You are on page 1of 25

PANANALIKSIK SA ARALING PANLIPUNAN

ISANG PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG


KONTEMPORARYONG
ISYU NA MAY KINALAMAN SA SULIRAINING
PANGKAPALIGIRAN
PANANALIKSIK SA ARALING PANLIPUNAN

Isang pananaliksik na ihaharap kay

G. Vergil Ybañez, LPT


Guro sa JHS Araling Panlipunan

Bilang Pagtupad sa Pangangailangan ng Aralin sa Pananaliksik sa


Asignaturang Araling Panlipunan: Kontemporaryong Isyu

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGKOL SA


PANANALIKSIK (ARALING PANLIPUNAN)

1
PAGPAPASALAMAT

Kami ng aking kapareha ay buong pusong nag-papasalamat sa mga


naging parte ng pag-aaral na isinagawa.

Sa panginoong diyos na makapangyarihan sa lahat, siyang nagbigay ng


determinasyon at kalakasang loob sa tuwing kami’y nangangailangan ng
gabay at kalinga.

Sa aming minamahal na guro sa Araling Panlipunan na si Ginoong Vergil


Ybañez na nagbigay-daan upang maisagawa ang pananaliksik na ito,
siyang nagbigay patnubay at nagbigay ng kanyang kaalaman.

Sa mga kusang nagbahagi ng kanilang karanasan at impormasyon para sa


pag-aaral na aming isinagawa, silang naglaan ng kanilang oras upang
kami’y matulungan.

Muli, kami’y buong pusong nag-papasalamat sa mga naging bahagi ng


makabuluhang pananaliksik na ito.

Razelle Reighne Sarino

Adrian Enriquez

2
DAHON NG PAGTITIBAY

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang

ISYUNG PANGKAPALIGIRAN: MGA SANHI AT BUNGA NG GLOBAL


WARMING AT SOLUSYON UKOL RITO

Inihanda mula sa paaralan ng Neville Learning School nina

Razelle Reighne D. Sarino

Adrian B. Enriquez

Bilang bahagi ng katuparan sa proyekto ng asignaturang Araling


Panlipunan sa baitang 10 ng JHS.

Ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa isa sa


pangangailangan ng asignaturang Araling Panlipunan: Kontemporaryong
Isyu sa baitang 10 ng JHS sa taong pang-akademiko 2023-2024.

G. Vergil Ybañez, LPT


Guro

Gng. Janith Montalban, LPT M.A. Ed.


Punong-Guro

3
TALAAN NG MGA NILALAMAN

PAMAGAT 1
PASASALAMAT 2
DAHON NG PAGPAPATIBAY 3
TALAAN NG MGA NILALAMAN 4

KABANATA I

INTRODUKSYON 5
KAHALAGAHAN NG PAGAARAL 6
PAGLALAHAD NG SULIRANIN 7
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL 8
TERMINOLOHIYA 9-10

KABANATA II

METODOLOHIYA AT PAGLALAGANAP NG DATOS 11-12


PRESENTASYON NG DATOS (SERBEY) 13-14
DATOS NG SERBEY 15-16
PRESENTASYON NG DATOS (PAKIKIPANAYAM) 17-18

KABANATA III

LAGOM 19
REKOMENDASYON 20-21
KONKLUSYON 22
TALAAN NG MGA PIGURA 23-24
TALAAN NG MGA SANGGUNIAN 25

4
INTRODUKSYON

Ang ating mundo ay marami nang kinakaharap na problemang


pangkalikasan mapa-problema man yan sa lupa, tubig at pati narin sa
himpapawid at isa rito ang suliranin sa global warming.
Ano nga ba ang Global Warming? Ito ang pag-init ng ating mundong
ibabaw na kadalasang bunga ng mga greenhouse gases na galing sa
pagsusunog ng mga fossil fuels. Ang iba pang mga sanhi nito ay ang mga
ginagamit natin sa araw araw na transportasyon, pati narin ang
pagpuputol ng mga puno at electricity generation. Ang mga epekto ng
kakila-kilabot na problemang ito ay mga pagtunaw ng glaciers sa mga
polar regions, pagtaas ng sea level, pagkawala ng tirahan ng mga hayop,
health risks at iba pa.
Ito ay isa lamang sa mga isyung pangkapaligiran na pinag-aaralan ng
mga siyentista upang masolusyunan. Mga paraan upang masolusyunan ito
ay tamang paggamit ng kuryente, pagsakay sa mga alternatibong pang-
transportasyon na di naglalabas ng nakakasamang usok o paglalakad,
pagsasagawa ng tatlong R (reduce, reuse, recycle), pag-Sali sa mga
organisasyon na layuning magsagawa ng mga proyekto na makakatulong
sa ating kalikasan, atbp.

