You are on page 1of 3

Department of Education

Schools Division Office of Quezon City


Novaliches High School
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: ______________________________________ Petsa ng Pagtanggap: __________


Pangkat: _______________________________________ Petsa ng Pagsagot: __________
Guro: _______________________________________ Marka: __________
LEARNING ACTIVITY SHEET
MGA MAHAHALAGANG AMBAG NG SINAUNANG SIBILISASYON
WEEK 8 | QUARTER 2 | SCHOOL YEAR 2020-2021
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan
sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano
AP7KSA-IIh-1.12
TIYAK NA LAYUNIN: Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa Asya.

Panimula (Susing Konsepto)

A. Mahalagang Kontribusyon ng Kanlurang Asya

Imperyo Pag-unlad/ Kontribusyon

1. Sumerian Cuneiform, gulong, sistema ng panukat ng timbang at Cuneiform


haba at paggawa ng dike.
(3500 BCE)

2. Akkadian Nagtatag ng lungsod- estado para magkaisa ang


mamamayan, pinaunlad ang sistema ng pagsusulat,
(Circa 2700- 2230 BCE)
pag-usbong ng literatura.

3. Babylonian Code of Hammurabi na may 282 batas at Kodigo ni


(Circa 1790- 1595 BCE) maikakategorya ito bilang retributive justice o Hammurabi
paggawad ng katarungan batay sa bigat ng kasalanan.

4. Assyrian Kauna-unahang pangkat ng tao na nakabuo ng Clay Tablet


epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo,
(Circa 745- 612 BCE)
epektibong serbisyo postal,gumagamit ng dahas at
bakal,nagtayo ng kauna- unahang aklatan, nagpatayo
ng mga maayos at magandang kalsada.

5. Chaldean Hanging Garden of Babylon, konsepto ng zodiac sign


at horoscope, ziggurat na itinuturing na Tore ni Babel
(612- 539 BCE)
sa bibliya.
6. Lydian Sistemang barter, paggamit ng barya sa Unang Barya
pakikipagkalakalan.
(680- 547 BCE)

7. Phoenician Alpabeto, konsepto ng kolonya na nangangahulugan ng


istasyon o bagsakan ng mga kalakal, naglalakihang
(Circa 1200- 800 BCE)
sasakyang pandagat. Phoenician Alphabet

8. Hebreo Bibliya ang naging pundasyon ng kanilang


pananampalataya, pagsamba sa iisang Diyos o Hebrew
(Circa 1000- 722 BCE) Bible
monotheism.

AP7 PAGE 1
9. Hittite Pagtuklas ng bakal, pagkilala at paggalang sa iba’t
ibang wika dahil ginamit ito sa mga komunikasyong Mandirigma
(Circa 1600- 12 BCE) ng Hittite
pandiplomasya, pagkakaroon ng titulo ng lupa at mga
talaan nito, imbentaryo ng lupain at pananim na naging
batayan ng pagbubuwis ng ari- ariang nakakabit sa
lupa.
10. Persiano Nagpagawa ng mahabang kalsada na nagdugtong sa Palasyo
mga lungsod ng Persia hanggang Ephesus, pilak at ng
(Circa 550- 350 BCE)
gintong barya sa pakikipagkalakan, satrapy na hinati sa Persepolis
mga lalawigan ang buong imperyo at pinamunuan ng
isang satrap, nagpagawa ng magagarang palasyo at
gusali tulad ng Persepolis. Nagbigay diin sa karapatan
at demokrasyang pamumuhay ng lipunan.

B. Mahahalagang Kontribusyon sa Silangan Asya


Dinastiya sa China Ambag/ Pangyayari
1. Zhou o Chou Naniniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o Basbas ng
Kalangitan na ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng
(1112- 221 BCE)
langit. Naimbento ang bakal na araro, sandatang crossbow at chariot.
Nagpagawa ng irigasyon, dike at mga kalsada. Umusbong dito ang
mahalagang kaisipang Confucianism, Taoism at Legalism na Crossbow
humubog sa kamalayang Tsino.
2. Qin o Ch’in Pinatupad ang pilosopiyang legalism, ipinatayo ang Great Wall
of China, sinimulan ang sistemang scholarship, binuwag ang
(221 – 206 BCE)
piyudalismo at pinailalim sa kapangyarihan ni Shi Huang Ti ang
lahat ng lupain. Sa Dinastiyang ito, dito nakuha ang pangalan ng
bansang China. Great Wall of China

