wall of China.
________9. Ang Dinastiyang Balhae ay itinatag ni Dae Joeyong.
________10. Isa sa mga dinastiyang namayagpag sa Japan ay ang Liping Goeryo at Nara.
________11. Sa Cambodia makikita ang Angkor Wat.
________12. Ang Borobudur ay isang banal na templo.
________13. Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong malalaking isla na Luzon,
Visayas, Sulu.
________14. Hawak ng imperyong Majapahit ang Spice Island noon.
________15. Kinilala ang Imperyong Srivijaya bilang “Dalampasigan ng Ginto”.

D. Suggested Enrichment/Reinforcement Activity/ies

Gawain 3:Tri- Question


Panuto: Pumili ng isa sa mga dinastiya/ imperyo/kaharian sa bawat rehiyon. Sagutin ang tatlong
mahahalagang tanong at isulat sa loob ng kahon ang bawat sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Rehiyon sa Asya Dinastiya/ Ano ang Bakit mahalaga Paano ginagamit


Imperyo/ kanilang mga ang ambag/ ito sa makabagong
Kaharian Ambag/ kontribusyon na panahon?
Kontribusyon? ito?

1. Kanlurang
Asya

2. Silangan at
Hilagang Asya

3. Timog Asya

4. Timog
Silangang Asya

Binabati kita! Matagumpay mong nasagutan ang lahat ng gawain, sa puntong ito ay nagtatapos na
ang bahagi ng Paglinang. 
Sanggunian
Department of Education, PROJECT EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan II
Modyul: Ang Pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Vivar, Teofista, et. al. Kasaysayan sa Daigdig (Batayang Aklat Para sa Ikatatlong Taon: (SD Publications,
Inc.), pp.35- 64

Link:
Pixabay.com
GABAY

Para Sa Tagapagdaloy

Ang SLHT sa araling Kontribusyong Asyano ay ginawa upang makamit ng mga mag-aaral ang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12. Bilang gurong tagapagdaloy, gabayan ang mga mag-aaral na maintindihan ang
aralin sa pamamagitan ng pagtitiyak na nabasa at naisagawa ng mga ito ang lahat ng gawain. Sundin ang
mga panuto sa bawat gawain at ipaliwanag sa mag-aaral kung kinakailangan. Mangyaring sumangguni sa
guro kung may mga katanungan na nais maliwanagan.

Para Sa Mag-aaral

Ang SLHT na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Kung sakaling mahirapan kang gawin ang SLHT, maari kang sumangguni sa iyong guro o
tagapagdaloy. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa iyong mga magulang, mga kapatid o sinumang
kasama mo sa bahay na pwedeng makatulong sayo. Iyong palaging isipin na hindi ka nag-iisa sa gawaing
ito. Bawat gawain maliit man o malaki, madali o mahirap ay isang pagkakataon upang matutuo at
mapalago ang sarili. Ang mga taong nagtatagumpay ay ang mga taong hindi sumusuko sa kahit anong
hamon ng buhay.

You might also like