5
KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
Ang kahalagahan sa sinasagawang pananaliksik ay ang mga sumusunod:
Para sa mga estudyante
Mahalagang mabasa ito ng mga estudyante nang mamulat sila at
malaman kung ano nga ba talaga ang sanhi ng sobrang init na panahong
dinaranas natin at para na rin sila’y makatulong sa pagpuksa ng
problemang ito.
Para sa mga guro
Launin ng pananaliksik na ito na matulungan ang mga guro sa pagtuturo
ng isyung ito at nang epektibong mapakalat ang impormasyong nakalakip
rito.
Para sa mga susunod na mananaliksik
Ito ay kanilang magiging batayan at gabay patungo sa pag-gawa ng
makabuluhang pananaliksik na may hangaring makatulong sa
departamento ng edukasyon ukol sa mga paksang ganito.
Para sa komunidad
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong at maaaring makapagsimula ng
mga organisasyong may mga layuning mapapabuti sa komunidad.

6
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Dahil nga sa Global Warming ay maraming naaapektuhan. Kasama na


riyan ang mga hayop, halaman at tayong mga tao na may kasalanan rin
ng mapaminsalang isyung pangkapaligiran ito. Tulad ng mga nabanggit sa
panimula, ang mga suliraning naidudulot nito ay ang pagtunaw ng mga
glaciers sa polar regions na dahilan ng pagkawala ng mga tirahan ng mga
hayop na naninirahan rito at uuudu pagtaas na rin ng sea level na ang
labas ay ang paglubog ng mga lupain na tinitirhan na din natin. Isa pa sa
mga problemang kakaharapin natin dahil sa Global Warming ay sobrang
pag-init ng panahon at health risks tulad ng Asthma, heatstroke at
respiratory diseases ayon sa united nations. Ayon din sa united nations ay
marami nang namatay sa mga sakit na dulot ng global warming na
mahigit sa 150,000 bawat taon.
Di lang yun kundi naaapektuhan din nito ang mga patanim ng mga
magsasaka sanhi ng “El Niño”.
Ilan lang ang mga ito sa pinagtutuunan talaga ng pansin at pinag-aaralan
ng mga siyentista ukol sa suliraning dala ng Global Warming.

7
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa karanasan ng mga piling mag aaral


sa Ika-sampung baitang sa sa Paaralang Labas Neville Learning School.
Ang Pagaaral na ito ay tungkol sa kung ano ang mga sanhi, bunga at
solusyon ng isyu sa Global Warming. Dahil sa problemang nararanasan ng
lahat sa ngayon maraming nagbago at kabilang na dito ang mga
nararanasan ng mga tao at mga hayop dati kaysa ngayon. Ang layunin ng
mga mananaliksik sa pagaaral na ito ay upang malaman ang mga
karanasan ng mga estudyante at kung paano nila ito nalampasan at
nakayanan.
Ang limitasyon ng pag-aaral na ito ay hanggang dalawang (2) mag-aaral
lamang ito ay sapat na upang malaman ang impormasyong nais malaman
ng mga mananaliksik, ang pag-aaral ay magsisimula sa buwan ng
Setyembre 2023 at matapos sa buwan ng Abril sa taong dalawalang libo’t
dalawamput apat (2024).

8
TERMINOLOHIYA

Global warming
Ang biglaang paginit ng ating mundo na matagal na natingpinoproblema.
Eto ay may bunga, sanhi at solusyon.

Greenhouse gases
Mga gases na nag-bibihag ng init sa ating atmospera.

