You are on page 1of 2

WEEK 2-3

HEOGRAPIYANG PANTAO
WIKA
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng
pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat,

RELIHIYON
Mabibigyan kahulugan ang mga relihiyon bilang kalipunan ng mga
paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang
kinikilalang makapangyarihang nilalang o diyos, Nagmula ito sa salitng
religare na nangangahulugan na buuin ang mga bahagi para maging
magkakaugnay ang mga kabuuan nito .

LAHI/PANGKAT ETNIKO
Tilai sang malking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming
natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito , isang
batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang
pangkat ng mga tao gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng
pangka. Sa kabilang banda ang salitang etniko ay nagmula sa Greek na
ethnos na nangangahulugang mamamayan .

WEEK 4-5
MGA TANYAG NA PREHISTONG TAO
ANG HOMO SAPIENS ANG PINAKAHULING SPECIES NA EBOLUSYON NG TAO ,
ANG HOMO SAPIENS NEANDERTHALENSIS(circa 200,000- 30,000 taon BP).
Higit na malaki ang utak ng homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang
species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay
at paggawa ng kagamitan.

PANAHONG NEOLITIKO
Ang huling bahagi ng panahong bato ay tinatawag na panahong
neolitiko (NEOLITHIC PERIOD) o panahon ng bagong bato(NEW STONE AGE)
na hango sa mga salitang Greek na neos o bago at lithos o bato.

PANAHONG BRONSE
Nagging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nang matuklasan
ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito pinaghalo ang tanso at lata
upang makagawa ng higit na mga matitigas na bagay.

PANAHONG BAKAL
Natuklasan ang bakal ng mga hitite isang pangkat ng mga indo-
EUROPEO na naninirahan sa kanlurang asya dakong 1500 B. C. E. natutunan
nilang magpanday at magtunaw ng bakal.

You might also like