You are on page 1of 6

KONSEPTONG

PAPEL
(KAHULUGAN AT MGA BAHAGI)
GROUP 5 - ABM 103

MGA PAKSA:

 Kahulugan ng Konseptong Papel


 Mga bahagi ng Konseptong Papel
- Pahinang nagpapakita ng Paksa
- Kahalagahan ng gagawing pananaliksik (Rationale)
- Layunin
- Metodolohiya
- Inaasahang output o resulta
- Mga Sanggunian

MGA TAGAPAG-ULAT

 Venus Arwen Austria


 Jad Emman Avillano
 Coline Ann Dizon
 Mandy Mae Gidacan
 Aevria Pinca
 Vanessa Tuazon
 Alice Christian Dumlao
 Kenji Lee Tan
Group 5 (KAHULUGAN AT BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL)
Members: Venus Arwen Austria, Jad Emman Avillano, Mandy Gidacan, Alice Christian Dumlao,
Aevria Pinca, Vanessa Mae Tuazon, Kenji Lee Tan, Coline Ann Dizon

KAHALAGAHAN NG KONSEPTONG PAPEL


KONSEPTO (AUSTRIA) - Bilang panimulang gawain sa pananaliksik, mahalagang paghandaan
ang pagbuo ng isang konsepto. Ang konsepto ay isang plano na nagpapakita kung ano at
saang direksyon patungo ang paksang nais pagtuunan.
KONSEPTONG PAPEL (GIDACAN) - Ang Konseptong Papel ay paunang proposal sa gagawin
mong pananaliksik. Kumbaga dito nakasaad yung iyong plano at gustong gawin para sa iyong
napiling paksa. Ayon pa kay (Constantino at Zapra) ang Konseptong Papel ay nagsisilbing
framework ng paksang tatalakayin. Ito rin ang pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa
ibig mong tukuyin, linawin at patunayan. Makatutulong ang konseptong papel upang lalong
magabayan o mabigyang-direksiyon ang mananaliksik lalo na kung siya’y baguhan pa lang sa
gawaing ito.

MGA BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL


1. PAHINANG NAGPAPAKITA NG PAKSA
- Narito ang tentatibong pamagat ng pananaliksik na ginagamit kung hindi pa nakatitiyak
sa magiging pamagat ng saliksik. Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang
ganap na naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito.
Halimbawa:
Epekto ng Global Warming: Isang Malaking Banta sa Seguridad
Tentatibong Paksa

Isinumite bilang bahaging pangangailangan sa asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik
Saan Iminungkahi ang Papel/Asignatura

Isinumite ni:
Maria Regina B. Atanacio
May Akda
Grade 12-Oxygen

Isinumite kay:
Prop. Rosemarie Tiongson
Guro

2020
Taon
2. KAHALAGAHAN NG GAGAWING PANANALIKSIK (RATIONALE) (DUMLAO)
- Dito pinapaliwanag ang pinagmulan ng ideya o kadahilanan kung bakit napili ng isang
mananaliksik ang paksa. Ang kabuluhan at ang kahalagahan ng paksa sa pananaliksik o
pag-aaral ay inilalahad sa puntong ito.
- Pinapaliwanag dito ang mithiin at ang layunin ng isang pananaliksik.
- Pinapaliwanag dito na iba ang pag-aaral na isasagawa ng mananaliksik kesa sa dati ng
nasaliksik.
Kung baga dito sa Rationale ay pinapaliwanag ang detalye kung ano ang kahalagahan ng
problema at bakit ito kailangang bigyan ng solusyon.
Halimbawa: (DIZON)
Isang malaking banta sa sangkatauhan ang paglala ng kalagayan ng mundo. Patuloy na
lumalaki ang populasyon ng tao kung kaya patuloy ring tumataas ang pagkonsumo at
pangangailangan ng enerhiya na karaniwang nagmumula sa mga fossil fuel. Dahil sa paggamit
ng fossil fuel pinalalala nito ang paginit ng mundo na nagbubunga ng pag-iiba-iba ng panahon.
Ang pisikal na epekto ng global warming tulad ng pagpapalit-palit ng panahon, at ang
potensiyal na impact nito sa seguridad ng mga bansa tulad ng mga bansang kabilang sa Third
World ay isang mahalagang usapin.
Isang mahalagang bahagi ng banta sa kapayapaan at seguridad ay ang posibleng
maganap na alitan sa mga border ng bawat bansang apektado. Ang patuloy na pagkatunaw ng
yelo na nagiging sanhi ng pagtaas ng bahaging tubig at unti-unting paglubog ng mababang
lugar na maaaring magbunga ng isang malaking pagbabago sa anyong lupa. Bunsod nito ang
unti-unti na ring paglubog ng mga baybayin na magreresulta ng pag-iiba ng shipping route.
Maaari ding maging suliranin ang pagbugso ng migration o pandarayuhan bunga ng paglikas
mula sa lugar na lumubog. May malaking epekto rin ito sa kabuhayan ng mga mamamayan lalo
na sa agrikultura. Magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain at sa mga pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayan.
Ang pagtutuunan ng konseptong papel na ito ay ang implikasyong panseguridad bilang
epekto ng global warming. Marami nang pag-aaral ang naisagawa tungkol sa global warming
sabalit ang pagiging banta sa seguridad ng isang bansa ay hindi pa ganap na napagtutuunan
ng pansin. Isang malawakang kampanya ang kailangang palaganapin sa pamamagitan ng
medium na maabot ang interes ng mga mamamayan. Mahihikayat ang mga kalahok na magsuri
at maghigay ng solusyon nang sa gayon ay hindi na umabot pa sa isang trahedya ang
pagsasawalang-bahala ng mga tao.
Nag pakalat ng questionnaire na naglalaman ng pinaka madalas na nagiging sanhi ng
global warming. Natutukoy dito kung ano ang mga dapat pagtuunan ng pansin dahil makikita sa
questionnaire kung ano ang opinion ng tao. Base sa opinion ng mga tao ang kanilang
impormasyon na binigay ay wag mag tapon ng basura kahit saan, suportahan at makialam sa
mga usapin ukol sa global warming, at magtanim at makilahok sa mga three planting activities.
Ang naging resulta nito ay napansin ng gobyerno ang suliranin ng global warming kung
kaya’t nagbuo sila ng organisasyon na naglalayon na maglinis ng kapaligiran at magtanim ng
puno at halaman upang masolusyunan ang global warming.