Fossil fuels
Mga natural na galing sa kailaliman ng crust ng mundo na sinusunog
upang mag-labas ng enerhiya. Naglalaman ng carbon at hydrogen at ito
ay ang uling at mga langis.

Transportation
Ang paglipat ng mga goods at ng tao mula sa isang lugar papunta sa isa
pa.

Electricity generation
Proseso ng pag-likha ng enerhiya na ating ginagamit sa pang-araw-araw.

Glaciers
Mga malalaking tipak ng yelo na halos kasing-sukat na ng mga bundok.

Polar regions
Mga rehiyon sa ating mundo na balot ng yelo

Reuse
Ang paggamit uli ng mga bagay na nagamit na

Reduce
Ang pagbabawas at pag-hihiwalay ng mga basurang di na magagamit pa
tulad ng nabubulok at di-nabubulok.

Recycle
Ang pag-gawa ng may kwentang mga bagay gamit ang mga patapon ng
mga bagay/gamit na di na ginagamit at wala nang silbi.

Sea level
Ang sukat ng lebel ng tubig sa ating mga karagatan at dagat na
pumapalibot sa ating kalupaan
Asthma

9
Isang respiratory disease na nagbubunga sa pagkawala ng ating hininga
na para bang ito’y ating hinahabol.

Heatstroke
Ang sobrang pag-init ng ating katawan na dulot ng sobrang init na
panahon.

Respiratory diseases
Mga sakit na may kinalaman sa mga komplikasyon sa baga at paghinga.

United nations
Isang organisasyong nagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa pagitan
ng mga bansa na kasapi rito.

El Niño
ang sobrang panunuyo ng lupa

METODOLOHIYA AT PAGLALAGANAP NG DATOS


10
Ang aming grupo na binubuo ng dalawang miyembro ay ginamit ang
pamamaraan ng paggamit ng survey at pakikipanayam upang
makapagpalaganap ng datos. Sa pamamagitan ng Google Forms sa
serbey, kami’y nakakuha ng mga impormasyon at mga karanasan base sa
mga taong nagsagot nito ukol sa issue ng global warming. Inilahad naman
ng mga aming nakapanayam ang kanilang mga sagot at opinyon sa mga
katanungang aming nabanggit habang isinasagawa ang pakikipanayam.
Ang mga nandito ay ang pinagsama-samang mga sagot na aming
nakolekta na inilahad. Mga di pinagkait na opinyon na nakabatay sa
kanilang sariling karanasan din ukol nga sa isyung pangkapaligiran na
tinatawag na Global Warming.

Ayon sa aming mga isinagawang paglaganap,


Dapat na ngang masolusyunan ang problema ng global warming dahil
ramdam na ramdam na nga ang di normal na init na nararanasan natin
dito. Maraming ding may alam at kamalayan na ito’y nakakasama hindi
lang sa kalusugan nating mga tao ngunit pati narin sa mga likas na tirahan
ng mga hayop tulad ng mga arctic animals pero may iilan rin na walang
pakialam.

Bilang isa ring komunidad, ayon parin sa datos na aming nakolekta ay di


gaanong napapalaganap ang mga impormasyong dapat malaman ng mga
tao ukol sa usaping ganito. Ang mga rason na sa tingin nila ay ang dahilan
ay baka wala talaga silang alam o wala silang pakialam. Patunay na
mayroon talagang mga ignorante at mga piniling magbulagbulagan sa
panahon na malapit nang matunaw ang mundo sa sobrang init na epekto
ng mga gawain din nila. Sabi rin nila ay wala silang mga alam na
organisasyong naglalayon na maibsan at umaasang masolusyunan ang
isyung pangkapaligiran na ito kaya di rin sila makasali kahit gusto nila at
bilang mga magaaral ang nakasagot sa aming serbey ay unti at maliit
parin ang mga maiaambag nila sa paglutas ng problemang ito. Ang
kanilang magagawa lamang ay sumunod sa mga patakaran na
ipinapatupad na may koneksyon sa global warming at simpleng paggamit
lang ng transportasyon na di naglalabas ng usok. Alam naman natin na
kahit gaano karami ang gustong masolusyunan ang problemang ito ay
mas marami parin ang magbulagbulagan dito.