3. Han (206 BCE- 220 Naimbento ang kauna-unahang lexicon o diksyunaryo, papel, porselana at water- powdered mill.
CE) Nagsimulang magkaroon ng mga pagsusulit para sa serbisyo sibil o paglilingkod sa pamahalaan.
4. Sui (589- 618 CE) Nagawang pag-isahin muli ang watak- watak na teritoyo ng China (konsolidasyon). Itinayo ang
Grand Canal.
5. Tang (618- 907 CE) Naimbento ang woodblock printing na siyang nagpabilis ng paggawa ng mga kopya ng
anumang sulatin. Nailimbag ang kauna- unahang diyaryo.
6. Sung Patuloy ang pamumulaklak ng sining at panitikan. Naimbento ang gun powder. Nagsimula ang
tradisyon ng foot binding sa mga babae. Umunlad ang agrikultura at kalakalan sa bansang
(960 – 1278 CE)
Pilipinas.
7. Yuan (1278- 1368 CE) Nagkaroon ng maraming manlalakbay at isa na doon ang sikat na si Marco Polo.
8. Ming(1368- 1644 CE) Naitayo ang Forbidden City na naging tahanan ng emperador. Pinag- ibayo ang paglinang sa
sining, kalakalan at industriya. Nagawa ang mamahaling seramika na naging pangunahing
kalakal sa buong mundo.
C. Mahahalagang Kontribusyon sa Timog Asya
Natatanging Pangyayari
1. Panahong Vedic Panahon ng karunungan (vedas). Ang pamumuhay ng mga Indo- Aryan ay pagsasaka at sila
ay natutong mamuhay sa pamayanan.
2. Panahong Epiko Ang mga ulat tungkol sa pamumuhay ay galing sa mga epiko.
3. Pagtatag ng Nahahati ang lipunan sa apat na pangkat; (1) Brahmin/ pari-
Sistemang Caste pinakamataas, (2) Kshatriyas- mga mandirigma, (3) Vaishya- mga
mangangalakal o magsasaka at (4) Sudras- mga alipin o
pinakamababang uri ng mga tao sa lipunan. Outcaste/
Untouchables- hindi kasali sa caste, mga gumagawa sa mga gawain
tulad ng paglilinis ng daan at palikuran.

4. Imperyong Maurya Niyakap ng panahon na ito ang Buddhism. Tinuruan at tinulungan ang mamamayan at nagpadala
ng mga misyonero sa Ceylon (Sri Lanka) at Burma.

AP7 PAGE 2
5. Imperyong Gupta Naganap ang Golden Age o Gintong Panahon. Umunlad ang agham sa panahong ito. Maunlad
ang mga larangan ng astronomiya, matematika, at siruhiya (surgery).

6. Ang mga Mongol at Ipinatupad ng pinunong si Akbar ang kalayaan sa pananampalataya. Ipinatayo ni Shah Jahan
Imperyong Mogul ang Taj Majal at Aurangzeb na nagbawal ng sugal, alak, prostitusyon at sati (suttee).
Gawain 1: #Tri- Question Panuto: Pumili ng isa sa mga dinastiya/ imperyo/kaharian sa bawat rehiyon. Sagutin ang tatlong
mahahalagang tanong at isulat sa loob ng kahon ang bawat sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Rehiyon sa Asya Dinastiya/ Ano ang kanilang mga Bakit mahalaga ang Paano ginagamit ito sa
Imperyo/ Ambag/ ambag/ kontribusyon na makabagong panahon?
Kaharian Kontribusyon? ito?

1. Kanlurang Asya

2. Silangan at
Hilagang Asya

3. Timog Asya

Gawain 2: #TayahinMo Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap; kung ito ay mali, itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
________1. Ang gulong ay isa sa mahahalagag ambag ng mga Sumerian.
________2. Pinaunlad ang sistema ng pagsusulat ng mga Akkadian.
________3. Bibliya ang naging pundasyon ng kanilang pananampalataya ng mga Hebreo.
________4. Ang Kodigo ni Hammurabi ay binubuo ng 228 na batas na nagsilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonian.
________5. Alpabeto ang ambag ng mga Pheonician sa daigdig.
________6. Barter ang sistema ng kalakalan ng mga Hittie.
________7. Sa Dinastiyang Zhou ay naniniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o Basbas ng Kalangitan na ang
emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit.
________8. Sa Dinastiyang Han ipinatayo ang Great Wall of China.
________9. Sa Panahong Epiko nagsimula ang Panahon ng Vedas..
________10. Ang mga Untouchables ang mga alipin sa Sistemang Caste
________11. Naganap sa Imperyong Maurya ang Golden Age ng India.
________12. Naimbento ang woodbock printing sa panahon ng Dinastiyang Yuan.
________13. Calligraphy ang Sistema ng Panulat ng mga Sumerians.
________14. Ang mga Hittites ang nagpasiimula ng demokratikong uri ng pamahalaan.
________15. Sa Dinastiyang Ming naimbento ang gun powder.
Gawain 3: #Pag-guhit
Panuto: Sa pamamagitan ng pag-guhit ipakita ang napiling ambag kung ito ay nagagamit pa sa buhay mo at ipaliwanag ang
iyong iginuhit sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap ito ay mga kontribusyon na ay sa tingin mo sa panahon ng pandemya ay
napapanahon pa. Iligay sa hiwalay na sagutang papel.

Paliwanag:
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
Mga Sanggunian
● vewaxiyuz, https://www.youtube.com/watch?reload=9&v=PTjDys_TjzA Mga Ambag ng Kabihasnang Mesopotamia, Agosto
6, 2015, Teofista L. Vivar, Ph.D. Evelina M. Viloria ET.AL, , Asya Noon, Ngayon at sa Hinaharap, Pg.100 – 105
● Rolando E. Maningas, MA, Emmanuel S. Gonzales, DALL
Asia Kasaysayan at Kabihasnan, Pg. 104, 105

Prepared by:

Jessie G. Payawal
Writer

AP7 PAGE 3

You might also like