3. LAYUNIN (AUSTRIA)
- Ang layunin ay nakasaad dito yung iyong pakay o gusto mong matamo o gusto mong
makamit sa iyong isasagawang pananaliksik. Madalas na ginagamit dito ay yung mga
pandiwa na gagawin pa lamang.
Halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso: (AUSTRIA)

- mapahalagahan, masuri, matukoy, at malaman.

Bakit siya gagamitan ng mga ganitong pandiwa? (AUSTRIA)

- Kasi ang Konseptong Papel ay gagawin pa lamang kaya nararapat lang na gumamit ng
kilos na gagawin pa lang o isasagawa mo pa lamang at yung mga pahayag na
gagamitin dito ay yung gusto mong makamit o maabot ng iyong gagawing pananaliksik.
Halimbawa: (GIDACAN)

- Matukoy ang mga implikasyong panseguridad na dulot ng global warming.


- Makapaglahad ng mga alternatibong pamamaraan upang hindi lumalala ang epekto ng
global warming sa kabuhayan at teritoryal pag-aari ng isang bansa.
- Makabuo ng malawakang estratehiya upang mapigilan ang bantang maaaring bunga ng
global warming.
Paano bumuo ng layunin? (GIDACAN)
A. Nakasaad sa paraang ipinapaliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat
gawin at paano ito gagawin.
B. Makatotohanan o maisasagawa.
C. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring
masukat o patunayan bilang tugon sa mga tanong sa pananaliksik.

4. METODOLOHIYA (AVILLANO)
- Ito ay ang pamamaraan ng pagkalap ng mga datos o impormasyon sa pananaliksik na
kailangang masagot upang maging reliable, valid at kaaya-aya ang resulta ng isang
pananaliksik. Ito rin ay isang stratehiya o pamamaraan na ginagamit ng mga
mananaliksik upang mapatunayan at maipakita ang mga suliranin sa kanilang pag-aaral.
- Inilalahad dito ang pamamaraan na gagamitin ng isang mananaliksik sa pangangalap ng
datos na gagamitin sa pananaliksik. Maliban dito, inilalahad din dito ang paraang
gagamitin ng mananaliksik sa pagsusuri ng mga nakalap na impormasyon.
Pamamaraan sa pag sulat (AVILLANO)

- Ibigay ang overview ng metodolohiyang nais gamitin upang maisakatuparan ang


proyekto. Lahat ng mga makabagong lapit, teknik o mga proseso na maaaring gamitin.
- Siguraduhing magkaugnay ang mga layunin at metodo.
- llagay rin ang panahong nasasakupan ng gagawing pag- aaral at kailan ito inaasahang
matapos.
Halimbawa: (TUAZON)

- Magpapakalat ng mga questionnaire tungkol sa global warming. Magkakaroon din ng


mga panayam at forum sa mga awtoridad tungkol sa nasabing usapin. Sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng malawakang talakayan ay magkakaroon ang mga mamamayan ng
ganap na kaalaman tungkol sa napipintong panganib na dulot ng global warming.

5. INAASAHANG OUTPUT O RESULTA (PINCA)


- Ang maari at inaasahang resulta o kalalabasan ng pananaliksik o pag aaral sa isang
bagay ay dito makikita. Inaasahan lamang, ibig sabihin ay maaring maging iba ang
kalalabasan ng pananaliksik at ng inaasahan mong resulta.
Halimbawa: (TAN)

- Ang papel na ito ay isang panimulang hakbang sa pagtataguyod ng adbokasiya ng


pagpigil sa paglala ng global warming. Ito ay maglalaman ng mga datos na
magbabalangkas ng mga hakbangin upang maesolba ito. Ang lahat ng mahahalagang
datos na makakalap ay ilalathala. Ilalakip din ang resulta ng mga survey bilang
karagdagang pahina.

6. MGA SANGGUNIAN
- Ilista ang mga sangguniang ginagamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, ang
mga sangguniang maaaring magamit, at nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral.
Halimbawa:
https://www.joboneforhumanity.org/what_is_global_warming_sign_up?
gclid=CjwKCAjwmKLzBRBeEiwACCVihmwC1c6rwu0hP3gN3BSMXI15J9K7_dob5vlAqDjsGpH
YiPzWjYpodhoCXxYQAvD_BwE
https://warmheartworldwide.org/climatechange/?
gclid=CjwKCAjwmKLzBRBeEiwACCVihq_bf8IREBS7eSTqli6LB33TK0QrmN-
fN8P83c5oVwRfc9RuwhWr4BoCe9sQAvD_BwE
https://www.nationalgeographic.com/environment/global-warming/global-warming-overview/

You might also like