Sa aming pakikipanayam naman ay marami sa kanila ang nagsabing may


mas malaki pa raw silang problema kaysa sa paglutas ng isyung
pangkapaligiran na ito katulad ng paghahanap ng pera pangtustos para sa
kanilang pamilya, pati narin ang problemang kanilang kinakaharap sa
kanilang trabaho at lipunang ginagalawan. Nabanggit din nila na katiting
lamang ang kaalaman nila ukol dito at walang alam kung paano

11
makatulong. Ayon man ito sa nakakarami ay mayroon parin namang may
alam kahit unti.

Dapat nga talagang makapagpalaganap pa tayo ng mga impormasyong


makakatulong sa ating komunidad na maimulat ang kanilang mga mata at
di dapat tayo’y magbulagbulagan pa sa kadahilanang walang maidudulot
na maganda ang patuloy na pagtunaw ng glaciers at matinding init na
epekto ng katakot-takot na problemang ito. Ito ang aming nakikitang
sanhi kung bakit tayo hindi nakakatulong sa mga labang hinaharap ng
kakaunti sa atin.

12
PRESENTASYON NG DATOS

Amin ngayo’y hinaharap ang mga datos na aming mga nakuha sa serbey
na aming isinagawa.
May kamalayan ka ba sa mga polisiya at batas na ipinapatupad upang
malutas ang global warming?
“Mayroon kahit kakaunti at ito’y aking sinusunod naman dahil gusto kong
makatulong sa pagbabawas ng problema”.
Nakikiisa ka ba sa mga organisasyon na naglalayong magpakalap ng
impormasyon tungkol sa mga isyung ating kinakaharap tulad ng global
warming? Ipaliwanag.
“Hindi pa dahil wala akong alam na mga organisasyong nagsasagawa at
naglalayong magpakalap ng impormasyon na tungkol sa usaping ito. Kami
rin ay bata pa at hindi pa makakasali sa mga ganito dahil kami’y may mas
mahalagang responsibilidad tulad ng pagaaral”.

Napapalawak ba ang kaalaman sa inyong komunidad tungkol sa mga


isyung ating kinakaharap tulad ng global warming?

“Hindi dahil sa tingin namin ay wala silang pakialam. Wala silang binibigay
na kahit flyers man lang na makakapagsabi at magbibigay kamalayan sa
amin kung ano nga ba talaga ang nangyayari”.

Sa tingin mo ba huli na ang lahat para masolusyunan pa ang isyu ukol sa


global warming? Ipaliwanag.

“Sa tingin namin ay hindi pa at mayroon pang pagasa pag tayo ay


nagtulong tulong. Kapag tayo rin ay may ginagawa kahit paunti-unti lang
ay malaki na ang matutulong nito at baka mayroon pa tayong hinaharap
pag ang gawaing ito ay nagpatuloy”.

In a scale of 1 to 10, gaano nakakaapekto sa iyo at sa iyong komunidad


ang global warming? Ipaliwanag kung paano ito nakaapekto.

“Hindi bababa sa 5, ramdam na ramdam yung init ng araw kahit na dapat


ay malamig. Hindi kami makakilos at makapagtrabaho ng maayos sa
ganitong init ng panahon, pati na rin ang mga sakit dulot nito tulad ng
heat stroke at sobrang pagpapawis”.

Ang aming serbey na may sampung mga katanungan at isinagawa ay


pinasagutan sa mga taong may kaalaman ukol sa isyung aming
tinatalakay noong ika-labing apat ng Enero, taong dalawang libo’t
dalawang daan at dalawangpu’t apat. Ang link ng serbey ay ipinakalat at

13
ipinadala sa pamamagitan ng Messenger. Makaraan ang limang araw,
labing-tatlong katao ang nagbigay ng kanilang mga sagot at pananaw sa
usaping ito. Halos lahat ng mga sumagot ay mga mag-aaral pa lamang
ngunit may kaalaman na sa global warming.

DATOS NG SERBEY

14
15
PRESENTASYON NG DATOS

Amin ngayo’y hinaharap ang mga datos at opinyon na aming mga nakuha
sa pakikipanayam na aming isinagawa.
Ikaw ba ay nababahala sa isyung pangkapaligiran na tinatawag na global
warming? Ipaliwanag.

