You are on page 1of 4

32

Kabanata 5

LAGOM, MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay ang pagbuod ng resulta ng pag-aaral at presentasyon ng

konklusyon at rekomendasyon batay sa mga natuklasan.

Lagom

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang matuklasan ang mga pananaw

ng mga mag-aaral sa unang antas ng tersyarya ng inhinyerong sibil ng Eastern Visayas State

University patungkol sa isyu na Global Warming.

1. Ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral patungkol sa isyu na Global Warming?

2. Ano ang mga salik na higit na nagdudulot ng pagkakaroon ng Global Warming?

3. Makakatulong ba ang mga kabataan sa pagsugpo ng problemang Global Warming?

4. Ano ang mga bagay na isinaalang-alang ng mga mag-aaral sa pagsugpo ng Global

Warming?

Batay sa mga suliranin na inilahad sa pag-aaral na ito, tiniyak ng mananaliksik ang

ipotesis sa ibaba.

1. May iba’t ibang pananaw ang mga mag-aaral sa unang antas ng tersyarya ng inhinyerong

sibil ng Eastern Visayas State University patungkol sa isyu na Global Warming o ang pagka-

init sa mundo. Ang deskriptibong disenyo ay isang siyentipikong paraan na kung saan kasali

ang pag-obserba at paglalarawan ng sitwasyon o kaugalian ng isang paksa nang hindi

naiimpluwensyahan ito sa anumang paraan. Ito ay tumutukoy bilang isang paraan ng

pananaliksik na naglalarawan sa mga katangian ng populasyon o kababalaghan na pinag-

aaralan na ang “Global Warming”. Ang disenyong ito ay higit na nakatutok sa "kung ano"

ang paksa ng pananaliksik kaysa sa "bakit" ng paksa ng pananaliksik. Sa ibang salita, ang

deskriptibong disenyo ay pangunahing nakatuon sa paglalarawan sa kalikasan ng isang


33

bahagi ng demograpiko. Deskriptibong disenyo ang ginagamit sa pananaliksik na ito dahil ito

ay ginagamitan ng sarbey form para makakuha ng mga resulta galing sa mga katanungang

nagawa ng mga mananaliksik. Batay sa naipahayag ng mga respondante, napag-alaman na

ang mga kasagutan ng mga katanungan sa sarbey at naipahayag ng mga respondante ang mga

katanungan. Ang pagsusuri ay ginawa para malaman kung anong salik ang higit na

nagdudulot sa pagkakaroon ng Global Warming, mga bagay na dapat isaalang-alang para

matugunan ang problemang ito, makakatulong ba ang mga kabataan upang masulosyonan

ang Global Warming at ang iba pang mga kasagutan para sa mga datos sa isinagawang

pananaliksik.

Ang pag-aaral ay ginawa sa pamamagitan ng online na sarbey. Ang kasangkot ay ang

mga mag-aaral sa unang antas ng tersyarya ng Bachelor of Science in Civil Enginnering

(BSCE) ng Eastern Visayas State University sa panuruan ng ikalawang semestre 2021-2022.

Ang istatistikal tritment na ginamit para masuri ang mga datos, ay gumawa ang mga

mananaliksik ng mga katanungan sa google form para sa isinagawang sarbey para sa mga

respondante para makakuha ng mga opinyon at ang pananaw nila sa Global Warming at para

makalikom ng mga resulta para sa mga datos ng mananaliksik.

Mga Natuklasan

Batay sa nalikom na datos sa pag-aaral na ito, ang sumusunod ang mga natuklasan:

1. Ang mga dahilan kung bakit may Global Warming ay dahil sa polusyon sa hindi malinis na

kalsada, pag sunog ng mga plastic, pag-putol ng mga kahoy at hindi pagtanim ng kapalit sa

pinutol na kahoy, greenhouse effect, pagdami ng mga sasakyan, pagtaas ng populasyon,

pagtaas ng antas ng teknolohiya.

2. Ang magiging kondisyon ng ating kapaligiran sa susunod na henerasyon sa pagkakaroon

ng Global Warming ay magiging malala dahil sa mga tao, mga kabataan ngayon ay wala
34

nang mga disipilna, hindi na nila pinahahalagahan ang kalikasan at kung ano na ang

magiging sitwasyon sa ating mundo. Wala nang pake ang mga tao, kahit sa mga henerasyon

ay hindi na nila binigyan ng respeto ang kalikasan at hindi na nila pinahahalagahan ang kung

anong merong kayamanan ng ating mundo at dahil na rin sa pag angat ng teknolohiya.

3. Bilang kabataan ng lipunan, makakatulong sila at kasali na ang mga mananaliksik na

masolusyunan ang Global Warming.

4. May iba’t ibang pananaw ang mga respondante patungkol sa suliraning Global Warming.

May mga respondante ang nagsasabing hindi na masusolusyuunan ang Global Warming, may

iba naman na nagsasabing masusolusyunan pa raw ito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga

punong kahoy, paggamit ng Eco bag sa halip ng paggamit ng mga plastik, limitahan ang

pagbebenta ng mga sasakyan, ipatupad ang 3-Child Policy sa bansa para hindi tataas ang

populasyon ng mundo, na dapat turuan ang mga anak na bigyang halaga ang kalikasan dahil

ito ay nagbibigay ng buhay sa mga taong namumuuhay.

Konklusyon

Mula sa resulta ng ginawang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng

konklusyon na:

Una, masasabi ng mga mananaliksik na batay sa resulta, matindi ang pagkakaroon ng

suliranin na Global Warming dahil mahirap itong masusolusyunan lalong-lalo na ngayon na

ang mga tao ay nawawalan na ng disiplina at pagpapahalaga sa kapaligiran o sa ating mundo.

Pangalawa, ang dahilan kung bakit may Global Warming ay lahat kagagawan ng mga

tao lamang. Polusyon sa hindi malinis na kalsada, pagsunog ng mga plastik, pagputol ng mga

kahoy at hindi pagtanim ng kapalit sa pinutol na kahoy, greenhouse effect, pagdami ng mga

sasakyan, pagtaas ng populasyon, pagtaas ng antas ng teknolohiya ay lahat kagagawan ng

mga tao.
35

Panghuli, kahit mahirap solusyunan ang Global Warming, marami pa ring

nangangarap na masusolusyunan ito sa tulong ng mga kabataan ngayon dahil maaaring

maipasa nila ang disiplina at pagpapahalaga sa mga bagay sa susunod na henerasyon.

Rekomendasyon

Batay sa resulta ng ginawang pananaliksik, masinsinang inerekomenda ang mga

sumusunod:

1. Inerekomenda ang pagamit ng Eco bag sa halip na plastik para maiwasan ang pagkasira ng

Ozone Layer lalong lalo na’t sa mga tao na hilig magsunog ng mga ito.

2. Dapat na malimitahan ang pagpapayag ng pagbenta ng mga sasakyan para mabawasan ang

paggawa ng greenhouse gasses na makakasira sa ating atmospera. At dapat na talagang

ipapatupad na ang 3-Child Policy para kontrolado ang populasyon sa bansa at sa mundo.

3. Dapat turuan ng mga magulang ngayon sa kanilang mga anak na dapat bigyang halaga ng

ating kalikasan at sa mga bagay na kung anong meron tayo ngayon bago pa magsisi.

4. Inerekomenda na lahat ng mga tao sa mundo na dapat magtanim ng mga punong kahoy

buwan-buwan para magkaroon ulit ng preskong hangin at masolusyunan ang Global

Warming.

You might also like