You are on page 1of 21

ARALIN 3:

ANG PAGSISIMULA NG MGA KABIHASNAN SA


DAIGDIG
• Ang kasaysayan ng tao ay maaaring hatiin sa dalawang panahon,
ang Pre-historiko at Historiko.
• Ang pre-historikong panahon ay tumutukoy sa yugto
ng kasaysayan na hindi katala o nairecord, dahil sa
kawalan ng systema ng pagsulat.
• Samantala, ang historikong panahon ay yugto ng
kasaysayan na naisulat o nairecord, dahil marunong ng
magsulat ang mga tao.
• Ang pre-historikong panahon ay nagsimula noong 2.5
million BCE at nagwakas hanggang 4,000–3,000 BCE.
• Ibig sabihin 99% ng kasaysayan ng tao ay hindi
nakasulat o nairecord.
• Paano malalaman ang mga nangyayari noong pre-
historikong panahon?
• Upang mabigyang linaw ang hindi
nakasulat, dito pumapasok ang mga
eksperto; ang mga Archeologists at
mga Anthropologists.
• Ang mga Archeologists ay mga
ekspertong naghahanap at sumusuri
ng mga artifacts, fossils, at iba pang
pisikal na labi ng mga sinaunang tao.
• Gamit ang mga artifacts at
fossils na ito, magagawang
matukoy ng mga archeologists
ang kung paano manamit ang
mga unang tao, paano
nanghuhuli ng hayop, at
kanilang madalas kainin, at
paano sila nasawi.
• Ang mga Anthropologists naman ay mga
ekspertong nag-aaral sa kultura ng mga
tao. Gamit ang mga artifacts at ibang
pisikal na ebidensya na nahanap ng mga
archeologists, magawang makilala ng mga
anthropologists ang kultura ng mga
sinaunang tao.
• Ang natitirang 1% sa kasaysayan
mula sa 4,000 BCE hanggang sa
kasalukuyan ay ang tinatawag na
“Recorder History” o ang
nakasulat na kasaysayan.
• Sa puntong ito ng kasaysayan pumapasok ang mga “Historians”.
Ang mga historian ay ang pangunahing ekspero na sumusuri sa mga
historical na pangyayari gamit ang iba’t-ibang ebidensya, gaya ng
kasuotan, art work, litrato at iba pa.
• Ngunit ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ay
nagmumula sa mga nakasulat nadaots, kagay ng diary, sulat, news
clippings at testament ng mga taong nakasaksi sa mga historical na
mga pangyayari.
• Gaynpaman, hindi nangangahulugan na nagtatrabahong mag-isa
ang isang historian.
• Siya ay nakipagtulungan sa mga archeologists at anthropologists
upang lubos na maging malinaw ang mga pangyayari sa
nakalipas.
• Ayon sa mga sinaunang kasulatan, sinasabi
na halos 2,000,000 na mga Persians ang
lumusob sa Gresya at nakasagupa ng 300
Spartans sa Thermopylae.
• Gayunpaman iba ang sinasabi ng mga
archeologists, ayun sa kanila, “ang mga
archeological evidence” ay nagsasabing isa
itong “exaggeration” ang realistic na
number lamang ay 70,000-100,000 na mga
Persians.
• Sa pamamagitang ng pagtutulungan ng mga ekspertong ito,
nagkakaroon tayo ng isang malinawa na larawan ng ating
nakalipas, kung saan maraming aral an gating natutuhan.
• Ngunit may kulang pa sa listahan, ang inyong mga guro sa Araling
Panlipunan. Ang mga guro ng Araling Panlipuan ang nagiging mga
tulay ng mga impormasyon na nakalap ng mga archeologists,
anthropologists, at historians patungo sa inyong na mga mag-aaral.
• Ang inyo guro sa Araling Panlipunan ay hindi lamang isang guro,
isa din siyang taga pag-ingat ng kasaysayan.
Ebolusyong Kultural: Ang Panahon ng Bato

• Ang kasaysayan ng tao ay nagsimula ilang milyon na ang


nakalipas, nang damputin ng pinaka-una nating ninuno
ang kapitasong bato at ginamit niya ito bilang isang
kasangkapan.
• Gaano na ba kalayo ang pamumuhay ang ating pinaka-
unang ninuno kumpara sa ating kasalukuyang
pamumuhay?
Pamumuhay noong Panahon ng Bato
• Ang paraan ng pamumuhay ng tao ay dumaan sa proseso ng
pagbabago at pag-unlad, upang makiayon sa pagbabago ng ating
kapaligiran. Ang prosesong ito ay tinatawag na Ebolusyong
Kultural.
• Ang Ebolusyong Kultural ay nahahati sa tatlong yugto, ang
Paleolitiko, Mesolitiko at Neolitiko. Ang mga yugto ng ebolusyong
kultural ay ipinangalan sa pangunahing kagamitan na kanilang
ginagamit- ang “Bato”.
Panahong Paleolitiko
• Ang Panahong Paleolitiko ay
nagsimula noong 2.5 Milyon BCE-
8,000 BCE.
• Ang salitangPaleo litiko ay nagmula sa
pinagsamang salitang griyego na
“Palaios” na ang ibig sabihin ay luma
at “Lithos” na nangangahulugang
bato.
• Ang mga unang tao noong Paleolitikong panahon ay
lubos na umaasa sa kanyang kapaligiran para sa
kanyang pagkain, paninirahan at iba pang
pangangailangan.
• Ang kanilang kabuhayan ay pangangaso at
pangangalap.
• Ang mga kalalakihan ang nagsasagawa ng
pangangaso, samantala ang mga kababaihan naman
ang nag-aalaga ng mga bata at nangangalap ng mga
prutas at gulay.

You might also like