“Oo dahil mainit sobra at baka pa ito’y mas lalong lumala kapag hindi
naagapan. Ang mga epekto rin nito ay nakakabahala tulad ng pagtunaw
ng mga glaciers na makakapagpataas ng sea level at dahil dito ay
babahain ang mga mababang lugar na maaaring tinitirahan ng mga libo
libong tao”.
Anong iyong mga nagagawa upang makatulong sa problema na ito?

“Lagi naman akong nagtatapon ng basura sa basurahan at di gaanon


kadalas gumamit ng mga transportasyong naglalabas ng usok. Sa tingin
ko ito’y nakakatulong sa paglutas ng global warming”.

16
May alam ka ba sa global warming?

“Bagamat unti lang, alam kong ito’y nakakasama sa ating kalusugan at


ang dahilan bakit sobrang init”.

Importante ba para sa iyo na solusyonan ang problemang ganito?

“Para sa akin, hindi siya ganoon kaimportante dahil may mas importante
pa akong responsibilidad na dapat gawin tulad ng paghahanap ng aming
pagkain sa araw araw. Kailangan kong buhayin ang aking pamilya a
tustusan ang kanilang pang araw araw na pangangailangan kaya hindi ko
masyadong iniintindi ang ganitong bagay”.

Sa iyong palagay, sapat ba ang iyong kaalaman sa mga isyung na tulad


nito?

“Siguro dahil ako’y walang masyadong pinag-aralan. Ang mga isyung


sinasabi mo ay di nga namin masyadong iniintindi at wala namang
nagpapakalap ng impormasyon tungkol sa mga ganitong bagay bagay”.
Ang aming pakikipanayam ay isinagawa noong ika-labing anim ng Enero
hanggang Ika-labing walo sa parehas na buwan, taong dalawang libo’t
dalawang daan at dalawangpu’t apat. Limang katanungan ang aming mga
tinanong sa limang kataong akala nami’y may kaalaman sa isyung
pangkapaligiran na ito. Iilan na rito ang mga tao sa baranggay at pati
narin ang aming mga kamag-anak na nakapag-tapos na. Kadahilanang sila
ay ang nakakatanda, diba dapat sila ang mas may alam tungkol dito? Sa
tingin namin, ang kakulangan sa kaalaman at kamalayan ay isa ring
suliraning kailangan munang lutasin bago talaga masolusyunan ang global
warming.

17
LAGOM

Ang naging proseso ng aming pananaliksik na may layuning matukoy ang


problema at sanhi ng Global Warming at maibahagi ng mga mananaliksik
ang mga solusyong aming napagtanto ay ang sumusunod:

Una, kami’y nagsimula na maghanap sa internet ng mga websayt na


makakatulong sa amin upang malaman kung ano nga ba ang Global
Warming at mga sanhi ng nabanggit na problema. Bilang nagsasalita rin
mula sa aming karanasan, masasabi namin na ang global warming ay isa
ngang seryosong paksa na dapat nang masolusyunan dahil sa mga naging
at magiging epekto nito.

Ang pangalawang hakbang na aming isinagawa ay ang pagkakalap ng


mga impormasyon at datos sa pamamagitan ng mga serbey gamit ang
google forms at pakikipanayam. Sa serbey, mayroong labing-apat (14)

18
rumesponde sa aming ipinadalang link at sumagot. Pagdating naman sa
pakikipanayam, lima (5) ang aming nakausap. Ang mga datos na aming
nakuha ay aming ipinagsama-sama upang mabuo ang presentasyong
amin ngayong i-prinepresenta at sa pamamagitan ng mga ito, kami ay
naka-buo ng mga solusyon at rekomendasyon na sa tingin namin ay
makakatulong sa paglutas ng isyung pangkapaligiran na ito.

REKOMENDASYON

Para sa pamahalaan:

Aming ni-rerekomenda na dapat mas marami pang proyekto ang kanilang


isagawa na makakatulong sa ating inang kalikasan bilang sila ang
nakakataas at sinusunod ng mga mamamayan sa isang bansa. Dapat din
na ang pag-sasabisa ng kanilang mga batas na may kinalaman sa usaping
ito ay mas lalong paigtingin. Ang pag-gamit din ng mga propaganda tulad
ng mga commercials na mapapanood sa lahat ng mga telebisyon at pag-
lathala ng mga impormasyong ito sa mga dyaryo at sa social media ay
malaki ang maiaambag.

Ang problema sa Global Warming ay dapat talaga nilang mas sineseryoso


bilang ito ay isa sa mga pwedeng maging dahilan ng katapusan ng
‘sangkatauhan.

19
Para sa komunidad:

Sa lipunang ating ginagalawan ay di na natin mapagkakailang


nagbubulag-bulagan ang karamihan sa mga isyung pangkapaligiran. Sa
kadahilanang ito, aming ni-rerekomenda na magbahagi ng kaalaman ukol
dito sa ating komunidad sa pamamagitan ng mga seminar at mga flyers
na ipapamahagi sa mga tao rito. Dapat din na sila’y magpatupad ng mga
patakarang malaki ang multa upang di sila magtangkang sumuway dito.
Sa tingin namin, ang mga paraan na ito ay magiging epektibo at kalauna’y
magiging kasanayan na ng maraming tao.

Para sa paaralan:

Mahalagang ating tinuturo sa mga estudyante ang mga napapanahon isyu


(pangkapaligiran) tulad nito sa kadahilanang upang kanilang mabatid ang
masaklap na kalagayan ng ating inang kalikasan. Dapat rin na sila ay
hikayatin na gawing mga gawi ang mga maliliit na bagay na malaki ang
magiging epekto sa paglutas ng problemang ito tulad ng tamang
pagtatapon ng basura o segregation, paggamit ng mga transportasyong di
naglalabas ng usok tulad ng bike. Isa rin sa mga bagay na maaaring
alternatibo ay ang paglalakad. Isa pang paraan ay ang pagkakalat ng mga
impormasyon ukol dito sa isang kaganang-ganang paraan. Ang mga ni-
rekomendang ito ay malaki ang magiging ambag sa hinaharap.

Dito natin mapapagtanto na kahit sobrang liit na bagay lamang ang


ginagawa ay malaki ang maitutulong sa pagpuksa sa isyung ito na
matagal na nating pinoproblema.

20
KONKLUSYON

Ang Global warming na isa sa mga i-kinakabahalang problema ng mga


siyentista bagamat marami pa rin ang pinapairal ang pagiging ignorante sa
paksang ito ay matagal nang nakaka-apekto sa ating mga tao, pati narin
sa mga hayop at halamang naninirahan sa mundo. Kahit na matagal na
nating alam ang nagiging sanhi nito ay patuloy parin ang pagsasagawa ng
mga tao rito. Ang mga karanasan at kaalamang binahagi ng mga taong
aming nakapanayam ay patunay lang ng aking mga nabanggit kanina.

Ang paglutas sa isyung ito ay makakamit lamang kung lahat ng tao ay


magtutulungan at ang pagbabago ay nagsisimula sa iisang indibidwal
lamang. Sa sarili mo. Ang pananaliksik sanang ito ay makatulong at
makapag-bukas ng mga isipang bulag pa sa katotohanang di nila kaya ng
harap-harapan.

21
TALAAN NG MGA PIGURA

Pakikipanayam ni Adrian kasama ang kanyang kuya

22
Isang poster na ni-post ng pamahalaan ng GMA, Cavite

Nakuhanang traffic sa Cavite

23
El niño sa Cavite

TALAAN NG MGA SANGGUNIAN

https://earthobservatory.nasa.gov/features/GlobalWarming

https://www.un.org/en/climatechange/science/causes-effects-climate-
change
https://www.nrdc.org/stories/how-you-can-stop-global-warming

https://www.un.org/en/chronicle/article/health-effects-global-warming-
developing-countries-are-most-vulnerable
https://education.nationalgeographic.org/resource/el-nino/

24
https://www.nationalgrid.com/stories/energy-explained/what-are-
greenhouse-gases#:~:text=Greenhouse%20gases%20(also%20known
%20as,heat%20back%20into%20the%20air.

https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/fossil-fuels/

https://www.britannica.com/technology/transportation-technology

25

You might also like